CHAPTER 4

Chapter 4

Mitchell's Pov

Nang makalabas ako sa kwarto namin ni Chamuel mabilis kong tinawid ang silid ng anak namin, ang kwarto ni Charles Tegan. Pagkapasok ko sa kwarto ay napasandal ako sa pinto at napahawak sa aking dibdib. Earlier, I couldn’t tell if Chamuel noticed the wild pounding of my heart. Right now, it’s racing so fast, I can feel every thud echoing in my chest, rising up to my throat, as if it might leap out any second!

Mabuti at hindi nabanggit ni Chamuel ang nangyari kagabi. Siguro mas mabuting ibaon ko na lang iyon sa limot. Siguro naman hindi na magk-krus ang landas namin ni Arkin.

Tumingin ako sa crib ni Tegan at naka-tayo na siya doon at nakatingin sa akin na malaki ang ngisi. Tinataas niya ang kamay para sa akin pero hindi pa ako nakaka-recover sa inakto ng kanyang ama ngayon. It's so sudden. Ang bait bigla ni Chamuel sa akin.

Sabi niya hindi raw siya alis ngayon sa bahay. That means... buong araw kaming magkakasama. But more importantly... sabi niya... b-babawi raw siya. Babawi raw siya sa akin— sa amin ni Tegan!

Ilang beses akong nag-inhale-exhale para kalmahin ang pusong nagwawala. Nang medyo kumalma ako, nilapitan ko si Tegan at hinalkan ko ang kanyang noo at pisngi.

"Good morning, Tegan!" bati ko sa anak at hindi ko maitago ang saya sa lapad ng ngiti ko ngayon.

"Ma... mami!" si Tegan at kumalmot ang kanyang maliliit at malambot na kamay sa aking mukha.

"Nandito ang Dada mo ngayon, Tegan. Hindi siya aalis ngayon. He will spend time with us." anang ko sa anak na para bang naiintindihan niya ako. Wala lang, masaya lang ako dahil sa inaakto ngayon ni Chamuel. Sana magtuloy-tuloy na ito.

Iniwan ko si Tegan sa crib niya at saka mabilis na naligo. May gamit ako rito sa kwarto ni Tegan pero mostly sa mga gamit ko ay nasa silid namin ni Chamuel. Nang matapos akong maligo, nagbihis ako ng isang kulay blue na t-shirt na siyang maluwag sa akin. Lahat nalang yata kasi ng damit ko maluwag na sa akin. Siguro tama si Eliza na namayat na talaga ako. Ang shorts na suot ko ay natatabunan sa aking maluwag na t-shirt.

Bumaba ako karga si Tegan. Hindi nabubura ang ngiti ko sa labi habang pababa kami. Ganito nga siguro ako karupok at ka-desperado nsa atensyon ni Chamuel. Konting halik, konting yakap, at konting paawa lang, bumibigay na ako. Ganito nga siguro ang nagagawa ng pagmamahal ko sa ama ni Tegan. Martir nga siguro ako. Pero ginawa ko ito para sa amin ni Tegan, para lumaki siyang hindi kagaya ko. Ilalaban ko ang meron kami ngayon ni Chamuel para sa anak namin!

"Anong lulutuin mo? Can I help?"

Nilalabas ko ang mga rekados sa aking lulutuing ulam nang biglang pumasok si Chamuel sa kusina. Mukhang kakatapos niya lang maligo dahil kita kong madampi pa ang kanyang buhok. My eyes wandered over his chiseled frame, taking in every sculpted muscle and sharp contour. Naka-cotton shorts lang siya na kulay brown at puting plain t-shirt. Binat na binat ang tela no'ng t-shirt niya dahil sa kanyang malaking biceps. Kami rito sa bahay ay nagpapaa lang naman kung kaya't naka-paa lang din si Chamuel. Chamuel has long hairy legs.

"A-ano... kaldereta lang sana. Gusto mo ba no'n?" Marahan kong sagot sa kanya.

"May maitutulong ako?"

"Pwede namang ako na lang... k-kung may gagawin ka. Gawin mo muna."

"Wala akong gagawin ngayon. I told you I’d be home today."

"D-dada!"

Sabay kami ni Chamuel na napabaling kay Tegan na nasa kanyang upuan. Pinainom ko ito ng gatas at kita kong malapit nang maubos iyon at nilalaro na ang babyron niya.

