Epilogue [Part 2]
Paglipas ng ilang araw ay mas naging abala ako dahil tinutulungan kong mag-manage ng company si Tito Franco.
At sa lumipas ding mga araw ay paulit-ulit ang nagiging panaginip ko. Nagsimula ito noong matapos kong makilala ang batang sinasabi ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit.
"Woy! Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ni Tyrone ang balikat ko.
"H-Huh?"
"Huh-tdog! Ang sabi ko may party kina Zylene, pinapapunta tayo."
"Kailan?" I asked.
"Next, next week daw."
"Okay, titignan ko kung kaya ng schedule ko."
"Oo nga pala, ikaw na nga pala ang tumutulong sa step dad mo. Bakit hindi 'yong anak niya?" Napaka-chismoso, kalalaking tao eh.
"As far as I know, nakakapangit daw ang pagiging chismoso." Nanlaki naman ang mata niya.
"Hoy! Nagtatanong lang ako!" depensa niya.
"Tss." Inirapan ko siya at nilampasan.
~~~
"Kamryn! Akala ko hindi ka makakapunta eh, but I'm glad that you're here." Nakipagbeso-beso ako kay Zylene at tinanguan si Gordon.
"Where's Cass and Lance?" tanong ni Zy.
"Papunta na rin yata sila," sagot ko.
"Oh okay, let's wait them na lang."
Sumunod na lang kami ni Tyrone sa dalawa papunta sa table namin. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin sina Cass at Lance.
"Let's start na!" ani Zylene sabay bukas ng Champagne.
"Kamryn, ano na plano mo? Napag-iiwanan ka na oh," sabi ni Gordon sabay tawa.
"Hindi pa nakaka-move on doon sa—" Mabilis kong siniko si Tyrone para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.
"Kay Chantal? Ang tagal niyo nang wala ah?" si Zylene.
"Hindi siya," sagot ni Tyrone.
"Sino? Bakit hindi ka nagke-kwento sa amin?" ani Gordon.
"Wala 'yon. Huwag niyong pansinin mga sinasabi ni Tyrone," sagot ko sabay inom ng alak.
Nakahinga ako nang maluwag nang mapunta kina Cass at Lance ang usapan. Tahimik lang ako sa upuan ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na si Tyrone, may shoot pa raw kasi siya bukas. At hindi rin nagtagal ay sumunod na rin sina Gordon at Zylene. Naiwan na lang kaming tatlo nina Lance at Cass.
"Bro, paki-bantay muna siya, magsi-cr lang muna ako." Tinanguan ko si Lance at sinabi ako na ang bahala kay Cass. Bagsak na ito ngayon. Ginawa ba naman kasing tubig ang alak.
Pagka-alis ni Lance ay nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Akala ko ba tulog na 'to?
"You know what, Lance..." Putcha, lasing na lasing na nga. Hindi na makakilala eh.
"May kaunting galit ako kay Kamryn," nakapikit na sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Ano naman ang ginawa ko rito?
"Kasi... you know Yara, right?" Ano namang ginawa ko sa PA niya?
"Nabuntis niya si Yara, Lance. And si Soren ang naging bunga. May kaunting inis din ako kay Yara eh, kasi ang selfish niya. But, I understand her naman. Ayaw niyang mapahamak si Soren kaya niya tinago kay Kamryn. Alam mo naman ang ugali ng mga tao, 'di ba? Super toxic!"
Hindi ko na naintindihan ang ibang sinasabi niya dahil pinoproseso pa ng utak ko 'yong unang sinabi niya. So, PA niya 'yong nakasama ko sa room dati? Kaya pala may naramdaman akong kakaiba noong magtama ang paningin namin noong ribbon cutting. Pero... who's Soren?
"Who's Soren?" tanong ko.
"Nakalimutan mo na si Soren? 'Yong cute na batang kamukha ni Kamryn," nakapikit niyang sabi.
