Chapter 05
Kinabukasan, nagising ako dahil sa mga halik sa akin ni Soren.
"Good morning, mama!" Masiglang bati nito.
"Good morning, Soren ko." Matamis akong ngumiti saka hinalikan siya sa pisngi.
"Mama, may pasalubong ka po?" Natigilan naman ako sa tanong niya.
Mabuti na lang at may naiuwi kaming cupcakes kahapon.
"Yes po, pero cupcakes lang,"
"It's okay po, basta may pasalubong." Hagikgik niya.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Napakabait talaga nitong batang ito.
Nagpunta muna akong banyo para maghilamos at pagkatapos ay sabay na kaming bumaba ni Soren. Nasalubong namin si Miss Cassidy kaya kasabay na rin namin siyang pumuntang kusina.
"Mama, aalis ka po ulit?" Tanong ni Soren matapos uminom ng tubig.
"Yes, anak. Hindi bale, pasasalubungan na lang ulit kita 'pag uwi ko." Sagot ko.
"Bawal po akong sumama?" Inosenteng tanong nito. Napatingin naman ako kay Miss Cass.
"Next time na lang, baby boy. Kapag hindi na masyadong busy, okay?" Ani Miss Cass.
"Okay po." Sagot naman ni Soren at hindi na muling nagsalita pa.
"Behave ka ulit dito, ha? Bye, anak, I love you." Ani ko saka hinalikan siya sa pisngi.
"I love you too, mama." Muli ko siyang niyakap bago sundan palabas si Miss Cassidy.
"Ang sweet ninyong tignan dalawa, parang gusto ko na rin tuloy magka-baby." Nakangusong saad ni Miss Cass.
"Nariyan naman po si Soren eh. Habang wala ka pang sariling anak, p'wede mo naman pong ituring na anak si Soren."
She tapped my shoulder. "Thank you but okay na sa akin 'yong maging guardian niya lang habang hindi pa niya nakikilala ang daddy niya." Aniya. "Come on, baka maging dragon na naman si Baks Gelay." Tukoy nito sa bakla niyang manager.
Ngayong araw ay pupunta kaming Baguio dahil kinuha si Miss Cassidy bilang model ng isang sikat na beauty products doon. At gaganapin naman ang photoshoot niya sa sikat na pasyalan ngayon sa Baguio, ang Igorot Stone Kingdom. May makakasama siya roon at iyon ay si Sir Lance.
Malapit na kami sa building nang matanaw namin si manager Gelay na aligaga at halata na sa mukha ang pagka-irita habang nagpipindot sa cellphone niya. Panay naman ang pagtunog ng cellphone ni Miss Cassidy.
"Bakit hindi mo po reply-an?" Tanong ko rito.
"Let him be. Nag-eenjoy akong panoorin ang iritadong pagmumukha niya." Anito saka tumawa. Umiling na lang ako. Pasaway.
Nang makahinto kami sa harap niya ay kulang na lang bugahan niya kami ng apoy.
"Nakailang text at tawag ako sa 'yo pero ni isang sagot wala akong nakuha?" Inis na saad nito.
Hindi naman nagsasalita si Miss Cassidy. Nakayuko lamang ito habang pinipigilan ang pagtawa.
Magsasalita pa sana ito nang tawagin na kami ng driver ng pagsasakyan naming van.
"Umagang-umaga stress na agad ako. My ghad, Cassidy!" Anito habang hawak ang sintido papasok sa van.
"Marga yarn?" Bulong ni Miss Cass ngunit sapat lang para marinig ko. "Ang saya talaga niyang inisin." Sabi pa niya bago maglakad.
Tatawa-tawa akong sumunod sa kaniya papasok sa van.
"What are you laughing at?" Mataray na tanong nito.
"Nothing po." Magalang namang tugon ni Miss Cassidy.
May kalayuan ang biyahe namin kaya umiglip muna ako.
~~~
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa akin ni Miss Cassidy.
"We're here na." She smiled.
Inayos ko muna ang sarili bago sumunod sa kaniya.
"Madame Cassidy! You're so gorgeous in person." Puri sa kaniya noong owner ng Céline cosmetics.
"Tama-tama lang na ikaw ang kinuha kong model ng products ko." Dugtong nito at bumaling kay manager Gelay. "Thank you rin po, Miss Gelay at pumayag ka."
"Don't mention it, Ma'am Den." Ani Manager Gelay.
Iginiya na kami ni Miss Den sa sarili nilang studio para roon na mag-picture.
Nasa gilid lang ako at katabi si Manager Gelay habang parehas na tutok kay Miss Cass. Ang ganda niya talaga, especially when she smiles.
Naka-ilang palit siya ng damit dahil binabagay ito sa bawat product na imo-model niya.
"Perfect! Ang gaganda lahat ng mga kuha. Thank you so so much, Madame Cassidy and Madame Gelay." Natutuwang sambit ni Miss Den.
Before we proceed to our next destination, kumain muna kami sa nadaanan naming restaurant.
"Nakausap ko nga pala kanina 'yong manager ni Lance, and she said na deretso na lang daw muna tayo sa hotel para makapagpahinga tayo. In-adjust kasi iyong time ng photoshoot." Tinanguan na lang ito ni Miss Cassidy.
"Yara," tawag nito sa akin.
"Yes po?"
"Nadala mo ba 'yong pinapadala ko sa 'yo?" Tumango ako.
"Opo, kumpleto po iyon." Magalang na sagot ko.
