Chapter 29 (Part 2)
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ko kung gaano kasaya si Soren nang malamang magkakaroon na siya ng kapatid.
"Anong gusto mo, boy or girl?" tanong sa kaniya ng Papa niya.
"I want baby sister!"
"Why baby sister?" pagsisingit ko.
"Because I want to treat her like a princess, Mama." Mabilis ko namang pinahid ang luhang tumulo sa aking pisngi. Sure akong magiging mabuting kuya siya sa kapatid niya.
"Ayaw mo ba ng boy?" tanong ulit ni Kamryn.
"Gusto po pero mas gusto ko po ang baby girl,"
"Paano kapag boy pala 'yong nasa loob ng tummy ko?" tanong ko.
"Then, make another one and make sure na it's a girl na." Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya.
Tumatawa namang tumingin sa akin si Kamryn.
"A-Anak... hindi ganoon kadali manganak," ani ko at umiwas ng tingin.
"Is it masakit, mama?" inosenteng tanong niya.
"Sobra, anak."
"Magpe-pray na lang po ako mamayang gabi na sana baby girl ang nasa loob ng tummy mo para hindi na kayo gagawa ulit ni papa,"
Napayuko na lamang ako nang maramdamang uminit ang mukha ko. Mukha namang napansin 'yon ni Kamryn kaya ginulo niya ang buhok ng anak.
"Ang daldal mo," natatawang sabi niya sa anak.
Pinaandar na ni Kamryn ang sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho.
Bago kami umuwi ay dumaan muna kaming Mcdo para mag-take out ng meryenda.
~~~
"Good night, Mama and Papa. Good night, my baby sister." Napangiti ako nang halikan ni Soren ang tyan ko.
"Ang sweet naman ng big boy ko," sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Go to sleep na, may pasok ka pa bukas." Inayos ko ang kumot niya at hinalikan muna namin siya sa noo bago kami lumabas ni Kamryn.
Iyong kwarto niya ngayon ay 'yong dating kwarto ko dati. Ayaw na niyang tumabi sa amin kasi big boy na raw siya.
Pagpasok namin ni Kamryn sa kwarto namin ay inalalayan niya muna akong makahiga sa kama bago siya mahiga. Yumakap agad siya sa akin nang makahiga siya.
"Do you have work tomorrow?" tanong niya.
Tumango ako. "May dalawang photoshoot si Miss Cass,"
"Okay. Huwag mo na akong dalhan ng lunch ko bukas, magbabaon na lang ako ng lulutuin mo para diretso uwi ka na lang bukas para makapagpahinga ka,"
"Sure ka?" tanong ko, tumango naman siya. "Okay. Let's sleep na, maaga pa kayo bukas."
Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. "Good night, babe."
Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya para hindi niya malaman na nakangiti ako na parang timang.
~~~
Kinabukasan, wala na sa tabi ko si Kamryn kaya naman nagmamadali akong pumasok sa banyo para maghilamos at pagkatapos ay dumiretso na sa kusina.
At hayun siya, nagluluto ng aming almusal. Abala siya sa pagluluto kaya tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensyon.
"You're awake," nakangiting sabi niya.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko.
"Gusto kong ako naman ang magluto ng almusal natin kaya hindi na kita ginising. At saka alam kong puyat kayo ni baby," sagot niya habang suot ang pilyong ngiti. Hindi ko naman naitago ang pamumula ng aking pisngi nang maalala ang nangyari sa amin kagabi.
"B-Bilisan mo na lang d'yan, gigisingin ko muna si Soren." Agad na akong tumalikod at hindi na hinintay ang kaniyang sagot.
Pagpasok ko sa kwarto ni Soren ay niyakap ko ito at paulit-ulit na hinalikan ang kaniyang mukha.
"Good morning, kuya, wake up na."
Bumalikwas ito at niyakap ako sa leeg, kasabay no'n ay ang paghalik niya sa aking pisngi.
"Good morning, Mama. Good morning, baby."
Napangiti naman ako. "Tara na sa kusina at baka tapos na magluto ang papa mo." Marahan ko siyang hinila patayo at sinamahan ko siyang pumunta sa banyo para maghilamos.
"Good morning, Papa!" bati niya sa ama nang makababa kami.
"Good morning, son," bati niya pabalik at pagkatapos ay tumingin sa akin sabay ngisi.
Nang akmang ipaghihila ko ng si upuan si Soren ay nagulat ako nang unahan ako nito.
"Upo ka na po," aniya.
"Hay, big boy na nga talaga ang baby ko!" Ginulo ko ang buhok niya kasabay ang mahinang pagpisil sa kaniyang pisngi.
