Chapter 06
Sabado na ngayon. Kaya aligaga si Miss Cassidy sa paghanap ng susuotin niya para mamayang gabi.
"Yara, ano'ng mas better... this or this one?"
Pang limang beses na niya iyan. Sampung dress na rin 'yong nailabas niya at isa roon ay wala siyang mapili.
"Mas bagay po iyong pang apat na pinakita mo kanina," sabi ko.
"Hmm, maganda siya kaso parang hindi bagay sa akin." Pinigilan ko ang sarili kong tampalin ang aking noo.
Actually, lahat naman bagay sa kaniya, eh. Sadyang mapili lang talaga siya. Ganiyan ba kapag model?
"Samahan mo na nga lang akong mall, wala akong mapili sa mga dresses ko eh." Aniya at isa-isang niligpit ang mga dress sa kama.
Tinulungan ko na siya para mapabilis ang pagliligpit niya.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil baka hindi rin kami magtatagal doon.
And when we arrived at the mall, dumiretso agad kami sa bilihan ng dress.
"Bakit kasi ang dami magagandang dress? I can't choose tuloy," natawa na lamang ako nang marinig ko ang binulong ni Miss Cassidy.
Marami pa siyang pinagpilian ngunit ang kinuha niya ay 'yong black strappy bodycon dress.
"Wala pang gabi pero kinakabahan na ako," ani Miss Cassidy. Natawa na lang ako.
Dumaan muna kami sa ice cream parlor para bilhan si Soren. Iyon na lang 'yong ipapasalubong namin sa kaniya.
At nang makauwi kami ay agad na sumalubong sa amin si Soren habang bitbit ang laruan niya.
"Wow! Ice cream! Thank you po mama and Tita Cassidy." Tuwang-tuwang sabi niya nang ibigay ni Miss Cass 'yong ice cream sa kaniya.
Iniwan na niya kaming dalawa ni Miss Cassidy sa labas kaya iiling-iling kaming sumunod sa kaniya.
"He's so cute." Dinig ko pang bulong niya bago pumasok.
Mga bandang 5 ng hapon ay may dalawang bakla ang pumunta sa bahay upang ayusan si Miss Cass.
"Wish me luck, Yara." Ani Miss Cass habang nakahawak sa dalawang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya.
"Huwag kang kabahan, Miss Cass. Sige ka, mahahalata ka ni Sir Lance niyan." Kunwaring pananakot ko.
"Okay, hindi na." Parehas kaming natawa.
Sabay naman kaming napatingin sa labas nang may marinig kaming bumusina.
"Siya na po yata 'yan," ani ko.
"Oh my God! Where's my pouch? Shucks!" Natatarantang sambit niya.
"Ito na po, miss," abot ko sa kaniya noong white pouch niya.
Hinatid ko siya hanggang sa may gate.
Huminga muna siya nang malalim bago buksan ang gate.
Nagmamadali namang lumabas ng sasakyan si Sir Lance para ipagbuksan ng pinto si Miss Cassidy.
"Enjoy po kayo!" Kinawayan ko sila.
At nang mawala na sila sa paningin ko ay isinarado ko muna 'yong gate bago pumasok sa loob.
~~~
Nagdaan ang ilang araw, hindi na ganoon karami ang projects ni Miss Cassidy, kaya paminsan-minsan ay sinasama namin si Soren papasok sa trabaho.
Katulad na lang ngayon. May isang photoshoot ngayon si Miss Cass kaya isinama niya si Soren at balak din kasi namin siyang ipasyal after ng photoshoot.
"Mama, can I go to the comfort room?" Tanong nito nang puntahan ko siyang muli dito sa dressing room.
"Do you want me to accompany you?" Umiling siya.
"I can handle myself po, mama," saad nito. 'Yan na naman siya, nagfi-feeling matanda na naman.
"Okay, okay. Bumalik ka kaagad ha?" Tanging tango na lamang ang isinagot nito bago lumabas ng dressing room.
Mga ilang saglit pa ay bumalik na rin si Soren.
"Behave ka ulit dito, babalik na ako roon at baka kasi hinahanap na ako," bilin ko rito.
"Okay po." Sagot nito habang nakatuon ang pansin sa laruan.
Ginulo ko na lamang ang buhok nito bago pumihit palabas.
Pagbalik ko ng studio, inutusan kaagad ako ni Manager Gelay na mag-order ng makakain.
"Damihan mo na ng order ha?" Tinanguan ko na lang siya bago magtungo sa elevator.
"Oops! Wait!" Sigaw ko nang makitang magsasara na 'yong elevator.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapigilan ito noong lalaking kasabay ko.
"Thank y—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung sino 'yong lalaking iyon. "S-Sir Kamryn, kayo po pala. Maraming salamat po." Mahinang saad ko ngunit sapat lang upang marinig niya.