Hindi ako nakagalaw sa narinig ko. That kid is my child? Bigla namang pumasok sa utak ko 'yong panaginip ko. Kaya ba paulit-ulit ko siyang napapanaginipan?
Fuck! Naghahalo ang nararamdaman ko. Galit, tuwa, at excitement.
"Hey, what happened?" Hindi ko agad napansin si Lance dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Shit!" Pareho kaming napatingin ni Lance kay Cassidy.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Lance kay Cass.
"Saan ka galing?" tanong ni Cass.
"Nag-cr ako, why?"
"Putangina! So, si Kamryn ang kasama ko rito kanina at hindi ikaw?" Hindi na maipinta ang mukha ni Cass ngayon.
"Siya nga, bakit? Ano bang nangyari?"
"Oh God, lagot ako kay Yara!" aniya sabay dukdok sa lamesa.
"Teka, ano ba kasing nangyari?" naguguluhang tanong sa akin ni Lance.
"Nasabi ko sa kaniya, Lance! I thought ikaw ang kausap ko," umiiyak nang sagot ni Cass.
"Where do they live now?" tanong ko.
"They were at Cass' house," sagot ni Lance.
"Pupunta ako roon bukas," sabi ko sabay tayo. "Alis na ako, may trabaho pa ako bukas."
"Ingat, bro." Tinanguan ko na lang si Lance bago maglakad paalis.
Nasa kotse ako habang nakatulala sa kung saan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nagdadalawang-isip din ako kung pupunta na ba ako bukas o ano. Pero gusto kong makita ang anak ko. I want to see him again.
Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa company ni Tito. Hindi pa ako totally pumayag na i-manage itong company dahil mahirap ipagsabay ang pagmo-model at pag-manage ng company. Too tiring.
May pinasa lang akong ilang documents kay Tito at after no'n ay umalis na ako.
Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Cass. At nang makarating ako ay tumitig muna ako nang ilang minuto bago bumaba ng sasakyan at nag-door bell.
Nakadalawang-door bell pa muna ako bago ito mabuksan. Bumungad sa akin ang napakagandang mukha ni Yara.
"Yes po, ano po— S-Sir Kamryn..." Nanlaki ang mata nito nang makita ako.
"Is it true?" tanong ko ngunit hindi siya umimik. "Answer me, woman." But I still didn't get an answer.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinasakay sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang gusto ko lang ay makalayo muna kami sa bahay ni Cass.
Nang masiguro kong malayo na kami ay hininto ko na ang sasakyan at nilingon si Yara. Nakayuko lamang ito habang pinaglalaruan ang kaniyang kamay.
"Look at me," utos ko ngunit hindi nanatili pa ring nasa baba ang kaniyang tingin. "Yara, look at me." Dito na siya dahan-dahang mag-angat ng tingin.
"Totoo ba na may anak ako sa 'yo?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Malalim naman akong bumuntong-hininga nang tumango siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko pa. Putangina, gusto kong magalit pero naalala ko 'yong sinabi ni Cass. Nilalayo niya lang sa gulo ang anak ko.
"S-Sir Kamryn..."
"Just answer my question, Yara!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"A-Ayaw ko pong masira ang reputasyon mo, hindi kaya ng konsensya ko kapag nalaman ng taga-suporta mo na may anak ka sa isang katulad ko. Ayaw kong makasira ng tao. At saka natatakot po akong mangyari rin sa akin 'yong ginawa mo sa babaeng buntis na lumapit sa 'yo at pinipilit na panagutan mo siya." Nakayuko pa ring sagot niya.
"The fuck! I dumped her kasi alam ko sa sarili ko na hindi akin 'yon!" Tangina, hindi ko nga kilala 'yong babaeng 'yon eh.
"Bakit... bakit ganiyan ka? Hindi ba dapat ay isinawalang bahala mo na lang 'yong sinabi sa 'yo ni Miss Cassidy? Pero, bakit—" pinutol ko ang kung anong sasabihin niya.
