Chapter 30

Simula noong makauwi kami ng bahay ay palagi na lang akong nakakulong sa loob ng kwarto. Ayokong lumabas at ayokong makipag-usap muna sa mga tao. Sariwa pa rin kasi 'yong nangyari at hindi pa kayang tanggapin ng puso ko.

"Mama, dinalhan po kita ng food, eat ka na po." Pinanood ko lang na ilagay ni Soren ang pagkain sa gilid ng kama.

"'Wag ka na pong sad, mama, hindi naman po talaga nawala si baby sa atin eh. Baby's everywhere, guiding and watching us." Hindi ko tuloy napigilang mapaluha sa sinabi ni Soren. Marahan ko siyang hinila at niyakap.

"I know, anak, I know..." iyak ko. "Hindi lang talaga matanggap ng mama na wala na si baby sa atin,"

"Nandito pa naman po ako, kami po ni Papa. Hindi ka po namin iiwan." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. I'm so lucky to have them in my life.

"I love you, Soren. Mahal na mahal ko kayo ng Papa mo," umiiyak na sabi ko habang yakap siya.

"Kain ka na po, Mama," aniya at kinuha ang plato at sinimulan akong pakainin.

"Ako na, anak." Nilayo naman niya ang plato nang akmang kukunin ko ito sa kaniya.

"Let me feed you, Mama," aniya kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang siya.

"Nasaan nga pala ang Papa mo?" tanong ko rito.

"Nasa work niya po, pero he told me na mabilis lang daw po siya ro'n," sagot niya.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na siyang huhugasan ang platong ginamit ko.

"Wait me, Mama, I'll sing a song for you after kong maghugas." Napangiti naman ako sa huling sinabi niya.

Parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko nang marinig kong ang mga katagang iyon. Maayos nga ang pagpapalaki ko sa kaniya.

Matapos ang ilang segundo ay bumalik na si Soren sa kwarto at pumwesto na sa tabi ko.

"Anong song po ang gusto mo, Mama?" tanong niya.

"Ikaw ang bahala,"

"What if 'yong Can't help falling in love na lang po?"

"Sure," nakangiting sagot ko.

Kusang napapikit ang mata ko nang magsimula siyang kumanta. Napakaganda at napakasarap pakinggan ng boses niya.

"For I can't help falling in love with you~" pagtatapos niya sa kanta.

Nakangiti kong niyakap si Soren. "Maraming salamat, anak, kahit papaano gumaan ang loob ko."

"Mama, balik ka na po sa dati please... hindi po ako sanay na sad ka eh,"

Hindi ako naka-imik.

"Shhh..." pagpapatahan ko nang mag-umpisa siyang umiyak.

Para akong nanghihina kapag nakikita ko siyang umiiyak. Kaya kahit na mahirap pa sa aking tanggapin ang nangyari, pipilitin kong ibalik ang dating ako. Iyong masayang ako.

~~~

Sa paglipas ng araw ay nararamdaman kong unti-unting nanunumbalik ang sigla sa katawan ko. Hindi rin kasi pumapalyang pasayahin ako ng mag-ama.

"Mama, look, ang dami ko pong nahanap na seashells!" tumatakbong wika ni Soren.

Narito kami ngayon sa resort na pagmamay-ari ng Tita ni Kamryn. Birthday kasi ngayon ni Summer at napagdesisyonan nina Ate Kamhile na rito ganapin ang kaarawan ng anak.

"Wow, are you going to make a bracelet?" tanong ko, tumango naman siya. "Let me guess, para kay Ainsley?"

"Yes po and for Aislinn also," aniya.

"Ang sweet naman talaga ng anak ko." Mahina kong pinisil ang pisngi niya.

"It hurts, Mama," daing niya kaya natatawa kong hinimas ang pisngi niya at nag-sorry.

"Later na lang po ulit, maghahanap pa po ako ng maraming seashells para magawan ko rin sina Lola at Tita, pati po ikaw." Tinanguan ko na lamang siya at pagkatapos ay kumaripas na siya ng takbo papuntang pampang.

Habang pinapanood ko siya ay nagulat ako nang may maramdaman akong kamay na pumulupot sa baywang ko.

"I really like seeing you smile. Mas gumaganda ka," aniya sabay halik sa balikat ko.

"Thank you sa inyong dalawa ni Soren. Thank you so much for teaching me how to smile again," nakangiting sabi ko saka isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Well, thank you for smiling again."

Napapikit ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon habang parehong nakatanaw kay Soren na abalang-abala sa paghahanap ng seashells.

"Yara! Kamryn! Balik na muna kayo rito at tayo'y kakain na!" Sabay kaming napalingon ni Kamryn kay Tita Karol.

"Mauna ka na ro'n. Ako na ang bahala kay Soren," sabi niya. Tumango na lang ako lang bago maglakad papunta sa cottage.

"Oh, hey Yara!" bati sa akin ni Blake nang makapasok ako sa cottage.

Oh, I almost forgot. Okay na nga pala sila ni Kamryn at free time niya kaya nakasama siya sa amin ngayon.

"Hey, Blake!" bati ko rin pabalik.

"Nasaan 'yong mag-ama mo?"

"Susunod na, tinawag lang ni Kamryn si Soren."

"I see. Come on, tulungan na kitang manguha ng pagkain ninyong tatlo." Tinulungan niya akong manguha ng plato at magsandok ng pagkain nina Kamryn.

Pagkarating ng mag-ama ay binigay ko na sa kanila 'yong mga pagkain nila.

