Epilogue [Part 1]
Kamryn's Pov
["Bro, nasaan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay rito,"] sabi ni Tyrone mula sa kabilang linya.
"I'm on my way. I'll be there in thirty minutes," sagot ko.
Maayos naman na itong suot ko kaya hindi na ako nag-abala pang magbihis. Nilislis ko ang longsleeve ko hanggang siko bago sumakay sa kotse ko.
Mabuti na lang at hindi traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa hotel. Nag-text na ako kay Tyrone na nasa parking lot na ako.
From: Tyrone
Pumasok ka na. May chix na kasama si Cass.
Napailing na lang ako matapos kong mabasa ang reply niya. Puro talaga kalokohan ang alam ng isang 'yon.
Papasok na ako sa entrance nang harangin ako ng guard. Kahit anong sabihin ko ay hindi niya pinapakinggan.
"Hindi mo ba ako kilala?" pigil inis kong tanong sa kaniya.
"Pasensya na po talaga, Sir."
Kating-kati na ang kamay kong suntukin siya pero pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko.
Inis akong tumalikod at sinabunutan ang sarili. Damn that guard!
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at dinial ang number ni Tyrone. Sinabi ko sa kaniya na ayaw akong papasukin ng lintik na guard na 'yon.
["Sige, sige, ako na ang bahala."] Pagkasabi niya no'n ay pinutol ko na ang linya.
Nagulo ko na lang ang buhok ko sa labis na pagka-inis. Fuck this day!
"Sir? P'wede na po kayong pumasok. Pasensya na po, malabo po kasi ang mata ko tapos madilim pa kaya hindi ko po kayo nakilala." Diretso lang ang lakad ko at hindi pinansin ang paliwanag niya.
"Bro! Kunot na kunot ang noo natin ah? Ngiti ka na, papangit ka niyan sige ka," natatawang sabi ni Tyrone nang masalubong ko siya.
"Shut up." Sinamaan ko siya nang tingin.
"Woah, easy bro! Bilisan na natin, kanina ka pa hinihintay eh." Sinulyapan ko lang siya bago siya lampasan.
"You know what, Kam, ang ganda no'ng babaeng kasama ni Cass ngayon. She's so freaking hot, bro! Mas hot pa kay—" Pinatigil ko na siya bago pa niya masabi ang sasabihin niya.
"Sabi ko nga, shut up na lang ako," sabi niya at umaktong sinara ang bibig.
Pagkarating namin sa table kung nasaan sina Zylene ay napako ang tingin ko sa babaeng tinutukoy ni Tyrone. Madilim sa puwesto niya kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya.
"Since we're complete na, let's start the party na!" saad ni Zylene saka pumalakpak.
"Yara, lipat ka rito."
Pareho kaming napalingon ni Tyrone nang magsimulang tumayo 'yong kasama ni Cass at lumipat sa tabi niya. Bago siya maka-upo ay nagtama muna ang mga mata namin. Fuck! She's indeed hot! Hindi ko tuloy maalis ang tingin ko sa kaniya.
"Matunaw naman siya, bro." Mahina kong siniko si Tyrone para manahimik.
~~~
Pare-parehas na kaming lasing pero wala ni isa sa amin ang tumatayo. Hindi ako mabilis malasing pero kapag Tequila ang hinarap sa akin, hands up na ako. Sa Tequila talaga ako mahina.
Napunta naman ang tingin ko sa kasama ni Cass nang tumayo ito at naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya mahagilap.
Mariin akong napapikit nang itungga ko ang natitirang Tequila sa baso ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hagod nito sa lalamunan ko.
"Fuck! Ayoko na! Gusto ko na matulog, umiikot na paningin ko." Pabagsak na binaba ni Tyrone ang baso niya at saka tumayo. Muntik pa siyang matumba mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni Gordon.
"Ako na maghatid sa kaniya sa room niya, hindi ko na rin talaga kaya."
"Tulungan na kita," sabi niya. Tumango na lang ako at tinulungan siyang alalayan si Tyrone.