Sabay sabay kaming kumain at halos sabay rin kaming natapos. Si Kamryn na ang nagpresintang maghuhugas ng mga plato kaya inaya ko nang umakyat si Soren.
"Mama ako na po magpapaligo sa sarili ko," sabi niya nang mapansing nakasunod ako sa kaniya.
"I know, ihahanda ko lang 'yong uniform mo," sagot ko.
"Okay po." Pumasok na siya sa banyo pagkakuha niya ng tuwalya.
At pagkatapos kong mainhanda ang damit niya ay lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta na rin sa kwarto namin para maligo.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Kamryn na naghahanda ng kaniyang susuotin.
"Tapos na ako, sunod ka na." Napalingon naman siya sa gawi ko.
Tinigil niya saglit ang ginagawa niya at malawak ang ngiting lumapit sa akin. Hinapit niya ang baywang ko ay inamoy-amoy ang leeg ko.
"Maligo ka na, male-late kayo niyan sige." Mahinang palo ko sa braso niya.
"Let me cuddle you for a while," bulong niya sa tainga ko sabay halik dito.
Niyakap ko na lang siya pabalik at hinayaan munang yakapin ako.
Pareho kaming napalingon sa pintuan nang may marinig kaming kumakatok. I'm sure si Soren 'yon.
"Maligo ka na roon," sabi ko at tinulak-tulak siya papasok sa banyo.
Kinindatan niya muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Napailing naman ako bago ipagbuksan ng pinto si Soren.
"Mama, did you see my bracelet?" bungad nito.
Kumunot naman ang noo ko. "What bracelet? Wala naman akong nakitang bracelet," sabi ko.
"Ainsley made it for me," mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Halika at hanapin natin," sabi ko at hinila siya pabalik sa kwarto niya.
Saan mo ba kasi nilagay?" tanong ko.
"I do'n know po. I just wore it yesterday,"
"Baka naman nahulog mo sa kung saan," sabi ko.
Nalibot na namin ang buong kwarto ngunit wala kaming nakitang bracelet. Mabilis kong inalo si Soren nang magsimula itong umiyak.
"Shhh... I will find your bracelet, okay? I promise." Hinalikan ko ang kaniyang noo at hinagod-hagod ang kaniyang likod upang patahanin.
"What happened?" Napatingin ako sa nagsalita.
"Nawawala 'yong bracelet niya na binigay ni Ainsley," sagot ko.
"Ito ba 'yon?" May dinukot siya sa kaniya bulsa at may nilabas na bracelet.
"Is that your bracelet, anak?" tanong ko, tumango naman siya at lumapit sa ama.
"T-Thank you, P-Papa," humihikbing sabi niya.
"Saan mo nahanap?" tanong ko kay Kamryn.
"Nakita ko sa kotse kahapon, baka nahulog niya no'ng pagbaba niya," sagot niya.
"Come on, Mama, Papa!" Sabay kaming napailing ni Kamryn nang iwan kami ni Soren.
Sa bahay ni Miss Cass ako nagpahatid dahil sabay raw kaming aalis ni Miss Cassidy. At balak ko na ring sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Ma, Miss Cass... may sasabihin ako sa inyo," panimula ko.
"What is it? Kinakabahan naman ako," tawa niya.
"I'm pregnant,"
Ilang minuto silang walang imik at parang pinoproseso pa ng utak nila 'yong sinabi ko. Hanggang sa malakas na tumili si Miss Cass na ikinagulat naman ni Mama.
"Omg! Ninang ako ha?"
"Magiging lola ulit ako?"
Natawa ako sa naging reaksyon nilang dalawa.
"Yes Miss Cass, ninang ka. At, opo mama, magiging lola ka ulit." Mabilis kong pinahid ang tumulong luha ko.
Hindi naman kami nagtagal ni Miss Cassidy sa bahay niya at umalis na kami.
Mabilis lang natapos ang dalawang photoshoot ni Miss Cassidy at narito kami ngayon sa mall dahil mag-go-grocery raw si Miss Cassidy dahil malapit na raw silang maubusan ng stock sa bahay.
"Miss Cass, saglit lang at may bibilhin lang muna ako," paalam ko rito nang maalalang paubos na pala 'yong cream na nilalagay ko sa mukha ko.
"Okay, bilisan mo ha?" Tinanguan ko na lang ito at naglakad na paalis.
Nasa second floor ang Watsons kaya nagmamadali akong sumakay ng escalator. At pagpasok ko ng Watsons ay agad kong hinanap 'yong cream na para sa mukha ko.
Matapos kong bayaran 'yon ay lumabas na agad ako ng Watsons. Sasakay na ako ng escalator nang may humila ng braso ko at nagulat ako nang bigla ako nitong sampalin.
