Chapter 01
"Soren, anak, come here, may pasalubong ako sa 'yo." Nahinto naman siya sa pakikipaglaro sa pinsan niya. Malawak ang ngiti niyang salubong sa akin at mahigpit akong niyakap.
"Woah! Is this for me, mama?" Tila nagningning ang mga mata niya nang makita niya ang laruang hawak ko.
"Yes, anak. You can share it to your cousin if you want." Mas lumawak naman ang ngiti niya.
"Yes, mama! Balik na po ako do'n." Aniya at tumakbo na pabalik sa bahay ng pinsan niya.
He's my son, Soren. Marami ang nagsasabi na kamukha niya raw ang modelong si Kamryn Sarmiento. Paano niya hindi magiging kamukha, eh iyon ang papa niya. Wala akong pinagsabihan sa kung sino ang ama niya, kahit kay mama ay hindi ko magawang sabihin. Ang tanging alam lang niya ay tinakbuhan kami ng papa niya. Sa tingin ko naman ay okay na rin 'yon para hindi na magtanong si Soren.
Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong nabasag sa loob ng bahay. Dali dali akong tumakbo papasok at nadatnan ko si Tito Alfred na lasing at nagwawala. Palagi na lang. Bukas pa ang uwi ni mama dahil tuwing linggo ang rest day niya.
"Tangina! Walang pagkain!" Sigaw nito sabay hagis ng pinggan sa pader.
Abala siya sa pagtatapon ng mga gamit kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para pumasok sa kuwarto.
"Hoy, ikaw!" Mariin naman akong napapikit. Kung minamalas ka nga naman.
"A-Ano po iyon, tiyo?" Magalang na tanong ko.
"Magluto ka ng kakainin ko! Wala kang ginagawa, napakawalang-kwenta mo!" Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili ko.
"Sandali po at magbibihis muna ako," palihim ko siyang inirapan bago pumasok sa kuwarto at ni-lock iyon.
Mabilis akong nagbihis, matapos iyon ay lumabas na ako para ipagluto na ang step father kong batugan.
"Ito na po," nilapag ko na sa harapan niya 'yong niluto kong sardinas na may halong itlog.
"Lumayas ka na sa harapan ko bago pa ako mawalan ng gana." Mabulunan ka sana.
Muntik na akong matawa nang mabulunan nga siya. Serves you right.
Lumabas na lang ako at pinagmasdan na lang si Soren na nakikipaglaro sa pinsan niya. Mapait naman akong napangiti. Naawa ako sa para sa anak ko. Napakalabo kasing makilala niya ang papa niya eh.
"Mama!" Kaway sa akin ng anak ko. I smiled and waved back.
Iniiwan ko palagi si Soren kina Ysaac tuwing aalis ako papuntang trabaho. Ayaw ko na kasing iwan ulit si Soren kay Tito Alfred dahil baka saktan niya ulit ito katulad noong dati.
Noong magdilim na ay tinawag ko na si Soren upang linisan.
"Mama, ako na po." Aniya sabay kuha ng sabon sa akin.
"Baka hindi mo malilinisan nang maayos ang katawan mo,"
"Big boy na po ako, mama, ako na po." Iyan na naman siya sa 'big boy' na iyan.
Bumuntonghininga naman ako. "Okay, okay, call me if you're done na ha?" He nodded.
Magluluto na lang muna ako ng pagkain namin. Luminga-linga ako sa paligid dahil hindi ko makita si Tito Alfred. Saan na naman kaya nagpunta iyon?
"Hay, baka dumayo na naman iyon para makipag-inuman." Sabi ko sa sarili.
Wala nang natira sa niluto kong ulam kanina kaya nagluto na lang ulit ako. Matapos akong magluto, narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Soren. Pumunta muna ako sa kuwarto namin para kunin 'yong tuwalya.
"It's so cold." Anito kaya binalot ko na siya ng tuwalya at binuhat papuntang kuwarto.
Sabay kaming lumabas at tumungong kusina matapos ko siyang bihisan.
"Mama, can I come to your work tomorrow?" Tanong nito.
"Why? Ayaw mo na ba kina Tito Ysaac mo?" Tanong ko, umiling naman siya.
