Chapter 18
Nagluluto ako ng umagahan namin nang biglang pumasok si Soren sa kusina.
"Mama, where's papa?" tanong nito.
"May trabaho ulit siya ngayon eh," sagot ko.
"Ano pong oras siya uuwi?" Naghila siya ng upuan at saka naupo.
"Mga four o'clock siguro nandito na siya." Kumuha ako ng plato upang doon ilagay ang nalutong hotdog at scrambles egg.
"Let's eat!" Sinandukan ko siya ng pagkain niya at pagkatapos ay kumain na.
Tahimik lang siyang kumakain hanggang sa matapos siya. Tumayo na siya at nilagay na sa lababo ang kaniyang plato.
Hindi raw makakapunta ngayon si Manang Nancy kasi masama raw ang pakiramdam nito. Kaya naman ako na ang naglinis ng bahay at naghugas ng mga pinggan.
Nang matapos ako sa gawaing bahay ay tinawag ko na si Soren upang siya'y paliguin.
"Ako na po mag-isa maliligo, mama." sabi nito at iniwan na ako sa sala.
Umiling ako bago siya sundan.
Habang naghahanda ako ng damit niya, naririnig ko siyang kumakanta sa loob ng banyo. Pati ang galing sa pagkanta namana niya sa ama.
"Ooh darling 'cause you'll always be my baby~" pagtatapos niya sa kinakanta at paglabas niya ng banyo.
"Ang galing naman ng singer ko!" Pumalakpak ako kasabay ang paglapit sa kaniya.
"Kanina ka pa po diyan?" gulat na tanong nito.
"Hmm... medyo." Nagkibit-balikat ako. "Bihis ka na," sabi ko.
Pinanood ko siyang magbihis hanggang sa matapos siya. Kinuha ko ang tuwalya sa kaniya at sinampay.
Wala kaming ginawa ni Soren buong umaga kundi ang manood. At pagdating ng tanghalian ay nag-order na lang kami ni Soren ng pagkain namin. Bigla akong tinamad mag-luto eh.
"Papa!" Sumalubong kaagad si Soren sa ama.
"Hey, kiddo. How are you?" tanong ni Sir Kamryn kay Soren.
"Ayos lang naman po. Aalis na po ba tayo?"
Lumingon sa akin si Sir Kamryn kaya nagsalubong ang aming paningin. Nginitian ko siya at ginantihan din naman niya.
Binaba niya saglit si Soren at nagpaalam itong mags-shower muna. Bihis na kami pareho ni Soren kaya kapwa kaming naghintay sa sala hanggang sa bumaba na si Sir Kamryn. Naka-casual din ito tulad sa amin ni Soren.
Sabay kaming tatlong lumabas ng bahay. Sasakay na sana ako ng kotse nang pigilan ako ni Soren.
"Let me open the door for you, mama." sabi nito, napangiti naman ako. Sweet.
"Thanks, baby ko." He just smiled at me before he closed the door.
Sumakay na rin siya sa back seat at ilang saglit pa ay sumakay na rin si Sir Kamryn.
"Papa, p'wede po tayo mag-music?" mayamayang tanong ni Soren.
"Yeah, sure." Kinuha niya 'yong cellphone niya at cinonnect ito sa stereo.
Nang may ma-i-play siyang kanta ay labis na lang ang gulat niya nang sabayan ito ni Soren.
"Woah! I didn't know you could sing." hindi makapaniwalang sabi ni Sir Kamryn.
"Kanino pa ba siya magmamana, eh sa 'yo lang din naman." Napatingin siya saglit sa akin kaya nginitian ko siya.
"Oh c'mon..." natawa ako nang makitang nagpipigil siya ng ngiti. Ang gwapo talaga niya.
Tumingin na lang ako sa bintana at nanahimik na lang.
Nang makarating kami sa bahay ng magulang niya ay sabay ulit kaming tatlong pumasok sa loob.
"Hello there!" Sinalubong kami ng mommy ni Sir Kamryn.
"Lola!" Agad nang nagpabuhat si Soren sa Lola niya. Jusko 'tong batang ito.
"Anak, baka nabibigatan sa 'yo ang Lola mo." sabi ko.
"Don't worry, Yara. Malakas pa ang pangangatawan ko kaya kayang-kaya ko pang buhatin si Soren." sabi nito, naiilang naman akong ngumiti.
Naupo kaming apat sa sofa at nagkwentuhan habang hinihintay na dumating ang daddy ni Sir Kamryn.
"Ang tagal naman ng daddy mo! He said that he will be here in thirty minutes, eh lampas thirty minutes na." Tumayo si Tita Karol at may tinawagan.