"You bitch! Inagaw mo sa akin si Kamryn!" saad nito na ikinakulo naman ng dugo ko. Pero kahit na ganoon ay sinubukan ko pa ring kalmahin ang sarili ko.
"Miss, hindi ko inagaw sa 'yo si Kamryn," kalmadong sabi ko.
"No! Ayaw na niya sa akin and that's because of you! Malandi ka! You seduce him!" Okay, hindi na kaya ng pasensya ko.
"Miss, dahan-dahan ka sa pananalita mo ha. Hindi ko na kasalanan kung ayaw na sa 'yo ni Kamryn. At, excuse me? Ako? Malandi?" turo ko sa sarili ko. "Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang sabihan ako niyan," sabi ko.
Akmang tatalikuran ko siya nang marahas niyang hinila ang braso ko para mapaharap ulit sa kaniya.
"We're not done yet." Mahina ngunit may riing sabi niya.
"Wala ka naman na sigurong sasabihin, 'di ba? So, aalis na ako." Marahas kong inagaw ang braso ko at tinalikuran siya.
"I said, we are not done yet! So, come back here!" Sinugod niya ako at mabilis niyang nahawakan ang buhok ko.
"Ano ba?! B-Bitawan mo ako! Hindi ka ba nahihiya? Sikat na model ka tapos nag-iiskandalo ka rito?!" sigaw ko ngunit hindi pa rin niya ako binibitawan.
"I don't care!" sigaw niya sa mukha ko.
Wala akong nagawa kundi mapapikit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo dahil inaalog-alog niya ang ulo ko. Parami na rin nang parami ang taong nanonood sa amin.
'Jusko! Baka mahulog 'yong babae sa escalator.'
'Hala, 'di ba sikat 'yong babaeng nananabunot?'
Ilan lang 'yan sa mga bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin. Ngunit ayaw pa rin patinag nitong babaeng ito.
"Hindi ka ba nahihiya? Gusto mo bang masabihan kang iskandalosa? Ha?!" sigaw ko.
"Bitch!" Pagkabitaw niya ng buhok ko ay sabay naman ang pagtulak niya sa akin. Dahilan upang mawalan ako ng balanse at nagpagulong-gulong sa escalator. "Die, bitch! Fuck you!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko 'yon inintindi.
Hindi ko na napigilang maiyak nang makitang may dugo sa binti ko. No, no. Ang anak ko... hindi.
"Yara!"
Hindi ko na nakita 'yong tumawag ng pangalan ko dahil nawalan na ako ng malay bago pa siya makalapit sa akin.
~~~
Nang magmulat ako ng mata ay puting kisame ang bumungad sa akin. Anong nangyari? Nasa mall lang ako kanina ah?
At nang ilibot ko ang mata ko ay nakita ko sa labas ng pintuan si Miss Cass at kasama niya si Blake, may kausap silang doctor.
Bigla namang kumirot ang puso ko nang maalala ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay. Ayos lang naman ang baby ko, 'di ba? Walang nangyaring masama sa kaniya.
"Yara, thank God you're awake." Tumakbo palapit sa akin si Miss Cass suot ang nag-aalalang mukha.
"Miss Cass, anong sinabi ng doctor? Kumusta ang baby ko? Wala namang nangyari sa kaniya, tama?" sunod-sunod na tanong ko.
Umiwas siya ng tingin sa akin at nagkatinginan sila ni Blake. At nang ibalik niya ang tingin sa akin ay para na siyang maiiyak.
"Miss Cass, magsalita ka naman..." pagmamakaawa ko. Nagsisimula na ring manubig ang mga mata ko.
"Yara... y-your baby is... gone."
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Umiling-iling ako dahil hindi ko kayang tanggapin 'yong sinabi niya.
"Miss Cass, 'wag ka namang magbiro oh..." iyak ko. "Nandito pa ang baby ko, Miss Cass, 'di ba?" Imbis na sumagot ay niyakap niya ako nang mahigpit.
"I'm sorry, Yara..." umiiyak na sabi niya.
Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko kayang tanggapin na wala na ang anak ko. Sobrang saya ko lang noong isang araw, eh. Bakit naman ganito kasakit 'yong kapalit?
"Tama na 'yan. Yara, magpahinga ka na muna. Hindi pa gaanong maayos ang lagay mo," pag-aalo ni Blake. "Tinawagan ko na si Kamryn and he's on his way now," dagdag pa niya.
Humiwalay na si Miss Cass ng yakap sa akin at tinulungan akong humiga nang maayos. Ilang saglit pa ay nakaramdam na rin ako ng antok dahil sa sobrang kakaiyak.
~~~
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong humahaplos sa kamay ko. Pagmulat ko ay si Kamryn pala. Nagsimula na naman tuloy akong maiyak. Alam na kaya niya?
