Chapter 15
Yakap-yakap ako nang mahigpit ni Soren at para bang wala na siyang balak na pakawalan ako. Iyak pa rin siya nang iyak simula noong umalis kami ng bahay hanggang sa makarating kami sa airport.
"Soren, your mom needs to go now." Marahan siyang hinila ni Sir Kamryn ngunit marahas itong umiling at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
"Anak, akala ko ba okay na tayo?" Marahang tanong ko habang hinahagod ang kaniyang likod. "Babalik din naman ang mama eh,"
"Yeah, but matagal ka pang babalik." He said while crying.
"Nandiyan naman ang papa mo, 'di ba? Siya muna ang makakasama mo habang wala ako."
"Ayaw. Gusto ko dito ka lang, mama." anito at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.
Ilang oras na lang ay aalis na kami kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko upang pumayag si Soren na umalis ako. Luckily, napapayag din siya ni Sir Kamryn.
"B-Basta po tatawag ka sa amin ha?" Sinisinok na tanong ni Soren.
"Opo. Tahan na, hmm?" Hinaplos ko ang kaniyang pisngi saka kinabig upang yakapin. "Bibilhan na lang kita ng pasalubong, okay ba 'yon sa 'yo?"
"Kahit wala na pong pasalubong, okay na sa akin 'yong uuwi ka." Napangiti naman ako sa sinagot niya.
Magsasalita pa sana ako nang tawagin na ako nina Manager Gelay at Miss Cassidy.
"Sige na, anak, tinatawag na nila ako." Sabi ko at pinatakan ng halik ang kaniyang noo.
"Tawag ka po pagdating mo doon ah?"
Tumango naman ako. "I will. I love you, anak."
"I love you, too, mama. Have a safe flight po." Tumayo na ako at ginulo ang buhok niya bago sumunod kina Miss Cass.
"Ikaw, ha. Why didn't you tell me na si Kamryn pala ang papa ni Soren mo?" Sundot ni Manager Gelay sa tagiliran ko.
"Ahh-ehh... sorry po," sagot ko saka alanganing tumawa.
"Sus! Napaniwala mo ako sa sinabi mo na napaglihian mo lang si Kamryn kaya naging kamukha ni Soren, 'yon pala si Kamryn ang ama niya."
"Atin lang po 'yon ha? Ayaw ko po kasi ng gulo eh,"
"Don't worry, quite lang ako." Sabi niya at umaktong sinara ang kaniyang bibig.
Sa tatluhan ang puwesto namin kaya magkakatabi kami nina Miss Cassidy. Ako ang nakapuwesto sa gitna at si Miss Cass naman ang nakapuwesto sa may bintana.
Matagal pa naman bago makalapag ang eroplano kaya umiglip muna ako.
"Cassidy, Yara, we're here." Paggising sa amin ni Manager Gelay. Sabay kaming nag-inat ni Miss Cassidy.
May naghihintay ng sasakyan sa labas ng airport kaya nakaalis na kami agad. Sa hotel muna kami tutuloy ngayon dahil may ribbon cutting pa kaming pupuntahan bukas. At after no'n, deretso na kami sa bahay nina Manager Gelay.
Hiwalay ang room naming tatlo ngunit magkakatabi lamang ito. Pagpasok ko sa room ko ay nilabas ko na ang cellphone ko upang tawagan sina Soren.
"Hello?"
["Wait, tawagin ko lang si Soren."] Sagot ni Sir Kamryn mula sa kabilang linya.
Narinig ko pa ang boses niyang tinawag si Soren. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses niya.
["Hi, mama! Nakarating na po kayo?"] Agad na tanong nito.
"Yes, anak. Anong ginagawa mo ngayon?"
["Nagd-drawing po!"]
"Wow, patingin ako 'pag uwi ko ha?"
["Sure po! Gagawa pa po ako mamaya ng marami para marami po akong ipakita sa inyo ni Tita Cassidy!"] anito kaya napangiti ako.
