Chapter 25
"Kids, let's eat, later na lang ang laro." pagtawag ni Tita sa mga bata.
Tumakbo sila papunta sa lamesa at nagpaunahan silang makaupo. Si Summer ang nahuli kaya napanguso ito.
"Stop pouting, Summer, you look like a duck." pang-aasar ni Bailey sa kapatid.
"Ducks are cute, so, I'm cute." Hindi naman magpapatalo si Summer.
"Hey, are you guys arguing again?" suway sa kanila ni Ate Kamhile.
"Kuya Bailey teasing me again, Mommy!" sumbong naman ni Summer.
"Kuya Bailey," pagtawag naman ng asawa ni Ate Kamhile sa panganay nila.
"I'm sorry, Summer..." paghingi naman nito ng tawad.
Ate Kamhile and her husband are both Pilipinos. Nag-migrate sila sa Poland kasi naroon ang pamilya ng kaniyang asawa.
"Come on, let's eat na!" ani Tita kaya naman kaniya-kaniyang kuha na kami ng pagkain.
"Soren, what do you want?" tanong ko matapos kong lagyan ng kanin ang plato niya.
"That po," turo niya sa sinigang na hipon.
"Ubusin mo 'yan, okay?" Tumango siya at nagsimula na siyang kumain.
"Kids, do you want to go island hopping after we eat?" tanong ni Tito sa mga bata.
"Yes, Lolo!" sabay na sagot ng tatlong bata.
"Finish your food first before we leave." ani Tita.
"Noted po, Lola!" sabay ulit silang tatlo.
We were in the middle of eating nang biglang sumigaw si Bailey.
"Finished!" sabi nito habang nakataas pa ang kaniya kutsara at tinidor.
"Me, too!" Napalingon din naman kami kay Soren.
"Wow, very good ang two boys natin ha," nakangiting sabi ng asawa ni Ate Kamhile. "How about our lil princess?" baling nito kay Summer.
"Almost done," sagot niya habang may laman pa ang kaniyang bibig.
"Summer, what did I tell you? Stop talking if your mouth is full." suway ni Ate Kamhile sa anak.
"And you... don't talk to her, she's eating." sabi naman niya sa asawa.
"I'm sorry..." He mouthed.
"Hey, kumain ka pa oh," nagulat ako nang lagyan ni Sir Kamryn ng dalawang malaking hipon ang plato ko.
"B-Busog na ako..." nahihiyang bulong ko.
"Are you afraid of gaining weight? Don't worry, maganda ka pa rin naman kahit mataba ka." Dahil sa sinabi niya ay bigla akong pinamulahan, hindi ko alam kung sa hiya ba o sa kilig.
"Hindi naman ako takot tumaba, busog na talaga kasi ako." I tried not to stutter. Tsaka hindi naman ako tumataba kahit na anong kain ko nang marami.
"Okay, sabi mo eh..." aniya habang nakangisi.
"I'm done po," wika ng maliit na tinig. Sabay kaming napatingin kay Summer at nakitang malinis na ang pinggan nito.
"Very good, baby Samsam." Ate Kamhile pinched her daughter's cheek.
"Can I play with kuyas now?" tanong nito.
"Yes, you can, honey." Kumaripas na ng takbo si Summer matapos sabihin iyon ng ina.
"Yara and Kamryn, kailan niyo balak sundan si Soren?" Sabay kaming nasamid ni Sir Kamryn matapos itanong 'yon ni Tito. Natawa naman sina Tita at ang mag-asawa.
"Wala pa plano namin, Dad," sagot ni Sir Kamryn.
"Ayaw niyo ba ng little Yara? You already have little Kamryn, so, there should be little Yara, too." sabi naman ni Ate Kamhile.
"We are not in a hurry, darating din kami r'yan." si Sir Kamryn ulit ang sumagot.
"What do you think, Yara?" si Tita.
"Tama naman po si Sir– este si Kamryn. Darating din po kami doon," sagot ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang maiba na ang pinag-uusapan. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Tsaka hindi pa naman kami ganoon kalapit ni Sir Kamryn. Oo, may nangyari sa amin noon pero— hays, nevermind.
At nang matapos nga kaming kumain ay sumakay na kami sa bangka para sa Island hopping na pinangako ni Tito sa mga bata. Pero bago kami tuluyang makasakay ay nag-suot muna kami ng life vest.
Dalawang bangka ang gamit namin dahil hindi kami kasya sa isang bangka. Sila Ate Kamhile ang nasa isang bangka at kami naman nila Tita sa isang bangka.
Bawat islang mapuntahan namin ay humihinto kami upang maglibot-libot.
"Soren, tingin dito, anak." Kinuhanan ko siya ng litrato habang nakatayo siya sa malaking ako.
"Mama, baba na po ako, nakakatakot po dito." mahina akong natawa saka inabot ko ang kamay niya upang alalayan siyang makababa.
Alas singko na ng hapon nang matapos kami kaya naman nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan namin ay humirit pa ang mga bata na maliligo raw muna sila sa dagat.