"Tangina mo, Tyrone, huwag ka ngang magpabigat!" reklamo ni Gordon.
Nang makapasok kami sa room niya ay pabagsak namin siyang hiniga sa kama niya.
"Ihatid din ba kita?" tanong niya nang malakabas kami sa kwarto ni Tyrone.
"No need, I can handle myself. Balikan mo na 'yong tatlo roon at baka kung ano pang gawin nila." Tumango naman siya at tinapik ang balikat ko bago pumihit paalis.
Next floor pa ang kwarto ko kaya naman sumakay ulit akong elevator. Mas lalo akong naramdaman ng hilo habang nakasakay sa elevator. Pumipikit-pikit na rin ang mata ko.
Kaya nang bumukas na ang elevator ay dali-dali na akong lumabas at hinanap na ang kwarto ko. Hirap na akong aninagin ang room number dahil sa pagkahilo.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nahiga na agad ako sa kama. Kumunot ang noo ko nang may mapansin ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mata ko.
Iniunat ko ang kamay ko sa gilid ko. Napamulat agad ako nang may makapa ako. What the fuck?! Sino 'to?
Mabilis akong bumangon upang tignan kung sino itong katabi ko. Madilim ang buong kwarto kaya binuksan ko ang lamp shade na nasa gilid ng kama. Ngunit parang walang silbi 'yong ilaw dahil hindi ko maaninag kaniyang mukha. Pero nasisiguro kong babae ito.
Nanlaki na lamang ang mata ko nang mahila nito ang damit ko at bumagsak ako sa tabi niya. Gusto kong tumayo at umalis sa tabi niya ngunit parang may kung ano ang pumipigil sa katawan ko.
Pilit kong inaninag ang mukha niya pero malabo talaga. Hanggang sa mapunta ang tingin ko sa labi niya.
Mabilis kong iniling ang ulo nang mapagtanto kong unti-unting lumalapit ang ulo ko sa mukha niya. Seriously, Kamryn, taking advantage of a sleeping woman?
Later on, I heard her groan. Mariin naman akong napapikit nang maramdaman kong unti-unting umuusbong ang aking alaga. Stop it, Kamryn, fucking stop. Respeto na rin dito sa babae.
Ngunit kahit akong pigil ko sa sarili ko ay wala pa rin. Mas lalo lang lumalala.
"S...Sino ka? Anong ginagawa mo—" I cut her by kissing her soft lips.
I continued kissing her lips until she kissed me back. Our kiss deepened. My hand is starting to travel all over her body. My kiss went down her jaw, ear, until it reached her neck.
Tanging roba lamang ang suot niya kaya hindi na ako mahihirapan. I slowly untied her robe. And when I removed it, I claimed her lips again while my two hands were on her breast, gently massaging them.
My kisses went down on her neck, while my two hands remained on her breast. Mas lalong nag-init ang katawan ko nang marinig ko ang ungol niya.
Suot pa niya ang bra niya kaya ito ang sinunod kong tanggalin. Nang matanggal ko ay agad ko nang sinunggaban ang isa samantala ang isa naman ay minamasahe ng aking kamay.
"Hmmm..." ungol niya. Mas tumindi naman ang init na nararamdaman ko.
Huminto ako saglit sa ginagawa ko upang tanggalin ang pangtaas ko. Matapos 'yon ay sinunod ko namang tinanggal ang natitirang saplot niya sa katawan.
I swallowed several times. I'm nervous as fuck! This is my first time doing this. Yes, I had a girlfriend before pero never naming ginawa ito. We are both busy with our respective jobs.
Pinangako ko rin sa sarili ko na ang mapapangasawa ko lang ang una't-huli ko. Pero hindi na mangyayari 'yon. I never blamed this girl because she was innocent, all the blame was on me. Dahil hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko, ang init na nararamdaman ko pagdating sa kaniya.
Bawat pag-ungol niya ay mas lalong tumitindi ang init sa katawan ko. Kanina pa rin galit na galit itong alaga ko sa baba. Kaya naman mabilis kong tinanggal ang belt ko at mabilis ding binaba ang pants ko.