Nag-usap kami nang nag-usap hanggang sa katukin na ako nina Manager Gelay.
"I have to go na, anak, tinatawag na ako eh." Paalam ko rito.
["Okay po. Tawag ka po ulit mamaya, ha?"]
"Noted po." Sagot ko. "I love you, 'nak."
["I love you, too, mama!"] Sagot naman nito bago ko putulin ang linya.
Sabay kaming bumaba upang kumain sa labas. May malapit namang kainan sa hotel sa tinutuluyan namin kaya napagpasyahan naming doon na lang kumain. Mas makakamura pa kami, 'di ba? Kidding.
Nang marating na namin iyong kainan ay mabilis lang kaming nakahanap ng upuan. Nag-order na rin kami kaagad.
At tulad nga ng sinabi ko, mura lang ang pagkain nila rito. At sobrang sarap din.
"Cassidy, enough." Saway ni Manager Gelay nang akmang mago-order ulit ng rice si Miss Cass.
"But, I want to eat pa eh," wala nang nagawa si Miss Cass kundi ang ngumuso at pabagsak na isinandal ang likod sa sandalan ng upuan.
"You have to maintain your—" hindi na pinatapos ni Miss Cassidy ang sasabihin ni Manager Gelay.
"Yeah, right. I already know that." anito habang nakanguso pa rin.
"Panoorin mo na lang kaming kumain ni Yara." Pang-aasar pa ni Manager Gelay kay Miss Cassidy.
Hindi kami pinansin ni Miss Cassidy hanggang sa makabalik kami sa hotel.
"Good night, ladies. Have a good night." Si Manager Gelay bago siya pumasok sa room niya.
"Good night, Miss Cass." Sabi ko ngunit tipid lamang siyang ngumiti bago rin pumasok sa kaniyang kwarto.
Mahina naman akong natawa at pumasok na rin sa kwarto ko.
Nagbabad muna ako ng ilang minuto sa tub at pagkatapos no'n ay nagbihis na ng pantulog. Bago matulog ay tumawag muna ako kina Soren. And as usual, ang dami na naman niyang dinaldal sa akin.
"Hello? Anak?" At nakatulog na nga ang bata.
["Hey, uhmm... he's already asleep,"] dinig kong boses ni Sir Kamryn.
"A-Ahh, ganoon ba? Sige, good night?"
["Good night, Yara."] Sagot nito bago putulin ang linya.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang epekto sa akin ni Sir Kamryn?
"Ugh! Nababaliw na yata ako."
Nilapag ko 'yong cellphone ko sa side table at sa umayos na ng higa. Ilang minuto pa muna akong tumitig sa kisame bago lamunin ng dilim.
~~~
Kinabukasan ay sabay kami nila Miss Cassidy na pumunta sa ribbon cutting event. Isa 'yon sa brand na ini-indorse ni Miss Cassidy kaya kailangang-kailangan talaga siya.
At nang matapos 'yong event ay dumiretso kami kaagad sa hotel para mag-impake. Dederesto na kasi kaming Mandaue dahil bukas na ang umpisa ng bachelorette party ng kapatid niya.
Iyong van na sumundo sa amin sa airport ay iyon din ang van na sinakyan namin ngayon paalis. May kalayuan din ang Mandaue kaya naman natulog na muna ako.
Ginising na lang ako ni Miss Cassidy nang marating na namin ang bahay nina Manager Gelay. Pagkababa namin ng van ay agad kaming sinalubong noong kapatid ni Manager Gelay.
"Asa sila mama ug papa?" Kinausap ni Manager Gelay 'yong kapatid niya nang lengwahe nila.
"Naa sila sa sulod, sulod ug init diri." Sabi naman noong kapatid niya kaya nilingon kami ni Manager Gelay.
"Pasok na tayo sa loob." Pag-aaya niya sa amin.
Nauna na si Manager Gelay sa loob kaya naiwan kami ni Miss Cassidy sa labas kasama 'yong kapatid ni Manager Gelay.
