Chapter 19
Sabado ngayon at walang trabaho si Sir Kamryn kaya naman naisipan naming ipasyal si Soren. Babalik na rin kasi kami sa bahay ni Miss Cassidy bukas dahil kinabukasan ay papasok na si Soren.
"Saan po tayo pupunta, papa?" tanong ni Soren nang makasakay ang ama.
"You guess," nakangiting sagot nito.
Tumingala naman si Soren at nag-isip habang ang hintuturo nito ay nasa ibaba ng kaniyang baba.
"Hindi ko po alam," nakangusong sambit nito.
Natawa na lamang ako sa itsura niya. Even me, I also have no idea where we are going.
"Where can you find sand?"
Sa tanong niyang iyon ay nagkaroon na ako ng ideya kung saan ang punta namin. Ang tagal na rin noong huling pumunta kami sa beach kaya sure akong matutuwa si Soren.
"Beach?" takang sagot ni Soren.
"Exactly!"
"Papa naman eh, saan nga po kasi?"
"Ano 'yong sinabi mo kanina lang?" pagsisingit ko.
"Beach po? Wait, we're going to the beach?" Sabay kaming tumango ni Sir Kamryn. "For real?!"
"Uh-huh... you excited?" Mabilis naman siyang tumango.
"Lagot na naman kay nanay niyan," sabi ko.
"Just be quiet lang po, mama." Pareho kaming natawa ni Sir Kamryn sa sinabi ni Soren.
Nagsimula nang magmaneho si Sir Kamryn. At si Soren naman at hindi na natigil sa pagsasalita. Napaka-daldal talaga nitong batang ito.
Ilang oras ang lumipas ay hindi ko na naririnig ang boses ni Soren, iyon pala ay natutulog na ito habang yakap ang laruan niyang dinosaur.
May nadaanan kaming drive thru kaya huminto muna kami upang bumili ng makakain ni Soren paggising niya.
"Here, kumain ka na muna." Inabot sa akin ni Sir Kamryn ang burger kaya agad ko itong kinuha at kinain. Kanina pa ako nagugutom eh.
"Ikaw, hindi ka pa ba kakain?" tanong ko rito.
"Later."
"Okay."
Matapos kong maubos 'yong burger ko ay tinabi ko muna sa plastic 'yong box na pinaglayan ng burger bago ako sumandal at tumingin sa labas.
Ilang saglit din ay nagising na si Soren kaya kinuha ko na sa plastic 'yong pagkain niya.
"Papa, malapit na po ba tayo?" tanong nito habang puno ng pagkain ang kaniyang bunganga.
"Soren, ano 'yong palagi kong sinasabi sa 'yo?"
"Sorry po, mama." anito.
Inabutan ko siya ng juice para hindi siya mabulunan.
"We're almost there, son." sagot naman ni Sir Kamryn.
Matapos ang mahabang biyahe ay sa wakas nakarating na rin kami.
Ang sarap pakiramdam ng simoy ng hangin dito. Wala rin masyadong tao kaya malayang gumalaw-galaw si Sir Kamryn.
Si Soren, hayun nasa tubig na kasama ang ama. Teka... wala akong nakuhang damit niya!
"Don't worry, may dala ako sa kotse." sabi ni Sir Kamryn nang sinubukan kong paahunin si Soren.
Bakit ba ang hilig nito sa dagat? Hindi ko naman siya ipinaglihi sa shokoy ah?
Naupo na lamang ako sa buhanginan at pinanood maglaro sa tubig ang mag-ama. Wala naman sa sarili akong napangiti. Sana palagi na lang ganito.
"Mama, bakit hindi ka po sumali sa amin kanina?" tanong nito habang pinapatuyo ko ang buhok niya.
"Wala akong nadalang damit eh,"
"Sayang po, ang saya pa naman pong maligo."
"Nag-enjoy ka naman ba?" tanong ko, tumango naman siya.
"Opo, kaso bitin eh." Natawa naman ako.
Balikan lang kasi kami dahil linggo na rin bukas.