Sinabi ko sa kaniya na ayaw kong itulad ang anak ko sa akin. Ayaw kong iparanas sa anak kong lumaking walang ama. Kita ko ang hirap ni Mommy sa pagta-trabaho matustusan lang kami ni Ate Kamhile.
"Where is he? Can I... see him?" Tinignan ko siya nang diretso sa mata niya.
Sobrang saya ko noong pumayag siyang makita ko ang anak ko. Nasabi ko rin sa kaniya 'yong panaginip ko.
Nang makarating kami sa bahay ni Cass ay nauna siyang bumaba ng sasakyan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko kung paano siya salubungin ng batang lalaki.
Lumabas na ako ng sasakyan para mas makita ko nang mabuti ang anak ko.
"May gusto akong ipakilala sa 'yo," sabi ni Yara.
"Sino po?"
Sabay silang napalingon sa akin nang pumasok ako. Mahina akong natawa nang manlaki ang mata niya.
"Ikaw po 'yong guy na tumulong sa akin, 'di ba?" anito at bumaling kay Yara. "Mama, magkakilala po kayo?"
"Yes, anak. Actually, siya ang papa mo," sagot naman ni Yara.
"Siya po ang papa ko?"
"Can you give me a hug, kiddo?" Umupo ako upang salubungin ang yakap niya.
Nang yakapin niya ako ay kulang na lang tumalon sa tuwa ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, basta ang masasabi ko lang ay sobrang saya ko.
Bago ako umalis ay nagkasundo pa muna kami ni Yara na sa akin muna nang tatlong araw si Soren.
~~~
Dalawang araw pa lang na kasama ko si Soren ay aaminin kong hindi naging madali dahil maraming tao ang nakatutok sa bawat galaw ko. Kaya naman minabuti ko munang wala masyadong tao ang mga lugar na pupuntahan namin ni Soren.
Sobrang saya rin ni Mom at Tito nang dalhin ko si Soren sa bahay. Lalo na noong nagpunta kami sa resort. Tuwang-tuwa si Soren habang naliligo.
Nasa bahay kami ngayon at kagagaling lang namin kina Mommy.
"Papa, p'wede po nating tawagan si mama? Isama po natin siya bukas!" aniya.
"Sure. Wait, i-dial lang natin number niya." Nilabas ko ang cell phone ko at dinial ang number ni Yara.
"Here." Binigay ko agad sa kaniya nang masagot na ni Yara.
"Mama!" masiglang bati ni Soren kay Yara.
["Kumusta ang araw ng pogi kong anak?"] Naka-loud speaker ang call kaya rinig ko ang usapan nila.
"Masaya po! Pinasyal po ako ni papa sa resort nila lola."
Nakinig lang ako sa usapan nila hanggang sa yayain na ni Soren si Yara na sumama bukas.
["Walang schedule bukas ang tita mo kaya free ako bukas, bakit mo natanong?"] tanong nito.
"Gusto mo po bang sumama bukas?"
["S-Saan naman, anak?"] Mahina akong natawa nang marinig kong nautal siya
"Mamamasyal po ulit!"
["Ah, sige. Anong oras ba para makapaghanda ako?"]
"Okay lang ba kung mga 7 or 8?" singit ko sa usapan nila.
["O-Okay lang naman po. Mag-text ka na lang po kapag papunta na kayo."]
"Why do you stutter?" tanong ko pa.
["Huh? Baka nagkamali ka lang po ng dinig."] Napangiti naman ako sa sinagot niya.
"Okay, sabi mo eh. Soren, say bye to your mom," sabi ko na lang.
"Ba-bye po, mama! I love you!"
["Hmm... I love you, too, Soren ko."] aniya bago maputol ang linya.
~~~
Maaga kaming nakarating ni Soren sa bahay ni Cassidy. Hindi na kami pumasok sa loob at hinintay na lang naming lumabas si Yara.
Paglabas nila ay napunta agad ang mata ko kay Yara. Damn, she's beautiful in that dress.
"Yes, naman! Kay popogi naman nitong mga ito!" wika ni Cass.