"Where are you na? Yes, they're already here. Ang sabi mo nandito ka na in thirty minutes... okay, take care. Yeah, I-I love you." nahihiyang sabi nito habang pagilid kaming tinignan.
"What did he say, mom?" tanong ni Sir Kamryn.
"He's on his way. And he also told me na makakasama rin natin si Blake."
Napatingin ako kay Sir Kamryn at walang-emosyon itong tumango.
Ilang minuto pa muna kaming naghintay bago dumating ang ama at kapatid ni Sir Kamryn.
"Hello, Tita!" Sinalubong niya si Tita Karol at niyakap ito.
"Dad." Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nakatayo roon ang ama ni Sir Kamryn.
Katulad kina Tita at Blake ay nagyakapan din sila. Umusog ako nang kaunti at bahagyang yumuko.
"Yara?" Inangat ko ang ulo ko nang banggitin ang pangalan ko. "It's you! What are you doing here?" hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.
"Did you know each other?" singit ni Sir Kamryn.
"Yeah, she's Cassidy's PA, right?" anito. "How about you? Do you know her?" balik namang tanong ni Blake kay Sir Kamryn.
"Yes, I do."
"Oh... okay." tumango ito at nabaling ang tingin kay Soren na nasa likuran ni Sir Kamryn. "And, who's this little boy behind you?"
"He's Soren... our son." Nanlaki ang mata nito.
"M-May anak ka na?" gulat nitong tanong sa akin.
"Uhmm, oo."
"Bakit?"
"Tinatanong pa ba 'yon?" pagsisingit naman ni Sir Kamryn.
"Easy, bro. Nabigla lang ako kasi... hindi halatang may anak na siya," sabi nito habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Bago pa sila magka-initang dalawa ay pumagitna na si Tita.
"Honey, this Yara and Soren." Pakilala sa amin ni Tita.
"Oh, hi!" Nakipag-beso-beso ito sa akin at pagkatapos ay binuhat niya si Soren.
Nag-aya na si Tita pumuntang kusina. Hila-hila niya ako at buhat naman ng asawa nito si Soren. Kaya naman naiwan 'yong dalawa sa sala. Pero hindi rin nagtagal ay sumunod na rin sila.
Katabi ko si Soren at katabi naman niya ang ama. Nasa magkabilang side naman sina Tita Karol at ang asawa nito. Si Blake naman ay nakaupo sa upuan na tapat ni Sir Kamryn.
Tahimik lamang akong kumakain habang busy sila sa pinag-uusapan nilang tungkol sa kumpanya nila.
"Okay, change topic. Let's talk about Kamryn and Yara, how did you meet each other?" Nagkatinginan kami ni Sir Kamryn.
"We met each other at a party," sagot ni Sir Kamryn.
"Then, paanong nagkaroon agad ng Soren?"
Hindi ko magawang sumagot kaya hinayaan ko nang si Sir Kamryn na lang ang magsabi sa kanila.
Nang matapos ang dinner ay nauna ng nagpaalam si Blake dahil may gagawin pa raw ito.
Nakipagkwentuhan pa muna kami sa mag-asawa bago magpaalam sa kanila.
"Nice to meet you, iha. Let's have a dinner again if I'm not busy." anito.
Nang maka-uwi kami ay hindi ko na nalinisan si Soren dahil tulog na tulog na ito. Si Sir Kamryn na ang nagbuhat at nagdala kay Soren sa kwarto.
Sa kabilang kwarto na ako dumiretso upang magpalit ng damit. Matapos ay naupo ako saglit sa kama upang reply-an si Miss Cass.
From: Miss Cassidy
I miss you both na:(
Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya.
To: Miss Cassidy
Baka sa susunod po na araw uuwi na kami
Nakangiti pa rin ako nang ma-i-send ko 'yon.
"Hey, Soren's looking for you." Sa sobrang gulat ay muntik ko tuloy mabitawan ang cellphone ko.
"H-Ha? H-Heto na, susunod na." Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at sinabayan nang maglakad si Sir Kamryn.
"It looks like you're happy with the person you're talking to." Napakurap ako nang dalawang beses sa sinabi niya.
"Ha? Si Miss Cass 'yong kausap ko, look..." Pinakita ko sa kaniya 'yong usapan namin ni Miss Cassidy.
"Okay. Akala ko may iba kang kausap," sabi nito pero hindi ko narinig 'yong huling sinabi niya.
Hindi ko na lang iyon pinansin at nireply-an na muna si Miss Cass bago mahiga sa kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top