Chapter 11
Nagkatinginan kami ni Miss Cassidy nang marinig muli namin ang pagtunog ng doorbell.
"Let me see it kung siya 'yang nasa labas," ani Miss Cass habang nagpupunas ng luha.
Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.
Dali dali naman akong sumilip sa bintana. Labis na lamang ang pasasalamat ko nang makitang ibang tao ang nasa labas. Sabi na nga ba at wala lang sa kaniya 'yong sinabi ni Miss Cassidy.
Umayos na ako ng upo nang makitang nagpaalam na si Miss Cassidy sa rider.
"Thank God at hindi si Kamryn 'yon,"
Nakapikit siyang umupo sa sofa habang kalong niya 'yong regalo sa kaniya ng isa sa fans niya.
"I'm really sorry talaga, Yara. It's okay naman sa akin if magalit ka—" hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Miss Cass... tama na po ang kahihingi niyo ng sorry, 'di ba nga ang sabi ko sa 'yo kanina ay hindi naman kita sinisisi? So, stop blaming yourself, okay?" Sabi ko rito. "Maybe, may plano si God kung bakit nangyari ito."
Bumuntong-hininga siya. "But still, I'm sorry..." sinimangutan ko siya na ikinatawa naman siya.
"Okay, hindi na. Anyway, akyat na ako. Hindi ko na kaya ang amoy ng alak na nasa katawan ko." Pareho naman kaming natawa sa sinabi niya.
Sinundan ko ulit siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaakyat. Pabalik na ako ng kusina nang may mag-doorbell ulit.
Ako na ang lumabas upang magbukas dahil baka isa na naman iyon sa padalang regalo para kay Miss Cassidy.
"Yes po, ano po—" natigil ako nang makita kung sino ang taong kaharap ko. "S-Sir Kamryn..."
"Is it true?" Napalunok naman ako. "Answer me, woman."
Nanatili akong tahimik kaya wala nitong pasabi akong hinila papasok sa sasakyan niya at dinala sa kung saan.
Pareho kaming tahimik buong biyahe. Nasa baba lang naman ang tingin ko habang ang kamay ko ay hindi mapakali, nanlalamig na rin ang mga ito sa sobrang kaba.
Naramdaman kong huminto na kami ngunit nanatili pa ring nasa baba ang tingin ko.
"Look at me," utos nito ngunit hindi ako naglakas-loob na tingnan siya. "Yara, look at me." Marahan ngunit mariing utos niya.
Dahan dahan naman akong nag-angat ng tingin at saka sinalubong ang mga mata niya.
"Totoo ba na may anak ako sa 'yo?" Seryosong tanong niya.
Dahan dahan naman akong tumango kaya malalim siyang bumuntong-hininga.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mahinahong tanong niya.
"Sir Kamryn..."
"Just answer my question, Yara!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.
"A-Ayaw ko pong masira ang reputasyon mo, hindi kaya ng konsensya ko kapag nalaman ng taga-suporta mo na may anak ka sa isang katulad ko. Ayaw kong makasira ng tao." Napayuko ako at hindi na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "At saka natatakot po akong mangyari rin sa akin 'yong ginawa mo sa babaeng buntis na lumapit sa 'yo at pinipilit na panagutan mo siya."
"The f*ck! I dumped her kasi alam ko sa sarili ko na hindi akin 'yon!" Napapikit ako nang sumigaw ulit siya.
"Bakit... bakit ganiyan ka? Hindi ba dapat ay isinawalang bahala mo na lang 'yong sinabi sa 'yo ni Miss Cassidy? Pero, bakit—" he cut me off.
"Ayokong mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin noon." Mabilis naman akong napalingon sa kaniya. "Nangako ako sa sarili ko na hindi ako kailanman tutulad sa tatay kong iniwan na lang kami basta ng nanay ko." Malumanay niyang sabi.
"Sorry po..."
"Where is he? Can I... see him?" Nagulat ako nang tingan niya ako nang diretso sa mga mata ko.
Dahan dahan naman akong tumango.
"N-Ngayon na po ba? O saka na lang?" Tanong ko.
"Ayos lang ba kung ngayon?" Tumango naman ako.
Pero hindi ko alam kung ayos lang ba kay Soren.
"You know what, simula noong ma-meet ko siya sa CR dati, siya na ang naging laman ng panaginip ko." Mayamayang kwento niya.
"What kind of dream po?"
"Paulit-ulit lang eh, tumatakbo siya palapit sa akin and then kapag malapit ko nang maabot ang kamay niya, bigla naman siyang mawawala. And later on, ikaw naman ang lilitaw sa harap ko." Hindi naman ako naka-imik sa sinabi niya at iniwas na lang tingin nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko.
My God, Yara!
Natahimik naman kami pareho hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Miss Cassidy.
Ako ang unang bumaba upang buksan 'yong gate. Nalimutan kong isarado ito kanina, sino kaya 'yong nagsara?