Nagreklamo naman siya no'ng hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Bye na nga! Ingat kayo ha?" Tipid ko lang siyang tinanguan bago sumakay sa kotse. Hinintay ko munang makasakay sina Yara bago ko buhayin ang makina.
Habang nagmamaneho ako ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Yara. Para siyang may magnet.
Nang makarating kami sa mall ay sinehan agad ang una naming pinuntahan dahil iyon ang request ni Soren. Pagkakuha namin ng ticket ay agad na kaming pumasok sa loob.
We were in the middle of watching when Soren suddenly pulled my jacket. Sumenyas siya sa akin na lumapit kaya nag-lean ako para marinig ang kung ano man ang sasabihin niya.
"Nilalamig po si Mama," bulong niya kaya mabilis kong nilingon si Yara. She's hugging herself right now.
I took off my jacket and then gave it to Yara. Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinusuot ang jacket ko.
"Thanks po." Napangiti ako. Bagay sa kaniya.
After naming manood ay dinala ko naman sila sa Italian resto. Matagal-tagal na rin ang huling kain ko rito.
Nakatingin lang ako sa kanila habang dinadaldal ni Soren ang Mama niya. Hindi siya nauubusan ng sasabihin kwento kay Yara. Hanggang sa dumating na ang order namin.
"Careful, anak. Mabubulunan ka sa ginagawa mo," sabi ni Yara saka inabutan ng tubig si Soren.
"Papa oh, hindi pa kumakain si Mama, subuan mo nga po." si Soren matapos niyang uninom.
Kinuha ko ang plato ni Yara upang hiwain ang karne niya. Pagkatapos ay tumusok ako ng nahiwang karne at itinapat ito sa bibig niya.
"How's it?" tanong habang nakatitig sa kaniya.
"M-Masarap naman po," utal na sagot niya saka kinuha sa akin ang plato niya. "Ah, a-ako na po ang magsusubo sa sarili ko."
Nang maihatid ko sila ay hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Lalo na noong makita kong ang namumula niyang mukha kanina.
Napahawak naman ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok. Damn, anong ginawa mo sa akin Yara.
~~~
"Mama, dito ka lang po," umiiyak na sabi ni Soren habang nakayakap nang mahigpit kay Yara. Ngayon na kasi ang alis nito papuntang Cebu.
"Soren, your mom need to go now." Marahas naman siyang umiling at may mas yumakap pa kay Yara.
"Anak, akala ko ba okay na tayo?" tanong ni Yara kay Soren habang hinahagod ang likod nito.
Kahit anong sabihin ni Yara ay ayaw pa rin talaga siyang pakawalan ni Soren. Pumwesto ako sa likod ni Yara at nag-squat upang pantayan si Soren.
"Son, look at me." Tumingin naman agad siya sa akin. "Kailangan nang umalis nila Tita Cass mo. We can call your mom naman eh, or p'wede ring siya ang tumawag sa atin, is it clear?"
At dahil sa sinabi ko ay tumahan na si Soren at humiwalay na sa yakap.
"B-Basta po tatawag ka sa amin ha?" humihikbing sabi ni Soren.
"Opo. Tahan na, hmm?"
Muling niyakap ni Yara si Soren bago ito magpaalam. Binuhat ko si Soren nang makaalis na sina Yara.
"Let's go?" tanong ko. Tumango naman siya.
Bago kami umuwi ay nag-drive thru muna kami para hindi na ako magluluto mamaya.
"Papa, mabilis lang po si Mama, 'di ba?" tanong nito matapos kumagat sa burger niya.
"Yes, anak. When we get home, let's call your mom right away," sabi ko at saglit siyang tinignan bago ibalik ang tingin sa daan.
Pagkarating namin sa bahay ay nagpalit muna siya ng damit bago ko i-dial ang number ni Yara. At gaya ng ginagawa niya, danaldal na naman niya nang dinaldal ang Mama niya. Hindi tumigil hanggang sa makatulog na ito.
["Hello? Anak?"]
Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa kamay ni Soren at tinapat ito sa tainga ko.
"Hey, uhmm... he's already asleep." Ako na ang sumagot.
["A-Ahh, ganoon ba? Sige, good night?"]
Napangiti ako. "Good night, Yara."
Inayos ko muna ang kumot ni Soren bago mahiga sa tabi niya. Napatitig naman ako sa kisame. At wala sa sariling napahawak sa dibdib ko. Fuck, what's happening to me?
~~~
Next day, maaga akong gumising para ipagluto ng breakfast si Soren. Ihahatid ko na rin siya sa school bago ako pumuntang company. Kakausapin daw ako ni Tito.
"Good luck, son." Ginulo ko ang buhok niya bago siya bumaba ng sasakyan. "Hintayin mo ako mamaya, okay?"
"Opo. Ba-bye, Papa." Kumaway pa muna siya bago isara ang pintuan ng kotse.
Hinintay ko muna siyang makapasok sa gate bago ako magmaneho paalis.
At nang makarating ako sa company ay agad kong tinungo ang opisina ni Tito. Sinabi nito na may meeting akong kailangang attend-an bukas ng 11:30.
"Noted, Tito." Tinapik lang nito sa balikat ko at nagpasalamat bago ako lumabas ng office niya.
Sunod namang pinuntahan ko ay sa studio. May dalawang shoot ako mamayang 10 am at mamayang 2:20 pm. And after that, susunduin ko na sa school si Soren.
Alas tres na ng hapon nang matapos ang shoot. Kaya naman nagmamadali akong umalis dahil baka dismissal na ni Soren.
Papasok na ako ng kotse ko nang harangin ako ni Tyrone. "Woah, woah! Why are you in a hurry?"
"Basta. I have to go now."
Bago pa siya makapagsalita ay sinaraduhan ko na siya ng pinto at pinaharutot na ang sasakyan ko. Pagkarating ko sa school ni Soren, nakita ko siya na may kasamang dalawang batang lalaki habang kausap ang school guard.
Bumusina ako upang kunin ang atensyon ni Soren. Nakita kong nagpaalam na ito sa mga kasama niya bago tumakbo palapit sa sasakyan.
"Hello, Papa!" bati nito nang makasakay na sa kotse.
"How's your day?"
"Great! Look po, I got stars!" He showed me his arm with four stars.
I smiled and patted his head. "Good job, son."
Tinanong ko siya kung saan niya gustong kumain pero ang sagot niya, "P'wede po ikaw magluto?"
"Sure, why not. Ano bang gusto mo?"
"It's up to you po. Basta 'yong nakakabusog," sagot niya. Natawa naman ako.
"Alright."
Pagkarating namin sa bahay ay nagbihis muna kami ng damit bago magtungong kusina. Tahimik lamang siyang naka-upo sa counter table habang pinapanood akong magluto.
Matapos akong magluto ay kumuha ako ng dalawang plato upang lagyan na ng pastang niluto ko.
"Careful, mainit pa," ani ko nang akmang susubo na si Soren.
"Papa, ano sa tingin mo ang ginagawa ni mama ngayon?" mayamayang tanong niya.
"I don't know. Gusto mo bang tawagan na natin?" tanong ko. Tumango naman siya.
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at dinial na ang number ni Yara. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya na rin ang tawag.
"Mama, nasaan ka po? Bakit ang ingay?" tanong ni Soren.
[""Ahh, may party kasi 'yong kapatid no'ng Manager ni Tita Cassidy mo."]
"Wala naman pong boys diyan?"
Napangisi naman ako sa tanong ni Soren.
["Bakit mo naman natanong 'yan? Syempre wala. Kaming mga babae lang ang narito."]
"Good to know po."
["Ikaw talagang bata ka,"]
Tahimik lang akong naka-upo sa harap niya habang nakikinig sa usapan nilang mag-ina.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Yara dahil hinahanap na raw ito.
["Tawag na ako, 'nak, later na lang."]
"Okay po, take care and enjoy."
