Chapter 10

Walang trabaho kinabukasan si Miss Cassidy at sakto linggo kaya naisipan naming mag-simba. At kasama naman namin ngayon si mama.

Tahimik lang naman sa tabi ko si Soren habang nagmimisa si Father.

"Mama, wiwi po ako," napatingin ako kay Soren.

Mabuti na lang at tapos na mag-homily si Father at offering na ang sunod kaya nagpaalam muna ako kina Miss Cass na sasamahan munang umihi si Soren.

"Are you done, anak?" Tanong ko mula sa labas.

"Almost done po," sagot naman nito.

Naghintay pa muna ako ng ilang minuto bago siya lumabas ng cr.

Pagbalik namin sa loob ay saktong katatapos lang ng offering.

Nang matapos ang misa ay dumaan kami sa KFC para kumain.

"Saan mo gustong pumunta after nito, Soren?" Tanong ni Miss Cass kay Soren.

"I don't know po," kibit-balikat ni Soren.

"How about... ocean park?" Suhestyon ko.

"Nice idea!" Sang-ayon naman ni Miss Cass.

Hindi naman umiimik si mama at nakikinig na lang sa  pinag-uusapan namin.

At nang matapos nga kaming kumain ay pumunta na kami sa pupuntahan namin.

"Woah! Ang dami pong Iba't-ibang fish!" Kita sa mukha ni Soren ang pagka-mangha.

"Mas maraming fish pa ang makikita mo, Soren." Miss Cassidy said kaya napatingin sa kaniya si Soren.

"Really po?"

"Uh-huh, right Yara?" Baling nito sa akin kaya nakangiti akong tumango.

"You will see Nemo or dory later," ani ko.

Magkasama kami ni mama habang nakasunod kami kina Miss Cassidy at Soren na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya.

"Ang saya namang makitang ganiyan kasaya ang apo ko," napatingin ako kay nang bigla siyang magsalita.

"Sinabi mo pa, mama." Sang-ayon ko.

"Mama, shark!" Pareho naming nilingon ni mama si Soren na nakaturo sa hammerhead shark.

"Did you find Nemo na?" Tanong ko rito, umiling naman siya. "Why?"

"I don't know po eh. Maybe, he's shy?" Natawa naman kaming tatlo sa sinabi niya.

"You're so pogi raw kasi kaya ayaw niyang magpakita sa 'yo." Natatawang sabi ni Miss Cass.

"Well, it's not my fault for being a pogi." Sagot naman nito.

Jusko! Saan niya natutunan iyan? My God, Soren!

Hapon na noong maka-uwi kami dahil pumunta pa kaming rizal park.

"Do you have fun?" Tanong ko habang nililinisan siya.

Tumango naman siya. "Super po! Thank you po, mama."

Mabilis ko naman siyang pinigilan nang akmang yayakap siya sa akin.

"Hep! Later na, anak. Basa ka pa eh." Ngumuso naman ito kaya napangiti ako at mabilis siyang hinalikan.

"I love you, anak." Sabi ko rito.

~~~

Kinabukasan, balik trabaho na naman kami ni Miss Cassidy. May bago na naman siyang photoshoot at may makakasama ulit siyang isang model din. Pero itong model na ito ay bago lamang sa paningin ko.

"His name is Blake." Gulat akong napatingin kay Miss Cassidy.

"H-Huh?"

"Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang tingin mo sa kaniya eh,"

Tumango na lang ako at binalik ulit ang tingin sa lalaki.

Matangkad siya, chinito, at lumalabas ang dalawang malalim niyang dimples kapag nagsasalita or ngumingiti. Maganda rin ang pangangatawan nito. And yeah, gwapo rin siya. Pero sa tingin ko ay mas lamang pa rin si Sir Kamryn sa kaniya.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Shit! Hindi naman niya siguro ako nakitang nakatitig sa kaniya, 'di ba?

Nagkunwari na lamang akong may ginagawa para maka-iwas sa kaniya. Pero nahinto rin ako nang may dalawang pares ng sapatos ang huminto sa gilid ko.

"Hey, uhmm... are you a model too?" Tanong nito kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin sa kaniya.

"Uhmm, no po. I'm just a personal assistant." Magalang na sagot ko.

"Oh, I thought..." kamot nito sa kaniyang batok.

Magsasalita pa sana ito nang tawagin na siya ng manager niya.

"What did he tell you?" Muli akong nagulat sa biglang pagsulpot ni Miss Cassidy.

"Napagkamalan lang po akong model," natawa naman siya.

"I told you na pang-model talaga 'yang mukha mo." Hindi na lang ako nag-react sa sinabi niya.

Kahit anong sabihin ni Miss Cass, hinding-hindi no'n mababago ang isip ko. Ayokong sumubok pasukun ang mundo nila. Ayos na sa akin kung ano ako ngayon.

~~~

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayong araw na ang pagpunta ni Miss Cassidy sa party ng kaibigan niya.

"Hindi ka talaga sasama?" Nakangusong tanong sa akin ni Miss Cassidy.

