Chapter 20
"Miss Cass, b-bakit po kayo umiiyak?" Tumikhim ako upang maalis ang paggaralgal ng boses ko.
Wala naman siyang sinabi at pinakita ang cellphone niya. Nanghina ako nang makita ang mga pictures ko na kasama si Sir Kamryn at papasakay sa kotse niya. Mayroon din 'yong picture na buhat ko si Soren.
Napunta naman ang tingin ko sa comment section. At halos lahat 'yon ay hate comments. May ilang comment doon malandi raw ako, at may ilan ding nagsasabi na mamatay na lang daw kami ni Soren dahil kami raw ang sisira sa career ni Sir Kamryn.
"Bakit ganiyan sila? Bakit kailangan nilang sabihin 'yon? May mga puso ba sila?" Niyakap ko si Miss Cass kasabay ang pagtulo ng luha ko.
Inaaasahan ko nang mangyayari ito pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang pakiramdam. Ang sakit lang isipin na pati anak ko dinadamay nila. Okay lang sana kung ako lang, 'wag na si Soren. He's too young to encounter this kind of situation.
"Don't worry, Yara, magpapatulong ako sa mga kaibigan namin ni Lance. Hahanapin at ipakukulong natin ang gumawa niyan." sabi niya sabay pahid sa luha niya.
"Maraming salamat, Miss Cass."
Sabay kaming tumayo at pumasok sa loob.
Nasa kwarto si mama nang makapasok ako kaya pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata na galing ako sa pag-iyak. Walang alam si mama sa nangyari at wala akong balak ipaalam sa kaniya. Ayaw ko siyang mag-alala at ayaw ko siyang madamay.
"Ma, kumusta po ang araw niyo?" tanong ko rito.
"Maayos naman, anak. Alam mo ba, 'nak... na-meet ko kanina 'yong may-ari ng spa kung saan ako nagta-trabaho ngayon," sabi nito.
"Talaga po? Mabait po ba? Maganda? Ano pong pangalan?" sunod-sunod na tanong ko.
"Sobrang bait at ganda niya, anak! At ang pangalan niya ay Karolina," nanlaki naman ang mata ko.
"Karolina... Sarmiento po?"
"Oo, kilala mo siya?" Tumango naman ako.
"Siya po 'yong nanay ni Sir Kamryn,"
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo nga po," tango ko.
"Grabe..." natawa ako at umiling. Mama talaga.
Matapos akong magbihis ay sabay na kaming bumaba ni mama.
Tahimik lang si Miss Cassidy habang kumakain kami. Hindi ako sanay na tahimik siya. Tuwing nakikipag-daldalan si Soren sa kaniya, tanging tipid na tango at ngiti lamang ang sinasagot niya.
"Mama, okay lang po ba si Tita?" tanong nito sa akin habang sinundan ng tingin si Miss Cass na paakyat.
Ngumiti ako at hinaplos ang ulo niya. "Pagod lang siguro siya, anak, understand her na lang." I lied.
Inaya ko na siya sa kwarto upang malinisan na siya. At habang nililinisan ko siya ay napatingin kami sa pinto nang biglang pumasok si mama.
"Tumatawag sa 'yo si Kamryn," sabi niya.
"Sandali po at tatapusin ko munang linisan si Soren." ani ko.
"Ako na riyan, sagutin mo na ito." Nilapag niya sandali 'yong cellphone ko at inagaw sa akin ang hawak kong sabon.
Naghugas na lamang ako ng kamay pagkatapos ay nagpunas bago kunin ang cellphone at sinagot na ang tawag.
"Hello?" Lumabas ako ng kwarto baka marinig ni mama ang pag-uusapan namin.
["I just saw the post on social media, are you okay?"] Napalunok naman ako. Tumingala ako dahil nagsisimula na namang manubig ang mata ko.