"Oh my gosh! Akala ko po nagjo-joke lang si kuya ko na isasama ka niya, I can't believe na tototohanin pala niya." anito at hindi alam kung hahawakan niya ba si Miss Cass o ano.
"Hindi ka pa ba nasanay sa kapatid mo? Tsaka hindi naman yata p'wedeng wala ang kagandahan ko sa kasal mo eh. Kidding." Bawi agad ni Miss Cass sa biro niya.
"Pasok na po tayo sa loob." Pag-aaya niya sa amin kaya sabay kaming tatlong pumasok.
Hindi ganoon kalaki at hindi rin naman ganoon kaliit ang bahay nina Manager Gelay, ngunit maganda naman ito.
"Nga po pala, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga po pala si Danica." Pakilala nito. "If I'm not mistaken, ikaw po si Miss Yara, 'di ba?"
"Yes po, ako nga po."
"Ang ganda niyo po pala talaga, lalo na sa personal." Bigla naman akong nahiya sa papuring ginawa niya. Nagpasalamat na lang ako kahit na nahihiya.
~~~
["Mama, nasaan ka po? Bakit ang ingay?"] Tanong agad ni Soren nang masagot ko ang tawag.
"Ahh, may party kasi 'yong kapatid no'ng Manager ni Tita Cassidy mo."
["Wala naman pong boys diyan?"] Natawa naman ako.
"Bakit mo naman natanong 'yan? Syempre wala. Kaming mga babae lang ang narito."
["Good to know po."]
"Ikaw talagang bata ka,"
Nagdadaldal pa siya nang tawagin na ako nina Danica.
"Tawag na ako, 'nak, later na lang." Paalam ko rito.
["Okay po, take care and enjoy."] Sweet.
"May anak ka na po pala?" I nodded. "Hindi po halata! Ang ganda pa rin ng hubog ng katawan mo."
Naiilang akong tumawa at inaya na lang silang bumalik sa loob.
"Lasing na agad siya?" Gulat na tanong ko kay Danica. Okay pa siya noong lumabas ako ah?
"Sunod-sunod kasi 'yong pagtungga niya ng alak kanina eh, kaya 'yan."
"Ako na ang bahala sa kaniya," tipid ko siyang nginitian bago puntahan si Miss Cass.
"Miss Cass, lasing ka na tara na po." Marahan kong hinila ang braso niya.
"I'm not drunk, Yara, nare-recognize pa nga kita eh," anito sabay tawa.
"Miss Cass, tama na po. Lasing na rin po 'yong ibang kasama natin oh," nilibot ko ang paningin ko at isa-isa ng sinusundo 'yong mga kasama namin.
"Wait. Bakit sila may sundo? Teka, tawagan ko lang si Lance." Mabilis ko naman siyang pinigilan.
"Miss Cass, nasa Cebu po tayo, wala sa Manila."
"Oh shoot! Oo nga pala," sapo niya sa kaniya noo.
"Miss Cassidy, Miss Yara, sumabay na po kayo sa amin." Tawag sa amin ni Danica.
Inalalayan ko si Miss Cass maglakad para hindi siya masubsob. Pati na rin sa pagsakay sa van.
"Oh my God! What happened to her?" Tinulungan ako ni Manager Gelay na alalayan si Miss Cass upang makababa ito nang maayos.
"Tungga raw po siya nang tungga ng alak kaya iyan, nalasing." Sagot ko.
Matapos namin siyang maihiga sa kama niya ay nagpaalam na ako kay Manager Gelay na pupunta na rin sa kwarto ko.
Ang baba talaga ng alcohol tolerance ni Miss Cassidy. Limang baso pa lang daw ang naiinom niya kanina, eh.
Mabilisang half bath ang ginawa ko. At pagkatapos no'n ay muli akong tumawag kina Soren pero si Sir Kamryn ang naka-usap ko at ang sabi niya tulog na raw si Soren.
Nagpaalam na ako kay Sir Kamryn at sinabing bukas na lang ulit ako tatawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top