"Don't mention it." Malalim ang boses niya pero parang musika sa aking pandinig. The heck?! What are you saying, Yara?!
Yumuko na lamang ako nang maramdaman ang pag-init ng aking pisngi.
Nauna siyang bumaba ng elevator. Kaya nang maiwan akong mag-isa sa loob ay doon ko na pinagalitan ang aking sarili.
"Paano na lang kung makita niya 'yong kanina? Ano na lang ang iisipin niya, Yara!?" Panenermon ko sa sarili.
Nang makarating ako sa baba ay agad na akong nag-oder ng pagkain.
"Thank you po." Pasalamat ko nang makuha ko na 'yong mga in-order ko.
Pagkapasok ko ng elevator ay pinindot ko na agad 'yong 12th floor at naghintay ng ilang minuto bago tumunog ang elevator.
"Where's Soren? Tawagin mo na rin siya para makakain na rin siya." Ani Manager Gelay.
"Sige po, tatawagin ko po muna." Sabi ko at nagsimula nang maglakad papuntang dressing room.
"Soren, halika at kakain na." Tawag ko rito. "Later ka na lang maglaro, okay?" Tinulungan ko siyang ligpitin 'yong mga laruan niya at nang matapos 'yon ay sabay na kaming pumunta kina Manager Gelay.
"Kay poging bata talaga nito oh," sabi ni Manager Gelay nang makita kaming dalawa ni Soren.
"Alam ko kung sino ang pinaglihian mo, Yara." Sabi pa niya. "Si Kamryn, right?"
Nagkatinginan naman kami ni Miss Cassidy.
Peke naman akong tumawa. "T-Tama po!"
"Pero nasaan nga pala 'yong papa niya, Miss Yara?" Tanong noong babaeng photographer.
Napalunok naman ako. Damn, nasa akin 'yong atensyon nilang lahat!
Tumikhim naman si Miss Cassidy upang kunin ang atensiyon nila. At hindi naman siya nabigo.
"Let's eat na! Huwag ninyong hina-hot seat si Yara." Tumatawang sambit niya.
"Thank you." I mouthed.
Tipid naman siyang ngumiti at kinindatan ako.
Nagsimula na lang kaming kumain at nang matapos ay isa isa na kaming nagpaalam.
"Miss Cass, thank you po talaga kanina, ah?" Magkatabi kami sa backseat habang kalong ko naman si Soren na busy sa panonood.
"Wala 'yon. Anyway, malapit na ulit ang start ng school year, papapasukin mo na ba si Soren?" Napaisip naman ako. Five years old na siya kaya p'wede na siyang ipasok sa preschool.
"Wala pa po akong nahahanap na school na p'wede niyang pag-enroll-an, eh."
"Don't worry, I'll help you." Hinawakan niya ang kamay ko. "Tomorrow, mag-start na tayong maghanap." Ngumiti na lamang ako saka tumango.
Gaya nang napag-usapan, ipinasyal namin si Soren sa mall. Sa Tom's world agad kami dumiretso.
Nang makakuha ng token si Miss Cassidy, wala ng pinalampas na oras si Soren at nilaro na 'yong mga puwedeng malaro roon.
Nakasunod lang kaming dalawa ni Miss Cassidy sa kung saan man pumunta si Soren.
Tuwang-tuwa naman siyang lumapit sa puwesto namin ni Miss Cass habang bitbit ang bucket niyang punong-puno ng ticket.
"Woah! Ikaw lahat ang nakakuha niyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Miss Cass.
"Opo! Galing ko po 'no?" Parehas naman kaming natawa ni Miss Cassidy.
Lumuhod ako upang pantayan siya. "Good job, anak. Tara, ipapalit na natin iyan." Tumayo na ako at hinawakan na ang kamay niya.
"Here's your stuff toy, baby boy, congratulations." Sabi noong babae.
"Thank you po!" Sabi naman ni Soren at niyakap na 'yong stuff toy niyang dinosaur.
Nang makalabas kami ng Tom's world, inaya kaming kumain ni Miss Cass.
"Wait! Mauna na kayo, susunod na lang ako. I forgot to buy something."
"Sige po, i-text na lang kita kung nasaan kami." Tumango na lang ito bago humiwalay sa amin.
"Mama..." napahinto ako sa paglalakad nang mahinang hilain ni Soren ang laylayan ng damit ko.
"Bakit, anak?"
"I saw him earlier and he help me to find the comfort room." Turo ni Soren sa standee ni Sir Kamryn. Naestatwa ako sa sinabi niya. Did he what?
"Are you sure siya talaga 'yong nakita mo?" Tumango siya.
"He's so kind din po! Sayang hindi po kita napakilala," nakangusong saad nito.
No need, 'nak, kilala ko na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top