Chapter 28
Wala akong pasok ngayon pero maaga pa rin akong gumising para ipaghanda ng almusal ang mag-ama.
Nang matapos akong magluto ay bumalik ako sa taas para gisingin si Soren.
"Wake up, baby. The food is ready," sabi ko at hinahalik-halikan ang buong mukha nito.
"Good morning, Mama," inaantok pang bati niya. Nginitian ko siya at binuhat na palabas.
Pagkarating namin sa kusina ay binaba ko na siya sa upuan niya at sinandukan na siya ng pagkain.
"Good morning." Pareho kaming napalingon ni Soren kay Sir Kamryn na kabababa lang at tila nahihirapan sa pag-ayos ng kaniyang kurbata.
I patted Soren's head bago lumapit kay Sir Kamryn.
"Let me help you," sabi ko.
"T-Thanks..." aniya. Tipid akong ngumiti.
Habang abala ako sa pag-aayos ng kaniyang kurbata ay ramdam ko ang pagtitig niya kaya naman hindi ko maiwasang mapatingin din sa kaniya.
Our eyes met, so I smiled at him again, na agad din naman niyang ginantihan.
"Done!" nakangiting sabi ko sa kaniya. "Kumain ka na, sabayan mo na si Soren."
Nanguha na ako ng plato niya at pagkatapos ay sinalinan na ng kape ang tasa niya.
"How about you? Hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong nito habang nagsasandok ng pagkain.
"Mamaya na lang ako kakain," sabi ko.
Tumingin siya kay Soren at sumenyas sa anak gamit ang mata. Nagtataka kong sinundan ko ng tingin si Soren nang bumaba ito sa kaniyang upuan. At pagbalik niya ay may dala-dala na itong plato at kutsara.
"Join us, Mama," sabi niya at sinandukan na rin ako ng pagkain.
Wala na akong nagawa kundi ang maupo sa tabi niya at kinuha sa kaniya 'yong plato para ako na ang manguha ng pagkain ko.
Halos sabay lang kaming tatlong natapos kumain kaya naman pinaakyat ko na si Soren at pinaligo na.
"Ako na r'yan," sabi ko nang makitang kukuha na sana ng sponge si Sir Kamryn.
"Are you sure?" tanong nito, nakangiti naman akong tumango.
"Kaunti lang naman ito eh, kaya kayang-kaya ko na 'to."
"Alright, titignan ko na lang si Soren sa taas." Saglit ko siyang nilingon at saka tinanguan.
Matapos akong maghugas ay isinalansan ko na ang mga plato sa dish drainer. At pagkatapos ay nilinisan na ang lababo.
"Mama, aalis na po kami!" rinig kong sigaw ni Soren mula sa sala.
Naglakad ako palabas ng kusina upang ihatid sila palabas. Hawak ko ang malinis na towel at pinupunasan ang basa kong kamay.
"Mag-iingat kayo ha? Soren, galingan mo sa school, okay?" ani ko.
"Opo, Mama," sagot naman niya. Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Soren, let's go," pang-aagaw ni Sir Kamryn sa atensyon namin.
"Mama, wala po bang goodbye kiss si papa?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Soren.
Naiilang akong tumingin kay Sir Kamryn at pilit itong nginitian. Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Marahan niya akong hinila palapit sa kaniya at hinalikan ang gilid ng labi ko. May ngiti naman sa labi niya matapos niyang gawin iyon.
Ngunit bago siya tuluyang lumayo sa akin ay may ibinulong pa muna ito.
"Don't forget my lunch later, okay?" aniya at umikot na upang sumakay sa driver seat.
Dahil sa pagkalutang ay nagulat ako nang bigla itong bumusina. Tinted 'yong sasakyan pero alam kong tinatawanan ako ng mag-ama sa loob.
Kusa namang sumasarado iyong gate kaya naman bumalik na ako sa loob ng bahay nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Sir Kamryn.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay kumuha na agad ako ng dust pan at walis at nag-umpisa ng maglinis. Wala naman masyadong kalat kaya mabilis lang akong natapos sa paglilinis.
At nang matapos ako maglinis ay naupo naman ako sa couch at binuksan ang TV. Nanood na lang ako ng kung ano ang magustuhan ko.
Habang nanonood ay bigla akong nag-crave sa peras at makopa. Isinawalang-bahala ko iyon at nagpatuloy na lang sa panonood.
Ngunit ilang sandali pa ay napahawak ako sa tiyan ko at sa bibig ko nang maramdamang nasusuka ako. Dali-dali akong nagtungo sa lababo upang doon sana sumuka ngunit tubig lang naman ang lumalabas.
Natigilan ako saglit. May kutob na ako kung anong meron pero kailangan ko pa rin makasigurado. Kaya naman bumalik ako sa sala upang patayin ang TV at pagkatapos ay nagtungo na sa taas para magpalit.
"You're 12 weeks pregnant, Miss Yara. Congratulations!" Saglit akong hindi nakagalaw sa ulat ng doktor.
"But you have to take care of yourself dahil mahina ang kapit ng baby mo. Avoid being stressed and stay healthy para maging healthy rin si baby," aniya. "And don't worry, I'll give you some pills para maging normal ang kapit ni baby."
Nang makuha ko na 'yong pills ay nagpasalamat na ako sa doktor bago lumabas ng OB clinic.
Since nasa labas na rin naman ako ay nagtungo ako sa malapit na mall upang bumili ng pagkaing gusto ko.
