Chapter 04
Bukas pa ako mag-uumpisa sa trabaho kaya naman buong umaga akong nakatunganga. Wala nang magawa rito dahil tapos na lahat ng mga katulong ang gawaing bahay.
"Yara, p'wede mo ba akong samahan sa mall? May bibilhin lang ako." Napatingin ako kay Miss Cass na pababa ng hagdan.
"Sige po, magbibihis lang muna ako." Tumango na lang siya kaya umakyat na ako at nagtungo na sa kuwarto para magpalit ng damit.
Palabas na ako nang biglang pumasok si Soren.
"Mama, sasama daw po ako sa inyo sabi ni tita Cassidy." Tuwang-tuwang saad niya.
"Ganoon? Halika na at bibihisan na kita."
"Let's go na po!" Ani Soren nang matapos ko siyang bihisan.
"Huwag kang tumakbo at baka madapa ka!" Sabi ko ngunit hindi ako nito pinansin. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makababa na.
"Wow, ang pogi naman ng baby namin!" Puri sa kaniya ni Miss Cassidy.
Sabay na lumabas ng bahay sina Miss Cassidy at Soren kaya sumunod na ako sa kanila.
Tahimik lang si Soren habang nasa biyahe. Pero noong makarating na kami sa mall ay para siyang ibon na nakawala sa kaniyang hawla.
"Anak, dito ka lang at baka mawala ka." Ani ko at mahigpit itong hinawakan.
"Listen to your mom, baby boy." Saad naman ni Miss Cassidy.
Nasa tapat kami ngayon ng isang sikat na cosmetics na palaging pinupuntahan ni Miss Cassidy. Siguro may nakita ulit siyang bagong labas na product nila kaya nagmamadali siyang pumunta rito ngayon. Ayaw kasi niya 'yong nauubusan siya eh. Isang linggo siyang magbi-break down once na malaman niyang ubos na iyong bagong labas nilang product.
Bakas sa mukha niya ang saya nang mabili niya na 'yong kailangan niya.
"Let's go!" Sinundan na lang namin siya ni Soren hanggang sa makarating kami sa tapat ng bilihan ng laruan.
"Soren, mamili ka na lang ng toy na gusto mo, I'll buy it." Sabi ni Miss Cassidy.
Bago siya sumunod ay tumingin muna siya sa akin at parang nanghihingi ng permiso.
"Payagan mo na siya, minsan lang naman eh." Bumuntong-hininga na lang ako saka tumango.
"Miss Cass, ngayon lang po ha? Baka kasi masanay eh," ani ko. Tinap naman niya ang balikat ko.
"Yara, it's okay. As long as masaya siya, go! Ako muna ang magsisilbing second mommy slash daddy niya kung hindi mo pa siya kayang ipakilala sa totoong daddy niya." Napangiti na lang ako sa tinuran niya.
"Thank you very much, Miss Cass. Ang bait bait mo talaga." Ani ko at walang pasabi siyang niyakap.
"You're very much welcome, Yara. I'm always here for you." Aniya at ginantihan ang yakap ko.
Napahiwalay kami pareho nang lumapit sa amin si Soren hawak ang napili niyang laruan.
Tuwang-tuwa si Soren nang matapos mabayaran ni Miss Cassidy iyong laruan niya.
"Thank you so much po!" Ani Soren habang yakap ang laruan niya.
"You're welcome, baby boy." Ani Miss Cass at ginulo ang buhok ni Soren.
Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa Shakey's.
"Dahan-dahan lang naman, anak, ang dungis mo na oh," natatawang sabi ko sabay punas sa bibig niya.
Kaunti lang naman 'yong in-order ni Miss Cassidy kaya mabilis naming naubos iyon.
"Miss Cass, pupunta po muna akong banyo, pakitingin na lang muna si Soren." Sabi ko sa kaniya.
"Okay, you may go. Ako na muna ang bahala sa kaniya." Nagpasalamat na lang ako at nagmamadaling pumunta sa banyo. Puputok na pantog ko!
At nang matapos akong umihi ay naghugas muna ako ng kamay bago balikan sina Miss Cassidy. Malapit na ako sa puwesto nila nang may mamataan akong babaeng kausap ni Miss Cassidy. Ang tantiya ko ay kaedad lang siya ni mama. Sino 'yon?
Tumikhim ako nang makalapit ako sa kanila kaya napunta sa akin ang kanilang atensiyon.
