Chapter 02

Matapos ang pag-uusap namin ni Miss Cass ay agad kong hinanap si mama.

"Soren, nasaan ang nanay?" Tanong ko kay Soren habang naglalaro ng laruang truck niya.

"Nasa likod po siya," sagot nito habang nasa laruan ang atensyon.

Pumihit na ako papunta sa likod at naroon nga si mama na nagpapakain ng alagang tandang ni Tiyo Alfred.

"Ma..."

"Anak?"

"Tumawag po sa akin 'yong dating amo ko," natigilan naman siya at hinarap ako.

"Anong sabi niya? Pinapabalik ka na ba niya?" Tumango ako.

"Pero hindi lang po ako, ma. Gusto ko po kayong isama ni Soren sa Manila, iyon ay kung gusto mo." Pumayag ka please...

"Ayos lang ba sa kaniya?" Mabilis naman akong tumango.

"Oo naman po! So, payag ka po?" Nakangiti naman siyang tumango.

"Pero... magpapaalam muna ako sa amo ko ha,"

"Opo, ma, magpapaalam din ako bukas." Sagot ko.

Bumalik na ako sa loob matapos ang pag-uusap namin ni mama.

"'Nak..." tawag ko kay Soren.

"Yes po?"

"Samahan mo ako bukas sa trabaho, magpapaalam ang mama." Ani ko at tinabihan siya.

"Okay po," anito nang hindi nakatingin sa akin.