Tumingin ako kay Chamuel at umusli ang ngiti sa labi ko nang makita ko siyang ngumiti. Umikot siya sa countertop at saka pinuntahan si Tegan.

"Hey, buddy! Are you full?" anang ni Chamuel kay Tegan at hinalkan ang ulo nito.

Pinisil ni Chamuel ang malusog na pisngi ni Tegan. At natawa naman si Tegan. Hearing my son’s laughter because of his father is like music to my ears, a sweet melody that fills my heart. Moments like these between Tegan and Chamuel are so rare, so beautifully unusual, that they feel almost magical.

"Mitz?"

"O-oh?"

Tumayo siya ng maayos at ang kanyang kamay ay nakahawak sa mga maliliit na daliri ni Tegan. Natawa ako nang makitang sinubo ni Tegan ang daliri ni Chamuel pero mukhang wala lang naman iyon kay Chamuel.

"Hindi ba natin ipapa-enroll si Tegan? Or kahit homeschool muna."

"Sa susunod na taon pa siguro, C-Cham."

Tumango siya sa akin. "Just tell me okay?"

Ngumiti ako bilang sagot sa kanya. It's the first time! First time naming napag-usapan ang tungkol sa pagpapa-aral kay Tegan.

"Pwede ba siyang hindi homeschool?" tanong ko sa kanya.

"Of course! Just let me know kung saang school mo siya gustong i-enroll for pre-school." sagot niya sa akin.

Hinugasan ko ang mga rekados na aking gagamitin para sa kaldereta na aking lulutuin nang tumabi sa akin si Chamuel.

Napalunok ako, naninibago pa rin na ganito na siya sa akin. Parang... bumalik iyong dating Chamuel na kaibigan ko na halos hindi lumalayo sa akin.

"So... what can I help?" aniya.

Tiningala ko siya. "M-marunong kang magsaing? May rice cooker naman."

Tumingin siya sa paligid, mukhang may hinahanap.

"Iyan ang rice cooker." Turo ko sa rice cooker sa kanyang kaliwa.

"Just tell me what to do." anito at nilapitan ang rice cooker.

Tumango ako sa kanya at tinuro sa kanya kung ano ang gagawin. Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang ang gaslaw gumalaw sa kusina. Nakakunot noo pa siya at parang galit.

"It's easy!" anito matapos ang ilang minuto.

Ngumuso lang ako. Nahihirapan nga siya kanina sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Next?" aniya.

"Bantayan mo na lang si Tegan." Utos ko sa kanya.

Nagdugtong ang kilay ni Chamuel. Sa takot ko na magalit siya dahil sa aking sinabi. Babawiin ko na sana iyon nang lingunin niya si Tegan na suso ang babyron nito na halos wala nang laman.

"Charles is behaving well and it seems like he likes watching us here." aniya sabay baling sa akin.

Uminit ang pisngi ko nang ngumiti sa akin si Chamuel. My bottom lip quivered, and tears blurred my vision, threatening to spill over.

"Hey, Mitz!" Chamuel called out, his voice laced with concern as he rushed toward me.

Napatigil ako sa paghihiwa ng sibuyas at pipigain na sana ang matang nanunubig sa luha kaso may kamay na humawak sa aking palapulsuhan.

"You're chopping onions, and you'll use your hand to wipe your tears." Matamang wika ni Chamuel sa akin.

Nag-abot siya ng tissue sa counter at kumuha ng ilang piraso roon at saka pinunasan ang luha ko.

"Kaya ko n-namang punasan ang luha ko."

"Why are you crying?" he asked, lowering his eyes to my hand to see if I had hurt or cut my fingers.

"W-wala naman."

His eyes traveled back to my face. His jaw clenched, and the veins on his neck protruded as if he was straining himself from something.

"Seriously, Mitz, tell me," he pressed, looking into my eyes like he was trying to pull the answers from my dark orbs.

"M-magagalit ka."

Chamuel sighed. "You're... you're doubting me? Do you find me strange for acting like this?"

I sealed my lips and fidgeted with my fingers. Yuyuko na sana ako nang lumapat ang dalawang daliri ni Chamuel sa aking baba at inangat. Nagtagpo ang mga mata namin.

