Prologue
"Yara, what's my schedule today?" Mabilis ko namang kinuha ang tablet ko na nakapatong sa lamesang kaharap ko para i-check kung anong schedule ni Ms. Cassidy ngayon.
"May photoshoot po kayo mamayang 9am at interview naman mamayang 11am."
Hindi naman na siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagtakbo sa treadmill. Bumalik na lamang ako kung saan ako naka-upo kanina at pinanood na lang siya.
I still can't believe na magiging personal assistant niya ako samantalang iniidolo ko lang siya noon. Hindi ko rin inaakala na sobrang bait niya, kasi ang sabi-sabi noon ay ma-attitude raw siya at sobrang sama ng ugali. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa mga basher, 'di ba? Puro paninira lang naman ang alam nila.
After niyang mag-exercise ay nagtungo na siyang shower room kaya tumayo na ako para isunod sa kaniya 'yong damit pang palit niya.
"What do you want for breakfast, my treat." Mabilis ko naman siyang nilingon. Ang bilis niya talagang mag-shower.
"Naku! Huwag na po, Ms. Cass." Tanggi ko.
"Why not?"
"Nakakahiya na po," mahinang tugon ko. Parati niya na lang kasi niya ako nililibre ng almusal eh.
"Oh c'mon, Yara, you have nothing to be ashamed of. We're friends, right?" Friends?! For real? Oh my gosh!
"A-Ahh, ehh..." kamot-ulo ko.
"Let's go!" Wala na akong nagawa nang hilain niya ako.
Kaya nang makasakay kami sa van ay sinabi na niya agad sa driver kung saan kami pupunta.
"What do you want?" Tanong nito habang nakatingin sa menu.
"Kahit ano na po."
"They don't sell 'kahit ano' here."
"I mean, ikaw na lang po ang bahala." Sagot ko na lang.
"Okay, sabi mo eh." Aniya at tinawag na ang waiter.
"One green salad and one ravioli." Agad naman itong sinulat ng waiter sa hawak niyang maliit na notebook.
"Is that all, ma'am?" Tumango naman si Ms. Cass.
"Oh, I almost forgot! I'll bring you sa party mamaya kaya after ng interview ay we will go to the mall para mamili ng dress." Aniya.
"Party? Kanino pong party?" Sunod-sunod kong tanong.
"Fifth anniversary kasi nina Zylene at Gordon."
"Baka naman po hindi ako welcome ro'n," mahinang sabi ko.
"What? Who told you? Listen, bago kita yayain ay nasabi ko na sa dalawa and they said p'wede naman daw kitang isama." Tugon naman niya. "Hep! Whether you like it or not, you'll come with me." At doon nagtatapos ang usapan. Hindi talaga ako makakahindi sa kaniya.
Hindi na kami nag-imikan dahil dumating na 'yong order naming pagkain. Pareho kaming tahimik na kumakain kaya nang matapos kami ay tinawag niyang muli 'yong waiter para bayaran 'yong kinain namin. At pagkatapos noon ay pumunta na kami ng studio para sa photoshoot niya.
Wala pang 10 ay natapos na siya sa photoshoot kaya naman niyaya niya muli ako sa coffee shop sa tapat lang ng studio.
"I hope mabilis lang 'yong interview later. I want to go shopping na eh," sabi niya saka sumimsim sa iced coffee niya.
"Sigurado ka na po bang isasama mo ako sa party mamaya?" Paniniguro ko.
"Of course! Kailan ba ako nagbiro?" Iling niya.
Sobrang suwerte ko naman at siya ang naging amo ko. Bukod sa maganda, mabait pa.
At nang mag-10:30 ay pumunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang interview. Wala pa masyadong tao noong dumating kami kaya mabilis kaming nakapasok sa loob.
"This way po, maam." Sinamahan kami ng isa sa staff papuntang dressing room para makapagpalit at makapag-retouch siya.
Saktong 11 nang mag-umpisa ang interview. Humanga ako nang sobra sa kaniya dahil nasasagot niya nang maayos 'yong mga ibinabatong tanong sa kaniya.
