Chapter 09

Buong biyahe ay tulog lang si Soren. Gigising lang siya kapag gutom o kaya naiihi.

"Namana niya pagiging antukin sa papa niya," agad ko namang nilingon si Miss Cassidy na nakatitig din kay Soren.

"Nakakatampo nga po eh," ani ko.

"Why?"

"Ako 'yong nagdala sa kaniya ng siyam na buwan tapos wala man lang siyang nakuha sa akin maliban sa pagiging maputi."

She tapped my shoulder and then laughed.

"It's okay, at least hindi namana ni Soren ang pagiging moreno ni Kamryn. I mean, bagay naman sa kaniya 'yong kulay niya pero... hays, nevermind. "

Pareho kaming natamihik. Napahikab naman ako kaya isinandal ko ang ulo ko sa may bintana at saka umiglip.

Nagising na lamang ako sa mga halik ni Soren.

"Wake up, mama! We're here na!" Malawak niyang ngiti ang agad na bumungad sa akin.

"Where's your Tita Cassidy?" Wala na kasi ito sa tabi niya.

"Nasa labas na po, hinihintay na tayo."

Inayos ko muna ang sarili ko bago kami bumaba ng eroplano.

"Let's go. Nasa van na 'yong mga gamit natin." Sabi ni Miss Cassidy nang makalapit kami sa kaniya.

"Tita, maganda po ba doon sa pupuntahan natin?" Curious na tanong ng anak ko.

"Of course! Super ganda doon. Gusto mo bang maligo tayo sa beach after ng photoshoot ko?"

Mabilis namang tumango si Soren. "Opo!"

"Yara,"

"Yes po?"

"Bukas start na ng photoshoot ko, right?" Tumango naman ako. "Maglibot-libot na lang kayo ni Soren bukas para naman masulit ng bata ang pag-stay natin dito."

"Are you sure po?"

"Yeah. Wala ka naman siguro masyadong gagawin doon bukas eh, kaya mag-bonding na lang muna kayong mag-ina bukas." Nakangiting sabi niya.

"Sige po, Miss Cass. Salamat po." Nginitian na lamang niya ako at tumingin na sa labas ng bintana.

Nang makarating kami sa hotel ay may dalawang kwarto na agad kaming pagi-stay-an.

"Are you hungry? Magpapa-order ako ng food," ani Miss Cassidy.

"Yes po, Tita. I'm hungry na po eh." Si Soren ang sumagot.

Natawa naman kami pareho ni Miss Cassidy.

"Okay, okay. I'll order us food na." Natatawang sagot ni Miss Cassidy.

Sa kwarto ni Miss Cass kami pumunta dahil doon idi-deliver 'yong pagkain namin.

Binuksan na lang ni Miss Cassidy ang TV para makanood si Soren at hindi mainip kahihintay sa pagkain.

Nagpaalam saglit sa amin si Miss Cass dahil may importanteng tawag siyang kailangang sagutin.

"Mama, ang tagal ng food natin, I'm really hungry na." Nakangusong sabi ni Soren habang nakahawak ito sa kaniyang tiyan.

"Kaunting hintay na lang, anak." Parehas naman kaming napatingin sa pintuan nang may kumatok. "Iyan na siguro 'yong pagkain natin, teka at kukunin ko muna."

Tumayo na ako at nagtungo na sa pintuan upang kunin ang order naming pagkain.

"Thank you, ma'am, enjoy!" Nginitian ko na lamang 'yong babaeng nag-deliver bago isarado ang pinto.

Dinala ko na sa dining area 'yong pagkaing in-order namin at pagkatapos ay tinawag na sina Miss Cassidy.

"Masarap?" Tanong ni Miss Cassidy kay Soren.

"Opo!" Sagot ni Soren habang puno ang kaniyang bibig.

"Soren, finish your food muna bago ka magsalita." Suway ko rito.

"Sorry po," anito matapos niyang lunukin 'yong nasa bunganga niya.

Matapos kaming kumain ay nag-stay pa muna kami roon sa kwarto ni Miss Cass. Madilim na sa labas nang magpaalam kami ni Soren na babalik na kami sa kwarto namin.

"Anak, saan mo gusto pumunta bukas?" Tanong ko rito habang nililinisan siya.

"Ligo po tayo sa beach!" He said, cheerfully.

"Okay, are you excited?" Tanong ko pa rito.

"So much excited po, mama!"

Napangiti naman ako.

Binilisan ko nang linisan siya dahil gabi na at malamig na ang tubig.

"Ako na po ang magbibihis sa sarili ko, mama. Mag-shower ka na din po." Sabi niya sabay kuha ng damit sa akin.

Muli akong ngumiti at mahinang pinisil ang pisngi niya.

"Ouch! It hurts po, mama." Daing niya.

Ang arte, ha. Mahina lang naman 'yong pagpisil ko eh.

"I love you, Soren..." ani ko habang nakatitig sa kaniya.

Nilapag niya saglit 'yong damit na hawak niya saka hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Soren loves you too, mama." anito saka hinalikan ako sa noo bago ako yakapin.