"Mama!" Napangiti ako at lumuhod nang salubungin ako ng yakap ni Soren.
"Anong ginagawa mo sa labas ng pinto?" Tanong ko rito.
"Hinihintay ka po. Saan ka po pumunta?"
"May gusto akong ipakilala sa 'yo," kumunot ang noo niya.
"Sino po?"
Sabay naming nilingon ni Soren 'yong lalaking pumasok.
"Ikaw po 'yong guy na tumulong sa akin, 'di ba?" Nanlaki ang mata ni Soren. "Mama, magkakilala po kayo?" Baling nito sa akin.
"Yes, anak. Actually, siya ang papa mo." Sabi ko na ikinatahimik niya.
"Siya po ang papa ko?" Tumango ako.
"Can you give me a hug, kiddo?"
Nilingon ko si Sir Kamryn na naka-squat habang hinihintay na yakapin siya ni Soren.
"Go na, anak." Bulong ko sa kaniya kaya tumakbo ito palapit kay Sir Kamryn upang yakapin siya.
Wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin sa dalawa.
"Soren, nandiyan na ang mama mo— oh... I'm sorry, mukhang nakaka-istorbo yata ako,"
Mabilis kong pinigilan si Miss Cass nang akmang papasok siya.
"Why? Moment niyo 'yan kaya ayaw kong manggulo. Bye, Yara!" Wala na akong nagawa nang tuluyan siyang makapasok.
"Uh... Sir Kamryn, pasok na po tayo sa loob." Pang-aagaw atensyon ko sa dalawa.
Tumayo naman si Sir Kamryn at saka binuhat si Soren.
"Bakit ka pa nagpabuhat, anak, I thought big boy ka na?" ani ko.
"It's okay, Yara. And drop the Sir, Kamryn na lang." Naiilang naman akong ngumiti saka tumango.
Pinaupo ko muna si Sir Kamryn bago tumungong kusina upang tawagin si mama.
"Akala ko ba tinakbuhan kayo ng tatay ni Soren?" Takang tanong sa akin ni mama.
"Sorry po kung nagsinungaling po ako sa inyo noon," hindi naman makapaniwala si mama sa sinabi ko.
"Jusko kang bata ka! Nanay mo ako, bakit mo nagawang magsinungaling sa akin?"
"Sorry na po, ma..." panlalambing ko sa kaniya.
"Tama na nga ang drama, Colleen. Nasaan na ba 'yang tatay ni Soren? Pogi ba, 'nak?" Pabiro ko namang pinalo ang braso ni mama.
"Si mama talaga, ikaw na lang po ang humusga." Sagot ko naman.
"Teka lang, 'nak... siya ba 'yong sikat na modelo?" Tanong nito nang matanaw niya sina Sir Kamryn sa sala.
"Opo, ma."
"Ay, shala! Ang galing mong mamili anak ha." Nagulat naman ako sa pananalita ni mama. Saan niya natutunan 'yong 'shala' na 'yan?
"Kailan ka pa natuto ng mga ganiyang word, mama?" Nginitian lamang ako nito at saka hinila na papunta sa sala.
Nang makita kami ni Sir Kamryn ay agad itong tumayo at nagmano kay mama.
"Kaawaan ka ng Diyos, iho." ani mama.
Buong oras itong nakipaglaro kay Soren. At nang dumating ang tanghalian ay dito na rin namin siya inayang kumain.
"Thanks for the food." anito nang matapos kaming kumain.
Bago ito tuluyang magpaalam ay nagkasundo muna kami na sa kaniya muna ng tatlong araw si Soren para makapag-bonding silang dalawa.
"Thank you, Yara."
Nginitian ko naman siya. "Thank you rin po, Sir—ay este Kamryn pala,"
Binalingan ko naman si Soren na nasa tabi ko.
"Anak, magba-bye ka na sa papa mo." Utos ko rito.
"Bye po, papa!" Kaway naman nito sa ama.
Napangiti naman si Sir Kamryn at saka ginulo ang buhok ni Soren bago niya ito yakapin.
"See you again, kiddo." anito bago tuluyang magpaalam.
Pinanood namin ni Soren ang sasakyan niya hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.
"Tara na sa loob, 'nak." Aya ko rito.
"Excited na po akong makasama si papa, mama!" Sabi ni Soren at nababakas dito ang tuwa.
"Next, next day susunduin ka niya rito tapos mamamasyal kayong dalawa." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Hindi ka po sasama?"
"Hindi, anak. Kayong dalawa lang ng papa mo kasi may trabaho pa ang mama."
"Akala ko happy family na tayo katulad po ng nakikita ko sa panood," lumungkot naman ang boses niya nang sabihin niya iyon. "'Yong family po na love nila sa isa't-isa." Pagtutuloy niya.
Lumuhod ako upang yakapin siya at walang binitawan kahit na isang salita.
Mukhang malabo iyang gusto mo anak. Malabong magkagusto kami sa isa't-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top