"Are you done? Let's eat." Napatingin kami ni Soren sa nagsalita.
"Patapos na, wait lang," sabi ko at kinuha ang suklay sa shoulder bag ko at sinuklayan si Soren.
At nang matapos ay sabay kaming pumunta sa restaurant. May nakahanda nang pagkain doon nang makarating kami.
"Papa, balik po ulit tayo dito 'pag wala na akong pasok ha?" ani Soren.
"Sure, why not?"
"Yehey! Promise mo po 'yan ah?"
Tumango na lang si Sir Kamryn.
Hapon na noong maka-uwi kami. Mahimbing namang natutulog si Soren sa kwarto ni Sir Kamryn kaya iniwan ko saglit siya para mag-ayos ng gamit ko.
Kinabukasan, maaga kaming hinatid ni Sir Kamryn sa bahay ni Miss Cassidy dahil may trabaho ito.
"Bye, papa! See you tomorrow!" Kaway nito sa ama.
"See you, kiddo." Ginulo nito ang buhok ni Soren bago sumakay sa sasakyan. Bumusina muna ito bago tuluyang umalis.
Saka lang kami pumasok ni Soren sa loob noong hindi na namin makita ang sasakyan ng ama.
Pagpasok namin ay si mama ang sumalubong sa amin. Natutulog pa raw kasi si Miss Cass.
"Maglaro ka muna rito at iaakyat ko muna itong gamit ko," sabi ko at iniwan na sa sala si Soren.
Habang nagtutupi ako ay narinig ko ang boses ni Miss Cassidy mula sa baba. Mahina akong natawa at saka umiling.
Binilisan ko na lang ang pagtutupi ko at nang matapos ay bumaba na ako.
"Nag-beach kayo kahapon? Bakit hindi niyo 'ko sinama?" nakangusong tanong ni Miss Cassidy.
"Si Sir Kamryn po ang may ideya no'n, hindi ko nga rin alam na sa beach pala ang punta namin." sagot ko.
"He's so annoying talaga! Lagot talaga 'yon sa akin once na makita ko siya."
'Actually, siya po ang susundo sa atin bukas'. Iyan sana ang sasabihin ko kaso 'wag na lang.
~~~
"Hey, Kamryn Zane Sarmiento! Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala kayo ng beach noong isang araw?" tanong ni Miss Cass habang ang dalawa niyang kamay ay nasa baywang.
"Palagi kayong magkasama ni Lance, 'di ba? Edi siya ang yayain mo," sagot naman ni Sir Kamryn.
Mas lalo tuloy lumalim ang pagkaka-kunot ng noo ni Miss Cassidy.
"You!" nakaturong sabi ni Miss Cass.
"Will you ride or not? Late na si Soren sa school."
Umirap na lang si Miss Cass bago sumakay sa back seat.
"Oh? Akala ko sa front seat ka?" takang tanong ko kay Soren nang makita itong katabi si Miss Cass.
"Dito na raw po ako sabi ni Tita eh," sagot niya.
"Ikaw na sa front seat, Yara." Tipid na lang ako tumango bago isarado ang pintuan at sumakay na sa front seat.
Nang mahatid na namin si Soren sa school niya ay hinatid naman kami ni Sir Kamryn sa studio dahil may photoshoot si Miss Cass ngayon.
Ako na ang nag-thank you kay Sir Kamryn dahil dire-deretso lang ang lakad ni Miss Cassidy.
"Miss Cass, wait up!" Habol ko sa kaniya.
Sa sobrang pagmamadali ko ay may nabunggo tuloy ako.
"Naku, pasensya na po! Hindi ko kayo nakita." Nakayukong paumanhin ko sa taong nabunggo ko.
"It's okay."
Awtomatikong umangat ang ulo ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
"Hi, nice to see you here... again." anito at nginitian ako.
"Same. Uhm, una na ako." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
Saglit akong napatingin doon bago ibalik sa kaniya ang tingin ko.
"May kailangan ka po ba?" tanong ko rito.