Aww, ang sweet naman ng anak kong ito. Sana ganito pa rin siya ka-sweet kapag nag binata na siya.

~~~

"Mama! Ligo ka na rin po!" Aya sa akin ni Soren.

Alas nueve na kami nakarating dito sa beach dahil hinatid pa namin si Miss Cass bago kami dumiretso dito.

"Later na ako, anak." Sabi ko rito.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya dahil natatakot akong may masamang mangyari sa kaniya.

"Huwag kang pupunta sa malalim, okay?" Iyan palagi ang bilin ko sa kaniya.

Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya hindi ko siya magagawang iligtas kapag napunta siya sa malalim na parte. Hindi naman niya ako sinuway at nasa mababaw lamang siya.

Mayamaya pa ay umahon siya at tumakbo palapit sa pwesto ko.

"Ayaw mo na?" Tanong ko ngunit umiling siya.

"Samahan mo po ako, please..." malalim akong bumuntong-hininga at wala nang nagawa kundi ang pumayag.

"Ahon na tayo after nito, okay? Masama sa katawan ang magbabad,"

"I thought susunod po dito si Tita?"

"Bukas naman, anak. I'm sure pagod iyon after ng photoshoot niya." Sabi ko, ngumuso naman siya.

"Okay po. But, you said na bukas na lang ulit tayo maliligo, right?" Tumango naman ako. "Yey!" aniya sabay yakap sa akin.

"Pero lagot ka kay nanay kapag umitim ka," pananakot ko rito.

Humiwalay naman siya sa yakap at nakangusong humarap sa akin. "Hindi po ako iitim, mama."

Natawa naman ako. "Are you sure?" Pang-aasar ko pa lalo.

"Yes po! Sure na sure!"

Hindi siya magpapatalo kaya naman ako na mismo ang sumuko.

Pareho lang kaming nasa mababaw. At nang mapansin kong nanginginig na 'yong labi niya ay inaya ko na siyang umahon. Hindi naman na siya umangal.

Nagbibihis ako nang bigla may kumatok.

"Anak, paki-tingin naman kung sino 'yong kumakatok." Utos ko sa kaniya.

"Tita Cass!" Dinig kong pagtawag ni Soren kay Miss Cassidy.

"Oh hi, baby! Where's your mom?" Tanong nito kaya naman binilisan ko nang magbihis at nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto.

"Yara, there you are! Alam mo ba, there are so many stores sa labas and they are selling beautiful dresses!" She squealed. "Gusto ko sanang magtingin kaso... no one will accompany me. So, will you?"

Mabilis naman akong tumango. "Sure na sure po, Miss Cass. Wala rin naman kaming gagawin dito ni Soren eh,"

"Yie! Thank you! Let's go, baby." aniya at hinila na palabas si Soren.

Umiiling naman akong sumunod sa kanila. Ngunit, bago ako tuluyang sumunod sa kanila ay sinarado ko muna iyong pinto bago sundan 'yong dalawa.

Bawat stores na madaanan namin na nagtitinda ng mga damit ay bumibili si Miss Cass. Wala siyang pinapalampas. Basta may makita siyang bet niyang dress sa store na iyon, bibilhin at bibilhin na niya.

"I think bagay sa 'yo ito. What do you think, Soren?" Sabi niya sabay tapat sa akin noong Hawaiian off shoulder split thigh shirred dress.

Nag-thumbs up naman si Soren.

"I'll buy mine too, para matchy tayo!" aniya at naghanap ulit ng katulad no'n.

"Thank you, Ate!" Pasalamat ni Miss Cassidy bago kami umalis.

Habang naglilibot kami ay may ilang lumalapit kay Miss Cassidy para magpa-picture.

"Thank you po, Ma'am Cassidy. Ang ganda at ang bait niyo po talaga!" Sabi noong babaeng nagpa-picture kay Miss Cassidy.

"Oww, thank you! You're pretty too." Sagot naman ni Miss Cass at saka niyakap pang muli 'yong babae bago kami magpaalam.

"That was so fun!" ani Miss Cass nang makabalik kami sa hotel. "Thank you sa pagsama sa akin, Soren and Yara."

Nginitian ko siya. "Walang anuman, Miss Cass."

"Anyway, dito na ulit kayo kumain. Mago-order ulit ako ng pagkain natin." Sabi nito, um-oo na lang ako dahil hindi rin naman siya papayag kapag humindi ako.

~~~

This is our last day here in Boracay at wala nang trabaho si Miss Cass kaya naman sinulit na namin ang natitirang araw namin.

May ilang parte pa kaming hindi nalibot kaya nilibot na namin ngayon. Kaya nang makabalik kami sa hotel room namin ay bagsak kaagad si Soren.

Hinayaan ko muna siyang matulog at nag-ayos na lang ng mga gamit namin dahil mamayang 4am ang flight namin pabalik ng Manila.

~~~

"Babalik po ulit tayo dito, right?" Hinaplos ko naman ang pisngi ni Soren nang mahimigan ko ang lungkot sa boses niya.

"Yes, but I know if kailan ulit." Sagot ko.

Mahina akong natawa nang marinig ko ang munting buntong-hininga niya. Hinalikan ko ang noo niya at muling pinatulog nang maka-take off na ang eroplanong sinasakyan namin. Hinilig ko na rin ang ulo ko sa bintana at natulog na rin.

Si Miss Cass ang gumising sa amin ni Soren kaya sabay kaming tatlong bumaba sa eroplano. May van na agad ang naghihintay sa amin sa labas kaya mabilis kaming nakarating sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top