Humingi muna ako nang malalim bago ito itapat sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa likod ko nang dahan-dahang kong ipasok ang alaga ko.
Dahan-dahan akong gumalaw pero agad ding natigil nang makita ko siyang umiiyak.
"Should I stop?" tanong ko ngunit mabilis siyang umiling.
"N-No, c-continue... please..." she pleaded.
Wala na akong nagawa kundi ang gumalaw ulit nang dahan-dahan. I saw her bite her lip to endure the pain, so I decided to kiss her to ease the pain.
Tanging mga ungol lang namin ang maririnig sa apat na sulok nitong kwarto. Pabilis na nang pabilis ang paggalaw ko. At ramdam na ramdam ko na rin ang paggalaw ng kama. I didn't stop until we reached the climax.
"Fuck..." ungol ko matapos akong labasan. After that, I pulled out my manhood and lay down next to her. Dahil na rin sa pagod ay nakatulog na rin agad ako.
~~~
Next morning, napahawak ako sa ulo ko nang maramdam ang matinding pagkirot nito. Habang minamasahe ko ang sintido ko ay naalala ko na naman 'yong panaginip ko.
"Panaginip lang nga ba talaga 'yon, bakit parang totoo?" tanong ko sa sarili.
Tinanggal ko na ang comforter at nang akmang tatayo na ako ay nakita kong boxer short lang ang suot ko. Napamura ako sa isip ko. So, what happen last night wasn't a dream?
"So, where's the girl?" wala sa sariling tanong ko.
'Malamang sa malamang, Kamryn, umalis na 'yon'. sabi ko sa sarlili ko.
Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo.
Paglabas ko ng elevator ay agad na sumalubong sa akin si Tyrone.
"Saan ka natulog kagabi? Kumatok ako sa room mo kaso walang umiimik," anito.
"Maling room ang napuntahan ko." Nanlaki ang mga mata niya.
"Tarantado? Kaninong kwarto napuntahan mo?"
I shrug. "I don't know, basta ang natandaan ko lang ay babae ang nasa room na 'yon."
"Anong room number?" tanong pa nito.
"Hindi ko na tinignan eh,"
"May nangyari ba kagabi?" tanong niya habang nakangiti nang nakakaloko.
Nilampasan ko lang siya at hindi pinansin ang tanong. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko iyon pinansin, diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa tapat ng kotse ko.
Lumipas na ang isang linggo ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong babaeng nakasama ko noong gabing 'yon. Malabo ang itsura niya sa utak ko ngunit nasisiguro kong napakaganda niya.
"Bro, nakikinig ka ba? Kanina ka pa kinakausap ni Direk Tanya." Nabalik ako sa huwisyo nang mahina akong sikuin ni Tyrone.
"I-I'm sorry, direk, what is it again?" nahihiyang tanong ko.
"Nevermind, let's continue this na lang tomorrow, you are probably still tired. Galing ka pang Singapore, 'di ba?" Tumango naman ako. "Okay, you may go now."
"Una na ako, bro, may date pa ako eh." Mahinang tinapik ni Tyrone ang braso ko.
"Sige, ingat."
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na papuntang condo. At pagkarating na pagkarating ko sa condo ay humilata agad ako sa kama at ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.
~~~
6 years past.
["Anak, can you come here after your work?"] Na-i-imagine ko ngayon ang mukha niya habang nakanguso siya.
"Sure, mom."
["Okay! Tsaka I also want to tell you something,"] hagikgik niya.
"Okay, mom, see you later." paalam ko.
["Bye, anak! I love you!"]
"Love you, too, mom." At pinutol na ang linya.
After lunch na ako nakauwi ng bahay kasi na-extend ang photoshoot ko.
"Anak! Have you eaten? May food sa kusina." Sinalubong ako ng yakap ni Mommy nang makita akong papasok ng bahay.
"Magpapalit muna akong damit," paalam ko.