"May pupuntahan daw po sila bukas,"
Hindi naman first time ni Soren sumama sa trabaho ko kaya, sige.
"Sure, basta huwag kang makulit, okay?" Nag-okay sign siya dahil puno ang kaniyang bibig kaya hindi niya magawang sumagot.
Matapos akong makapagligpit sa kusina, inaya ko nang matulog si Soren. Pero bago iyon, siniguro ko munang naka-lock na ang mga pinto. Hindi na siguro uuwi si Tito Alfred, doon na siguro siya matutulog sa kainuman niya.
"Anak, gising na at kakain na tayo." Gising ko kay Soren.
"Ngayon po uuwi si nanay, 'di ba?" Tanong nito bago sumubo.
Tumango naman ako. "Gusto mo bang sabihin ko na daanan tayo mamaya?" Mabilis naman siyang tumango.
"Opo!"
"O'siya, finish your food na at paliliguan na kita." Sabi ko na agad naman niyang kinontra.
"Ako na po, ma–" natawa ako at pinutol ang sasabihin niya.
"Oo na po, tawagin mo na lang ulit ako." Ani ko, nag-opo naman siya.
Matapos siyang kumain ay pumasok na siya sa banyo at naligo na. Naghuhugas ako noong tawagin na ako ni Soren.
"Magbihis ka na, nakahanda na 'yong damit mo roon." Saad ko matapos ko siyang tuwalyahan.
Tinapos ko muna 'yong ginagawa ko bago tumungo sa kuwarto upang kumuha ng damit ko.
Papasok na ako ng banyo nang saktong pumasok si Tito Alfred. At mukhang lasing ulit. Nagtama ang tingin namin, ngunit hindi ko pinansin iyon.
Bago ako maligo, kinuha ko 'yong damit pang-ligo ni mama. Hindi kasi ako kampante hangga't 'di ako nagsusuot nito, lalo na't narito si Tiyo.
Nahinto ako sa pagsasabon nang may maramdamang parang may nanonood sa ginagawa ko. Nag-umpisa na naman siya.
Binilisan ko na lang ang pagligo ko hanggang sa matapos na ako. Noong masiguro kong wala na siya, kinuha ko iyong tiyempo na iyon upang magbihis.
Pagbukas ko ng pintuan, bumungad siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko at pilit na tinutulak pabalik sa loob.
"A-Ano pong ginagawa mo? Tiyo, ano ba?! Anak! Soren!" Sigaw ko at pinagpapalo siya.
"Mama! Bitawan mo ang mama ko!" Dinig kong sigaw ng anak ko habang pinalo-palo niya si Tiyo gamit ang hawakan ng walis tambo.
"Huwag kang mangialam dito, bata, at baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa 'yo." Banta nito. Ngunit hindi natinag si Soren.
"Bad ka! Bitawan mo ang mama ko!"
"Huwag ka sabing mangialam eh!" He yelled. At kasabay noon ang pagtulak niya sa anak ko.
Bigla akong nanlumo nang makitang tumama ang noo niya sa maliit na lamesa. Soren...
"Anak!" Tinulak ko nang malakas si Tiyo at saka nilapitan na si Soren.
"Bakit mo siya tinulak?!" Galit na sigaw ko kay Tiyo. Nakatingin lang siya sa amin at hindi nagsasalita.
Tuluyan na akong naiyak nang makitang dumudugo ang noo niya.
"Kapag may nangyari sa anak ko, ipakukulong kita!" Sigaw ko ulit bago buhatin palabas si Soren.
Mabuti na lang at saktong may dumaan na tricycle sa harap ng bahay kaya pinara ko na ito kaagad.
Nang makarating kami sa hospital, saka ko lang naalala na hindi ko nadala 'yong wallet at cellphone ko.
"Ayos lang, ineng, ibigay mo na lang sa susunod." Nagpasalamat muna ako sa kaniya bago pumasok sa loob.
May sumalubong sa aking mga nurse na may dalang stretcher. Sinakay na nila roon si Soren at dinala na sa emergency room.
Habang naghihintay ay nanghiram muna ako ng telepono upang tawagan si mama.
["Hello? Sino ito?"]