"None. I just can't believe na may anak ka na talaga... at kay Kamryn pa,"
"Wala eh, iyon po ang totoo. At wala na ako roon kung maniwala ka o hindi." sabi ko kasabay ang pag-alis ng kamay niya sa braso ko.
It's almost 10am kaya naman tinawag na sa dressing room si Miss Cass upang maayusan at makapagbihis na.
Nang matapos ay pinalabas na siya at pumwesto na para makuhanan na siya ng litrato.
Medyo natagalan kami dahil maraming pose ang pinagawa sa kaniya noong Photographer. Pero kahit na ganoon ay nagawa pa rin naman niya ito nang maayos. Iba talaga kapag bihasa ka na sa ginagawa mo.
Matapos iyon ay nag-aya naman si Miss Cass na pumunta ng mall. Bibili raw kasi siya ng swimsuit niya dahil aayain daw niyang mag-beach si Sir Lance.
"Argh! I can't choose!" reklamo niya. "Help me, Yara."
Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang mamili.
"What if, bilhin ko na lang lahat?" aniya, natawa naman ako.
"Ikaw po, kung iyan ang gusto mo." natatawang sabi ko.
"How about this one? Bagay ba sa akin ito?" Hawak niya ngayon 'yong black backless one-piece.
"Lahat naman po bagay sa 'yo eh,"
"Oh, c'mon! Don't be like that, Yara. Sige ka, baka bilhin ko na lahat ng swimsuits dito." Pareho kaming natawa sa biro niya.
Ilang oras pa muna ang tinagal namin doon bago makapili ng swimsuit si Miss Cass.
"I hope Lance will like this!" kinikilig na sabi nito.
Bumalik na ulit kami sa studio dahil may isa pa siyang photoshoot kasama si Sir Lance.
Alas tres na no'ng matapos ang photoshoot. Nag-text din sa akin kanina si Sir Kamryn na susunduin niya ako rito para dalawa kaming magsusundo kay Soren sa school.
"See you around, bro." paalam ni Sir Lance kay Sir Kamryn.
Nang makaalis sina Miss Cassidy ay sabay kaming naglakad ni Sir Kamryn papunta sa kotse niya.
I was about to get into the car when I felt like someone was watching us from afar.
"Yara, may problema ba?" Naagaw naman ni Sir Kamryn ang atensyon ko.
Umiling ako at saka pekeng ngumiti. "W-Wala, tara."
I calmed myself down and just ignored it. Baka guni-guni ko lang 'yon.
Pagkarating namin sa school ni Soren ay pinilit kong ngumiti para salubungin ang anak ko.
"Mama!" Sinalubong niya agad ako ng yakap.Nag-squat naman ako at saka mabilis siyang binuhat.
"Kumusta ang araw mo?" tanong ko rito.
"Okay lang naman po. May kwento po ako sa inyo ni papa!" masayang sabi nito.
"Ganoon?" Tumango naman siya kaya binilisan ko na ang lakad para mabilis marating ang sasakyan ni Sir Kamryn.
"Papa! May kwento po ako sa inyo ni mama," anito.
"What is it?"
"Nagpa-games po kasi si teacher kanina,"
"And then?" si Sir Kamryn.
"Anong palaro 'yon?" tanong ko.
"Group yourself po," sagot naman niya.
"Okay... continue,"
"Noong sinabi po ni teacher na i-group ang sarili sa tatlo, hinila po ako ni Ainsley tapos niyakap po niya ako. Kaya lang po kasama namin 'yong kakambal niya..." natawa ako nang biglang lumungkot ang boses niya. "Pero okay lang po 'yon, at least nayakap ako ng crush ko!" Pareho kaming natawa ni Sir Kamryn. Jusko naman talaga itong anak ko.
Nang maihatid kami ni Sir Kamryn ay nag-thank you muna ako bago kami pumasok sa loob.
"Miss Cass?" Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. At ang mas kinagulat ko ang bigla niyang pagyakap sa akin.
"Anong problema, Miss Cass?" naguguluhang tanong ko.
"Yara..." at nagsimula na siyang umiyak.
Bigla naman akong kinutuban. No... sana mali itong iniisip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top