Chapter 03

Matapos ang pag-uusap namin ni Miss Cassidy ay bumalik na ako sa kuwarto upang ayusin ang mga gamit namin.

"Ma, tulungan ko na ho kayo diyan." Sabi ko nang madatnan kong inaayos niya ang gamit namin ni Soren.

"Kumusta ang pag-uusap niyo ng amo mo? Ayos lang ba na kasama ako?" Tanong nito.

"Ayos na ayos po iyon, mama, tsaka mabait po si Miss Cassidy." Ani ko.

"O'siya, bilisan na natin dito para makatulong ako roon sa kusina. Nakakahiya naman kung mag-aala reyna ako rito sa bahay na hindi naman akin." Parehas kaming natawa ni mama at binilisan na lang ang pag-aayos ng gamit.

"Ate, tulungan na po namin kayo riyan." Sabi ko sa isang katulong na naghihiwa ng mga gulay.

"Sigurado po kayo?" Tanong naman nito.

"Oo naman po." Sagot ko at kumuha na rin ng kutsilyo upang maghiwa rin ng ibang gulay.

Si Soren, wala akong problema dahil naroon siya sa sala habang nilalaro noong isang katulong.

"Anak mo po ba talaga iyong batang 'yon?" Mayamayang tanong nito.

"Opo."

"Hindi po halata, parang kapatid mo lang iyon eh," ani nito. Mahina naman akong natawa.

"Bakit naman po?" Natatawang tanong ko.

"Ang ganda mo pa rin po kasi eh, kaya hindi po halata na may anak ka na."

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.

"Kung hindi niyo po mamasamain, nasaan po 'yong papa niya?" Natigil ako sa tinanong niya. Expected ko nang magtatanong siya about doon pero talagang hindi pa rin ako kumportable kapag ganoon ang mga tanong nila.

"A-Ah... hindi ko po kayang sagutin iyan eh," sagot ko at pekeng ngumiti.

"A-Ayos lang ho, pasensiya na rin sa sobrang kadaldalan ko." Paumanhin nito.

Tipid ko na lamang siyang ngintian at mabilis nang tinapos ang ginagawa ko para matapos na siyang magluto.

Pinanood ko saglit siyang magluto bago maisipang pumunta sa sala.

"Anong nilalaro niyo, anak?" Tinabihan ko si Soren habang busy'ng-busy sa ginagawa.

"Lego po, you wanna join po?"

"Nope, panonoorin ko na lang kayo." Sagot ko.

~~~

Kinabukasan, mas nauna akong nagising kay mama. Hinalikan ko muna ang noo ni Soren bago lumabas ng kuwarto.

Pagbaba ko ay nadatnan ko silang abala sa kusina kaya naman lumapit na ako at tinulungan sila.

At nang matapos silang magluto ay saktong bumaba na sina mama at Soren.

"Ate, sabay na po kayong kumain sa amin." Ani ko.

"Naku, salamat na lang po, ma'am, tapos na po kami kanina eh." Sagot naman noong isa.

"Ganoon po ba?" Nahihiyang sambit ko. Tumango naman sila at nagpaalam nang aalis.

Ipinaghila ko ng upuan si Soren para maka-upo na siya.

"You want this, Soren?" Turo ko sa bacon.

"I want egg po." Sagot niya kaya 'yong itlog ang kinuha ko.

Mamayang 7 ng gabi ang uwi ni Miss Cassidy, at gusto pa ako nitong sumama sa pagsundo sa kaniya.

"Anak, mamayang 7 aalis ang mama, behave ka lang dito, okay?" Bilin ko rito.

"Where are you going po?"

"Airport. Pinapasama kasi akong sumundo kay Miss Cass." Sagot ko at inabutan siya ng tubig.

"Can I come po?"

"Hindi na, 'nak, walang kasama rito si nanay kapag sumama ka pa." Ngumuso naman siya.

"Okay po."

Matapos siyang kumain ay nilagay na niya sa lababo 'yong pinagkainan niya at nagpunta na sa sala.

"Ako na ang tutulong maghugas, anak, doon ka na sa sala." Ani mama at inagaw sa akin ang hawak kong sponge.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang si mama. Umakyat na lang ako at naligo na lang.

Matapos akong maligo at magbihis ay naisipan kong mag-scroll-scroll muna ako sa social media. Pagka-open na pagka-open ko ay mukha agad ni Kamryn ang bumungad sa akin.

Sampung segundo akong napatitig sa litrato niya. Mas nag-mature ang mukha niya pero guwapo pa rin naman siya. Kamukhang-kamukha nga talaga ni Soren si Sir Kamryn. Iyong puti at mata lang ang nakuha sa akin ni Soren, and the rest, kay Sir Kamryn na. May pagka-moreno si Sir Kamryn, matangkad, at mahahalata mong suki siya ng gym dahil sa magandang pangangatawan nito.

