Chapter 27
"Miss Cass, nag-text sa akin si Sir Kamryn na half day lang ngayon sila Soren," sabi ko matapos kong mabasa 'yong text ni Sir Kamryn.
"Tayo ba ang magsusundo?" tanong niya, tumango ako.
"Yes po, nasa meeting pa raw kasi si Sir Kamryn, eh."
"Okay, let's go then ipasyal natin siya!" aniya at nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang bag at nauna ng lumabas.
"Mama! Tita Cass!" Tumatakbong sigaw ni Soren palapit sa amin ni Miss Cassidy.
"Huwag kang tumakbo baka madapa ka!" sabi ko rito pero nginitian lang ako nito.
"Pasaway, mana sa tatay." Umiiling na sabi ni Miss Cass.
"Mama, look, may star ako!" sabi nito sabay taas ng kaniyang braso.
"Wow, very good!" sabi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
"Ang galing naman ng bebe namin! Dahil diyan, pupunta tayong mall!" Nagtatalon naman sa tuwa si Soren.
Hindi na kami nag-aksaya ng oras at tinungo na agad namin ang mall. At pagkarating na pagkarating namin ay inaya na agad kami ni Soren papuntang Tom's world.
Inabot kami ng dalawang oras sa paglalaro kaya nang maubos ang mga token namin ay si Soren na mismo ang nag-ayang kumain.
Kasalukuyan kaming naghahanap ng aming makakainan nang maramdaman kong naiihi ako.
"Miss Cassidy, magsi-cr muna ako. I-text mo na lang ako kapag may nahanap na kayong kakainan natin," paalam ko.
"Okay, sige. Make it fast, okay?" Ngumiti ako saka tumango.
Hindi ko na kayang pigilan ang ihi ko kaya naman mabilis ang lakad ko papuntang restroom. At nang dahil sa pagmamadali ko ay may nabunggo akong babae.
"I'm so sorry, Miss!" mabilis na paumanhin ko rito.
Saglit akong nahinto nang makita itong nasa harapan ko. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko sure kung saan ko siya nakita.
"Next time, learn to look at what you're passing by, huh?" Hindi ko alam kung namali lang ako ng pagkakarinig pero parang tunog masungit ang pagkakasabi niya.
"Yes, I'm sorry," paghingi kong muli ng tawad.
"Stupid."
Hindi ko na naintindihan 'yong sinabi niya dahil sobrang ihing-ihi na talaga ako. Matapos akong umihi ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Nag-text na rin sa akin si Miss Cass at ang sabi niya ay naroon daw sila sa Japanese resto na malapit sa Mcdo.
Nang marating ko na ang resto na sinasabi niya ay agad ko na silang hinanap. Mabuti na lang at matangkad si Miss Cass kaya mabilis ko lang silang nahanap.
May na-order na silang pagkain kaya nang makaupo na ako ay nagsimula na kaming kumain.
"Mama, what's this? Ice cream?" tanong ni Soren sabay tikim doon sa wasabi. Jusko po!
"Oh my god! That's wasabi, bebe!" sigaw ni Miss Cassidy sabay abot ng juice kay Soren
Pareho kaming nataranta ni Miss Cassidy nang makitang namumula na ito.
"Mama, ang hanghang!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Soren.
"Teka lang, I will buy milk!" Nagmamadali kong nilisan ang resto at naghanap ng malapit na mapagbibilhan ng gatas.
Mabuti na lang at may nakita agad ako kaya bumili na ako at lakad-takbong bumalik sa resto.
"Here... drink this, para mawala na ang anghang," hinihingal na sabi ko.
"Why did you eat this kasi?" Turo ni Miss Cassidy sa wasabi.
"I thought ice cream po eh," sagot ni Soren matapos uminom ng gatas.
"Hindi mo kasi hinintay sagot namin eh," sabi ko saka pinunasan ang gilid ng labi niya.