"Miss Cass... napag-usapan na po natin ito, 'di ba? Para po sa inyong magkakaibigan iyong party na 'yon,"

Bumuntong-hininga naman siya.

"Okay, I quit na. Hindi talaga kita mapipilit na sumama." Nakangusong sabi nito.

Mahina akong tumawa. "Mag-enjoy na lang po kayo roon, Miss Cass. By the way, hindi pa po ba kayo aalis? Baka mahuli po kayo,"

"Lance will fetch me raw para sabay na kaming pumunta kina Zylene."

Tumango na lang ako at sinamahan siyang maghintay sa sala. Sinamahan ko naman siya palabas nang marinig namin ang busina na nanggagaling sa labas.

"Ingat po kayo, Miss Cass." Paalam ko rito.

Hinintay ko munang tuluyang makaalis ang sasakyan nila bago ko isarado ang gate at pumasok na sa loob.

"Mama, p'wede po tayo pumunta sa playground?" Salubong sa akin ni Soren pagkapasok ko.

"Ano't nag-aaya ang gwapo kong anak?" Umupo ako sa sofa at saka kinalong siya.

"I'm getting tired of playing with dino,"

"Bakit naman?" Tawa ko.

"Please po, mama..."

"Okay, okay. Basta saglit lang tayo doon, hmm?"

Mabilis naman siyang tumango. "Opo!"

"Magpaalam ka muna kay nanay, baka hanapin tayo no'n kapag hindi niya tayo makita." Kumaripas naman siya ng takbo patungong kusina.

"Yay! Thank you, nanay. You're the best!" Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Tara na po, mama!" Hila niya sa akin palabas.

Hindi naman ito gaanong malayo mula sa bahay kaya mabilis lang namin itong narating. May ilang bata rin ang naglalaro dito kaya naman tuwang-tuwa na naman ang anak ko.

Naupo na lamang ako sa bench na malapit sa pinaglalaruan niya para mabantayan ko siya.

"Mama, new friend ko po si Jameson!" Pakilala ni Soren sa bago kuno nitong kaibigan.

"Oh hi, Jameson!" Nakangiting bati ko rito.

"You're so pretty po." Napakurap naman ako sa sinabi niya.

"O-Oh... thank you," sabi ko.

"Let's go, James, laro na tayo." Hinala na palayo ni Soren si Jameson at natungo na sila sa seesaw.

Mag-aalas singko na noong makauwi kami ni Soren. Pahirapan ko pang inaya 'yan dahil nawili sa kakalaro.

"Bukas na lang ulit, anak. Tingnan mo, basang-basa na ng pawis 'yang likod mo. Ako ang malilintikan sa nanay kapag inubo ka." Sabi ko.

"Promise po?"

"Promise na promise po,"

Pinagpahinga ko muna siya saglit bago siya linisan.

"Hindi po uuwi si Tita Cassidy?" Tanong nito, umiling naman ako.

"Bukas pa siya uuwi, 'nak."

~~~

Maaga akong nagising ngayon kaya naman bumaba na ako upang ako naman ang tutulong kina Ate para maghanda ng agahan.

"Ate, where's Yara?" Nagpi-prito ako nang marinig ko ang boses ni Miss Cassidy mula sa sala.

"Ako na po muna diyan, hinahanap ka po ni Miss Cassidy." Sabi ni Ate Bea at kinuha ang hawak kong sianse.

Tinanggal ko muna 'yong suot kong apron bago puntahan sa sala si Miss Cass.

"Miss Cass, bakit niyo po ako hinahanap?" Tanong ko rito.

"Yara, oh my God! I'm so sorry... I'm so so stupid!" Nagulat ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko.

Agad naman akong nataranta kaya dali-dali ko siyang tinayo at pinaupo sa sofa.

"Miss Cass, ano pong problema? At saka bakit po kayo nagso-sorry?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Nasabi ko kay Kamryn... I'm really sorry, Yara. I was drunk last night and I thought si Lance 'yong kausap ko kagabi. Sorry talaga, Yara. Sorry..."

Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi ni Miss Cassidy. Hindi rin ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Paano na 'yan ngayon? Ano gagawin ko?

"I'm so sorry, Yara. Sorry... I'm so stupid!" Saka lang ako nabalik sa ulirat nang marinig kong humihikbi si Miss Cassidy.

"Miss Cass, tahan na po. Hindi po kita sinisisi sa ginawa mo. At saka sure naman po akong wala lang sa kaniya iyon eh," umiling naman siya.

"No, Yara. He told me na pupunta siya ngayon dito to talk to you."

Hindi ako naka-imik.

"Sorry, Yara. Sorry, sorry, sorry..."

Agad kong niyakap si Miss Cassidy at pilit na pinapatahan.

"Miss Cass, tama na po. Huwag mo pong sisihin ang sarili mo.  At sa tingin ko... ito na rin ang panahon para makilala ni Soren ang tunay niyang ama."

Pareho kaming nahinto nang may marinig kaming nag-doorbell.

This it it, Yara. Wala ka na talagang kawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top