"Sa totoo lang... hindi. N-Natatakot ako... natatakot hindi para sa akin, kundi para kay Soren." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Okay lang sana kung ako lang eh, kahit 'wag na si Soren... huwag na ang anak ko,"
["Wait me there."] hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako nang mapagtantong wala na pala siya sa kabilang linya. Nilagay ko na lang sa bulsa 'yong cellphone ko at nag-stay muna rito sa labas upang kalmahin ang aking sarili.
Ilang oras lang naman ang tinagal ko sa labas. At nang maglalakad na ako papasok ay may marinig akong nagdo-doorbell sa labas. Nagtataka naman akong lumapit sa gate upang tignan kung sino 'yon.
"Sir Kamryn?" gulat na sabi ko nang makita ang lalaki. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ngunit hindi siya nagsalita. Hinila lang ako nito at walang-sabing niyakap ako.
"I'm sorry for putting you and Soren in this kind of situation. Don't worry, ako na ang bahala." He said while hugging me. Nagsimula na naman tuloy manubig ang mata ko.
Ilang minuto muna kaming nanatili sa ganoong posisyon bago niya ako bitawan.
"Stop crying, okay?" sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. "I... I can't bear seeing you cry," he said, looking directly into my eyes.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil sa paraan niya ng pagtitig sa akin. May kakaiba sa titig niya iyon kasi habang tumatagal ay pakiramdam ko umu-okay na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, safe ako sa mga kamay niya.
Kinabukasan, sinunod ko ang sinabi niyang huwag munang papasukin si Soren sa school. Nagtaka si mama kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kaniya ang totoo.
"Kaya ba sobrang tahimik ni Cassidy kagabi?" tanong niya, tumango ako. "Paano na ngayon 'yan? Hanggang kailan kayo hindi lalabas?" Iyan din ang tanong ko.
I shook my head. " Hindi ko po alam, ma."
Nasabi rin sa akin ni Miss Cassidy na may interview raw mamayang 11:30 am si Sir Kamryn about sa post. Tinanong niya rin ako kung manonood ba ako mamaya at sagot ko naman ay hindi.
Ewan ko ba, mayroong parte sa akin na gustong manood pero may parte rin na ayaw.
Wala naman akong ginagawa ngayon kaya naman naisipan kong ako muna ang magiging teacher ni Soren.
I taught him to read and write. Hindi naman siya mahirap turuan kaya hindi na ako nahirapan.
"Very good naman pala eh," sabi ko sabay gulo sa buhok niya.
Sabay kaming bumaba at iniwan siya sa sala.
"Wait me here, okay?" sabi ko at nagtungo na ng kusina para gawan siya ng meryenda.
"Eh, sino na ang makakasama kong mag-grocery niyan?" dinig kong usapan nina Ate Rica.
"Kay Tina na lang po," sagot ni Issa.
"May pupuntahan si Tina ngayon eh, hindi siya p'wede."
Iniwan ko muna sandali 'yong ginagawa ko at sumali na sa usapan nilang dalawa.
"Ako na po, wala naman akong gagawin dito sa bahay eh." Sabay silang napalingon sa akin.
"Sigurado po kayo?" tanong ni Ate Rica, nakangiti naman akong tumango.
"Magpapaalam po muna ako kay Soren," sabi ko at binalikan na 'yong ginagawa ko. At nang matapos ay dinala ko na kay Soren.
"Anak, sasamahan ko munang mag-grocery si Ate Rica, ha?" paalam ko rito.
"Mabilis lang po kayo?"
Hinawakan ko ang baba niya. "Opo, bibilhin lang namin 'yong mga wala sa kusina."
"Sino po kasama ko dito?" tanong pa nito.
"Nandito naman sina Ate Klea eh," sabi ko. "Anong gusto mong pasalubong?"
"Kahit ano po,"
"Gaya ng?" tanong ko kasabay ang pag-abot sa kaniya ng juice.
"Ikaw na po bahala, mama." sagot niya matapos uminom.
