PROLOGUE

Prologue

"Putangina naman Mitz!"

Napaigtad ako nang ibagsak ni Chamuel ang pintuan ng kwarto namin. Saglit kong tiningnan ang lalaki na mabibigat ang paang naglakad papasok at napalunok ako. Tumbol ng malakas ang puso ko nang makita ko ang nag-aapoy niyang mata.

Binawi ko kaagad ang tingin ko sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.  Halos manginig ang buong kalamnan ko dahil nararamdaman ko talaga ang galit niya. At nasasaktan ako dahil alam ko kung bakit siya ganito kagalit ngayon.

Iritado niyang niluwagan ang suot na polo kaso dahil galit siya at iritado ang kawawang polo ay di nakatakas sa galit niya nang binaklas niya iyon. Nagsiliparan ang mga butones sa sahig.

Tumayo siya sa harap ako at niyuko ko nalang ang ulo dahil sa takot ko sa kanya.

His presence is enough for me to feel small and scared. His huge body shadow covered my whole body. He is like a predator who's ready to smash his prey anytime now. Hindi nakatakas sa mata ko ang kamay niyang malapit ng pumutok ang mga ugat doon.

"Ano? Yuyuko ka lang dyan!?" Napapikit ako sa sigaw niya at bahagyang napatalon. Nasa harapan niya lang ako kaso sinisigawan niya ako na parang ang layo-layo ko sa kanya.

"A-ano kasi Cham--"

"Bakit ka lumabas? Bakit kayo lumabas?!"

Sa muli kong pagpikit sa mga mata ko ay tumulo na ang mga luha kong matagal ko nang pinipigilan.

Isa-isa kong pinalis ang luha ko. "Sorry... hindi naman namin sinasadya i-iyon." mahina kong usal.

Umalis si Chamuel sa harapan ko kaya doon ko nai-angat ang ulo ko nang dahan-dahan at nakita ko siyang naglakad doon sa vanity ko. Huminga ako dahil parang kanina ko pa pinipigilan ang paghinga.

Napatalon ako sa gulat nang patirin niya ang vanity mirror ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko at winalis ng kamay niya ang mga gamit sa ibabaw noon.

Ang mga kawawa kong perfume at gamit ay nagkalat at nabasag sa sahig ang iba.

Kinuyom ko ang kamao ko at tumutulo ang luha kong sinalungat ang tingin niyang nakakapatay.

Namumula ang dibdib niya at lumilitaw na ang ugat niya. Galit na galit talaga siya.

"Bakit ba galit na galit doon, Chamuel?"

Napatunog siya gamit ang dila niya at pinalandas ang daliri sa kanyang buhok.

Pagak itong tumawa sa akin.

"Talagang tinatanong mo 'yan, Mitz?! Dammit!"

"Chamuel, hindi ko naman gusto na tumakbo doon si Tegan. Saka malay ko bang nandun ka?!" sigaw ko dito.

Kahit kailan ay di na talaga tumatahimik ang bahay na ito kapag nandidito siya.

"Sinabi ko sayo kaninang umaga na may shoot kami sa mall na iyon. Baka sinadya mo talaga iyon?! Iyon ba ang gusto mo? Ano? Isisiwalat mo ang lihim ko, Mitz?!" Nanlilisik ang matang sagot sa akin at muling humakbang tungo sa kinatatayuan ko.

Napaatras naman ako dahil mukhang wala ngayon sa sarili niya si Chamuel.

"Chamuel pamilya mo kami. Nakakapagod din magkulong dito sa bahay. Gusto ko rin igala si Tegan dahil di mo iyon magagawa sa sarili mong anak!" Sumbat ko dito at mariin siyang tinuro. Gusto ko na siyang sabunutan ngayon.

Mali yata ang sinabi ko—ang sinumbat ko sa kanya nang lumagapak ang palad niya sa pisngi ko.

Natumba ako sa kama dahil sa pwersa ng sampal at awtomatik na nag-uunahan na parang mga butil ng ulan ang mga luha ko.

Napahawak ako sa pisngi ko na namanhid at unti-unti nanuot ang hapdi at sakit ng sampal niya.

Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya na nanlalaki ang mata at umiigting ang pangang nakatingin sa akin.