Matapos ang usapan nila ay binalik na sa akin ni Soren ang phone ko at inubos na ang pagkain.
"I'm done na po. Watch po muna akong TV," paalam niya.
"Mag-half bath ka na muna bago ka manood."
"Okay po," sagot niya bago tumungo sa hagdan.
Matapos akong kumain ay kinuha ko na rin 'yong plato ni Soren para mahugasan. At pagtapos ay pinuntahan ko na si Soren sa sala.
"Dinosaur again?" natatawang tanong ko habang nakatingin sa TV.
"I haven't watched it yet po," sagot niya.
"Ganoon?" tanong ko at naupo sa tabi niya. Tumango naman siya.
Matapos ang movie na pinapanood namin ay nakita ko si Soren na mahimbing nang natutulog sa tabi ko. Mahina naman akong natawa.
Kinuha ko naman 'yong remote sa gilid niya at in-off na ang TV. Pagkatapos ay dinala ko na siya sa kwarto.
Pagkababa ko sa kaniya sa kama ay siya namang pagtunog ng cellphone ko.
"Hello?"
["Hi! Uhm, si Soren?"] tanong agad niya.
"Tulog na siya," sagot ko naman.
["Ah, ganoon ba? Sige, bukas na lang ulit."]
"Okay." I said bago putulin ang tawag.
Nag-half bath na lang muna ako bago tabihan si Soren.
~~~
I was in the middle of a meeting when my cell phone rang. I quickly answered the call and excused myself.
"Hello, teacher Gonzaga?"
["Hello po, I took Soren to the infirmary, nilalagnat po kasi siya. You can pick him up na po if you're not busy."]
"Okay, 'cher. After the meeting I will pick him up," sabi ko bago ipatay ang tawag.
After nga ng meeting ay nagsabi ako kay Tito na hindi ako makaka-attend sa pangalawang meeting dahil kailangan kong puntahan si Soren.
Pagka-park ko ng sasakyan ko ay dali-dali akong pumasok sa loob ng school ni Soren.
"Mabuti at narito na po kayo. Ayaw pong uminom ng gamot ni Soren eh, kahit anong pilit ko."
"Ako na lang ang bahala sa kaniya, 'cher. Thank you sa pag-asikaso sa kaniya," sagot ko.
Binuhat ko si Soren saka kinuha na rin ang bag niya. Muli akong nagpaalam sa guro bago kami tuluyang umalis.
"How's your feeling?" marahang tanong ko rito matapos kong ikabit ang seatbelt niya.
"Masakit po ulo ko," matamlay na sagot niya.
"Why don't you want to take medicine?" tanong ko at nagsimula ng magmaneho paalis.
"Gusto ko po si mama. Papa, pauwiin mo na po si mama." He said and started to cry.
Itinabi ko muna ang sasakyan upang aluhin siya.
"Hush now, anak. I'll call your mom later when we get home." pagpapatahan ko sa kaniya.
"Tell her to go home, okay?"
"I will. Tahan na, mas lalong sasama ang pakiramdam mo."
Muli kong binuhay ang makina at nag-drive na paalis. Pagkarating namin sa bahay, binuhat ko ulit si Soren palabas ng sasakyan.
Pagkapasok namin sa kwarto ay binaba ko kaagad siya sa kama.
"Dito ka muna, kukuha lang ako ng maligamgam na tubig." Inayos ko muna ang kumot niya bago ako lumabas ng kwarto.
Nang makuha ko na ang kailangan ko, bumalik na agad ako sa kwarto.
"Papa, natawagan mo na po ba si mama?" tanong nito.
"Not yet. After this, tatawagan ko na siya."
"Pauwiin mo na po siya ha?"
"Yes, anak."
Matapos ko siyang punasan, I told him to sleep para bumaba ang lagnat niya. When I made sure that he was asleep, lumabas ako ng kwarto kasama ang laptop ko.
Tinawagan ko agad si Yara matapos akong makapag-book ng flight para makabalik ng Manila.