After kong magpaalam, baka kinabukasan noon ay aalis na kami.

~~~

"Sigurado ka bang aalis ka na?" Anang manager namin.

"Opo eh, maraming salamat po at tinanggap niyo po ako rito."

Limang buwan din akong nagtatrabaho rito kaya napamahal na rin sila sa akin kahit papaano.

"Maraming salamat din sa iyo. Siya nga pala... anak mo ba ito?" Baling niya kay Soren na nasa likuran ko.

"Opo, Soren, say hi." Marahan kong hinila si Soren para harapin si Ma'am Anna.

"Hello po," bati nito saka kumaway.

"Napaka-guwapong bata naman pala nito, eh. Teka, parang may kamukha siya." Hindi na ako nagulat nang sabihin niya iyon. "Sino na nga ba iyon?" Aniya at tumingala pa para mag-isip.

"Marami nga pong nagsasabi niyan, ma'am..." inunahan ko na siya bago pa niya maalala ang pangalan ni Kamryn.

"Ganoon? Totoo nga kasing kamukha niya eh." Tipid naman akong ngumiti.

"Mauna na po kami, ma'am." Paalam ko.

"Okay, okay, ingat kayo ha? Ikaw rin, bebe boy, huwag kang pasaway sa mama mo ha?"

"Opo. Ba-bye." Kaway ni Soren kay Ma'am Anna.

Nag-text sa akin si mama na sasabay siya sa amin uuwi kaya sumaglit muna kami sa Mcdo.

"Mama, maghahanap na po ba tayo ng lilipatan?" Mayamayang tanong sa akin ni Soren.

"Hindi, 'nak. Bukas, pupunta tayong Manila, doon sa dating amo ko."

"Kasama po natin si nanay?" Tanong pa niya. Nakangiti naman akong tumango.

Nakatanggap akong muli ng text muli kay mama at ang sabi niya ay naroon na raw siya sa paradahan ng tricycle.

"Halika na, 'nak, nasa paradahan na raw ang nanay." Kinuha ko ang panyo sa bag at pinunasan ang bibig ni Soren. Jusko! Ang kalat talaga niyang kumain ng ice cream.

Kinarga ko na siya para mas mabilis kaming makarating sa paradahan.

"Ma, ano balita?" Tanong ko rito nang maibaba ko si Soren.

"Hayun... muntik akong hindi payagan, mabuti na lang at saktong may naghahanap ng trabaho kaya iyon ang hi-nire nila para maging kapalit ko." Mahabang litanya niya.

"Edi mabuti po kung ganoon, bukas na bukas po luluwas na tayo pa-Manila." Ani ko, tumango naman siya.

Pagka-uwi namin, pareho kaming nakahinga nang maluwag ni mama nang makita wala roon si Tiyo. Sana hanggang bukas wala siya.

"Mama, doon po muna ako kina Sian,"

"Sige, 'nak." Tugon ko bago pumasok sa kuwarto.

Matapos akong magpalit ng damit ay nilabas ko na 'yong maleta at nag-umpisa na akong mag impake. Kinuha ko lahat ng damit namin at wala ni-isa'ng tinira.

Habang nag-aayos ako ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Miss Cassidy.

"Hello, Miss?" Sagot ko.

["Kumusta?"]

"Nakapagpaalam na po ako sa pinagtatrabahuhan ko pati na rin po si mama."

["Oh, that's great! So, kailan kayo pupunta rito?"]

"Bukas po, Miss. Madaling araw po kami ba-byahe para mga 8 or 9 po nasa Manila na kami."

["Yie! I'm so excited to see you again! Text me kapag nasa bus station na kayo para maipasundo ko kayo kay Manong."] Kahit kailan talaga ay napaka-bait niya.

"Sige po, Miss Cass. Hindi na rin po ako makapaghintay na makita ka." Sabi ko at nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Nilapag ko sa tabi ko 'yong cellphone saka pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

At nang matapos ako ay nilagay ko na sa gilid 'yong maleta at lumabas na ako.

"Nariyan ka pala, kanina pa kita hinahanap eh," ani mama.

"Katatapos ko lang pong mag-impake, ma."

"Ganoon ba, mamaya na ako mag-iimpake 'pag tapos nating kumain,"

"Tawagin ko po muna si Soren kina Ysaac." Ani ko at naglakad na palabas.

"Ysaiah, nasaan si Soren?" Tanong ko sa kakambal ni Ysaac.

"Nasa kuwarto, ate, teka at tawagin ko." Tinanguan ko na lamang siya at naghintay na lang sa sala.

"Mama, bakit po?"

"Kakain na tayo, anak, ayaw mo bang kumain?" Natatawang sagot ko.

Hindi na siya sumagot. Nagpaalam muna ako kay Ysaiah bago kami tuluyang lumabas.

"Nagpaalam ka na ba kay Sian?" Tanong ko.

"Opo, gusto nga po niya sumama eh." Natawa naman ako.

"Kung puwede lang, bakit hindi?" Sabi ko.

Bago kami makapasok ni Soren ay may narinig akong tumawag sa akin.

"Aling Soling, bakit po?" Tanong ko sa kumare ni mama.

"Nabalitaan mo na ba?" Aniya. Kumunot naman ang noo ko.

"Ang alin ho?"

"Nakakulong ngayon ang ama mo," saad niya.

"Ha? Bakit ho? Anong hong ginawa niya?" Sunod sunod kong tanong.

"Siya 'yong napagbintangang nagnakaw roon sa malaking bahay sa bayan. Palalayain lang daw siya kapag napatunayan na wala talaga siyang nagawang kasalanan." Mahabang salaysay niya.

"Sige ho, sabihin ko ho kay mama. Marami pong salamat." Ani ko.

"Sige iha, mauuna na ako." Ngimiti ako saka tumango.

Sinabi ko agad kay mama nang makapasok na ako.

"Karma na niya iyon. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa inyo ng apo ko." Nanubig na lang bigla ang mata ko nang marinig iyon kay mama.

Lumapit ako sa kaniya upang yakapin siya nang mahigpit.

"Mahal kita, mama..." ani ko kasabay ang pagtulo ng aking luha.

"Mahal na mahal ka rin ng mama, anak... mahal ko kayong dalawa ng apo ko." Aniya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya.

"Mama, nanay, kain na po tayo!" Tatawa-tawa naman kaming humiwalay sa isa't-isa ni mama.

"Halika na't nagugutom na ang mahal na prinsipe natin," ani mama at hinila na ako papuntang kusina.

Pagkarating namin ni mama sa kusina ay may kanin na agad 'yong plato namin ni mama.

"Hindi halatang nagugutom ka na, anak ha." Natatawang saad ko at inabutan siya ng tubig.

"Maaga kang matulog mamaya, Soren ha? Maaga tayong aalis bukas." Ani mama.

"Maganda po ba doon?" Inosenteng tanong nito.

"Maganda siguro, apo," sagot ni mama kaya sa akin bumaling si Soren.

"Mama?"

"Makikita mo bukas, anak." Ani ko. Ngumuso tuloy siya.