"Hey, stop crying. Kanina ka pa raw iyak nang iyak," nag-aalalang sabi niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Mahigpit ko siyang niyakap at sa dibdib niya ako umiyak nang umiyak. Hinagod-hagod naman niya ang likod ko.
"K-Kamryn... wala na ang baby natin..." sabi ko.
"Shhh... s-stop crying, babe..." garalgal na sabi niya. "Cassidy told me what happened and I won't forgive that girl, ever." May gigil sa boses niyang iyon.
"I'm sorry to interrupt you but there's someone wants to talk to you." Humiwalay kami sa isa't-isa ni Kamryn at parehong binalingan si Blake. "Hindi namin siya mapigilan ni Cass, mapilit eh." Kibit-balikat niya.
"Sino?" kunot-noong tanong ni Kamryn.
Mabilis na sinugod ni Kamryn si Chantal at nagulat ako nang sakalin niya ito. Maputi siya kaya kitang-kita ko kung paano mamula ang kaniyang mukha. Galit ako kay Chantal pero hindi ko kayang nakikita siyang ganiyan. Sinubukan kong tumayo pero nanghihina pa rin ang katawan ko.
"Blake, awatin mo si Kamryn!" sabi ko pero hindi ako nito pinansin. Nakatingin lamang siya sa kapatid habang mahigpit na hawak ang leeg ng babae.
Kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo at paika-ikang lumapit kina Kamryn.
"Kamryn, tama na 'yan. Baka mapatay mo siya," pag-aawat ko sa kaniya pero hindi pa rin niya binitawan si Chantal at mas hinigpitan pa lalo nito ang pagkakasakal sa babae.
"I don't care, Yara! Pinatay niya ang anak ko kaya dapat lang na mamatay na rin siya!" galit na sigaw niya.
"Kamryn ano ba! Huwag kang magpadala sa galit mo!" sigaw ko at ginamit ko ang buong lakas ko para mailayo siya kay Chantal.
Umiiyak na napaluhod si Chantal habang hinahabol ang kaniyang hininga.
"I'm s-sorry... I'm so sorry. Forgive me, please... I didn't know you were p-pregnant," umiiyak na sabi niya. "I'm sorry..."
Inalalayan akong makaluhod ni Kamryn upang mapantayan ko si Chantal.
"Miss, hindi dahil ipinagtanggol kita kay Kamryn ay ibig sabihin no'n ay hindi ako galit sa 'yo." Huminga ako nang malalim bago magpatuloy muli. "B-Buhay ng inosenteng bata ang nawala sa amin, kaya kung iisipin mo mapapatawad ka namin, nagkakamali ka. S-Siguro, mas mapapatawad kita kung hindi ka na kailanman magpapakita sa amin." Nakita ko naman siyang paulit-ulit na tumango.
"Y-Yes, I will do that. Aalis na lang ako and I promise hindi ko na kayo guguluhin, ever." Nakayuko siyang tumayo at akmang lalabas na ng silid nang pumasok si Tita Karol.
Nagulat kaming tatlo nang bigla niyang sampalin nang malakas si Chantal.
"Para 'yan sa ginawa mo sa manugang ko." At isa pang malakas na sampal ang dumapo sa kabilang pisngi niya. "At para 'yan sa panggagamit sa anak ko!" duro ni Tita kay Chantal. Mabilis namang lumapit si Blake kay Tita at inalalayan ito. "Bakit ka pa bumalik, ha? Ang kapal ng mukha mo!"
"I'm sorry, Tita..." umiiyak at nakayukong sabi ni Chantal.
"Don't call me Tita! Hindi kita kadugo! Umalis ka na rito at baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo!" Mabilis namang kumilos si Chantal at patakbong lumabas ng kwarto.
"Iha!" Mahigpit akong niyakap ni Tita. "I'm so sorry..."
"Tita, 'wag po kayong humingi ng tawad dahil wala naman po kayong kasalanan." Hinagod-hagod ko ang kaniyang likod.
"Ang apo ko... hindi man lang natin nasilayan ang mukha niya." Napahigpit naman ang pagkakayakap ko sa kaniya. Bago pa ako makaiyak muli ay nagsalita si Kamryn.
"Mom, kailangan nang magpahinga ni Yara," aniya kaya humiwalay na sa akin si Tita at inalalayan na ako ni Kamryn na makabalik sa kama.
"Magpahinga ka na muna. Kailangan mong magpalakas para makauwi na tayo." Inayos niya ang kumot ko at napakipit na lang ako nang halikan niya ako sa noo.
"I love you," sabi pa niya at hinalikan naman ako sa labi.
"Mahal din kita, Kamryn," tugon ko bago pumikit. At ilang sandali lang din ay tinangay na ako ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top