"Ako na ang magbabantay kay Soren, mag-ready ka na para mamaya." sabi ni Sir Kamryn.
Mamayang 6:30 gaganapin ang birthday ni Tita at anniversary nila ni Tito. Matagal pa naman bago mag 6:30 kaya nahiga muna ako sa kama at para kumustahin si mama.
["Maayos lang naman ako, kayo ba? Nasa Palawan yata kayo ngayon eh,"]
"Okay lang din naman po kami, ma. At opo, nasa Palawan po kami ngayon." sagot ko.
Nang magsawa ako kakahiga ay bumangon ako at nagpunta sa mini veranda nitong kwartong tinutuluyan namin.
"Si Miss Cass po, kumusta?" tanong ko rito. Hindi ko na kasi siya nakaka-usap, eh. Nahihiya rin naman akong tumawag o mag-text baka kasi busy siya.
Pagbukas ko ng kurtina ay namangha ako nang makita ang napakagandang view. Binuksan ko ang glass sliding door at lumabas. Isang malamig na hangin ang humampas sa akin kaya naman nakapikit kong nilasap iyon.
["Miss na miss na kayo, lalong-lalo na si Soren. Alam mo ba tuwing uuwi 'yon galing trabaho, ako ang una niyang nilalapitan at tinatanong niya kung kailan kayo uuwi o bibisita rito sa bahay."]
Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot para kay Miss Cassidy. Sobrang napalapit na rin siya kay Soren. At nakikita ko dati na tuwing uuwi kami galing trabaho ay isang ngiti lang ni Soren ay nawawala na ang lahat ng pagod niya mula sa trabaho.
"Hayaan niyo po, ma, kakausapin ko po si Sir Kamryn na kapag balik namin ay dadaan kami d'yan sa bahay."
["Sige, anak, sasabihin ko sa kaniya."]
"Sige po, ibababa ko na po ito, ingat po kayo riyan, ha? Mahal po kita, ma."
["Mahal ka rin ng mama, anak."]
Nang matapos ang pag-uusap namin ni mama ay napagpasyahan kong maligo na. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa dress na ito, basta whole strapless vest siya at may kasamang long skirt, binili pa ito sa akin ni Miss Cassidy dati noong nasa Cebu pa siya. Nagsuot na lang ako ng sickling short para hindi ako masilipan.
"Wow, mama, ang ganda mo!" Nasa harap ako ng salamin nang pumasok silang mag-ama.
"Magugustuhan kaya ito ni Tita?" wala sa sariling tanong ko.
"She will definitely like that, Yara." Saglit akong napatingin kay Sir Kamryn at saka nginitian ito.
"Banlawan ko lang si Soren. Let's go, anak." Pinanood ko silang sabay na pumasok sa banyo.
Matapos ang ilang oras ay lumabas na si Soren habang nakabalot sa kaniya 'yong tuwalya.
"Mama, ginawa akong turon ni Papa!" nakangusong sumbong nito.
"Kawawa naman ang Soren ko," natatawang sabi ko habang tinatanggal ang tuwalya.
"Susumbong ko siya kay Lola!" Kumaripas agad siya ng takbo nang matapos ko siyang bihisan.
"Soren, hindi ka pa tapos!" Napabuntonghininga na lang ako nang tuluyan na siyang makalabas.
Napatingin ako sa banyo nang lumabas doon si Sir Kamryn at may suot na roba.
"Where's Soren?" tanong nito.
"Tumakbo na palabas. Isusumbong ka raw kay Tita," natawa naman siya sa sinabi ko.
"Pasaway," naiiling na sabi nito.
"Pareho lang kayo. Sige na, maiwan na muna kita para makapagbihis ka na." sabi ko at naglakad na palabas.
Papunta akong elevator nang masubong ko si Ate Kamhile. Sobrang ganda niya sa suot niyang Chiffon floral dress.
"Oh my gosh! You're so pretty!"
"Ang ganda ganda mo rin, Ate," sabi ko.
"Oh, c'mon! We both gorgeous! Nasaan nga pala si Soren and Kamryn?"
"Si Soren pumunta na kina Tita. At si Kamryn naman nasa kwarto, nagbibihis pa." sagot ko. "Eh, sina Bailey at Summer?" tanong ko rin.
"Naiwan pa sa kwarto kasama ang Daddy nila, pero susunod na rin daw sila mayamaya."
Nang bumukas na ang elevator ay saktong walang nakasakay kaya naman pumasok na kami at pinindot ang rooftop dahil doon gaganapin ang special day nina Tito at Tita.
"Yara, let's take a picture." ani Ate Kamhile.
Inayos ko muna ang itsura ko bago ngumiti. Nakadalawang picture kami bago tumunog ang elevator.
Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng rooftop ngayon. Sobrang daming ilaw pero hindi naman siya masakit sa mata.
"Wow, you're so gorgeous, mga iha!" tili ni Tita Karol nang makita niya kami ni Ate Kamhile.