I've never thought that he could raise his hand on me. I've never thought that this day would come na masasampal niya ako. For the first time sa buong pagsasama naming dalawa ay ngayon niya lang ito nagawa sa akin.

"Mitz--"

Hahawakan na niya sana ako pero sinampal ko ang kamay niya.

Pinalis ko ang luha ko at tiningala siya.

"Talagang ito ng nagagawa ng career mo, Chamuel? Ito ba ang nagagawa ng kasikatan mo? Ito ba ang pangarap mo?" Umiiyak kong turan sa kanya.

Humakbang siya at sinubukang hulihin ang kamay ko kaso winaksi ko iyon at di nagpatinag sa kanya.

"Sabi mo..." Lumunok ako dahil para akong nabibikig sa sarili kong laway. "Sabi mo, hindi mo na kami itagago kapag naabot mo na ang pangarap mo Cham. Sikat na sikat ka na. Marami ka ng awards. Lalabas na sa hollywood ang movie mo next month. Pero bakit ganito pa rin Cham? Bakit tinatago mo pa rin kami ni Tegan? Dalawang taon na, Cham. Dalawang taon na kaming nagtatago sa dilim ni Tegan."

"I have plans, Mitz. I told you. I promise you that. Pero h'wag muna ngayon--"

"Pagod na pagod na pagod na ako, Cham. Hindi ko na kaya ang ganito. Naawa na ako sa anak ko." putol ko dito.

Napapikit ito ng mariin.

"I told you, Mitz..."

"Sinabi mo ipapakilala mo kami! Hindi ko naman kailangan ng broadcast. Hindi mo kailangang i-broadcast na may pamilya ka, Chamuel. Ang akin lang... kahit si Tegan lang h'wag mong i-deny. Huwag mong itanggi na anak mo siya. Paulit-ulit ka, e. Sabi mo sa susunod na taon kapag tapos na ang contract mo sa dati mong agency pero hanggang ngayon wala pa rin, Cham." muli kong panunumbat sa kanya.

Tumayo ako at umalis doon sa kwarto namin. Iniwan ko siya doon na halos mamutok na ang ugat sa pagtitimpi at galit. Pumunta ako sa kwarto ni Tegan at nakita ko ang anak namin—ang anak kong nakatayo sa crib niya at nakasuso sa chupon niya.

Nanikip ang dibdib ko at muling tumulo ang luha nang makita ko ang walang kamuwang-muwang kong anak na itinanggi ng ama niya kanina sa mall.

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung papaano dumaan ang araw na nakakayanan ko itong mag-isa.

Kinuha ko ito sa crib niya at kinuha ang chupon sa bibig. Two years old na ang anak ko kaso nakaugalian niya pa rin sumuso dito sa chupon.

"Mik, mik, mik." Pinunasan ko ang bibig niya. Two years old na ang anak ko pero hindi pa siya masyadong nagsasalita at konti lang ang alam na salita. Milk ang gusto niyang sabihin kaso di niya iyon maayos na naii-pronounce.

"Milk? Gusto ng baby ko ng milk?" Kahit papaano ay gumaan ang loob ko kapag nakikita ko ang anak ko. Talagang masakit lang masaksihan na ang anak mo ay tinanggi ng sarili nitong ama.

"M-mami, ma... mi."

Humawak ang maliit nitong kamay sa mukha ko at napangiwi ako ng mahawakan niya ang parte kung saan ako natamaan ni Chamuel.

"D-da... da... dada."

Muling bumalik sa isip ko ang eksena kanina dahil sa sinabi ni Tegan.

Kanina kasi ay pinasyal ko nga sa mall si Tegan dahil di ko ito nalalabas sa bahay at di rin naman kami pinapayagan ni Chamuel. Masyadong praning ang lalaki na makikilala ng mga tao o fans niya itong si Charles Tegan. Nakakasakal na nga ang rules na gusto niya.

Di ko naman kasalanan na magkamukha sila. Di ko naman kasalanan kung bakit sila pa ang naging magkamukha na pwede naman sanang ako nalang.