~~~

Pagsapit ng alas singko ay sabay-sabay kaming pumunta sa dagat para maligo.

"Wait, kunin ko lang 'yong cellphone ko," paalam ko kay Kamryn.

"Hm, ako na ang bahala kay Soren," sagot niya kaya naman nagmartsa na ako pabalik sa room namin.

Palabas na sana ako ng kwarto nang may biglang mag-message sa akin. Unknown number 'yon pero binuksan ko pa rin at binasa.

From: Unknown number

Hey, Yara, it's me Chantal. I got your number from Blake, ilang beses ko pa siyang pinilit bago niya ibigay. Anyway, I don't know if babasahin mo ito but I'm hoping. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa inyo, especially for you. Because of me nawala sa inyo sa baby niyo, I regret that very much. I'm really really sorry, Yara. I hope you can forgive me, it's okay of hindi pa ngayon I understand naman. So uhm, I'm here at Ottawa and I'm staying here for good. Be happy, Yara, I will never bother you again. :)

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong mabasa ang mensahe na iyon. Ilang minuto kong tinitigan ang mensaheng iyon hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nagtitipa ng mensahe.

To: Unknown number

Pinapatawad na kita.

Pagka-send ko no'n, naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala akong nakuhang reply galing sa kaniya.

Actually, matagal ko na siyang napatawad, eh. Tama lang naman ang ginawa ko, 'di ba? Kasi hindi naman maibabalik ang buhay ng anak ko  kung patuloy lang akong magagalit sa kaniya.

Nabalik ako sa realidad nang may tumapik sa pisngi ko. Si Kamryn pala.

"Hinahanap ka na ni Soren, ang tagal mo raw bumalik," aniya.

"Oh, sorry. Hinanap ko pa kasi itong phone ko eh, nalimutan ko kung saan ko nailagay kanina," palusot ko. "Tara na, balik na tayo roon." Wala na siyang nagawa nang hilain ko siya palabas ng kwarto.

"Mama, ligo ka na rin po! Later na ka na po mag-video," sabi ni Soren kaya wala na akong nagawa kundi ilagay ang phone ko sa nilatag kong blanket. Kami-kami lang naman ang narito sa resort kaya ayos lang na iwan ko ito rito.

Wala kaming ibang ginawa kundi ang maglaro at magkulitan. Pero no'ng malalim na ang gabi ay inaya ko nang magbanlaw si Soren. Hindi naman na ito nagreklamo dahil nilalamig na raw siya.

"Mama, sabi po ni Lola kanina doon daw po kami matutulog nina Bailey sa kwarto nila ni Lolo," aniya.

"Okay lang ba sa 'yo?"

"Opo! Manonood daw po kami ng cartoons later eh,"

Inabot ko ang tuwalya para tuyuin si Soren. "Ganoon ba? Nasabi mo na ba sa Papa mo?"

Umiling siya. "Later pa lang po."

"Okay. Sige na, go change na." Sinarado ko na ang pinto nang makalabas siya.

Mabilis lang ang ginawa kong pagbabanlaw dahil nilalamig na rin ako. Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Kamryn na nakatayo sa harap ng bintana habang nakatanaw sa dalampasigan.

"May nakita ka na bang sirena?" biro ko. Mabilis naman niya akong nilingon.

"Naniniwala ka roon?" Ngumisi siya saka dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

"Syempre. Baka 'di mo natatanong, favorite Disney character ko kaya si Ariel," hagikgik ko.