"I know I've been an asshole and a jerk towards you, Mitz. But I promise you... I will try my best to be a better man for you and a better father to Tegan. Oo, marami akong naging pagkukulang at mali sa buhay ninyo. Nagalit ako sa'yo dahil sa nangyari noon, pero babawi ako, Mitz. Please, give me another chance. I only want you and Tegan," Chamuel said softly before closing the gap between us and planting a gentle kiss on my forehead and the tip of my nose.

I cried even harder. Chamuel is a guy who loves to kiss my forehead and the tip of my nose. It feels like my miseries, sleepless nights waiting for him to come home, and all the suffering have finally come to an end.

"T-totoo?" I mumbled, fighting not to stutter.

The corner of his lips tugged upward, giving me a tender smile.

"Yes," Chamuel replied, pulling me closer for a hug.

Yumakap ako pabalik kay Chamuel at binaon ko ang mukha ko sa kanyang balikat.

"I'm so sorry it took me this long, Mitz."

"It's not too late yet, Cham. Tegan and I are still here."

"Hmm," he hummed, tightening his arms around me before kissing my hair.

"You mean the world to me, Mitchell. I don't want to lose you or see you with anyone else. You’re mine... right?" he murmured against my hair.

I nodded. Hindi ko lang alam kung bakit pero naramdaman ko ang panginginig ni Chamuel habang yakap-yakap ako.

"Yes. Oo naman, Cham. Sa'yo lang kami ni Tegan."

Natagalan kami sa aming breakfast dahil sa konting drama na naganap sa kusina. What Chamuel said in our kitchen was enough for me to stay and continue my life with him. I don't know what changed his mind, but I'm thankful to whoever or whatever knocked some sense into him and changed him. Little by little, I know things will return to how they used to be.

Ngayon naliligo kami sa pool. Si Tegan suot ang kanyang rash guard at nagpalutang-lutang ito sa pool dahil sa salbabida niya. Mabuti at hindi mainit dahil nai-enjoy namin ang aming pagligo.

Sumasabog ang tawa ni Tegan habang mahinang sinasabuyan ni Chamuel ng tubig ang mukha nito. Ang matatalis at munting halakhak ng aming anak ang pumuno sa aming pool.

"Cham, huwag mong masyadong pinapatawa iyan. Baka mamayang gabi iiyak na 'yan." Suway ko kay Chamuel na malutong din ang tawa sa bawat halakhak ng anak namin.

"Come here, Mitz!" Kamay ni Chamuel sa akin.

Nasa tabi lang kasi ako at nilulublob ko lang ang aking paa sa tubig.

"Kayo lang muna ni Tegan d'yan, Cham."

"No, come here, Mitz, before I drag you over. You won't like that."

"Ayaw ko nga— Chamuel!!" Ang tili ko nang sabuyan ako ni Chamuel ng tubig!

Ang anak namin ay natawa naman.

"Look, gusto ng anak natin na maligo ka rin. Come on, sunshine." Magaspang na untag ni Chamuel sabay sabuy ulit ng tubig sa akin.

Nag-init ang aking pisngi sa tinawag niya sa akin. I miss it. I miss him calling me that way again!

Umawang ang labi ko nang naramdaman ang malamig na tubig na bumasa sa akin. Binasa nito ang suot kong puting sando.

"Come here," masuyong saad ni Chamuel at mukhang hindi na makatiis sa akin at hinila ako.

"Close your eyes, Tegan." Utos ni Chamuel sa anak namin na para bang naiintindihan siya nito.

Nilingon ko si Tegan at papalakpakan na sana ang anak dahil sinunod nito ang utos ng ama nang biglang kabigin ni Chamuel ang aking katawan.

The water around us rippled.

Chamuel held my waist and pulled me toward him swiftly, caging me tightly. My body quivered in response as he looked straight into my eyes. Our gazes locked.

My heart pounded so fast! Chamuel's warm breath fanned my face, making my knees wobble and weaken!

Nanlalaki ang mga mata ko sa biglang ginagawa ni Chamuel pero kalaunan ay naipikit ko rin ang aking mata. Dinama ko ang kanyang labi na humahagod at hinihimod ang aking labi. Ilang sandali pa ay nanunudyo na ang kanyang dila sa aking ngipin, tila kumakatok at nanghihingi ng permisong pumasok.