~~~

"Mama, ang taas po ng mga building!" Tuwang-tuwang saad ni Soren habang nakatingin sa labas ng bintana.

Sa bintana kami pumwesto para raw makita niya kung maganda raw ba sa Manila. Si mama naman ay mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Marami ka pang makikita, anak." Natatawang sagot ko. "Hindi ka natulog... aantukin ka mamaya,"

"Matagal pa po ba tayo?" Tanong niya, tumango ako.

"Oo, kaya umiglip ka kahit saglit lang." Ani ko.

Hindi na siya sumagot at inihiga na ang sarili sa akin. Mayamaya pa ay narinig ko na ang mumunting paghilik ng anak ko. Napangiti ako at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

Nasa Singapore ngayon si Miss Cass kaya si Manong Isko na ang tinext ko upang sunduin kami sa terminal.

"Anak, gising na." Pinugpog ko ng halik ang buong mukha ni Soren para siya'y gisingin.

"Dito na po tayo?" Tanong nito habang kumakamot sa kaniyang pisngi.

Tumango ako. "Baba na tayo at baka narito na rin ang susundo sa atin."

Nauna na sa baba si mama upang kunin 'yong mga gamit namin.

Nang makababa kami ay natanaw ko na agad si Mang Isko.

"Mama, tara na po doon. Nandoon na po si Mang Isko, siya po 'yong susundo sa atin." Sabi ko nang makalapit kami kay mama.

Tinulungan ko siyang bitbitin 'yong mga gamit namin papunta kay Mang Isko.

Naglakad na palapit sa amin si Mang Isko nang magtama ang paningin namin. At nang maipasok na lahat ng gamit namin sa sasakyan ay inalalayan ko nang makasakay si Soren.

"Kanino po ito mama?" Tanong nito.

"Sa amo ko ito, anak," nakangiting tugon ko.

Ilang oras din ang biyahe papuntang bahay ni Miss Cass kaya pinatulog kong muli si Soren. Saka ko lang ulit siya ginising nang marating na namin ang bahay ni Miss Cassidy.

"Woah! This house is huge, mama!" Saad ni Soren nang makababa kami sa sasakyan.

"Anak niyo ho, ma'am?" Tila gulat na tanong ni Manong.

"Yes po, Soren, magmano ka." Sabi ko kay Soren na mabilis naman nitong sinunod.

"Aba at napaka-bait na bata," ani Manong at ginulo ang buhok ni Soren.

Tinulungan kami ni Manong na ipasok ang mga gamit sa loob.

"Maraming salamat po, Manong Isko." Pasasalamat ko rito bago umalis.

Malawak naman 'yong kuwarto kung nasaan ako tumutuloy dati kaya doon na lang siguro kaming tatlo. Medyo malaki rin naman ang kama roon kaya kasya kami roon.

"Talagang napaka-yaman ng amo mo, anak." Ani mama. "Nasaan nga pala siya?" Tanong nito.

"Nasa Singapore po siya ngayon at bukas pa ho ang uwi niya. Teka at tatawagan ko po muna siya." Tumango na lang ito kaya lumabas muna ako ng kuwarto at dinial na ang number ni Miss Cassidy. Sana lang wala siyang ginagawa ngayon.

["Oh, hi Yara! Nandiyan na kayo?"] Bungad niya nang masagot ang tawag.

"Yes, Miss Cass, halos kararating lang namin."

["Sayang at hindi ko kayo nasalubong,"] batid kong nakanguso siya habang sinasabi iyon kaya mahina akong natawa.

"Ayos lang po iyon, Miss Cass."

["Kung puwede lang i-fast forward ang oras, ginawa ko na. I want to go home na kaso may isa pa akong photoshoot bukas ng umaga."]

"Kaya mo iyan, Miss Cass, galingan mo!"

["Yeah, I will. So, see you tomorrow night?"]

"See you, Miss Cassidy, take care." Ani ko bago putulin ang linya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top