Pinasyal ko kanina si Tegan at tuwang-tuwa pa ako nang mailabas ko ang anak ko. Kaso pagkatapos ko siyang i-treat ng kiddie meal ay di naman namin sinasadyang mapadpad sa lugar kung saan nags-shoot sila Chamuel. At siguro ay nakikilala ni Tegan ang ama na umaarte sa harap ng kamera kaya sumigaw ito ng Dada sa filming area nila.

Napansin naman kaagad iyon ng mga crew at iba pang staffs kaya nilapitan kami at si Chamuel naman ay lumapit rin kaya naman tuwang-tuwa si Tegan at halos magtalon sa yakap ko nang makita si Chamuel. Gusto yatang magkakarga sa ama kaso di nito pinansin ang kawawang anak ko.

Biro lang naman ang tanong ng isang staff kanina kung anak ba ni Chamuel si Tegan na todo ang kakatawag kay Chamuel na Dada pero parang tiniris-tiris ang puso ko nang walang pagdadalawang isip na itinanggi ni Chamuel si Tegan sa harap ng maraming tao. Ni hindi man lang hinawakan ni Chamuel si Tegan o nag-hi man lang sa anak kahit pakitang tao lang. Kahit na biro iyon nasasaktan ako. Kasi alam kong kapag totohanin rin ang tanong walang pagkakaiba ang isasagot ni Chamuel. Tapos ngayon siya pa itong galit.

Karga ang anak ay lumabas ako ng kwarto ni Tegan para gawan siya ng gatas sa kusina. Nakalimutan kong magrefill ng gatas sa tupperware na nasa kwarto ni Tegan kaya kailangan kong bumaba sa kusina. Nandun kasi ang mga stock.

Pagkarating sa kusina ay pinaupo ko si Tegan sa dining chair niya na mataas at masaya naman ang anak kong pumapatid sa ere.

Tiningnan ko ang anak ko na may malaking ngiti sa labi niya. Gusto kong protektahan ang ngiti na iyon. Gusto kong protektahan ang munting puso ng anak ko kapag nalaman niya ang totoo sa amin ng ama niya. Ayaw kong masaktan ang anak ko.

Papaano kaya nakakayanan ni Chamuel na itanggi itong anak namin? Papaano niya kaya nasisikmurang itanggi ang anak namin? Alam ko naman na may galit na siya sa akin. Alam kong may kinikimkim siyang galit sa akin dahil sa nangyari three years ago pero sana kahit kay Tegan lang ay maging mabait siya. Naaawa na kasi ako sa anak ko.

"D-dada, d-dada!"

Nalingon ko ang anak ko nang tumawag ito sa ama niya, si Chamuel. Sumama na naman ang pakiramdam ko nang makita ko ang mukha ng lalaki. May dala siyang bag at mukhang aalis na naman ng bahay. Iiwan na naman kami dito. Ganito naman lagi saka bakit di pa ako nasasanay na uuwi lang naman siya dito kapag naaalala niya na may naiwan siya dito sa bahay niya?

"Aalis na ako."

Di ko siya binalingan at kinuha ko lang si Tegan sa upuan nito. Nagtatampo ako. Galit ako. At nasasaktan ako. Sobra...

Akala ko kung ano na ng gagawin niya nang dumukwang ito sa amin ni Tegan. Iyon pala binigyan niya lang ng halik si Tegan sa ulo nito. Wala na itong naging imik matapos iyon at saka kami tinalikuran ng anak niya.

Pinagmamasdan ko ang bulto niyang papalayo sa amin. Di na talaga siya lumingon sa amin ng anak niya na tawag nang tawag sa kanya.

Sana... huwag ubusin ni Chamuel ang binibigay kong pasensya sa kanya. Sana huwag umabot sa punto na ilalayo ko si Tegan sa kanya—na lalayo kaming dalawa sa kanya. Kapag natagpuan ko na ang sarili ko na kaya ko na siyang iwan, di ako magdadalawang isip na lumayo at talikuran siya. Kagaya ng ginagawa niya sa amin ni Tegan.

Umiyak si Tegan dahil nawala na si Chamuel kaya naman pinatahan ko nalang ang bata at pina-dede sa gatas na ginawa ko kanina.

"Sshh, may work si Dada, baby. Don't worry nandito naman si Mami."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top