Chapter 13
Wala akong ginawa buong hapon kundi ang mag-scroll-scroll sa social media, manood ng make-up tutorials, at iba pa.
"Nakakabagot naman," sabi ko at nilapag sa tabi ko 'yong cellphone ko. Pumikit ako saka sumandal sa sofa.
"Ayos ka lang, anak?" Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni mama. Umusog naman ako kaunti para maka-upo siya.
"Opo, ma. Ayos lang po ako." Sabi ko saka ngumiti.
"Miss mo na ano?" Napanguso ako saka tumango.
"Sobra po, pero masasanay rin po ako, ma. Tsaka masaya nga ako kasi mukhang nagkakapalagayan na 'yong mag-ama." Hinawakan ni mama ang kamay ko kaya napatingin ako roon.
"Ni minsan ba hindi mo naisip na sumama sa bonding nila?"
"Hindi po. Baka po kasi may makakita sa amin eh, natatakot po ako hindi para sa akin, kundi para sa anak ko." Bumuntong-hininga ako. "Ang bata pa niya para—" pinutol ni mama ang sasabihin ko.
"Sa tingin mo ba hahayaang mangyari 'yon ni Kamryn? Anak, ngayong nakilala na ni Soren ang papa niya, huwag mo nang iisipin 'yong kung ano man ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita nila kayong magkakasama. Basta ang mahalaga ay masaya si Soren." Mabahang litanya ni mama. "At saka, ayos lang naman kahit wala kayong nararamdaman sa isa't-isa ni Kamryn eh, iparamdam niyo lang kay Soren na may buo siyang pamilya." Dugtong pa niya.
Ngumiti na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
"Siya nga pala... kailan ulit ang simula ng pasok ni Soren?" Tanong ito.
"Next month po," ay! Oo nga pala, next month din pala ang alis namin. "Mama..."
"Ano iyon?"
"Pupunta nga po pala kaming Cebu sa susunod na buwan. P'wede po bang kayo na lang ang magbantay kay Soren sa school?"
"Anong gagawin niyo sa Cebu at hanggang kailan ba kayo roon?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Aattend po kami ng ribbon cutting at kasal po no'ng kapatid ng Manager ni Miss Cassidy."
"Ganoon ba? O'sige, ako na ang bahala kay Soren. Nasabi mo na ba sa kaniya?" Tanong niya, umiling naman ako.
"Hindi pa nga po eh,"
"Baka naman mahirapan ka na naman magpaalam niyan,"
"Kakausapin ko rin po si Sir Kamryn para mapapayag si Soren." Sabi ko na lang.
Sana nga matulungan niya akong mapapayag si Soren na huwag nang sumama.
~~~
"Yara! Omg! You won't believe this!" Bumungad kaagad sa akin si Miss Cass na halatang kagigising lang dahil sa magulo nitong buhok.
"Ano po iyon? Mukhang good mood kayo ngayon ah," ani ko.
"Yes, I am! So, ito na nga... Lance confess to me na he likes me and nagustuhan din ako ng mommy niya!" Tili niya.
"O'di ba, sabi ko sa 'yo na huwag kang kakabahan eh. Anyway, Miss Cass... congrats! I'm happy for you!" Nagyakapan kami saka tumalon-talon.
"Eh, kayo ni Kamryn kaya... kailan?" Saglit naman akong natigilan.
"Miss Cass talaga... never mangyayari 'yan," sagot ko at saka pilit na tumawa.
"Why not? May anak kayo kaya imposibleng hindi kayo ma-fall sa isa't-isa."
"C-Change topic na nga po, kumusta naman po 'yong dinner niyo kahapon?"
Nakahinga ako nang maluwag nang mas magliwanag ang mukha niya at saka nagsimulang mamula ang pisngi niya.
"He's so caring and gentlemen! Pigil na pigil nga 'yong kilig ko habang kumakain kami eh," sabi niya at mas lalong namula ang pisngi. "Tsaka alam mo ba noong hinatid niya ako... he kissed me! Pero sa cheeks lang,"
Nakinig lang ako sa mga kwento niya hanggang sa tawagin kami ni mama.
"Hindi pa ba kayo bababa? At saka wala ba kayong pasok ngayon?" Nagkatinginan kami ni Miss Cassidy.
Muntik na naming makalimutan na may interview pa pala siya ngayon.
"Second day pa lang ngayon ni Soren kay Kamryn, right?" Tanong ni Miss Cass habang nagtitimpla ng kape.
"Opo,"
"I can't wait na maka-uwi siya rito, super miss ko na 'yong baby boy nating 'yon." Mahina akong natawa.
"Tumawag nga po siya sa akin gamit ang phone ni Sir Kamryn eh,"
"Ows? So, ano naman ang pinag-usapan niyo? Let me guess, nagdaldal na naman iyon ng mga ginawa nila 'no?" Natatawa naman akong tumango.