"Okay, I'll just prepare you food." Nakangiti ko siyang tinanguan bago maglakad paakyat.
Matapos akong magbihis ay bumaba na ako at pumunta na sa kusina.
"Alam mo na, 'nak, I saw Cass at the mall earlier and may kasama siyang batang lalaki na kamukhang-kamukha mo." Nahinto naman ako sa pagsandok ng kanin.
"Huh?" takang tanong ko.
"Yes! Nagulat nga ako eh, kasi ikaw na ikaw noong bata ka pa."
"Do you know who's the mother of the kid?" tanong ko.
"I met her earlier din but I forgot her name," sagot niya.
"Bagong PA ni Cass?" tanong ko pa.
"I don't know eh, but she's pretty!" tili niya.
Natapos na akong kumain at nakauwi na rin pero hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong sinabi ni Mommy. Baka naman nagkataon lang?
Pinilit ko na lang na alisin sa utak ko 'yon at nag-focus na lang ginagawa ko. May kailangan pa akong ipasa bukas sa company, 'yon dapat ang iniisip ko ngayon.
~~~
Five-thirty na ako nakarating sa venue kung saan gaganapin ang ribbon cutting. Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip ng may-ari ng hotel na ito kung bakit 6 pm niya gaganapin ang ribbon cutting niya.
"What time does it start?" inip na tanong ko sa manager ko.
"Ang sabi six-thirty pa raw," sagot naman niya.
Tamad naman akong napatingin sa wrist watch ko. Bakit kasi ang aga namin?
Paglipas ng ilang minuto ay unti-unti nang dumarating ang mga bigating guests ng may-ari ng hotel na ito. I also saw Cass and her PA. She's pretty in her messy bun. Nang magtama ang tingin namin ay parang may iba akong naramdaman.
Hindi ko na lamang pinansin 'yon dahil magsisimula na. Nakinig na lamang ako sa sinasabi ni Mr. Jackson at nang matapos ay tinawag na kami ni Cass at ng iba pang bisita para magsalita rin sa harap.
Habang nakikinig ako sa nagsasalita sa harapan ay hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang matandang lalaking katabi ko. Pinag-uusapan nila ang PA ni Cass.
"Hindi siya bagay maging personal assistant, mas bagay siya bilang secretary ko." I heard a man say.
"Tapos pagsusuotin mo ng mga maiiksi katulad ng pinapasuot mo sa mga dating secretary mo?" natatawang tanong naman noong isa.
"Of course! Para naman mas ganahan akong pumasok at magtrabaho," sagot naman noong isa at nagtawanan sila.
Lumipat na lang ako ng puwesto dahil naiinis ako sa sinasabi nila. Wala ba silang mga asawa? Mga manyak.
Napatingin naman ako sa PA ni Cass. She's so simple yet so pretty.
Seven-thirty na no'ng matapos ang event. Maaga pa naman at saktong wala akong trabaho bukas kaya naman inaya kong mag-bar si Tyrone.
"Bro, may trabaho pa ako bukas eh pero dahil libre mo, go!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago siya lampasan para pumasok sa loob.
"Bakit ka ba biglang nag-aya? Hindi porke't wala kang gagawin bukas," aniya.
"Eh, bakit ka pumayag?" inis na tanong ko.
"Syempre libre mo eh, bawal tanggihan ang grasya." Ngisi niya.
Siya na pinag-order ko kasi hindi 'yan titigil sa kaka-dada. Habang hinihintay ko siya sa table namin ay may biglang lumapit sa aking babae.
"Hi handsome, can I sit here?" maarteng tanong nito sabay kagat ng labi.
"There are many empty seats there, why don't you sit there?" tanong ko sa babae.
"I don't want there eh, gusto ko here."
Nagtaka naman siya noong tumayo ako. "You can now sit here, Miss. Ako na lang ang lilipat,"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinalikuran ko na siya. Bastos na kung bastos, wala akong oras para sa fling-fling.
"Kita ko 'yon ah," ani Tyrone nang maka-upo siya sabay lapag ng bucket na may lamang alak.