"Okay, good." Anito at nagpatuloy na sa pagkain.
Matapos kaming kumain ay si Manager Gelay na ang nagbayad ng kinain namin.
"Wash room lang ako." Paalam ni Miss Cassidy at naglakad na paalis, hindi na hinintay ang sagot ni Manager Gelay.
"Come on, Yara, sa van na natin siya hintayin." Tipid na lamang akong tumango at sumunod na sa kaniya.
Isang minuto muna naming hinintay dumating si Miss Cassidy bago umalis.
Isa't kalahating oras din ang naging biyahe papuntang hotel.
At pagkarating na pagkarating namin ay nag-check in na agad si Manager Gelay. Dalawa kami sa isang kuwarto ni Miss Cassidy dahil iyon ang request niya.
"Dito ko na lang papupuntahin 'yong mag-aayos sa 'yo para sa photoshoot, okay?" Manager Gelay said.
"Noted." Tipid na sagot ni Miss Cassidy. "Let's go, Yara." Bahagya akong yumuko para magpaalam kay Manager Gelay.
Pansin ko ang kanina pang pananahimik ni Miss Cassidy.
"Miss Cass, okay ka lang po ba? Kanina ka pa kasi tahimik eh." Subok kong tanong sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. "I'll be honest with you. Hindi ako kumportable sa presence ni Lance." Pagtatapat nito.
"Bakit naman po?" Takang tanong ko.
"Do you still remember the guy I like?" Tumango ako. "Its Lance, siya 'yong tinutukoy kong gusto ko."
"Hanggang ngayon po gusto mo pa rin siya?" Walang pag-aalinlangan siyang tumango.
"I mean, nawala na siya dati pero nabalik ulit noong nagkita kami sa isang party."
"Kaya mo po ba mamaya?" Tanong ko.
"I...I don't know. I hope, kayanin ko." Tinap ko naman ang balikat niya.
"Kakayanin mo 'yan, Miss Cass, basta huwag mong isipin na si Sir Lance 'yong kasama mo mamaya." Sabi ko.
"How?"
"Isipin mo po ibang tao 'yong kasama mo mamaya."
"I'll try. Wish me luck." Aniya at kasabay no'n ang pagtunog ng elevator.
Sabay na kaming pumunta sa room namin. At pagkapasok namin ay bumungad agad sa amin ang dalawang queen size bed.
"Ako na rito," aniya at nahiga sa kama.
9:20 pa lang naman at mamaya pang 10 ang alis namin kaya magpapahinga muna kami. Nag-set ako ng alarm para siguradong magigising kami.
~~~
"Lance, medyo malayo ka kay Cassidy." Ani ng photographer at pinaglapit sina Miss Cassidy at Sir Lance.
Kita ko sa mata ni Miss Cassidy ang pagka-ilang at saka unti-unting namumula ang mukha.
"What happened to Cassidy?" Bulong ni Manager Gelay sa tabi ko.
"Gan'yan po kapag nasa paligid mo lang 'yong taong gusto mo." Bulong ko sa sarili. Mabuti na lang at hindi ito narinig ni Manager Gelay.
Nang matapos ang photoshoot ay pulang-pula ang mukha ni Miss Cassidy nang makalapit siya sa akin.
"Mas may worst pa pala sa kinaiinisan kong photographer." Inis na saad nito.
"Nagtataka na nga po kanina ni Manager kanina eh," ani ko.
"Pero, in fairness ang bango niya." Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa van. Pero bago kami makarating ay nasalubong muna namin si Sir Lance.
"Hey, are you okay? Napansin ko kasi kanina na namumula ka eh." Sabi nito.
"Yeah, I'm okay." Sinikap niyang huwag mautal sa harap ni Sir Lance.
Tumango-tango ito. "Okay, that's good. By the way, are you free this Saturday?" Nakita ko namang napalunok si Miss Cass.
"Saturday? Err... may gagawin ba ako nang araw na iyon?" Bulong nito sa akin kaya naman agad kong tinignan sa tablet kung may naka-schedule ba siyang gagawin niya sa araw na iyon.
"Wala po, Miss Cass." Bulong ko pabalik.
"Yeah! Free ako sa Saturday, why?"
"Gusto sana kitang i-invite for dinner, if that's okay with you?" Kamot ni Sir Lance sa kaniyang batok.
"Oo naman! Okay na okay sa akin." Sagot naman ni Miss Cassidy.
"Okay, so... see you on Saturday?" Pigil ngunit hindi pilit ang ngiti ni Miss Cassidy habang tumatango.
Nagpaalam na si Sir sa amin at sinundan pa niya ng tingin hanggang sa hindi na niya ito matanaw.
"Did he just ask me out?" Tila hindi makapaniwalang saad ni Miss Cassidy.
"Miss Cass, ginalaw na ni Sir 'yong baso!" Sabi ko ngunit hindi niya yata naintindihan.
"What? Wala naman siyang hawak na baso ah."
"Nevermind na lang po," ani ko at mahinang natawa.
Hinintay muna namin si manager Gelay bago umalis pabalik sa hotel na tinutuluyan namin. Balikan lang kami dahil mabilis lang namang natapos iyong photoshoot kanina.
Bago kami bumalik ng Manila ay binilhan ko muna ng pasalubong si Mama at si Soren.
Mag-aalas dose na noong makauwi kami sa bahay. Mabilis akong naglinis ng katawan at pagkatapos ay nahiga na sa kama at nakatulog na rin kaagad gawa ng matinding pagod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top