"You're here na pala. Yara, this is tita Karol, mother ni Kamryn." Sunod naman niyang binalingan ang babaeng kausap niya. "Tita, this is Yara, mother ni Soren."
Nilahad niya ang kamay niya kaya dali-dali kong kinuha iyon upang kamayan siya.
"Hello po." Ani ko at bahagyang yumuko.
"Nice to meet you, Yara. Anyway, I have to go. Baka hinahanap na ako sa bahay eh." Nakipag-beso siya kay Miss Cassidy pati sa akin. Sunod naman niyang binalingan si Soren. "Bye, little boy, I hope to see you again." Anito bago tuluyang umalis.
Pareho naming pinanood umalis iyong mama ni Sir Kamryn. At nang mawala na siya sa paningin namin ay nag-aya na ring umuwi si Miss Cassidy.
"Nag-enjoy ka ba, baby boy?" Tanong nito kay Soren.
Nakangiti namang tumango si Soren. "Opo!"
"Good to know." Aniya at ginulo ang buhok ni Soren.
Pumasok na si Soren kaya naiwan kaming dalawa ni Miss Cassidy sa labas.
"Ready ka na sa work mo bukas?" Magiliw na tanong nito.
"Ready'ng-ready na, Miss Cass." Nakangiting sagot ko.
"Let's go inside!" Nakangiti kong sinundan ng tingin si Miss Cassidy papasok sa loob.
Excited na ako para bukas! Sobrang namiss ko na sina Ate Quinn at Ate Vilma. Sila 'yong dalawang ka-close kong nagmi-make-up kay Miss Cassidy.
~~~
"Mama, saan ka po punta?" Pupungas-pungas na tanong sa akin ni Soren nang makitang bihis na bihis ako.
"May work ang mama ngayon, anak." Nalapitan ko siya upang yakapin at halikan.
"Doon po kay Tita Cassidy?" Tumango ako sabay haplos sa kaniyang pisngi.
"Opo, kaya behave ka lang dito, okay?" Tumango naman ito kaya napangiti ako. "Tara na sa baba, kumakain na roon si nanay." Inalalayan ko siyang makababa sa kama at saka sabay na kaming bumaba papuntang kusina.
"Yara, let's go?" Ani Miss Cass nang makababa sa hagdan.
Nagpaalam muna ako kay Soren bago sumunod kay Miss Cassidy.
"Pasalubong po ha?" Anito bago ako makaalis.
"Sure, basta behave ka lang dito kay nanay." Sabi ko saka hinalikan muli ang noo niya bago tuluyang lumabas.
May dalawang photoshoot si Miss Cassidy mamayang 10am at 12pm. At mamayang 6pm naman ay may aattend-an siyang ribbon cutting.
"I really hate that photographer!" Inis na saad ni Miss Cassidy nang makapasok siya sa dressing room.
"What happened, Miss Cass?" Tanong ko rito.
"'Yong maarteng photographer ang daming pose ang pinapagawa sa akin, tapos kailangan daw gayang-gaya ko 'yong mga iyon. Anong akala niya sa akin, robot? Argh!" Anito at saka pabagsak nilapag ang kaniyang cellphone sa kaharap niyang table.
"Tapos na ho ba kayo?" Tanong ko ulit.
"Luckily, yes. Last na photoshoot ko na 'yon, right?" Tanong nito. Tumango naman ako.
"Mamayang 6pm po 'yong ribbon cutting." Ani ko.
"Gusto mo bang sa spa muna tayo? I want to relax. Masyado akong ininis noong photographer na iyon eh." Tinanguan ko na lamang siya at nagmamadali nang inayos ang mga gamit niya.
Ako na ang nagpaalam kina Ate Vilma dahil wala sa mood si Miss Cassidy ngayon. Hindi siya kumakausap ng tao kapag wala siya sa mood, pero sanay naman na kami sa ganoong ugali niya. Tsaka kahit sino naman ay mawawalan talaga ng gana kapag ganoon ang ugali ng photographer.
Nang makarating kami ng parking lot, ako na rin ang nagsabi sa driver kung saan kami pupunta.
Hindi naman ganoon katagal ang biyahe at narating na rin namin ang Yuda's spa and salon. Pagmamay-ari ito ng kapatid ng kaibigan ni Miss Cassidy.
Ito na rin ang palagi niyang pinupuntahan kapag stress na stress na siya sa trabaho. Napakaganda kasi ng service nila rito. At bukod pa roon ay napakaganda rin ng awra ng paligid. Nakaka-relax talaga.