"Thank you." Matamis siyang ngumiti sa harap ng camera bago bumalik sa likod kung nasaan ako.
"I'll change first then after noon deretso na tayong mall." Hindi na lang ako sumagot. Hinintay ko na lang siya sa labas hanggang sa matapos siya.
~~~
"This one, I think bagay sa 'yo 'to since maputi ka naman." Tinapat niya sa akin 'yong dress na napili niya. Maganda naman siya pero sa tingin ko ay hindi ako magiging kumportable habang suot iyon.
Paano naman kasi paniguradong lalabas ang kaluluwa ko kapag suot ko iyon. Masyadong revealing 'yong dress!
"What's the problem?" Takang tanong sa akin ni Ms. Cassidy.
"Sigurado po ba kayong iyan ang isusuot ko?" Pag-aalangan ko.
"Why? I'm sure bagay sa 'yo ito," sagot niya habang namimili rin ng dress niya.
"Masyado po kasing revealing eh,"
"Hindi 'yan. Go, isukat mo na para makita ko kung sakto lang sa 'yo." Wala na akong nagawa kundi pumasok na lang sa fitting room upang isukat 'yong dress.
Ilang segundo akong nakatulala sa repleksiyon ko sa salamin. Ako ba talaga ito? Bumagay sa akin 'yong dress na napili ni Ms. Cassidy, but I'm still uncomfortable.
"Yara, are you done?" Dinig kong tawag niya sa akin.
"Y-Yes po, palabas na po ako." Sagot ko sabay hila pababa ng dress.
"Omg! You're so gorgeous, Yara!" She squealed.
"M-Maraming salamat po," nahihiyang sambit ko.
"Excuse me!" Pagtawag nito sa isang sales lady. "How much is this? I'll take it." Tanong nito.
Napantig ang tainga ko nang marinig ang halaga ng dress na suot ko. S-Seryoso, bentemil?! Partida isang dress lang ito ha.
"Ms. Cass, h-hindi ko po yata kayang tanggapin itong dress na ito." Ani ko nang makalabas kami sa boutique.
"Why not?" Tanong nito.
"Ang mahal po kasi ng presyo eh," mahinang tugon ko.
"Oh c'mon! Just take it, Yara." Napabuntong-hininga naman ako bago kunin sa kaniya 'yong paper bag na hawak niya. Nakakahiya man, tatanggapin ko na lang. At baka kasi magtampo pa siya eh.
Sinama niya ako sa bahay niya dahil may pupunta roong mag-aayos sa amin para mamaya.
"Ilang oras na lang ay darating na 'yong mag-aayos sa atin. So, be ready." Tinanguan ko na lang siya dahil hindi ko na magawang magsalita dahil sa kaba.
This is the first time na pupunta ako ng party. At party pa 'yon ng mga sikat na models.
"Quit ka muna sa pagiging P.A ko, okay? Call me Cass kapag nandoon tayo." Patuloy niya.
"Yes, Ms. Cass."
Nang dumating na 'yong mag-aayos sa amin ay wala na silang sinayang na oras at inayusan na kaagad kaming dalawa ni Ms. Cass.
"Wow! You look so gorgeous!" Bigla naman ako nahiya sa pagpuri niya.
"Mas maganda po kayo, Ms. Cass." Puri ko pabalik.
"Sus! I already know that. Anyway, go change na. I'm sure mas babagay 'yang make-up mo sa dress na binili natin." Tumango na lang ako at lumipat na ng ibang kuwarto para magpalit.
Sampung segundo akong napatitig sa repleksiyon ko sa salamin at hindi makapaniwala sa nakita. A-Ako ba 'to? Ibang-iba ako sa Yara na personal assistant ni Ms. Cassidy.
"Yara, are you done?" Napatingin ako sa pintuan nang kumatok si Ms. Cass.
Mabilis naman akong lumapit sa pinto upang ipagbuksan si Ms. Cass. Nanlaki ang mata niya nang makita ako.
"Oh my God, I don't know what to say." Aniya habang nakatakip pa ang kamay sa kaniyang bibig.
Napatingin naman ako sa kaniya. Kulang ang salitang maganda sa kaniya. Sobrang hot niyang tignan sa suot niya ngayon.