Peras lang ang nabili ko dahil wala akong makitang makopa at hindi ko rin alam kung saan ako makakabili.
Palabas na ako ng mall at handa na sanang pumara ng taxi nang may mamataan akong matandang babae na naglalako ng makopa. Kulang na lang ay tumalon sa tuwa ang puso ko.
Mabilis akong naglakad palapit doon sa ginang.
"Magandang araw ho. Magkano ho rito sa makopa ninyo?" magalang kong tanong sa ginang.
"Sixty ang isang kilo at thirty naman ang kalahati," sagot niya.
"Kalahati na lang po," sagot ko naman. Hindi ko rin naman mauubos lahat eh kaya kalahati na lang.
"Maraming salamat ho," pasasalamat ko sa ginang matapos kong maibigay ang singkwenta pesos.
"Wala ka bang barya, ineng? Naubos kasi 'yong panukli ko eh," aniya.
"Keep the change na lang ho," sabi ko.
"Naku! Maraming salamat, ineng,"
"Wala anuman ho. Sige ho, alis na ho ako." paalam ko sa ginang.
Sakto namang may paparating na taxi kaya agad ko na iyong pinara. Muli akong lumingon sa gawi ng ginang at ngitian ko pa muna ito bago sumakay.
Pagkarating ko sa bahay ay nagmamadali akong pumasok at hinugasan na ang mga prutas na binili ko. Pagkatapos ay kumuha na ako ng mangkok na lalagyan ng nahiwa-hiwa kong peras at makopa.
Tapos ko na mahiwa-hiwa ang peras at makopa pero feeling ko may kulang pa rin. Kaya naman naghanap ako sa fridge ng p'wede pagsawsawan.
Nagliwanag naman ang mukha ko nang matapat ito sa ketchup. Hindi ko pa natitikman pero sa tingin ko ay masarap naman ka-partner itong ketchup. Kumuha na rin ako ng platito para paglagyan ng ketchup.
Pagkatapos ay ipinaghila ko ng upuan ang aking sarili at inumpisahan nang kainin ang nasa harapan ko. Peras ang una kong kinuha at isinawsaw na sa ketchup. Kulang na lang mapapikit ako sa sobrang sarap. Sinunod ko naman iyong makopa. Wala akong masabi kundi 'heaven', sobrang sarap niya as in. Cravings satisfied!
Nang maubos ko na 'yong kinakain ko at nilagay ko muna sa lababo iyong mga ginamit ko at nagluto na. May shrimp akong nakita sa fridge kaya naman iyon na ang kinuha ko upang gawing buttered shrimp.
Sanay naman na ako sa lutong iyon kaya hindi na ako nahirapan at mabilis lang natapos. Nang maluto iyon ay sinunod ko naman 'yong kanin.
Nang maluto na 'yong kanin ay umakyat na ako upang makaligo na. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko kaya naman nagbihis na ako at nag-ayos na ng mukha.
Matapos naman akong mag-ayos ay bumaba na ako upang ihanda 'yong lunch ni Sir Kamryn. At bago ako umalis ay kumain muna ako.
~~~
Nagbayad na ako kay manong nang makarating ako sa tapat ng kompanya na pagmamay-ari nina Sir Kamryn.
"Maraming salamat po," pasasalamat ko sa driver bago bumaba.
Habang tinatahak ko ang daan patungong opisina ni Sir Kamryn ay may napansin akong pamilyar na pigura ng babae. Teka... siya 'yong babaeng nakabungguan ko kahapon ah? Ano kayang ginagawa niya rito?
Diretso lang ang lakad nito kaya hindi niya ako napansin. Hindi ko na lang din ito pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad ko papuntang opisina ni Sir Kamryn.
Nang nasa tapat na ako ng opisina niya ay kumatok muna ako bago pumasok.
"I told you to leave— Yara... y-you're here," utal na sabi niya.
"D-Dala ko na 'yong lunch mo," nakayukong sabi ko.
"Thank you. Uhmm, h-hindi ikaw 'yong sinasabihan kong umalis ha? Iyong secretary ko 'yon," sabi niya habang nahihiyang kumakamot sa kaniyang batok.
"Okay lang," nakangiting sabi ko.
"Have you eaten?"
Tumango ako. "Oo. Bago ako umalis kanina ay kumain na ako," ani ko. "Kumain ka na," sabi ko at hinanda na 'yong pagkain niya.
Pinanood ko lang siya habang kumakain. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o saka na. Parang hindi ko pa kasi kayang sabihin.
"Is there a problem?" Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya.
"Ha? W-Wala," utal na sagot ko.
"Ipapahatid na lang ulit kita kay Antony pauwi para hindi ka na mamasahe pa," aniya.
Tumango-tango na lamang ako at tinulungan siyang ligpitin 'yong pinagkainan niya.
"May trabaho ka ba bukas?" tanong niya.
"May brand photoshoot bukas si Miss Cass, pero hanggang 10 am lang naman iyon," sagot ko.
"P'wede bang lutuan mo ulit ako? Ayoko ng mga niluluto nila rito eh,"
"Ah eh, p-p'wede naman. Ako ba ulit ang bahala sa iluluto?" tanong ko.
"Yes. Anyway, nagustuhan ko iyong niluto mo."
Nahihiya naman akong yumuko at nagpasalamat. I can also feel the redness of my cheeks.
Tignan mo itong Papa mo 'nak, oh... Alam na alam niya kung paano ako pakiligin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top