"Uhm!" ungol ko nang pagkabuka ko sa aking bibig, kaagad na sinalakay ng dila ni Chamuel ang aking bibig.

Chamuel brushes his tongue along the side of my mouth, scrubbing my gums from corner to corner as if he finds some parts of my mouth wonderful and flavorful.

Umapak ang paa ko sa paa ni Chamuel sa ilalim ng pool at niyakap ang aking braso sa kanyang leeg bago lumipat ng anggulo at gumanti ng halik kay Chamuel. Biting and chewing on his lips, then, I sucked on his tongue.

"Mmm, ahmm," I stifled a moan.

But our kiss was cut short when we heard the doorbell! Chamuel was sucking on my tongue as if he didn’t hear the loud ringing. I tapped his shoulders to get him to stop.

Namumula si Chamuel at pareho kaming hinihingal nang pakawalan niya ang aking labi. Pulang-pula ang kanyang labi at alam kong ganon na rin ang aking labi. Alam k-kong ang aking maputlang labi ay namumula na rin ngayon dahil sa gigil at kagat niya kanina.

"Who the h*ck is that visitor?" Annoyed na anang ni Chamuel.

"B-baka si Eliza, Cham." anang ko at kinuha ko ang braso mula sa pagkakayakap sa kanyang leeg at umalis sa pagkaka-apak ko sa kanyang paa.

"What? That woman?" Inis niya pa ring saad.

"Pupuntahan ko lang, Cham."

"Fine." Labas sa ilong niyang wika at binalingan ang aming anak na nakapikit pa rin ang mata.

"Open your eyes, buddy." rinig kong saad ni Chamuel sa anak namin bago ako umakyat paalis ng pool.

Hindi na ako pumasok sa loob ng bahay dahil basa na ako, umikot lang ako sa bakuran at tinungo ang gate. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Eliza na malaki ang ngiti sa akin. Kaso nangunot ang kanyang noo nang makita ang hitsura ko.

"What happened to you?" Takang wika niya.

"N-naliligo kami sa pool, eh." sagot ko sa kaibigan.

"Ohh," tango niya. "Pumunta ako rito dahil umalis ka bigla kagabi. Nagkita kayo ni... Arkin?"

Sumama ang timpla ng mukha ko. "Huwag na nating pag-usapan iyan, Eliza. Sorry kung pinag-alala kita sa birthday mo kagabi."

"No, it's fine. Hindi ko rin naman alam na uuwi siya at pupunta sa birthday ko. Arkin invited himself."

Tumango ako. "Sige, pasok ka muna." alok ko.

Eliza shook his head. "No, hindi na, Mitz. Aalis din ako—"

Kaso naputol siya nang marinig ang tawa ni Tegan mula sa pool.

"May kasama ba si Tegan sa pool?"

"A-ahh, si Chamuel."

"What?!"

"Nandito siya dahil wala siyang trabaho at—"

"God! I need to see this!" anang ni Eliza at nagmartsa papasok ng bahay.

Bumuntong hininga na lang ako at saka sumunod kay Eliza patungong pool.

Nang makita ni Eliza si Chamuel at si Tegan na masayang nagtatampisaw sa pool ay na-estatwa ito. Mukhang tulad ko, hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Si Chamuel Aguille—"

Napalingon sa gawi namin si Chamuel kung kaya't napatigil si Eliza.

"What are you doing here?" Bruskong anang ni Chamuel kay Eliza. Nagtatagpo ang kilay niya at malamig ang tingin kay Eliza.

"Cham," awat ko naman sa lalaki dahil ang sama ang tingin niya kay Eliza.

Ewan ko rito kay Chamuel. Dati-rati pa talaga ay masama na ang dugo niya rito kay Eliza. Ayaw niya nga ako noong naglalapit o makikipagkaibigan dito kay Eliza pero kasi, si Eliza lang ang naglalakas loob noon na makipagkaibigan sa akin.

"N-nandito lang ako para bisitahin si Mitz."

Pinutol ni Cham ang tingin niya kay Eliza bago kinuha si Tegan sa salbabida nito.

"Really, huh?" Chamuel's sarcastic remarks as he cocked his eyebrows at Eliza.

***
This story is already at chapter 8 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top