"Siguro kung payag ka lang maging model baka pinasok na kita sa agency kung nasaan ako ngayon." Ani pa niya.
"Okay na po sa akin ang pagiging personal assistant mo." Nakayukong sambit ko.
Bumuntong-hininga naman siya. "Let's go na, baka tayo na lang ang hinihintay ro'n eh," aniya at mahinang tumawa.
Sabay kaming bumaba at lumabas ng bahay niya. Pinagbuksan kami ng driver niya upang makasakay na sa loob ng sasakyan.
Sinabi na ni Ms. Cass sa driver kung saan kami pupunta kaya naman nagsimula na siyang mag-drive paalis.
Nang makarating kami sa hotel na pagmamay-ari ng kaibigan ni Ms. Cass ay agad na kaming pumasok sa loob. May lumapit sa aming dalawang matangkad na lalaki at sinamahan kaming pumunta sa bar nitong hotel.
"Cass! Omg, you're here na!" Humakbang ako paatras nang salubingin si Ms. Cass ng matalik nitong kaibigan na si Ms. Zylene.
"Of course! Hindi p'wedeng wala ako rito 'no!" Tugon naman ni Ms. Cass.
Napayuko naman ako nang tumama ang tingin ni Ms. Zylene sa akin.
"And who's this beautiful lady behind you?" Tanong nito.
"Oh, she's Yara." Sagot naman ni Ms. Cass.
"Your PA? Oh God, she's like a model." Ani nito.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Ms. Cass.
"Tulungan mo nga akong pilitin siyang mag-model," biro niya.
"Oo nga, bakit kasi PA ang pinili mo kung p'wede ka namang mag-model?" Tanong nito sa akin.
"Takot po kasi ako sa media eh, mas gusto ko po 'yong namumuhay ako nang tahimik." Tugon ko.
"Oh I see." Sabi niya at tumango-tango. "Let's go." Pag-aaya niya sa amin sa loob.
"Si Kamryn na naman ang huli?" Mayamayang tanong ni Ms. Cass.
"You know him naman eh, sobrang daming ginagawa." Sagot ng isa sa kaibigan nila.
Umupo na lang ako sa isang tabi habang si Ms. Cass ay masayang binabati ang kaniyang mga kaibigan.
Ilang oras pa kaming naghintay at sa wakas ay dumating na rin si Sir Kamryn. At dahil medyo madilim sa puwesto ko ay hindi niya ako makikita na nakatitig sa kaniya.
He's wearing a longsleeve na nakalislis hanggang sa siko niya. He's so handsome, kahit na medyo magulo 'yong buhok niya. Wala na akong masabi sa mukha niya. Kulang ang salitang 'perfect' sa kaniya. Sana maging kahawig or kamukha siya ng magiging anak ko in the future.
Since nakarating na si Sir Kamryn ay inumpisahan na nila 'yong party. Pinalipat ako ni Ms. Cass sa tabi niya at malapit iyon sa puwesto ni Sir Kamryn. Nagkatinginan pa muna kaming dalawa bago ako maka-upo.
Bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Kung may buhay lang siguro 'yong tingin niya, siguro ay wala na akong suot na kahit ano ngayon. Ako na ang umiwas ng tingin dahil mukhang wala siyang balak bumitaw sa pagkakatitig sa akin.
~~~
"Cheers!" Halata na sa boses ni Ms. Cass ang kalasingan. Pati ako ay medyo nahihilo na rin kahit na ilang baso pa lang naman ng alak ang naiinom ko.
Mariin akong napapikit nang maramdaman ang matinding hagod ng alak sa aking lalamunan. At nang magmulat ako ng mata ay parang mas tumindi ang nararamdaman kong hilo. Lumapit ako kay Ms. Cass upang bumulong.
"Mauuna na po ako sa room ko... hindi ko na po kasi kaya eh,"
"Okay, sige. Alam mo na ba kung saan 'yong kuwarto mo?" Tumango na lang ako kahit na ang totoo ay hindi ko pa talaga alam. Ako na ang bahalang maghanap mamaya.
Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila dahil sobrang busy sila sa pagtatawanan at pagkekwentuhan. Si Ms. Cass na ang bahalang magsabi sa kanila.
Pumasok na ako sa elevator at mabuti na lang ay may kasabay akong isang staff ng hotel kaya nagpatulong ako sa kaniyang hanapin ang room ko.
"Thank you, miss." Tanging ngiti na lamang ang itinugon niya sa akin bago umalis.
Pagpasok ko sa loob ay tinanggal ko na agad 'yong suot kong high heels at pumasok na sa CR para mag-shower upang mahimasmasan ako.
Saglit akong nagbabad sa bath tub bago magbanlaw at nang matapos ay nagsuot na lang ako ng roba dahil wala naman akong ibang damit na dala. At tanging undies ko lang ang sa suot ko sa loob.
Hininaan ko muna 'yong aircon dahil medyo nilalamig ako dahil sa suot ko. Pagkatapos noon ay nahiga na ako sa kama at ilang segundo muna ang lumipas bago ako dalawin ng antok.
Kinabukasan paggising ko ay sobrang sakit ng buong katawan ko. Napahawak naman ako ng bibig ko nang maramdaman kong nasusuka ako. Ayoko na uminom ulit!
Tatayo na sana ako nang mapagtantong wala ako ni-isang suot. Shucks! What happened last night?
Dahan-dahan naman akong tumingin sa lalaking katabi ko. Mahina akong napamura nang makitang katabi ko si Sir Kamryn sa kama. Ano ba naman, Yara! Anong ginawa mo?!
Dahan-dahan lang ang ginawa kong pagbaba sa kama dahil ayokong magambala ang pagtulog niya. Ilang beses naman akong napamura nang makaramdam ng sakit mula sa pagitan ng aking hita. Ganito ba talaga kapag first time? Darn.
Maluwag akong nakahinga nang makapagpalit ako ng damit at makalabas sa room ko. Chineck ko ulit kung tama ba 'yong napasukan kong room baka kasi namali iyong tinuro noong babae kagabi.
"Tama naman ang room number ko ah?" I whispered. Pero paanong napunta si Sir Kamryn sa kuwarto ko?
Umiling na lang ako at iika-ikang lumakad papuntang elevator. Inayos ko agad ang paglakad ko nang bumukas na ang elevator.
"Yara! Omg, sorry kung hindi kita nasamahan papunta sa room mo." Nakangusong salubong sa akin ni Ms. Cass.
"Ayos lang po... tsaka may tumulong naman po sa akin para hanapin ang room ko," mas lalo naman siyang ngumuso.
"Let's go na, nasa labas na 'yong sundo natin." Napakagat ako ng labi nang hilain niya ako palabas ng hotel. Fvck, ang sakit!
~~~
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang araw na iyon. At pagkatapos din noon ay sunod-sunod na 'yong naging interview at photoshoot ni Ms. Cass.
"Argh! I'm so tired!" Ibinagsak ni Ms. Cass ang sarili sa sofa nang makapasok kami sa bahay niya.
"Ma'am, saan po ilalagay 'to?" Napatingin naman ako sa pintuan nang magsalita 'yong driver ni Ms. Cass habang bitbit ang ilang gifts at flowers na natanggap ni Ms. Cass kanina.
"Pakilagay na lang po rito," lumabas na rin ako upang tulungan siyang magpasok noong natitira sa sasakyan.
"Maraming salamat po, p'wede na ho kayong umuwi." Bahagyang yumuko si manong bago siya pumihit paalis.
Isinarado ko na 'yong pintuan at saka nilapitan na 'yong mga gifts upang ilipat sa kuwarto ni Ms. Cass.
Hindi pa ako nangangalahati sa paglipat nang maramdamang parang binabaliktad ang sikmura ko. Dali-dali naman ako tumakbo papuntang kusina at sumuka sa sink. Naghilamos ako ng mukha matapos akong sumuka.
"Dapat ngayong week may regla na ako eh," pagka-usap ko sa sarili ko.
Bigla namang pumasok sa utak ko 'yong nangyari sa amin ni Sir Kamryn noong gabing 'yon. Hindi kaya...