"Happy birthday po, Tita." Nakipagbeso-beso ako sa kaniya at saka niyakap siya. "Mamaya ko na po ibibigay sa 'yo 'yong gift, naiwan po kasi sa kwarto eh," nahihiyang sabi ko.
"It's okay, Yara, I'm too old for presents." sabi niya.
"Yara, okay lang kahit wala kang regalo kay Mommy, your presence is enough for her." singit naman ni Ate Kamhile.
Iginiya na kami ni Tita sa table at doon na hinihintay sina Sir Kamryn at ang mag-aama ni Ate Kamhile. Halos sabay naman silang dumating kaya wala na kaming sinayang na oras at inumpisahan na ang double celebration.
Sabay naman kami ni Ate Kamhile na bumalik sa kwarto dahil gusto nang matulog ng mga bata.
"Good night, apos!" Isa-isang hinalikan ni Tita ang tatlo niyang apo.
"Good night, too, Lola." sabay namang tugon ng tatlong bata.
"Dito na kami, Àte, good night." Nakangiting sabi ko.
"Okay, good night. Kids, say bye to your Tita Yara."
"Bye po, Tita. Bye, Soren." sabay na sabi nila.
"Cute niyo naman, sabay pa talaga kayo," natatawang sabi ko.
"Nasanay na eh. Sige, alis na kami." si Ate Kamhile.
"Sige, Ate."
Pumasok na kami ni Soren nang mawala na sila sa paningin namin. Pinag-toothbrush ko muna si Soren bago ko siya pahigain.
Kinabukasan ay nagising ako nang may maramdamang mabigat sa baywang ko. Kaya naman mabilis akong bumalikwas. Nahugot ko ang hininga ko nang magtapat ang mukha namin ni Sir Kamryn. Maling galaw ko lang ay mahahalikan ko siya.
Pigil-hininga ang ginawa kong paglayo sa kaniya. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko at buong lakas akong hinila palapit sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nang maglapat ang mga labi namin. Mabilis siyang nagmulat ng mata niya kaya nagsalubong ang mga tingin namin.
Gusto kong humiwalay pero may kung ano ang pumipigil sa akin. Itong puso ko naman, nagsisimula na namang tumibok nang mabilis.
Kung hindi pa kami tinawag ni Soren para kumain ay hindi pa kami maghihiwalay.
"I-Ikaw na sunod," utal na sabi ko matapos akong magbihis.
"Mauna na kayo ni Soren, susunod na lang ako."
"Okay," sabi ko saka tinawag na si Soren at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Last day na namin dito sa Palawan kaya naman susulitin ko na ang natitirang oras namin dito.
Matapos kaming kumain ay nag-aya sila na mag-swimming. Sakto naman at naka-rash guard ako at saka maong na shorts.
"Papa! Gawa po tayo ng sand castle!" Bago pa man humindi si Sir Kamryn ay nahila na siya ni Soren kaya wala na siyang nagawa kundi samahan si Soren.
Tuwang-tuwa ako sa kanilang dalawa kaya naman kinuha ko ang phone sa bulsa at vinideo-han sila. At nang magsawa sila ay naglaro naman sila ng habulan sa tubig.
"Mama, join us!" tawag naman sa akin ni Soren.
"Mababasa phone ko, kayo na lang muna!" sabi ko.
"Give me your phone and join them." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Tita sa gilid ko.
"Thank you, Tita." Nginitian na lang ako nito kaya tumakbo na ako palapit kina Soren at saka lumusong na rin sa tubig.
Puro tawanan at kulitan ang ginawa naming tatlo bago mapagpasyahang umahon na.
Pasado alas sais ng gabi nang makabalik kami ng Manila. Nasabi ko na rin kay Sir Kamryn na dadaan kami sa bahay ni Miss Cassidy.
"Yara, Soren! Omg, I miss you both!" mangiyak-ngiyak nitong sabi at niyakap kami nang mahigpit.
"Na-miss ka rin namin, Miss Cass," sabi ko.
"Tara sa loob, kumain na ba kayo?" tanong nito, umiling naman kami. "Sakto at katatapos lang magluto."
Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong naman sa amin si Mama. Niyakap niya rin kaming dalawa ni Soren.
"Kumusta ang bakasyon niyo?" tanong nito.
"Maayos naman po, Ma," sagot ko.
"Kamryn, let's talk." dinig kong sabi ni Miss Cassidy.
Masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko maiwasang ma-curious.
"About what?" tanong naman ni Sir Kamryn.
"Did you hear the news?"
"Ano?"
"She's back, Kamryn."
Naguluhan naman ako sa sinabi ni Miss Cassidy. Sinong bumalik?
"Anong gagawin mo? What if guluhin niya kayo ng pamilya mo?" bakas sa boses ni Miss Cass ang pag-aalala.
"Don't worry, Cass, ako ang bahala sa kaniya."
Hindi ko na naintindihan 'yong iba pa nilang pinag-usapan dahil malaking tanong pa rin sa utak ko kung sino 'yong tinutukoy nilang bumalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top