Chapter 07

Hindi ko alam kung bakit ako natatakot gayong alam ko namang hindi alam ni Sir Kamryn na ako ina ni Soren.

"Haven't you ordered yet?" Naupo si Miss Cassidy sa tapat namin ni Soren.

"Hinihintay ka po naming dumating." Sagot ko.

Nagkibit-balikat na lamang siya at tinawag na ang waiter.

"That's all, thank you." Yumuko nang bahagya 'yong waiter bago ito maglakad paalis.

"Miss Cass..." tawag ko rito sabay sulyap kay Soren. Thank God, busy ito sa panonood.

"Yes, what is it?"

"Nakita na po nila 'yong isa't-isa," kumunot ang noo niya.

"Wait, what do you mean?" Naguguluhang tanong nito. "Kamryn and..." sumulyap siya saglit kay Soren at pagkatapos ay ibinalik ulit sa akin ang tingin.

Marahan akong tumango. Nanlaki ang mata niya kasabay ang pag singhap.

"So, paano na 'yan? Sasabihin mo na ba sa kaniya?" Umiling ako.

"Hindi pa po. Hindi naman niya alam na ako ang mama ni Soren." Sabi ko sabay sulyap ulit kay Soren. Nilingon niya ako kaya nginitian ko ito.

"But, what if magtanong-tanong siya?"

"Hindi po siguro," sana nga...

Wala na ni isa ang nagsalita sa amin. At ilang saglit pa'y dumating na rin ang order naming pagkain.

"Mama, water," agad kong inabutan ng tubig si Soren.

"Careful lang kasi sa pagkain, anak, wala ka sa karera." Natatawang sabi ko.

Matapos kaming kumain ay halos sabay kaming tatlong napahawak sa tiyan dahil sa kabusugan.

"Solved?" Pabirong tanong ni Miss Cass kay Soren.

"Opo!" Humagikgik siya. Pogi talaga ng anak ko!

~~~

Kinabukasan, walang schedule si Miss Cassidy kaya ngayong araw ang alis namin para maghanap ng school ni Soren.

"Where are we going po?" Tanong nito habang inaayos ko ang kuwelyo ng damit niya.

"Hahanap tayo ngayon ng school mo. 'Di ba ang sabi mo sa akin gusto mo nang mag-school?" Tumango naman ito.

Marunong naman na itong magbasa at magsulat kaya walang problema kung pagbasahin man siya.

Matapos ko siyang ayusan ay sabay na kaming bumaba at nadatnan namin si Miss Cassidy na naka-upo sa sofa habang nagsi-cellphone.

"Ang cute ninyong tignan dalawa." Sabi niya nang makita kami ni Soren na pababa ng hagdan. "Let's go?" Tumango ako.

"May nakita na akong school na open na for enrollment. Medyo may kalayuan 'yong school but don't worry ako na ang bahala sa service niya." Wika niya habang abala sa phone.

"Maraming salamat po talaga, Miss Cass." Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"My pleasure, Yara." Sabi niya saka binalik ulit sa phone ang atensiyon.

Pagkarating namin sa nasabing school ay may iilan nang mga nagpapa-enroll.

"Let's go!" Naunang bumaba ng sasakyan sina Miss Cassidy at Soren.

Binati kami ng guard pagpasok namin.

"Ang daming bata, mama!" Namamanghang sambit ni Soren.

"Go, make friends with them." ani ko. Nag-aalangan pa siya noong una pero kalaunan ay tumakbo na siya palapit doon sa tatlong batang lalaki.

Matapos naming i-enroll si Soren ay agad na namin siyang hinanap. Nakita namin ito sa may playground ng school.

"Ainsley, I can't find mama." Dinig kong sabi noong batang babae na anumang oras ay maiiyak na.

"Don't worry, Linn... I already told her na pupunta tayong playground. So, come and join us!" Sambit naman noong kapatid nito.

Ang cute! Kambal sila pero magka-iba ang katangian nila. Tahimik at mahinhin 'yong isa, samantalang madaldal at friendly naman 'yong isa.

"Aww, they're so cute!" Wika ni Miss Cass na nasa gilid ko. Nakatingin din sa kambal.

Pinuntahan na namin si Soren habang kalaro ang bago nitong kaibigan.

"Soren, baka namam gusto mo kaming ipakilala sa bago mong kaibigan?" Nag-squat si Miss Cassidy upang tapatan ang mga bata.

"Wait... ikaw po 'yong nakikita sa TV, 'di ba? 'Yong model po?" Manghang sambit noong isang batang lalaki.

"Yup! What's your name baby boy?" Tanong nito.

"I am Kyle po." Sagot naman ng bata.

"Ako naman po si Cedric!" Sabi pa noong isa.

"I'm Dave po." Sambit din noong pangatlo.

"Wow, ang cu-cute naman ng names niyo! Anyway, boys... this is Tita Yara, Soren's mother." Pakilala nito sa akin.

"Hi," kaway ko sa kanila.

"They're so beautiful." Bulong noong isa. Dave yata iyon.

Nagkatinginan naman kami ni Miss Cassidy at sabay na natawa.

Ibang klaseng bata 'to, ah. Kaninong anak ba ito? I just want to say thank you, napalaki niya nang maayos eh.

"Magpaalam ka na sa kanila, anak, uuwi na tayo." Sabi ko na agad naman nitong ginawa.

"See you, Soren!" ani Kyle at may ibinulong pa ito kay Soren.

Paalis na kami sa playground nang makita ulit namin 'yong kambal kanina. At kasama na nila ngayon ang mama nila.

"Tara na, nasa labas na ang papa niyo." Wika nito sa mga anak.

Mapait naman akong napangiti.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Miss Cass ang braso ko. Nginitian ko na lamang ito bago maglakad ulit.

Pagkauwi namin ay agad nang binangka ni Soren kay mama 'yong mga bagong kaibigan niya.

"Sana nga po classmate ko po sila eh," anito.

"Yara, can we talk?" Tinanguan ko na lamang siya at sinundan papuntang sala.

"Ano po 'yon?" Tanong ko nang maupo ako sa tabi niya.

"Next month, first week, may party kina Zylene, gusto mo bang sumama?"

"Hindi na po, dito na lang po ako sa bahay." Sagot ko.

"Are you sure?" I smiled and nodded.

"I think para po sa inyong magkakaibigan ang party na iyon, so, bakit pa po ako sasama?" Bumuntong-hininga naman siya.

"Hindi ka na talaga mapipilit?" Nakangusong tanong nito.

"Enjoy ka na lang po roon, Miss Cass. Huwag kang masyadong maglalasing kasi paniguradong pagagalitan na naman po kayo ni Manager Gelay." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"I promise, magbi-behave lang ako doon." aniya kaya sabay kaming nagtawanan.

