Chapter 29 (Part 1)
Matapos ang photoshoot ni Miss Cassidy ay nagpaalam na ako sa kaniyang uuwi na.
"Ayaw mo bang sumabay sa akin? Idadaan ka na lang namin ni Lance sa bahay niyo," alok niya ngunit tumanggi ako.
"Hindi na, Miss Cass, magco-commute na lang ako pauwi." Nakakahiya naman kay Sir Lance kung magpapahatid pa ako, at baka makaistorbo pa ako kun'sakaling may date sila.
"Sure ka ha?"
Ngumiti ako at saka tumango. "Yes, Miss Cass."
Mabuti na lang at saktong may dumaan na taxi kaya mabilis lang akong nakasakay.
Pagdating ko sa bahay ay ang una ko kaagad ginawa ay naghanap ng p'wedeng maluto. May nakita akong baboy kaya kinuha ko na ito at naghanap pa ng ipangsasahog. Balak kong mag-adobo at sana magustuhan iyon ni Sir Kamryn.
"Ouch!" daing ko nang aksidente kong mahiwa ang daliri ko.
Itinigil ko muna ang ginagawa ko at hinugasan ang sugat ko. Pagkatapos ay ginamot ko na muna bago ipagpatuloy ang pagluluto ko. Sinabay ko nang iluto ang kanin para mas mapabilis ang ginagawa ko.
Matapos akong magluto ay naligo muna ako bago kumain at maghanda ng lunch ni Sir Kamryn.
"Antony, si Sir Kamryn?" tanong ko sa secretary ni Sir Kamryn nang magsalubong ko ito.
"Nasa office po niya," sagot naman niya. Nagpasalamat na lamang ako bago maglakad patungong office ni Sir Kamryn.
Suot ko ang malawak kong ngiti habang tinatahak ang daan papuntang office ni Sir Kamryn. Pagbukas ko ng pintuan ng office niya, ready na sana akong batiin siya nang makitang may kahalikan siyang babae. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin.
Iyong galak na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawawala at napalitan ng lungkot at sakit. Hindi ko namamalayang unti-unti na palang lumuluwag ang pagkakahawak ko sa paper bag dahilan upang ito'y mahulog at makapukaw ng kanilang atensyon.
Mabilis namang tinulak ni Sir Kamryn 'yong babae. Malakas ang pagkakatulak niya dahilan upang mawalan ng balanse ang babae at ito'y naging sanhi ng kaniyang pagkatumba.
"Kamryn!" maarte nitong singhal kay Sir Kamryn. Teka, siya ulit 'yong babae noong isang araw ah?
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko kaya namam mabilis akong yumuko upang humingi ng paumanhin bago mabilis na naglakad paalis.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Sir Kamryn sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglakad nang mabilis kasabay ng walang tigil na pagtulo ng mga luha ko.
Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko hanggang sa makalabas ako ng building. Kahit anong punas ang gawin ko ay ayaw pa rin tumigil.
Papara na sana ako ng taxi nang may maramdaman akong mainit na kamay na humawak sa braso ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa huminto kami sa tapat ng sasakyan niya. Nasa parking lot na pala kami.
"Magpapaliwanag ako, Yara," garalgal na sabi niya.
"She's Chantal, my ex-girlfriend. Noong isang araw pa niya ako ginugulo, at kahit anong pagtataboy ang gawin ko ay wala lang sa kaniya." Humugot muna siya ng hininga bago magpatuloy muli. "Iyong nasaksihan mo kanina... H-Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Hindi ko gustong halikan siya, Yara, I promise." He held my chin at marahan itong iniangat upang magtapat ang aming mga mata.
Nakita ko ang nangungusap at nanunubig niyang mga mata at anumang oras ay parang iiyak na. Parang may kumurot sa puso ko nang makita ang itsura niyang ganiyan.
Kusa namang gumalaw ang kamay ko at huminto iyon sa kaniyang kanang pisngi. Kahit na nasasaktan ay sinikap ko pa ring ngumiti.
"N-Naniniwala ako sa 'yo," sambit ko. Ganito ba kapag mahal mo? Handa mong paniwalaan ang mga binitawan niyang salita kahit wala kang kasiguraduhan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Mahal kita eh... kay paniniwalaan kita," pahabol ko. Kita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata.
"You love me?"
Tumango ako. "Mahal na mahal kita, Kamryn."
Ito ang unang beses na binanggit ko ang pangalan niya nang hindi nakakaramdam ng anumang pagka-ilang.
Magsasalita pa sana ako nang bigla kong maramdaman ang kaniyang malambot na labi na dumampi sa labi ko. Marahan at banayad ang paggalaw nito kaya kusang napapikit ang mga mata ko at sinabayan ang paggalaw ng labi niya.
Limang minuto ang tinagal ng halik na iyon bago maghiwalay ang aming labi. Ipinagdikit niya ang aming noo at saka diretso akong tinignan.