~~~

"Yara! Oh my gosh, I miss you!" Mabilis na tumakbo palapit sa akin si Miss Cassidy at sinalubong ako ng yakap.

"I miss you too, Miss Cass." Ani ko at ginantihan siya ng yakap.

"How's life? Mas gumanda ka, ah." Sabi niya at humiwalay sa yakap.

"Ikaw nga po 'yong gumanda eh,"

"I know! Pero seryoso, gumanda ka nga." Nagpasalamat na lang ako kahit na nahihiya.

Kuwento lang siya nang kuwento hanggang sa maka-uwi na kami.

"Mama!" Salubong sa akin ni Soren.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko rito nang makalapit siya sa akin.

"I'm waiting for you, mama." Naupo naman ako upang magpantay kami.

Sasagot na sana ako nang magsalita sa likuran ko si Miss Cassidy.

"Yara— oh, hi little boy." Aniya nang makita si Soren. "What's your name?" Tanong niya at nag-squat para pantayan si Soren.

"My name is Soren po." Magalang na sagot ng anak ko.

"Wow, nice name!" Puri ni Miss Cass at bumaling sa akin. "You didn't told me na you have sibling pala." Saad niya.

Kumamot naman ako sa ulo ko. "Ah, eh... hindi ko po siya kapatid. He... he's my son." Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya.

"Your son?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Opo, anak ko po siya."

Inalis naman niya ang tingin sa akin at inilipat iyon kay Soren. Tinignan niya nang mabuti si Soren.

"He looks like someone," aniya saka tumayo at hinarap ako. "Baby, you can go inside na. Susunod na lang kami ng mama mo." Tinignan naman ako ni Soren kaya tinanguan ko siya para sabihing mauna na.

Pinanood naming makapasok nang tuluyan si Soren bago niya ako harapin.

"How old is he?"

"He's five." Sagot ko. Saglit pa muna siyang naging tahimik bago magsalita ulit.

"So, noong nagpaalam ka sa akin dati na aalis ka, buntis ka na no'n?" Tumango ako. "Who is the father?" Doon na ako natigilan sa tanong na iyon.

Sasabihin ko ba sa kaniya na iyong kaibigan niyang si Kamryn ang tatay ng anak ko?

"Don't worry, hindi ito lalabas, wala akong pagsasabihan." Aniya.

Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"S-Si Sir Kamryn po... siya 'yong papa ni Soren." Napaawang naman ang bibig niya.

"Si Kamryn? H-How?"

At kinewento ko nga 'yong nangyari sa amin ni Sir Kamryn noong araw na iyon.

"Do you have plan to tell him?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"What? Why? Gusto mo bang lumaki si Soren na walang kinikilalang ama?" Napayuko naman ako sa tinuran niya.

"Hindi po, pero kasi kapag ginawa ko iyon baka makasira pa ako ng buhay." Sagot ko. "Alam naman po nating pareho kung gaano ka-sikat si Sir Kamryn, eh." Dugtong ko.

Hindi naman siya nakasagot.

"Tara na po sa loob." Pag-aaya ko sa kaniya.

Nagpaalam na si Miss Cass na pupunta na ng kuwarto ngunit bago iyon ay may sinabi pa muna siya.

"Yara, tama na ang ka-iisip sa ibang tao. If you really love your son, dapat handa kang sumugal. I think, Soren deserves to know who is his father." Aniya. "If you need help, just tell me. I'm willing to help you." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago tuluyang umalis sa harap ko.

Nakailang baligtad na ako ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa rin kasi iyong sinabi ni Miss Cassidy.

Paano ko gagawin iyon? Natatakot lang kasi ako para kay Soren eh. Paano na lang kung itaboy niya si Soren? Tiyak kong masasaktan nang lubos si Soren kapag nangyari 'yon. At saka paano ko sasabihin kay Soren? Natitiyak kong magtatanong at magtatanong iton. Hay, hindi ko na alam.

Pag-iisipan ko muna siguro nang mabuti bago ko simulang sabihin kina Mama at Soren.

Sampung segundo muna akong napatitig sa kisame bago tuluyang dalawin ng antok. At ilang saglit pa ay tuluyan na akong nagpalamon sa antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top