"Ano naman?" pangbabara ko.
"Wala. Chick magnet ka talaga eh 'no?"
Kumuha na lang ako ng alak sa bucket at agad nang tinungga 'yon.
"Do you still remember the girl na nakasama ko sa kwarto?" mayamayang tanong ko.
"Naman! Bakit 'yon? Nahanap mo na ba?" tanong niya, umiling naman ako. "Eh, bakit mo nga natanong?"
"You know Cassidy's PA, right?"
"Of course! 'Yong maganda na hot?"
"I saw her yesterday sa ribbon cutting," sabi ko.
"Mas gumanda ba?" Ngisi niya.
"Para may kakaiba noong nakita ko siya eh," sagot ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
Kumunot naman ang noo niya. "Paanong kakaiba?"
"Hindi ko alam, may iba rin akong naramdama noong nakita ko siya."
"Baka naman may gusto ka sa kaniya?" sabi niya na may halong pang-aasar.
"Wala ka talagang kwenta kausap." Inirapan ko siya bago itungga ang hawak kong alak.
Alas onse na ng gabi noong matapos kami. Hindi naman kami lasing kaya naka-uwi pa kami nang maayos. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sumalampak sa kama ko at natulog na.
~~~
Today is Thursday, pupunta ako ngayon sa company nina Cassidy dahil may shoot ako roon.
Nasa parking lot na ako nang matanaw ko ang manager ko sa entrance. Matapos kong ma-i-park ang kotse ko ay agad na akong bumaba at lumapit sa kaniya.
"Anong oras matatapos ang shoot?" tanong ko.
"It depends. Let's go, kanina pa sila naghihintay ro'n."
Sabay na kaming pumasok sa loob. At nang makarating kami sa studio ay naghahanda na sila ng mga gagamiting props. Bago mag-umpisa ay nagpaalam muna akong mag-cr.
"Bilisan mo ha? Magsisimula na ang shoot mayamaya," sabi ng manager ko.
Malapit na ako sa CR nang may makita akong bata. Para itong may hinahanap kaya agad ko siyang nilapitan.
"Hey, are you lost?" Natigilan ako nang makita ko ang mukha ng bata. Namamalik-mata ba ako? Bakit parang nakikita ko ang bata ako sa batang ito?
"I can't find the comfort room po," mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"O-Oh, come on, doon din ang punta ko eh." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumuntang CR.
"Thank you po," anito.
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "You're welcome, kiddo."
Nauna akong natapos sa kaniya kaya hinintay ko siya sa labas.
"Alam mo ba kung saan ka babalik?" tanong ko rito.
"Yes po,"
"Sino bang kasama mo?"
"Si mama po tsaka si Tita Cass," sagot nito. So, siya 'yong batang lalaking sinasabi ni Mommy.
"Okay, see when I see you." Kumaway ito sa akin bago siya umalis.
Pinanood ko muna siyang makaalis bago ako bumalik.
"Why are you took so long?" iritadong tanong sa akin ng manager ko.
"Magpapalit pa ba ako?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Yes, make it fast. Naghihintay si direk," anito.
Nagawa ko nang maayos ang sinasabi ng photographer kaya naman mabilis lang natapos ang shoot.
"Mauuna na ako," sabi ko sa manager ko.
"Okay, take care." Tinanguan ko na lang ito at naglakad na paalis.
"Oops! Wait!" sigaw ng babae kaya naman maagap kong pinigilan ang pagsara ng elevator. She's Cassidy's PA, right?
"Thank y—" nahinto siya saglit. "S-Sir Kamryn, kayo po pala. Maraming salamat po," aniya.
"Don't mention it." sagot ko.
Sinubukan kong siyang tignan sa repleksyon niya sa pintuan na elevator ngunit nakayuko ito.
Gusto pa sanang manatili ngunit kailangan ko nang lumabas. Bago magsara ang pinto ng elevator ay nakita ko pa ang pagsabunot niya sa kaniyang buhok. Umiiling naman akong napangiti. Cute.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top