Chapter 12

"Anak, napag-usapan na natin ito, 'di ba?" Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.

Ngayon kasi ang alis niya papunta sa bahay ni Sir Kamryn. At tatlong araw siya roon.

"I'll miss you po, mama." Mahigpit ako nitong niyakap kaya mahina akong natawa.

Masasanay ka rin, anak.

"Sige na, baka naghihintay na ang papa mo sa labas." Humiwalay na siya at hinawakan ko na ang kamay niya upang sabay kaming lumabas ng bahay.

"Hi." Napaayos ng tayo si Sir Kamryn nang makita kami ni Soren sa gate.

"Sige na, 'nak." Sabi ko.

Binitawan na niya ang kamay ko at lumapit na sa papa niya. Kinuha naman ni Sir Kamryn 'yong bag ni Soren upang ilagay sa loob ng sasakyan. Matapos iyon ay pinagbuksan niya ng pintuan si Soren upang makasakay na ito.

"Ingat po kayo." Nakangiting sabi ko. Ginantihan naman niya iyon.

"We will." Sabi nito bago umikot papuntang driver seat.

Nang mapaandar na niya 'yong sasakyan ay bumusina pa muna ito bago tuluyang umalis. Pinanood ko ang sasakyan nila hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Sana makasundo agad nila 'yong isa't-isa.

"Nakaalis na sila?" Tanong sa akin ni Miss Cassidy nang magkasalubong kami.

"Yes po, halos kakaalis lang nila."

"Hindi ako sanay na walang Soren dito sa bahay," nakangusong sabi niya.

"Miss ko na nga po agad eh," natatawang sabi ko.

"Hays. Anyways, nasabi pala sa akin ni Manager Gelay na next month daw pupunta tayong Cebu and one week tayo roon."

"Ano pong gagawin natin doon?" Takang tanong ko.

"Aattend tayo ng ribbon cutting and kasal ng kapatid niya." Sagot naman niya.

Tumango-tango na lang ako.

Free day ngayon ni Miss Cassidy kaya naman nag-aya itong mag-mall.

"Ano mas magandang shade ng lipstick na babagay sa lips ko?" Tanong niya. Napa-isip naman ako.

"I think, mas bagay po sa 'yo itong mga ganitong shade," sabi ko at pinakita iyong tatlong shade ng lipstick.

"Maganda itong R17 Red Flame, and oh... ito rin!" Tukoy niya sa LR06 LED Pink na shade. "I'll buy this two, ang gaganda nila and for sure mas aapaw ang kagandahan ko!" Napailing naman ako.

Matapos kaming mamili ng mga kolorete ni Miss Cass ay nag-aya naman itong kumain muna. Sa Korean restaurant kami pumunta dahil gusto raw mag-samgyup ni Miss Cassidy.

"First time kong ma-try ito!" Natutuwang sabi niya habang isa-isang tinitignan ang mga nasa ibabaw ng mesa namin.

Nagsimula na kami sa pagluluto at salitan kami ni Miss Cassidy.

"Maanghang ba itong kimchi?" Tanong nito.

Nakatikim naman na ako dati ng kimchi at ang masasabi ko ay hindi naman gaano.

"Hindi naman po, pero try mo po. Masarap naman siya kahit na may pagka-anghang." Sabi ko.

"Hindi kasi ako sanay sa spicy eh, pero I'll try!" aniya sabay subo ng kimchi.

Nakatitig lamang ako sa kaniya at hinihintay ang reaksyon niya.

"Hmmm... masarap nga siya kaso medyo maanghang, pero keri ko naman." Sabi niya habang ngumunguya.

Nagkwentuhan lang kami about sa work at sa kanila ni Sir Lance.

"Alam mo ba, nararamdaman kong malapit na siyang umamin sa akin, kaunting push na lang." Kwento niya. "Feel ko talaga na may gusto rin siya sa akin," dagdag pa niya.

Puro kwento lang ito hanggang sa matapos na kaming kumain.

Sabay naman kaming natawa nang sabay kaming dumighay.

"Grabe, mapapagalitan na naman ako ni Manager Gelay kapag may nadagdag sa timbang ko." anito saka natawa.

"Don't worry, Miss Cass, quite lang ako." Sabi ko at umaktong sinara ang bibig.

Matapos kaming makapagbayad ay nalibot-libot ulit kami. At habang naglilibot kami ay may nakasalubong kaming pamilyar na lalaki.

"Oh? Hi, Cassidy." anito at saka binalingan din ako. "You are the girl na napagkamalan kong Model, right?"

"Ah, yes po." Nakikilala ko na siya, siya 'yong nakasama ni Miss Cassidy sa photoshoot.