~~~

Linggo ngayon kaya nasa gym kami ni Miss Cassidy. At mamaya, after niya rito ay pupunta naman kaming mall para mamili ng school supplies ni Soren.

"Lance invited me again for dinner tomorrow." Saglit naman siyang tumigil sa pagbuhat ng dumbbell para uminom ng tubig.

"Need pa po ba natin ulit bumili ng dress?" Natawa naman siya sa tanong ko.

"No. Pipili na lang ako sa mga dresses ko." Saad nito.

"Eh, paano po kung wala ulit kayong mapili?" She tapped my shoulder.

"I'll let you to choose my dress."

Sana totohanin niya. Baka kasi ayawan niya ulit 'yong mga pinipili kong dress na susuotin niya.

Bumalik na ulit siya sa pagbubuhat ng dumbbell matapos niyang uminom.

~~~

"What do you want, Soren?" Miss Cass asked.

Narito kami ngayon sa bilihan ng mga bags.

"'Yong dinosaur bag po." Ang hilig talaga niya sa dinosaurs.

"Okay, we will get that." Wika ni Miss Cass at tinawag na 'yong babaeng staff.

Lumipat naman kami sa bilihan ng school supplies matapos naming mabayaran 'yong bag ni Soren. Bakas sa mga mata nito ang saya.

Gaya na lang ng bag niya, dinosaur din ang pinili niyang mga notebooks.

"Hindi halatang mahilig ka sa dinosaurs, ah." Tatawa-tawang sambit ni Miss Cass.

Ako na ang nagbayad ng mga school supplies ni Soren. Si Miss Cass na kasi ang bumili ng bag ni Soren, eh, nakakahiya na masyado kung siya pa ang bibili ng school supplies nito.

"You happy?" Nasa kuwarto na kami ngayon at pinapanood namin si Soren sa pag-ayos sa mga gamit niya.

"Super happy po! I love you both!" anito at niyakap kaming dalawa ni Miss Cassidy.

"Alam niyo po... sabi po sa akin ni Kyle dati, ang s'werte ko daw po kasi may dalawa akong mommy na maganda at mabait." So, iyon pala ang binulong niya dati.

Ako rin, anak, sobrang suwerte ko rin at nagkaroon ako ng katulad mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top