"It look likes matcha ice cream po kasi, eh. I always see it on tiktok, so I was curious about what it tastes like." Nagkatinginan naman kami ni Miss Cassidy.
"Do you want the real matcha ice cream?" Mabilis namang tumango si Soren. "Then, let's eat first."
Napuntahan na namin lahat ng bilihan ng ice cream at ni isa roon ay walang tindang matcha ice cream. Pero hindi pa rin kami sumuko sa paghahanap ng matcha ice cream. Hanggang sa may mahanap na rin kami.
"How's it?" tanong ni Miss Cassidy kay Soren.
"Ang sarap po!" Pareho kaming napangiti ni Miss Cass.
"Can I taste?" Tumango naman si Soren at sinubuan si Miss Cass. Bumaling din siya sa akin at ako naman ang sinubuan.
"Masarap po, 'di ba?" Nagkatinginan kami saglit ni Miss Cass bago ibalik ang tingin kay Soren at sabay na tumango.
Matapos 'yon ay hinatid na kami ni Miss Cassidy sa bahay ni Sir Kamryn.
"Thank you, Miss Cass. Ingat ka," sabi ko nang makababa kami ni Soren.
"Sus! Don't mention it. Sige na. Bye, Soren!" Kaway nito kay Soren.
"Ba-bye po, Tita Cass." Kumaway rin pabalik si Soren.
"Tara na sa loob, Soren," pag-aaya ko sa kaniya nang hindi na namin matanaw ang sasakyan ni Miss Cassidy.
"Mama, anong oras po uuwi si Papa?" tanong nito habang nililinisan ko siya.
"Gabi pa 'yon uuwi, anak," sabi ko at naupo sa couch.
"Okay po."
Napatingin ako sa wristwatch ko. Twelve-thirty pa lang pala?
"Soren," pagtawag ko. Busy siya sa panonood ng cartoons.
"Gusto mo bang dalhan natin ng pagkain ang Papa mo?" tanong ko. Itinigil niya ang panonood at tinignan ako.
"Opo! Pero... wala ka pong naluto," sabi niya.
"P'wede naman tayong mag-order,"
"Tara na po!" Wala na akong nagawa nang hilain na ako palabas ni Soren.
Bago kami pumunta sa kompanya nina Sir Kamryn ay dumaan muna kami ng KFC para mag-order ng pagkain.
"Thank you, Ma'am!" Nakangiting sabi no'ng babae nang maibigay sa akin ang order namin.
"Thank you rin. Halika na, anak." Hinawakan ko ang kamay ni Soren at sabay na lumabas ng KFC.
Pumara na ako ng taxi at sinabi na sa driver kung saan kami bababa. Tahimik lang si Soren sa tabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Balak ko sanang i-text si Sir Kamryn kaso baka may ginagawa siya.
"Maraming salamat po, Kuya." Inabot ko na sa kaniya 'yong bayad at bumaba na.
"Ang ganda po rito, Mama!" manghang sabi ni Soren.
Hinaplos ko ang buhok niya at nginitian siya.
"Halika na sa loob," sabi ko, tumango naman siya at humawak na sa kamay ko.
Agad kaming nagtungo ni Soren sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang office ni Sir Kamryn.
Paglabas namin ng elevator ay nakita ko sa labas ng office ni Sir Kamryn 'yong secretary niya.
"Excuse me..." pagtawag ko rito.
"Yes, miss?"
"Si Kamryn?" tanong ko rito.
"Katatapos lang ng meeting niya at sa tingin ko po ay papunta na siya rito ngayon," sagot naman niya.
"Okay, hihintayin na lang namin siya," sabi ko.
"Do you want to wait inside?" Napatingin ako sa secretary ni Sir Kamryn.
"Yes, please..."
Ipinagbuksan niya kami ng pinto ni Soren at iginiya papasok sa loob. Malawak ang office ni Sir Kamryn. May shelf sa may bandang likod ng desk niya. Iba't-iba at makakapal na libro, iba't-ibang uri ng wine, at mga pictures ang naroon.