"I'm Blake, and you are?" Tanong nito habang nakalahad ang kamay.

Tinanggap ko naman iyon dahil nakakahiya naman kung hindi. "Yara po, Sir."

"Yara... what a beautiful name,"

Titig na titig ito sa akin kaya naman yumuko ako at naiilang na napangiti.

"Uhmm... excuse me but we need to go na kasi eh," sabi ni Miss Cass saka hinila na ako paalis.

"Ayoko talaga sa kaniya." Nakabusangot si Miss Cass nang tingan ko ito.

"Bakit naman po?"

"Step brother siya ni Kamryn and siya rin ang dahilan kung bakit naghiwalay si Kamryn at Chantal."

Nagulat ako hindi dahil nalaman kong may step brother si Sir Kamryn, nagulat ako dahil may naging girlfriend pala si Sir Kamryn. Hindi naman sa ano... oo, gwapo siya pero hindi lang talaga ako makapaniwala na may naging kasintahan siya. At sa pagkakaalam ko, sikat si Miss Chantal sa ibang bansa bilang isang magaling na actress.

"Iwasan mo 'yong lalaki 'yon, Yara, maliwanag?" Tumango naman ako.

Wala naman akong balak makipagkaibigan doon, eh.

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad kami sa kwarto namin upang makapagbihis na.

Habang nagbibihis ako ay napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong magliwanag. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Sir Kamryn sa screen.

Mabilis kong sinuot ang damit ko at saka sinagot na 'yong tawag.

["Mama! Bakit ang tagal mo po sagutin?"] Napangiti ako nang bumungad sa akin ang boses ni Soren.

"Sorry na, nagbibihis kasi ang mama eh." Sagot ko.

["Mama, nandito po ako sa bahay ni Lola."]

"Kumusta ka naman diyan?" Naupo ako sa kama at saka kumuha ng unan at kinalong.

["Okay lang naman po, ang bait po nila lalo na po si lola."]

"Behave ka lang ba riyan?"

["Oo naman po, mama!"]

"Anong ginagawa mo ngayon? At saka bakit na sa 'yo ang cellphone ng papa mo?"

["Katabi ko po si papa, nakikinig po sa atin."] Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka napahawak sa dibdib.

Bakit ako kinakabahan? Si Sir Kamryn lang naman 'yan, eh.

["Mama? Are you still there?"] Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Soren.

"A-Ah... yes, anak. Sorry, may kinuha lang ako." Palusot ko.

Nagkwento lang siya ng mga ginawa nila kanina bago sila pumunta sa bahay ng mommy ni Sir Kamryn.

"Yara? Are you doing something?" Dinig kong tawag sa akin ni Miss Cassidy mula sa labas.

"Mamaya na lang, anak ha? Tinatawag ako ni Tita Cassidy mo eh," paalam ko rito.

["Okay po. I love you, mama!"] Napangiti ako.

"Mahal ka rin ng mama, anak." Tugon ko bago putulin ang linya.

"Miss Cass?" Tanong ko rito.

"Patulong naman ako, please..."

"Patulong po saan?"

"Nag-text kasi sa akin si Lance and he said na gusto raw akong ma-meet ng mommy niya. And the problem is... I don't know what to wear!" Natatarantang sabi niya.

"Miss Cass, relax, okay?" Pagpapakalma ko rito. "Ako na po ang bahala. I got you, Miss Cass."

Sabay kaming pumunta sa kwarto niya at agad na akong dumiretso sa walk in closet niya para maghanap ng dress na susuotin niya.

First time raw ma-meet ni Miss Cassidy 'yong mother ni Sir Lance kaya dapat daw maganda siya kapag haharap dito.

"Ito po, Miss Cass. Bagay po sa 'yo ito," nilabas ko 'yong blue knee length button dress at pinakita sa kaniya.

"You sure?" Kinuha niya sa kamay ko 'yong dress at lumapit siya sa salamin upang isukat 'yong dress. "Hmm... you're right! Bagay na bagay nga sa akin." Impit siyang tumili sabay ikot.

~~~

"Wish me luck, Yara." Mahina akong natawa.

"Huwag ka pong kabahan, Miss Cass. I'm sure magugustuhan ka ng mommy ni Sir Lance." Pampalubag-loob ko.

"Sana nga! Anyway, bye na. Excited na akong makita siya eh," kinawayan niya muna ako bago lumabas ng bahay.

Maganda at mabait naman si Miss Cass kaya imposibleng hindi siya magustuhan ng mother ni Sir Lance. Medyo may kaartehan nga lang pero super bait naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top