~~~
Mamayang 10am pa naman ang start ng interview ni Miss Cassidy kaya dumaan muna kami sa office ni Manager Gelay dahil sasabay na raw siya sa amin papuntang venue.
"Cassidy, would you mind if pasukin mo ang acting?" Mayamayang sabi ni Manager Gelay habang nasa van kami.
"Ayos lang naman po, I love acting naman eh." Sagot naman ni Miss Cass.
"How about you, Yara? Sayang kasi 'yang ganda mo kung hindi mo ipapakita sa camera." Baling naman nito sa akin.
"Ahh-ehh... wala po akong talent sa pag-arte eh," sagot ko naman.
"Naku Manager Gelay, mapapagod ka lang sa kasasabi kasi never mo siyang mapipilit." Pagsisingit ni Miss Cassidy.
"Hay naku, kung ganiyan lang siguro ako ka-ganda sa inyo baka pinasok ko na rin ang pagiging p*rn star." Biro nito kaya tatlo kaming natawa.
"Grabe naman sa p*rn star, Manager Gelay." Sabi ko habang natatawa pa.
"Syempre, joke lang 'no! Itong mga 'to talaga," anito. "Nga pala, nakita ko kahapon si Kamryn na may kasamang bata." Pareho kaming nahinto sa pagtawa ni Miss Cassidy.
"Baka naman po pamangkin niya lang?" Sinikap kong huwag mautal.
"Nasa Poland ngayon ang sister niya kaya imposibleng pamangkin niya 'yon,"
Nagkatinginan kami ni Miss Cass. Parehas na hindi alam ang isasagot.
Mabuti na lang at nakarating na kami sa venue kaya hindi na muling nagtanong pa si Manager Gelay.
"Muntik na tayo doon ah," bulong sa akin ni Miss Cassidy nang makasabay siya sa akin maglakad.
"Kaya nga po eh, sana makalimutan niya na mamaya." Sabi ko.
Naging successful naman ang naging interview ni Miss Cass. At gaya dati, nasagot niya lahat ang mga tinatanong sa kaniya. Nang matapos iyon ay umuwi na kami
["Mama!"] Bumungad kaagad sa akin ang boses ni Soren.
"Kumusta ang araw ng pogi kong anak?" Tanong ko rito saka umupo sa gilid ng kama.
["Masaya po! Pinasyal po ako ni papa sa resort nila lola."] Masayang sagot niya.
"Wow, edi naligo ka na naman?" Inipit ko ang cellphone gamit ang balikat ko saka yumuko upang tanggalin ang sintas ng sapatos ko.
["Opo! Don't tell po kay nanay ha?"] Mahina akong natawa.
"Okay, okay. Quite lang ang mama."
["Ay, mama. Are you busy tomorrow?"] He asked all of a sudden.
"Walang schedule bukas ang tita mo kaya free ako bukas," sagot ko. "Bakit mo natanong?"
["Gusto mo po bang sumama bukas?"] Natigilan ako.
"S-Saan naman, anak?" Utal na tanong ko.
["Mamamasyal po ulit!"]
Bigla ko namang naalala 'yong huling katagang sinabi sa akin ni mama. 'Iparamdam niyo lang kay Soren na may buo siyang pamilya'.
"Ah, sige. Anong oras ba para makapaghanda ako?"
["Okay lang ba kung mga 7 or 8?"] Muntik akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Sir Kamryn.
What's wrong with you, Yara?
"O-Okay lang naman po. Mag-text ka na lang po kapag papunta na kayo." Utal kong sagot.
["Why do you stutter?"] Natatawang tanong ni Sir Kamryn mula sa kabilang linya.
Tumikhim naman ako. "Huh? Baka nagkamali ka lang po ng dinig," napapikit na lang ako sa sinagot ko.
["Okay, sabi mo eh. Soren, say bye to your mom."]
["Ba-bye po, mama! I love you!"]
"Hmm... I love you, too, Soren ko." Saka pinutol ang linya.
~~~
Kinaumagahan nga ay saktong 7:30 am ako sinundo nina Soren sa bahay ni Miss Cassidy. Nasabi ko na kina mama at Miss Cassidy ito kaya naman agad niya akong pinahiram ng dress niya.
"'Yan! Perfect!" Palakpak pa niya. "Representing... future Mrs. Sarmiento!"
"Miss Cass talaga oh, malabo pong mangyari 'yan." Sagot ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
"Kapag kayo talaga ang nagkatuluyan, nako..."
"Sige na po, kanina pa po sila naghihintay sa labas eh." Sabi ko kaya na alarma siya.
"Oo nga pala. I almost forgot! Ganito ba kapag tumatanda na?" aniya kaya sabay kaming natawa.