"Seriously?" Niyakap niya ako mula sa likod sabay halik sa balikat ko.

"Oo, kahit itanong mo pa kay mama."

"No need, I believe you." Muli niyang hinalikan ang balikat ko bago niya ako iharap sa kaniya.

Magsasalita pa sana ako nang angkinin niya ang labi ko. Maingat at mainit ang bawat paghalik niya kaya naman tumugon na rin ako. Wala naman sa sariling naiyakap ko ang kamay ko sa batok niya.

Impit akong napatili nang buhatin niya ako. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Saglit siyang huminto at maingat akong ibinaba sa kama.

"You're mine, Yara. Every part of you are mine, even this." Mahina akong napa-ungol nang himasin niya ang pagitan ng mga hita ko.

Muli niyang inangkin ang labi ko. Mas matagal at mas maingat ito kaysa kanina. Our kiss deepened, hanggang sa mapagtanto kong pareho na kaming walang saplot habang pinapaligaya ang isa't-isa.

~~~

Paglipas ng dalawang buwan, naging abala naman kami sa ika-7 kaarawan ni Soren. Pinagpipilian namin ni Kamryn kung magpapakain ba kami sa room nila or sa resort na lang din katulad noong kay Summer.

"So, what's your plan?" tanong ni Miss Cass.

"Hindi ko nga po alam eh. Ano kaya kung both na lang? Magpakain then after no'n diretso na sa resort?"

"No, not that."

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. "Isasabay ko na lang siguro sa birthday ni Soren," sagot ko.

"I'm so excited!" tili niya.

Nagpasalamat ako sa kaniya nang maihatid niya ako sa bahay.

"Don't stress yourself, okay?" kindat nito.

"I will, Miss Cass."

Hinintay ko munang tuluyang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob.

"Kumusta lakad niyo?" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.

"Bakit ka nanggugulat?" tanong ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Natawa naman siya. "I'm sorry."

"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka pala?"

"Surprise?" Pabiro naman akong umirap.

"Ewan ko sa 'yo." Tatalikuran ko na sana siya nang may maalala ako. "Nga pala, ano kaya kung magpakain na lang muna tayo sa room nina Soren tapos after no'n diretso na tayo ng resort?" Napa-isip naman siya.

"Nice idea. Kasi hindi naman lahat makakapunta sa resort eh," pagsang-ayon niya.

"You're right. Wait, bihis lang muna ako." Aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Sama ako." Bago pa ako makasagot ay nahila niya na ako paakyat.

~~~

Maaga akong nagising dahil ipi-pick up pa namin 'yong mga in-order naming pagkain para mamaya. Pagkatapos kong maghilamos ay dumaan muna ako sa kwarto ni Soren para tignan kong tulog pa ito.

"Good morning, birthday boy!" bati ko sa kaniya nang makita kong nagliligpit ito ng higaan niya.

Tinigil niya saglit ang ginagawa at tumakbo palapit sa akin upang ako'y yakapin. Ang sweet naman talaga ng baby ko.

"Thank you, Mama. Good morning din po!" Napangiti ako nang halikan niya ako sa pisngi.

"Anong gusto mong gift?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Wala po, makasama ko lang po kayo ni Papa okay na sa akin 'yon."

Hindi ko naman napigilang maging emosyonal sa narinig ko. Sobrang swerte ko talaga sa 'yo, anak.

"Why are you crying po?" takang tanong niya sabay punas ng luha ko.

"Pinapaiyak mo kasi ang Mama eh," pabirong sagot ko. "Hay. Tara na nga sa baba at nang makakain na tayo," sabi ko.

"Wait po, tapusin ko lang po 'yong nililigpit ko." Tumakbo siya pabalik sa kama niya at tinapos na niya ang pagliligpit.

"Good morning!" sabay na bati namin kay Kamryn.

Nakangiti naman siyang lumingon sa amin at binati kami pabalik. "Good morning, babe. Good morning, birthday boy."

"Anong sabi nina Tita? Makakapunta raw ba sila?" tanong ko.

"Yes, kasama nila sina Ate Kamhile," sagot naman niya.

"Diretso na ba sila sa resort? Kasi 'di ba magpapakain pa tayo sa room?"

"Yeah, at sa pagkaka-alam ko kasabay na nila si Mama Yulla."

"I see. Tapos ka na ba d'yan? Tulungan na kita," alok ko pero inilingan niya ako.