"Ma, si Yara ito," sagot ko.
["Bakit ka napatawag? At bakit ibang number ang gamit mo?"] Sunod sunod na tanong niya.
"Nasa hospital po ako ngayon, ma, nanghiram lang po ako ng telepono."
["Ha?! Anong ginagawa mo diyan?"]
"Pumunta na lang po kayo rito at dito ko na lang po sasabihin." Sagot ko.
["Oh, sige, magpapaalam muna ako sa amo ko."] Aniya.
"Sige, ma, hihintayin ko po kayo rito." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Nagpasalamat na ako sa Aleng pinaghiraman ko ng telepono.
Wala pang isang oras akong naghihintay nang lumabas na 'yong doctor. Sinabi niya sa akin na hindi naman daw ganoon kalalim ang sugat niya at p'wede na raw siyang iuwi mamaya 'pagkatapos noong ginawa nilang test.
"Anak, anong nangyari?" Nilingon ko si mama na kadarating lang.
"Ma, si Tiyo... muntik niya akong pagsamantalahan kanina, siya rin ang may gawa nito kay Soren." Sabi ko.
"A-Ano?" Tanging sambit ni mama.
Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na ginawa niya sa akin 'yon, eh.
Mapait akong ngumiti at inaya na si mama sa kuwarto kung nasaan si Soren.
"Sabi po ng doctor, hindi naman daw po gaano malalim 'yong sugat niya." Sabi ko habang nakatingin sa natutulog na si Soren.
Pinatulog pala siya kanina habang tinatahi 'yong sugat niya.
"Mabuti naman kung ganoon. Eh ano pang sinabi ng doctor? Kailan daw siya ilalabas?" Tanong ni mama.
"Mamaya po p'wede na siyang iuwi."
"Mama..." sabay naming nilingon ni mama si Soren.
"Anak, kumusta? Masakit pa ba 'yong sugat mo?" Sunod sunod kong tanong. Umiling siya.
"Mama, lipat na tayo ng bahay... bad po si lolo eh," mabilis ko siyang niyakap nang magsimula siyang umiyak.
"Gustuhin man nating umalis, 'nak, kaso wala tayong bahay na malilipatan eh." Ani ko habang hinahagod ang kaniyang likod.
"Maghanap ka po, mama... ayaw ko na po doon sa bahay natin. Monster po si lolo, he might hurt us again if we stay there." Nagkatinginan kami ni mama.
"Okay, anak, hahanap si mama... lilipat tayo agad kapag may nahanap na ang mama, okay?" Humiwalay ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya.
Noong maka-uwi na kami ay wala roon si Tiyo. Dinala ko na si Soren sa kuwarto namin para bihisan. Matapos ko siyang bihisan ay nagbihis na rin ako ng pang bahay.
"Mama, someone's calling." Ani Soren at inabot sa akin ang cellphone ko.
Si Miss Cass!
["Hello, Yara! How are you? I'm sorry kung ngayon lang ako ulit nakatawag sa 'yo ha, super busy ko kasi eh."] Napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago.
"Ayos lang naman po ako, Miss Cass. Ikaw po? Baka naman pinapabayaan mo na sarili mo ah,"
["Of course not! Anyway, kaya ako napatawag ay gusto kong itanong kung kailan ka babalik? I really really miss you na kasi eh,"]
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Kaya ko na bang bumalik? Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya 'yong tungkol kay Soren eh. Baka magtaka siya once na magkita sila ni Soren.
"Tanggap pa rin po ba ako?"
["Of course, Yara! Ikaw kaya ang favorite PA ko!"] Napangiti naman ako sa sagot niya.
"Tatawagan ko na lang po kayo kung kailan. Tsaka... ayos lang po ba kung may kasama ako?"
["Sure, sure. Kahit ilan pa iyan basta bumalik ka na, okay?"]
"Yes, Miss Cass."
["Okay! Bye, Yara!"] Aniya at pinutol na ang linya.
Mukhang hindi na ako mahihirapang humanap ng malilipatan namin ni Soren. Kaso... maiiwan ulit dito si mama. Ano kaya kung isama ko na siya papuntang Manila? Sana mapapayag ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top