"Soren's sick. He doesn't want to take medicine unless ikaw ang magpapa-inom sa kaniya." Sinabi ko rin sa kaniya na kanina pa iyak nang iyak si Soren.
["Paano 'yan? Bukas pa alis namin eh,"]
"I already booked you a flight, p'wede ka na lumipad pabalik ng Manila ngayon."
["What?! Agad-agad?"]
"Soren needs you,"
["O-Oo na. Tatawagan mo na lang ulit ako mamaya."] She said as she hung up.
Matapos ang pag-uusap namin ni Yara ay bumalik ulit ako sa kwarto para i-check si Soren. Mahimbing pa rin itong natutulog at hindi na rin ganoon kataas ang lagnat niya.
Muli akong tumawag kay Yara para i-update siya sa kalagayan ni Soren. Pagkatapos kong tawagan si Yara ay sunod ko namang tinawagan si Mommy.
["Okay, wait me there."]
Hindi rin nagtagal at dumating na rin si Mommy. Kasunod din no'n ang message ni Yara na nakalapag na raw ang eroplano niya.
"Mom, ikaw muna ang bahala kay Soren. Sunduin ko lang si Yara sa airport," sabi ko at hinalikan muna ang noo ni Soren. Mainit ulit siya.
Hindi pa kasi umiinom ng gamot kaya bumabalik-balik ang lagnat niya.
"Ang init niya, uminom na ba siya ng gamot?" tanong ni Mommy.
"Ayaw niyang uminom ng gamot,"
"Huh? Why?"
"Si Yara lang ang makakapagpa-inom sa kaniya."
"Is that so. Sige na, baka Yara's waiting for you na."
Humalik saglit ako kay Mommy bago umalis.
Nang makarating ako sa airport ay nakita ko agad si Yara sa labas. Huminto ako sa tapat niya para mailagay niya sa kotse ang bagahe niya.
Nang makarating kami sa bahay ay sabay kaming bumaba at saka umikot ako sa kabilang side para tulungan siyang magbitbit ng gamit niya.
"Let's go, they're upstairs." I said at naunang naglakad paakyat.
Pagkarating namin sa kwarto ko, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Sakto at gising na si Soren.
"Mom, she's here." Nilingon ko naman si Yara na nasa labas pa rin. "Let's go inside, gising si Soren."
"Mama!" sigaw ni Soren nang makita si Yara. Mom helped him to get off on the bed.
Nakatingin lang ako kina Soren at Yara habang nakayakap sa isa't-isa. My lips formed into a smile while watching them. Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Mommy.
"You were like that when you were young. Ayaw na ayaw mong nahihiwalay sa akin kapag may sakit ka, kayong ng Ate mo." Mom said.
Magsasalita sana ako nang humarap sa amin si Yara.
"Ma'am, maraming salamat po sa pagbantay kay Soren," sabi nito kay Mommy.
"Oh c'mon, call me tita! And anything for my grandson. Well, since nandito naman na kayong dalawa, I have to go now." Mommy said saka nakipagbeso-beso kay Yara.
"Mag-iingat po kayo," sabi ni Yara.
"Thanks, Yara. Apo, magpagaling ka ha? You said I'll teach you how to bake, right?"
Tumango naman si Soren. "Magaling na po ako bukas, lola."
Napatawa ako nang mahina. That's my boy.
Pagkahatid ko kay Mommy sa labas ay hinintay ko munang makaalis ang kaniyang sasakyan bago ko kunin ang mga gamit ni Yara at ipinasok na sa loob.
Sa kabilang kwarto ko nilagay ang gamit niya. Matapos 'yon ay bumalik na ako sa kwarto kung nasaan 'yong dalawa.
When I entered the room, I saw Yara lying on the bed next to Soren. Napatingin naman siya sa akin.
"Nasa kabilang kwarto na lahat ng gamit mo."
"T-Thanks. Hindi ko kasi maiwan si Soren eh, oras oras nagigising." She said.