Nalipat naman ang tingin ko sa desk niya. Napangiti na lang ako nang wala sa oras nang makitang naka-display roon ang picture naming tatlo. I think, kuha ito noong nasa Palawan kami at si Ate Kamhile ang nag-picture.
Kukunin ko sana iyon para tignan nang biglang sumigaw si Soren.
"Papa!"
"You're here," sabi nito at binuhat si Soren.
"We brought you food po," sabi naman ni Soren.
Napangiti naman ang ama sa sinabi ng anak. "Really?"
"Opo, na kay Mama po," sagot ni Soren at sabay silang tumingin sa gawi ko.
"Kumain ka na. Alam kong hindi ka pa kumakain eh, kaya dinalhan ka namin ng pagkain," sabi ko at hinanda na 'yong pagkain niya.
"Thanks." Naupo na siya sa kaniyang swivel chair at kinalong si Soren. "Kumain na ba kayo?" He asked.
I nodded. "Oo, tapos na."
"Papa, I ate wasabi," ani Soren. Mahina naman akong natawa sa sinabi niya.
"What?" Hindi naman makapaniwalang tumingin sa akin si Sir Kamryn.
"Akala niya kasi matcha ice cream," sagot ko.
"Parang matcha ice cream po kasi 'yong wasabi eh," sambit naman ni Soren.
"Didn't you even ask before you ate?" tanong ni Sir Kamryn sa anak at hatalang nagpipigil ng tawa.
"I did ask po pero nakakain na po ako bago sila makasagot." Hindi na napigilan ni Sir Kamryn ang tawa nito.
"I suddenly remembered what I did when I was young," sabi niya sabay punas ng luha niya.
"What is it po?" si Soren.
"I ate cinnamon powder," sambit ni Sir Kamryn.
"Ha? Bakit?" tanong ko. Hindi ba't maanghang iyong cinnamon?
"Bata pa kami ni Ate Kamhile noon at katulong lang ang kasama namin noon sa bahay. May nilutong fries noon ang katulong namin kaya ang una kong hinanap ay cheese powder." Huminto siya saglit para uminom ng coke.
"Tinanong ko ang katulong namin noon kung saan nakalagay 'yong cheese powder, pero hindi niya ako narinig. Kaya ako na lang mismo ang naghanap. Then I found a small container, akala ko cheese powder 'yon kaya ibinudbod ko na 'yon sa fries ko."
"Hindi alam ni Ate Kamhile?" tanong ko.
"No, nasa sala siya noon at ako naman ay nasa kusina. I almost cried when I tasted the cinnamon. Kaya hanggang ngayon ay ayaw ko sa cinnamon," pagtatapos niya sa kwento niya.
"Mag-ama nga talaga kayo," natatawang sabi ko.
Matapos 'yong kwento niya ay pinanood ko na lang siya hanggang sa matapos siyang kumain.
Mamayang 6 pa raw siya uuwi kaya naman inutusan niya ang kaniyang secretary na ihatid kami pauwi.
"Yara..."
Lalabas na sana ako ng office niya nang tawagin niya ako.
"Hmm?"
"P'wede bang dalhan mo ulit ako bukas ng pagkain?" nahihiyang tanong niya.
"P'wede naman,"
"At saka, p'wede bang luto mo ang dalhin mo bukas?"
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman tumango na lamang ako.
"A-Anong gusto mong lulutuin ko?" tanong ko.
"It's up to you. Tsaka kahit ano naman ang iluto mo ay masarap," nakangiting sagot niya. Pinamulahan naman ako sa sinabi niya.
Nahihiya naman akong ngumiti at nagpaalam na sa kaniya.
Paglabas ko ng office niya ay napahawak ako sa dibdib ko dahil patuloy pa rin sa pagtibok nang mabilis itong puso ko.
Delikado ka na talaga, Yara.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top