"Mahal din kita, Yara. Mahal na mahal," sabi niya at pinatakan niya ng halik ang tungki ng ilong ko.
"Kamryn, may gusto akong sabihin sa 'yo..." Oras na siguro para malaman niya.
"Sure, what is it?" tanong niya habang magkadikit pa rin ang aming noo.
"B-Buntis ako,"
"W-What? R-Really?"
"Magiging tatay ka na ulit," sagot ko.
Hindi na ako nagulat nang bigla niya akong yakapin habang paulit-ulit na nagmumura sa hangin.
"You're not kidding, are you?"
Mahina akong natawa at saka umiling. "Bakit naman ako magbibiro? Kahapon nagpa-check up ako at 12 weeks pregnant daw ako sabi ng doktor."
"Fuck! Thank you, Yara. You don't know how happy I am," sabi niya habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.
Marahan ko siya tinulak nang may maalala. Nagtataka tuloy siyang napatingin sa akin.
"Hindi ka pa kumakain," sabi ko rito.
"Where's my lunch?"
"Naiwan sa office mo." Hindi ko pala nakuha no'ng umalis ako.
"Balik na tayo sa office. Don't worry, wala na roon si Chantal," aniya.
Ngumiti ako at saka tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa loob.
"Mamaya ka na umuwi, sabay nating sunduin si Soren after ng meeting ko."
"Anong oras ba matatapos?" tanong ko.
"Two-thirty tapos na 'yon,"
Tumango-tango na lang ako. Three o'clock naman ang dismissal ni Soren eh. Kaya lang, ano naman ang gagawin ko rito?
"I have book there. P'wede kang magbasa kung gusto mo," aniya na para bang nabasa niya 'yong nasa isip ko.
Tumango na lang ako at ngumiti.
Matapos siyang kumain ay siya na mismo ang nagligpit ng pinagkainan niya.
"Wait here. Mabilis lang 'yong meeting, I promise." He planted a kiss on my forehead before leaving.
Gaya ng sabi niya ay naglakad ako palapit sa book shelf upang maghanap ng librong p'wede kong basahin. Nangningning ang mga mata ko nang makita ko ang librong gustong-gusto kong mabasa dati. Meron pala siya nito?
Kinuha ko na iyon at naupo sa couch at inumpisahan na itong basahin.
Wala pa sa kalahati 'yong nababasa ko pero nagsisimula nang bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Sinarado ko na ang libro at pinatong ito sa lamesang nasa harap ko. At pagkatapos ay umayos na ng pagkakahiga sa couch.
~~~
Nagising na lamang ako nang may maramdaman akong presensya sa harapan ko.
"Sorry nakatulog ako," sabi ko at nagmamadaling bumangon. "K-Kanina ka pa ba r'yan?"
"Hmm, kinda..."
"Hala, sorry talaga..."
"No, it's okay. So, shall we go?" tanong niya.
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Let's pick up Soren," natatawang sambit niya.
Ay, oo nga pala. Ano ba 'yan, normal lang ba sa buntis ang pagiging makakalimutin?
Sabay kaming lumabas ng office niya at sumakay ng elevator.
Pagkarating namin ng parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan pang makasakay sa sasakyan niya.
"Thank you," nahihiyang sabi ko.
Habang nasa byahe, ramdam ko ang pagtingin-tingin niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatiis at nilingon na rin siya, saktong namang nakatingin siya sa akin. Ngumiti siya at sabay kindat.
Agad akong pinamulahan sa ginawa niya kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin. Mariin akong napapikit nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Shuta ka, Kamryn!
Nakarating na kami sa school ni Soren at tanaw na agad namin siya sa tapat ng gate habang kausap ang guard.
"Ako na ang lalabas para kumuha kay Soren," aniya, tumango na lamang ako bilang pagpayag.
Pinanood ko lang siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palapit kina Soren. Nakita ko naman kung paano magliwanag ang mukha ng anak ko nang makita ang ama. I couldn't help but smile. Itong magkamukha na 'to talaga.
"Soren, your mama and I want to tell you something," si Kamryn nang makasakay na siya.
Nilingon ko naman si Soren sa likod at natawa ako nang makitang malalim ang pagkakakunot ng noo nito.
"Ano po 'yon, Papa?"
"Mama's pregnant, anak," ako na ang sumagot.
Ilang segundo pa muna siyang napatitig sa akin at sa tingin ko ay pinoproseso pa ng utak niya 'yong sinabi ko.
"Pregnant?" wala sa sariling tanong niya.
Saglit kaming nagkatinginan ni Kamryn bago tumingin ulit sa kaniya at sabay na tumango.
"So, it means there's a baby inside your tummy?" tanong pa niya.
"Yes, anak. Magiging Kuya ka na," nakangiting sabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top