"It's okay. Hindi ka pa ba nagugutom?" Mahaba-haba ang binyahe niya kaya baka nagugutom siya.
"Mamaya na lang siguro," aniya saka ngumiti.
"Okay. What do you want to eat? I'll cook,"
"A-Ahh... ikaw na ang bahala."
"Okay, tawagin ko na lang kayo kapag tapos na akong magluto." Tumango na lamang siya kaya lumabas na ako ng kwarto.
~~~~
After kong magluto, hinanda ko muna 'yong mga platong gagamitin namin bago ako tumungo sa kwarto.
Pagpasok ko, nakita kong natutulog na si Yara at habang hawak ang cell phone niya. Tahimik akong naglakad palapit sa kaniya at dahan-dahang kinuha ang cell phone sa kamay niya.
"I'm sorry, naistorbo ko yata ang tulog mo." I apologized.
"Okay lang. Uhmm, tapos ka na bang magluto?" She asked.
"Halos katatapos lang, gusto mo na bang kumain?"
Sasagot na sana siya nang biglang umiyak si Soren.
"Shh... nandito ang mama, anak." Niyakap niya si Soren upang patahanin.
"Akala ko po umalis ka ulit eh,"
"Hindi na ako aalis, anak, dito lang ang mama sa tabi mo."
Tahimik lang ako sa gilid ni Yara habang pinagmamasadan sila. Nang tuluyang tumahan si Soren, inaya ko na silang bumaba upang kumain.
"Ayaw ko na, mama." Pareho kaming nahinto ni Yara sa pagsubo nang magsalita si Soren.
"Ubusin ko muna itong kinakain ko at lilinisan na kita." She said at mabilis na inubos ang pagkain.
"Iwan mo na lang dyan at ako na ang bahalang maghuhugas," sabi ko sa kaniya.
Tumango na lang siya at saka sumabay na kay Soren maglakad paakyat.
And after kong maghugas, umakyat na ako sa kwarto. Pagpasok ko, si Soren na lamang ang naroon.
"Where's your mom?" tanong ko rito.
"Maglilinis daw po muna siya ng katawan niya,"
"I see. How's your feeling? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Sinapo ko ang noo niya upang tignan kung may sinat pa siya.
"Hindi na po, Papa. Gagaling na po ako bukas!" Nakangiti kong ginulo ang buhok niya.
"Mahiga ka na lang muna, magha-half bath lang ako," sabi ko, tumango naman siya.
Pumasok na ako sa banyo at saka mabilis na nag-half bath. At nang matapos ay lumabas na ako ng CR para kumuha ng t-shirt. Nakalimutan kong kumuha kanina.
Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong nagsarado. Nilingon ko muna si Soren sa kama at nakita kong natutulog na ito.
Pagbukas ko ng pintuan, mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagsalo kay Yara. Nakapikit si Yara kaya malaya kong mapagmasdan ang maamo at maganda niyang mukha. Dumako naman ang paningin ko sa mamula-mula niyang labi. May parte sa akin na gusto ulit mahalikan iyon.
Nagtama ang paningin namin nang magmulat siya. Natulala naman ako. Fuck, ang ganda niya.
Bago pa ako magawa ng kung ano, tinayo ko na siya nang maayos.
"Are you okay?"
"Ah o-oo, ayos lang ako." She said at saka ngumiti.
"Dito ka na matulog, sa kabilang kwarto na lang ako." Lalabas na sana ako nang pigilan niya ako.
"D-Dito ka na rin matulog,"
"Are you sure?" tanong ko, tumango naman siya.
"Okay, let's sleep? Tulog na si Soren eh," sabi ko.
Tumingin siya saglit kay Soren bago ibalik ulit sa akin ang tingin. At saka nakangiti niya akong tinanguan bago sumampa sa kama. What the hell is wrong with me? Ngumiti lang siya pero parang nakikipagkarera na itong puso ko sa bilis ng pagtibok.
[a/n: hanggang dito po muna, 'di kaya ng clipboard ko ang maraming word counts eh.]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top