Nasa waiting area lang ako buong magdamag. Inaaya ako kanina ni Miss Cass na sumama sa kaniya kaso tumanggi ako.
At nang matapos ay dumaan kaming restaurant upang kumain. Hindi pa pala kami nakakakain simula kaninang nakaalis kami sa studio.
Si Miss Cass na iyong nag-order ng kakainin namin.
"Iyon lang po ba, ma'am?" Ani waiter.
"Yes, 'yon lang." Nakangiting sagot ni Miss Cass sa waiter.
"Kumusta, Miss Cass?" Mayamayang tanong ko.
"I'm okay na. Medyo humupa na rin 'yong bad mood sa katawan ko." Natatawang sagot niya.
"Mabuti naman po kung ganoon." Sabi ko na lang.
"Anyway, makakasama ko nga pala si Kamryn mamaya sa ribbon cutting."
Tumango-tango na lamang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Ilang sandali pa ay dumating na rin sa wakas ang order namin. Nilantakan na agad namin iyon at wala nang sinayang na oras.
"Solved!" Ani Miss Cass sabay dighay. "Oops, sorry." Natawa na lang kami pareho.
Tinawag na niya ang waiter para mabayaran 'yong kinain namin.
"Yara, anong oras na?" Tanong nito nang makalabas kami ng restaurant.
"Saktong 4pm na po." Magalang kong sagot.
"Let's go! May 2 hours pa tayo bago makarating sa venue." Aniya at nagmamadali nang tumakbo pasakay ng van.
~~~
Ten minutes before mag-six nang makarating kami sa venue kung saan gaganapin ang ribbon cutting. Nagpunta agad kami ng wash room. Nagmamadaling nagpalit ng suot si Miss Cassidy at nire-touch niya lang ang make-up niya.
Habang hinihintay ko siyang matapos ay ginawa kong bun ang buhok ko para hindi maging sagabal sa mukha ko. Ngunit nagmukha itong messy bun dahil sa mga pesteng baby hair ko. Hinayaan ko na lang dahil ako rin mismo ang mapapagod kung aayusin ko pa ulit ito.
Sabay kaming lumabas ng wash room ni Miss Cassidy. Saktong may nasalubong kaming isang staff at ang sabi ay si Miss Cassidy na lang ang hinihintay.
Nagtama ang tingin namin ni Sir Kamryn nang makarating kami sa labas ng hotel. Bakit parang mas pogi siya in person.
Bumagay sa kaniya iyong suot niyang white americana. Ayos na ayos din ang kaniyang buhok at halatang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito.
"Yara, are you okay?" Nabalik na lang ako sa huwisyo nang mahinag tapikin ni Miss Cassidy ang pisngi ko.
"Ha? Y-Yes po, okay lang ako." Utal kong tugon.
"Kanina pa kasi kita tinatawag, eh. 'Tsaka sino bang tinitignan mo doon?" Saka ko lang napansin na wala na pala roon si Sir Kamryn.
Takte! Nakatulala na pala ako sa kaniya! Shit ka, Yara, nakakahiya ka!
Naroon lang ako sa gilid habang nagsasalita si Miss Cassidy.
"That's all. Thank you and Congratulations!" Pinalakpakan namin siya bago siya bumalik sa puwesto niya sa tabi ni Sir Kamryn.
Muli kaming pumalakpak nang tuluyang magupit iyong ribbon. Nagkaroon muna ng kaunting salu-salo bago kami makauwi.
"Nakaka-ubos ng energy ngayong araw. Jusko!" Pareho kami ngayong nakahilata sa couch. Maski ako ay napagod din kahit na wala naman akong masyadong ginawa buong maghapon.
"You should rest na. Maaga pa tayo tomorrow." Halata ang pagod sa boses niya nang sabihin niya 'yon.
"Sabay na po tayong umakyat." Ani ko at inalalayan siyang makatayo.
Nagpalitan kami ng 'good night' sa isa't-isa bago tuluyang maghiwalay.
Tulog na pareho sina mama at Soren kaya dahan-dahan ang bawat galaw ko para huwag magising ang isa sa kanila.
Mabilisang half bath lang ang ginawa ko at nahiga na sa kama matapos magbihis. Hinalikan ko muna sa noo si Soren at saka mahigpit siyang niyakap. Ilang saglit pa ay dinalaw na rin ako ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top