Paglabas namin ng gate ay bumungad kaagad sa amin ang mag-amang parehong nakasandal sa kotse at parehas pang naka-shades.
"Yes, naman! Kay popogi naman nitong mga ito!" Puri ni Miss Cassidy matapos makipag-beso-beso kay Sir Kamryn.
"Shall we go? Kanina pa gustong umalis ni Soren eh," ani Sir Kamryn at hindi pinansin ang ginawang pagpuri ni Miss Cassidy.
"Wow! Wala man lang thank you?!" Reklamo ni Miss Cassidy.
"Thank you po, Tita Cass!" At si Soren na nga ang nag-thank you.
"Mabuti pa 'yong baby namin marunong mag-thank you, hindi tulad ng isa diyan." Mahina akong natawa nang makita ko ang pag-ismid ni Miss Cass kay Sir Kamryn. "Bye na nga! Ingat kayo ha?"
Nginitian ko na lang si Miss Cass bago sumakay sa kotse ni Sir Kamryn. Ako ang pumwesto sa passenger seat at sa back seat naman si Soren.
Pagkarating namin ng mall ay dumiretso kami agad sa sinehan. Iyon kasi ang request ni Soren, eh.
Habang naglalakad ay nakasunod lamang ako sa kanila habang nakatingin sa baba. Medyo marami kasi ngayon ang tao rito sa mall kaya mas mabuti na 'yong nag-iingat. Baka kasi bukas ako na ang laman ng socmed.
Mabuti na lang at hindi ganoon kalayo 'yong sinehan kaya nang makakuha na kami ticket namin ay pumasok na kami sa loob.
Nayakap ko na lang ang sarili ko nang maramdaman ang lamig. Hindi naman ako na-inform na ganito pala ka-lamig sa loob ng sinehan.
Mas lalo akong nilamig nang maka-upo kami. Nilingon ko naman 'yong mag-ama at kapwa sila tutok sa pinapanood.
Nilalamig na talaga ako. Bakit kasi ganito pa 'yong pinasuot sa akin ni Miss Cassidy.
"Mama? Okay ka lang po?" Mayamayang tanong ni Soren.
"O-Okay lang naman ako, 'nak, medyo nilalamig lang." Sagot ko kaya naman bumaling siya kay Sir Kamryn.
Mayamaya pa ay nakita kong hinubad ni Sir Kamryn ang suot niyang jacket at saka binigay niya sa akin.
"Thanks po." Nginitian lang ako nito bago ibalik ang tingin sa pinapanood.
Medyo nabawasan na ang lamig na nararamdaman ko kaya naman nakapag-focus na rin ako sa pinapanood.
At pagkatapos nga ng movie na pinanood namin ay nagpunta naman kami sa isang Italian restaurant. Dalawang order ng Bistecca Alla Fiorentina ang in-order ni Sir Kamryn para sa amin at isa namang Spaghetti Alla Carbonara para kay Soren.
Dinaldal lang ako nang dinaldal ni Soren habang hinihintay naming dumating 'yong order namin. Kusa naman siyang tumigil nang maihain na 'yong order naming pagkain.
"Careful, anak, mabubulunan ka sa ginagawa mo." Sabi ko at inabutan siya ng tubig.
"Papa oh, hindi pa kumakain si mama, subuan mo nga po." Huli na para mag-react ako dahil nakuha na ni Sir Kamryn 'yong plato ko at sinimulan nang hiwain 'yong karne.
At matapos niyang mahiwa ay tumusok siya ng isang nahiwang karne saka tinapat iyon sa bibig ko.
"Say ahh..." napalunok muna ako bago ibuka ang bunganga ko. "How's it?" Tanong nito.
"M-Masarap naman po," utal na sagot ko. "Ah, a-ako na po ang magsusubo sa sarili ko." Sabi ko saka kinuha sa kaniya 'yong plato ko.
~~~
Gabi na noong maihatid kami ni Sir Kamryn dahil nag-aya pang pumuntang baywalk si Soren.
"Thank you po sa pag-sama sa akin." Sabi ko nang makababa kami sa sasakyan niya.
"Sa uulitin." anito.
Nginitian ko siya at bumaling kay Soren. "Magpaalam ka na sa papa mo."
Lumapit naman siya rito at saka hinalikan si Sir Kamryn sa pisngi. "Ba-bye po, papa." Sabi nito bago bumalik sa tabi ko.
"Ikaw po mama, hindi mo po ba iki-kiss si papa?" Nanlaki naman ang mata ko saka nagmamadaling tinakpan ang bibig niya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Sir Kamryn. Ito talagang batang ito.
"Ah, p-pasenya na po kayo. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho." Sabi ko saka naiilang na ngumiti.
Hinintay muna namin ni Soren na tuluyang makaalis ang sasakyan ni Sir Kamryn bago kami pumasok sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top