"Hindi naman ako buntis, 'di ba? Delayed lang siguro ako ngayong buwan," tama, baka delayed lang ako.
Ngunit hindi pa rin ako kumbinsido. Kaya naman nagpaalam na ako kay Ms. Cass na uuwi na.
"Are you sure you're not gonna sleep here?" Tumango naman ako.
May mga guard at maid naman siyang kasama rito kaya wala akong dapat ipag-alala sa kaniya.
"May dadaanan pa po kasi ako eh," palusot ko.
"Okay, take care."
I nod. "Magpahinga na po kayo... alam kong sobrang napagod kayo ngayong araw,"
"I will. Bye." Hinintay ko munang tuluyan siyang maka-akyat bago ako lumabas ng bahay niya.
"Ate, kayo na ho ang bahala kay Ms. Cass ha?" Bilin ko sa isang katulong.
"Opo, ma'am." Sagot naman nito kaya naman ngumiti na lang ako bago tuluyang umalis.
Mabuti na lang at mayroon pa ring dumadaan na tricycle kahit papaano, kaya nakasakay na ako agad.
"Manong, sa may kanto na lang po," may malapit namang store sa tinuluyan ko kaya doon na lang ako bibili ng PT.
"May pregnancy test po kayo?" Tanong ko doon sa babae.
"Meron. Ilan ang kukunin mo?"
"Pabili pong dalawa." Sabi ko at naglabas ng pera.
Nang makuha ko na 'yong sukli ay nagpasalamat ako sa kaniya bago umalis.
Pagkarating ko sa bahay ay agad ko nang ginamit 'yong PT na binili ko.
"Negative sana, please..." parehas na nakataob 'yong PT at parang ayokong tignan. Natatakot akong makita 'yong resulta.
"Okay, Yara, you can do this." Huminga ako nang malalim at nakapikit na hinawakan ang PT.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. At tila nanghina ako nang makita ang naging resulta. Positive.
Anong gagawin ko? Walang p'wedeng makaalam na buntis ako. Ano na lang ang sasabihin ko kay Ms. Cass? Hindi ko naman p'wedeng ipalaglag ito dahil malaking kasalanan iyon.
Mahal ko ang trabaho ko pero kailangan kong mag-take risk alang-alang sa batang dinadala ko.
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay ni Ms. Cass para magpaalam. Buong gabi kong pinag-isipan ito kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
"Ms. Cass..." tawag ko sa kaniya. Nag-yes naman siya. "G-Gusto ko lang po sanang magpaalam," kumunot naman ang noo niya.
"Where are you going?"
"Balak ko po kasing umuwi sa probinsya namin eh.."
"Why? Papaano 'yong trabaho mo?" Sunod-sunod na tanong niya.
"M-May biglaang emergency po kasi sa bahay eh," nakatungong sagot ko. I'm sorry for lying, Ms. Cass.
"Babalik ka naman, right?" Bakas sa tono niya ang lungkot.
"Oo naman po... pero hindi ko pa po alam kung kailan," sagot ko.
"It's okay. Basta promise me na babalik ka, okay?" Ngumiti naman ako saka tumango.
"Yes po, Ms. Cassidy." Lumapit siya sa akin at saka mahigpit akong niyakap.
"I'll miss you, Yara. Call me kapag may free time ka, okay? Always take care of yourself, hmm?" Mahina naman akong natawa sa sinabi niya.
"Dapat po sa sarili niyo sabihin 'yan eh," ani ko.
"Of course!"
"I will miss you too, Ms. Cassidy. Hanggang sa muli po nating pagkikita." Niyakap ko muli siya bago tuluyang magpaalam.
Pinahatid ako ni Ms. Cass sa driver niya para safe raw akong makarating sa terminal ng bus.
"Maraming salamat po," bahagya namang yumuko si Manong.
Kinuha ko na 'yong mga gamit ko at sumakay na ng bus. Pagka-upo ko ay marahan kong hinaplos ang flat kong tiyan.
Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko, anak. Patawarin mo rin ako sa pagiging mahina ng mama, hindi kasi kaya ng konsensya ko ang manira ng buhay eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top