"Okay, dito ka muna at magbibihis lang ang mama, hmm?" Tumango naman siya kaya naglakad na ako paakyat.
Matapos akong magbihis ay saktong tatawagin naman ako ni Ate Rica.
"Anak, behave ka lang dito ha? Saglit lang kami," bilin ko pa rin kay Soren kahit na alam ko namang hindi siya magkukulit.
"Opo, mama, take care!" sabi niya sabay kindat.
"Ang pogi naman kung kumindat nitong batang ito!" Natawa ako sa sinabi ni Ate Rica.
"Sige na, aalis na kami." Ginulo ko muna ang buhok niya bago sumabay kay Ate Rica palabas.
Pagkarating namin sa mall, nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ganoon karami ang tao.
Hindi naman ganoon karami 'yong pinamili namin kaya nang makuha na namin lahat ng bibilhin ay pumila na kami para makabayad na.
While waiting for our turn, bigla akong nakaramdam nang pagka-ihi kaya nagpaalam muna ako kay Ate Rica.
Nasa loob ako ng cubicle nang may pumasok na dalawang babae.
"Nandito raw sa mall 'yong babaeng kasama ni Kamryn sa picture ah?" Dinaga naman ng kaba ang dibdib ko.
"Really? Nasaan daw? Gosh! Nangangati na naman kamay ko, gustong-gusto ko siyang sabunutan at pagsasampalin!" dinig kong sabi noong kasama niya.
Shit! How do I get out of here? Baka matagalan pa ako rito kung hihintayin ko pa silang makaalis. Hay, bahala na.
Nakayuko akong lumabas ng cubicle para hindi ako makilala noong babae. Thank God at tutok siya sa cellphone niya kaya hindi niya ako napansin.
Patapos na akong maghugas nang iangat niya ang ulo niya at saktong napatingin siya sa salamin. Parehong nanlaki ang mata namin kaya bago pa siya sumigaw ay mabilis kong tinakbo ang pintuan at nagmamadaling lumabas.
"Gaile, bilis! Nakita ko na siya!" rinig ko pang sigaw niya.
Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nagdadalawang-isip din ako kung babalikan ko pa si Ate Rica o hindi na.
Takbo lang ako nang takbo kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bakit ayaw magpakita ng exit!
Napasigaw naman ako nang biglang may humawak sa braso ko at dinala ako sa kung saan.
Nang huminto kami ay saka ko lang nakita ang kabuuan ng taong nanghila sa akin. Matangkad siyang lalaki, he's wearing a black jacket, cap, and mask.
Sa sobrang takot ko ay paulit-ulit ko siyang pinaghahamapas. Nahinto lang ako nang tanggalin nito ang suot niyang mask. At nanlaki ang mata ko nang makilala ang taong ito. It's Blake!
"Need help? I got you." he said and winked at me.
Tinanggal niya ang suot niyang jacket at ipinatong ito sa balikat ko. He also removed his cap and put it on my head.
"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at muli na namang hinila.
Nasa baba lang ang tingin ko hanggang sa marating na namin ang parking lot.
"Get in." utos niya pero nanatili pa rin akong nakatayo. "Yara, do you hear me? Sakay na," pag-uulit niya.
"Ayoko. Hahanapin ko si Ate Rica, sa kaniya na ako sasabay." Hinawakan na niya ang braso ko bago pa man ako maka-hakbang.
"Wait, what if hindi si Rica ang mahanap mo?" sabi niya. "Look, ihahatid na kita."
"Alam mo ba kung saan ang bahay na tinutuluyan ko?" I asked.
"No, pero p'wede mo naman sabihin sa akin, 'di ba?" sagot naman niya. "So, let's go?" Tumango ako.
Pinanood ko muna siyang umikot papuntang driver seat. At nang akmang hahawakan ko na ang pinto, may kamay na humawak sa braso ko at pinigilan akong sumakay.
"She's not coming with you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top