Chapter 22

Kinabukasan, nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko.

"Good morning," nakangiting bati niya sa akin kaya naman mabilis akong napabangon.

"G-Good morning," utal na tugon ko. My god, umagang-umaga ang gwapo niya.

Napalunok ako nang mapagtantong boxer shorts lang ang suot niya. Wala siyang suot pang itaas kaya naman kitang-kita ko ang eight pack abs niya. Shucks, parang ayaw ko nang kumain, busog na busog na mata ko eh.

"Come on, let's eat."

"Ayaw ko... busog na ako eh," wala sa sariling sabi ko.

"Busog? Eh, wala ka pa nang kinakain ah?" sabi niya, nagtataka.

Natauhan naman ako bigla. Bakit kasi wala siyang damit na suot? Nakaka-ano tuloy.

"H-Ha? M-May sinabi ba akong busog na ako?" Umiwas ako ng tingin na ikinatawa naman niya.

"Magbihis ka na. I'll wait you downstairs." sabi niya at naglakad na palabas.

"Ano ka ba naman, Yara?! Ang shunga mo talaga kahit kailan! Nakakahiya ka." sermon ko sa sarili ko nang makalabas si Sir Kamryn.

Inis kong binagsak ang sarili ko sa kama at saka saglit na napatitig sa kisame. Parang baliw naman akong napangiti nang maalala 'yong nangyari kagabi. Until now, I can still hear his sexy moans.

Walang ano-ano'y bigla kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Maharas akong umiling at napagpasyahang bumangon na. Nakatapis ako ng comforter habang isa-isang pinupulot ang mga damit ko.

Matapos akong makapagbihis ay saglit ko pa munang tinignan ang itsura ko sa salamin. Shucks, namumula pa rin ako!

Nakailang hilamos na ako pero ayaw pa rin mawala ng pamumula.

"Bahala na nga diyan," bulong ko bago lumabas ng banyo.

"Why you took so long?" tanong nito nang makapasok ako sa kusina.

"Tumawag pa kasi si mama eh, tinatanong kung anong oras daw susunduin si Soren." pagsisinungaling ko.

"Oh, I see. Before lunch na lang siguro, dadaan pa kasi akong kumpanya." Tumango-tango na lang ako bago maghila ng upuan.

Kaunti lang ang kinuha kong pagkain para matapos ako kaagad. Nahihiya pa rin ako sa kaniya eh.

Kakaunti na nga lang ang kinuha pagkain ko ay naunahan pa niya akong matapos.

"Uhmm... okay lang ba kung ikaw na ang maghuhugas?" nahihiyang tanong niya.

"Yeah, okay lang. Wala naman akong gagawin eh," sagot ko habang nasa plato ang tingin.

Pinakiramdaman ko muna siya kung nakaalis na ba siya bago ako tumingin sa kaniya. May suot na siya ngayong pang itaas.

Binalik ko ang tingin sa kinakain nang mawala na siya sa paningin ko. Mabilis kong inubos ang pagkain ko para makapaghugas na ako.

Nang matapos akong maghugas ay pumunta muna ako sa sala at nanonood muna ng TV.

Mula sa peripheral vision ko ay kita kong pababa ng hagdan si Sir Kamryn habang inaayos ang kaniyang kurbata.

Nagkunyari akong hindi siya napansin at nag-busy- busy-han sa pinapanood kahit na commercial pa lang ang naka-flash sa TV.

"Yara, I have to go. Ikaw na muna ang bahala rito," sabi niya nang makababa siya.

"Sige, ingat ka."

Hindi ko alam kung tatayo ba ako para ihatid siya palabas o huwag na lang. Bahala na.

Tumayo na ako at sinabayan siyang maglakad palabas.

"Call me if you need something." sabi pa niya. Hindi ko alam ang isasagot kaya tumango na lang ako. Wala naman akong kailangan eh.

Hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok sa loob. No need nang isarado ang gate kasi high tech 'yong gate niya eh. May pipindutin lang siya at kusa nang magsasarado 'yong gate.

Pagka-upo ko ay saktong nag-flash ang balita sa screen. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakita.

Si Sir Kamryn, aalis na sa pagmo-model? Bakit? Dahil ba sa amin ni Soren? Tama nga ang sabi nila, kami ang sisira sa career niya.

Mabilis kong pinalis ang luha na umagos sa pisngi ko. Naiinis ako. Inis na inis ako sa sarili ko.

Lutang ang isip ko hanggang sa oras na ng pagluluto ng tanghalian. Hindi ko alam kung paano ako natapos nang hindi nakakagawa ng sunog sa kusina.

"Mama!" Tipid akong ngumiti nang makitang papalapit sa akin si Soren.