"Maupo ka na at ako na ang bahala." Wala na akong nagawa kundi sundin siya.

Pinanood lang namin siya ni Soren hanggang sa matapos siyang magluto at kung paano niya kami sandukan ng pagkain namin ni Soren.

"Mama, pupunta raw po ba sila Tito Ysaac?" tanong nito.

"Nasa byahe na raw sila," sagot ko. "Bilisan mo na at baka ma-late ka sa school. Na-invite mo ba sina Ainsley?"

"Opo."

"Anong sabi nila? Pupunta raw ba sila?" tanong ko pa.

"Opo raw po," masayang sagot niya.

Tumango-tango na lang ako at nagpatuloy na lang sa pagkain hanggang sa matapos na.

"Tapos na po ako!" aniya saka binitbit na ang plato niya para ilagay sa lababo.

"After mo r'yan maligo ka na rin, ako na ang bahala rito," mayamayang sabi ni Kamryn.

"Sigurado ka ba? Okay,"

Natawa na lang siya sa naging sagot ko. "Silly." Umiiling na sabi niya.

"Mahal mo naman," banat ko.

"Hindi ka nagkakamali," bawi niya rin kaya parehas kaming natawa.

"Ewan ko sa 'yo, Kamryn. Sige na, maliligo na ako." Tumango na lamang siya kaya pumihit na ako paakyat sa kwarto namin.

Mabilis lang akong naligo dahil nilalamig ako. May heater naman pero hindi ko alam kung bakit nilalamig pa rin ako.

Tapos na akong magbihis at nagsusuklay na ng buhok nang pumasok si Kamryn sa kwarto.

"Ang bilis mo namang maligo?" takang tanong nito.

"Para makasunod ka na ring maligo. Baka nakakalimutan mong may ipi-pick up pa tayo?" taas-kilay kong sabi.

"Sabi ko nga," natatawang sagot niya bago kunin ang tuwalya sa akin.

Nagulat ako nang mabilis niya akong halikan sa labi. Huli na noong aambahan ko siya ng palo dahil mabilis siyang nakatakbo papuntang banyo.

"Loko ka talaga, Kamryn Zane!" sigaw ko pero tawa lang ang isinagot niya sa akin.

Matapos akong mag-ayos ay pumihit naman ako sa kwarto ni Soren. Bihis na ito at nagsasapatos na lang.

"Pogi naman ng birthday boy ko." Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya.

Inayos ko ang kwelyo niya at pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi. Ang bango pa!

"Ready ka na?" Tumango siya saka kinuha na ang kaniyang bag.

~~~

"Let's sing happy birthday to Soren before we eat," sabi ni Ma'am Germogeno sa mga bata.

"Happy birthday to you~" pagkanta ng mga bata. Sumabay naman ako.

Nang matapos ang kanta ay nag-serve na kami ng kakainin ng mga bata. Ang sarap sa pakiramdam na makitang sarap na sarap sila sa pagkain nila.

"Miss Yara, maraming salamat po rito ha?"

Nakangiti ko namang hinawakan ang kamay ng guro. "Walang anuman ho, thank you rin sa pagtuturo at pagbabantay sa anak ko at sa mga kaklase niya."

"Tungkulin ko pong turuan at bantayan ang mga bata pero wala hong anuman," tugon naman niya.

Matapos kumain ng mga bata ay isa-isa na silang nagpaalam sa isa't-isa. Half day lang daw kasi ngayon ang mga grade 1.

"Mama, puntahan ko po muna sina Ainsley," paalam nito saka tumakbo na paalis, hindi na hinintay ang sagot ko. Lokong bata.

Ilang minuto pa muna akong naghintay sa may gate bago ko matanaw si Soren at kasama na ang kambal.

"Hello po, Soren's Mama." Natawa naman ako sa sinabi ng isa sa kambal.

"Just call me Tita," sabi ko.

"You're so formal kasi, Aislinn," sabat naman no'ng isa. "Hello po, Tita! Ang pretty niyo po," hagikgik niya. So, siya si Ainsley.

"Thank you. Ang ganda niyo ring dalawa," puri ko rin pabalik. "Nga pala, nasaan ang parents niyo?" tanong ko.

"I don't know po— ay, hayun na po sila!" turo niya sa sasakyang malapit lang kung saan naka-park ang sasakyan namin.

Sabay na sinalubong ng kambal ang magandang babaeng bumaba sa sasakyan.

"Mama, sunod po tayo sa kanila." Nahila na niya ako bago pa man ako makasagot.

"Mama, siya po 'yong mother ni Soren." Napunta naman sa akin ang tingin ng babae.

"Hi, I'm Yara," pakilala ko sa sarili ko.

"Hello, ako nga pala si Elara. Nice to meet you and happy birthday nga pala kay Soren mo," sabi niya at binalingan si Soren.

"Thank you po, Tita Elara," sagot naman ni Soren.

"Uhm, let's go? Okay lang bang sumunod na lang kayo sa amin?" nahihiyang tanong ko kay Elara.

"Yes, yes, no worries."

"Okay, see you na lang sa resort?"

"Hm, see you."

Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago magtungo sa kaniya-kaniya naming sasakyan.