Mahigpit ko siyang niyakap nang makalapit siya sa akin.

"Did you miss me, mama?" tanong nito kaya mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Miss na miss, anak." Mariin akong pumikit upang pigilan ang pag-iyak ko.

Humiwalay na ako sa kaniya nang makitang papasok si Sir Kamryn.

"Nga pala, nakadala ka ba ng damit ko?" tanong ko kay Soren.

"Yes po, nandito po sa loob ng bag ko." sagot naman niya.

"Tara sa taas, ayusin muna natin 'yang gamit mo." Kinuha ko ang bag ni Soren at ako na ang nagbitbit.

"Saan ka matutulog mamaya?" tanong ko rito.

"Kay papa po,"

"Ayaw mo sa kwarto ko?" tanong ko pa.

"I thought tatlo po tayo ulit sa kwarto niya?" Natahimik naman ako sa tanong niya.

"A-Ah, bilisan mong ayusin ang gamit mo at nang makakain na tayo." pag-iiba ko.

Habang nag-aayos kaming ng gamit ay narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi na ako nag-atubili pang lingunin kung sino 'yon.

"Hindi pa kayo tapos?" tanong niya.

"Malapit na po, papa." Si Soren ang sumagot.

"Mamaya na na lang 'to, anak, kain na muna tayo." sabi ko sabay kuha ng damit sa kamay niya.

Naunang lumabas si Soren kaya naiwan kaming dalawa ni Sir Kamryn sa kwarto.

"T-Tara na," sabi ko at nauna nang maglakad.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita kong nagsasalin na ng tubig si Soren sa mga baso.

"Ang bait naman ng anak ko," ani ko.

"Kain na po tayo," sabi nito at ipinaghila pa ako ng upuan.

"Thank you, Soren ko." I said and tapped his nose.

Nag-umpisa na kaming kumain. At tanging ang mag-ama lang ang nag-uusap. Gusto kong sumali sa usapan nila, but I chose to remain silent.

Pansin ko rin ang mayamayang pagsulyap sa akin ni Sir Kamryn ngunit hindi ko ito pinansin. Hanggang sa matapos na akong kumain.

"Sa taas ka muna habang naghuhugas kami ng mama mo," rinig kong sabi ni Sir Kamryn kay Soren.

Wala akong narinig na sagot mula kay Soren, tanging mga yabag niya lang papalayo. Nagulat naman ako nang tumabi sa akin si Sir Kamryn.

"Are you okay?" mayamayang tanong niya.

Tumango ako kahit na ang totoo ay kanina pa ako binabagabag ng nakita ko kanina.

"Sure? Ang tahimik mo kasi eh, kanina ko pa napapansin." sabi niya.

"Oo, okay lang ako."

"Sure na sure ka talaga?" Bakit ba ang kulit niya?

"Actually, no..." pagsuko ko.

Seryoso naman ang mukha niya nang tumingin ako sa kaniya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Gusto kong kurutin ang sarili ko nang gumaralgal ang boses ko matapos sabihin iyon.

"What do you mean?" takang tanong niya.

"Bakit ka umalis sa pagmo-modelo?" tanong ko.

"Nakita mo na pala,"

"Answer me, Kamryn, bakit?" Wala na, tuluyan nang tumulo ang luha ko. Pero wala na akong pake kung umiyak man ako sa harapan niya.

"May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon," sagot niya.

"Ano?"

"Ako na ang magma-manage ng kumpanya ni Dad. Pinili kong umalis sa pagmo-model dahil ang gusto ni Dad bago ko tuluyang makuha ang kumpanya ay dapat wala akong kahati sa oras." mahabang salaysay niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko matapos niyang magpaliwanag.

"Paano 'yong mga fans mo? Edi mas lalong iinit ang mata nila sa akin... sa amin ni Soren?" Lumapit naman siya sa akin at pinalis ang luha kong ayaw pa rin tumigil sa pag-agos.

"Nope. Madali naman silang kausap eh, tsaka sa tingin ko maiintindihan naman nila 'yong desisyon ko." sabi niya.

"Sana nga," sabi ko. "Kasi ayaw ko ng away, ayaw kong madawit ulit si Soren. Kasi baka hindi ko na kayanin,"

Hindi ako nakagalaw nang hilain niya ako palapit at niyakap.

"Hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yong nangyari dati, Yara, I promise. At isa pa, I want to spend my free time with you and Soren." bulong niya kasabay ang paghalik sa tutok ng ulo ko.

Dahil sa ginawa niyang iyon ay nagsimula na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. As in, siya lang talaga.

Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit ko nararamdaman ito. Pero may isa na sigurado ako... mahal ko na siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top