~~~

Nakahanda na ang lahat nang makarating kami sa resort. Ang birthday boy na lang talaga ang kulang.

Pinaupo ko na muna sina Elara bago ako magtungo kung nasaan sina Miss Cass.

"Are you ready?" nakangising tanong niya.

Tumango ako. "Kinakabahan lang, slight."

"You can do it!" kindat niya.

Si Ate Kamhile ang mag-i-emcee kaya naman pumunta na siya harap at tinawag na kaming tatlo. Tatlo kaming nakaharap sa cake habang nasa pagitan namin ni Kamryn si Soren.

Kinantahan muna namin siya ng happy birthday at nang matapos ay pinag-wish namin siya bago niya i-blow ang kandila.

"Anong winish mo, Love?" tanong ni Ate Kamhile kay Soren.

"Have a baby sister!" Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Soren. Gustong-gusto na niya talagang magkaroon ng kapatid.

"Oh, what do you think Yara?" Natatawa kong inabot kay Ate Kamhile 'yong mic. Iba ang ngiti niya, sabagay alam na rin pala niya.

"Anak, Kamryn... may gusto akong sabihin sa inyong dalawa at sa lahat ng nandito." Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy. "Buntis ako." Parehong natigilan ang mag-ama.

"Y-You're pregnant?" Sa wakas ay nagsalita na si Kamryn.

"Yes, Kamryn. You will be a father again and magiging Kuya na rin sa wakas si Soren," sagot ko.

May tumulong luha sa mata ni Kamryn bago niya ako hilahin at ikulong sa mga bisig niya. Paulit-ulit siyang bumubulong ng 'Salamat'.

"Congratulations, Yara and my dear brother. Let's give them a round of applause!" Nagsi-palakpakan naman ang mga tao.

At pagkatapos no'n ay kumain na kaming lahat. Lahat ng bisitang madaanan ko ay binabati nila ako ng 'Congratulations'.

Hindi naging boring ang birthday ni Soren dahil punong-puno ito ng kasiyahan, kulitan at marami pang iba.

"Everyone!" Pang-aagaw ni Kamryn ng atensyon ng mga tao. "Bago tayo magsi-uwian, I want to thank you for coming to Soren's birthday. It will not be successful without you," litanya niya.

"And Yara, thank you. Thank you for everything. And now, it's my turn." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

May kinuha siya sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko sabay takip sa bibig ko nang makita ang maliit ng pulang box. Nagsimulang manubig ang mata ko nang lumuhod siya.

"Yara Colleen Lazaro, will you be my bride?" Tuluyan na akong naiyak nang marinig ko iyon.

"Yes, Kamryn." Paulit-ulit akong tumango.

Mabilis niyang sinuot sa akin ang singsing at pagkatapos ay mabilis akong hinalikan sa labi. Napangiti naman ako bago tumugon sa mga halik niya.

Limang minuto ang tinagal ng halikan namin bago niya ipagdikit ang noo namin. Narinig ko ang palakpakan sa paligid ngunit nanatili pa rin ang tingin ko kay Kamryn.

"I love you, Yara. Mahal ko kayo ni Soren at pati na ang magiging anak natin." Napapikit ako nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko.

"Mahal na mahal ko rin kayo."

Hindi ko inaasahang darating ang panahon na ito. Na mamahalin ko nang sobra itong lalaking ito. Naalala ko pa noong hinihiling ko lang na sana maging kamukha niya si Soren.

"Sali po ako sa hug!" Napahiwalay kami sa isa't-isa ni Kamryn.

Tumuwad nang kaunti si Kamryn upang buhatin si Soren. Masaya naming niyakap ang isa't-isa na para bang wala nang bukas.

Mahal na mahal at patuloy ko pang mamahalin ang pamilyang ito hanggang sa abot ng aking makakaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top