CHAPTER 33
Chapter 33
Mitchell's Pov
Kapwa kami ni Chamuel natigilan sa binunyag ni Eliza. Si Eliza ay halos lumuhod na sa harap ko para lang paniwalaan ko siya. Nagsusumamo ang kanyang mga matang walang tigil sa kakaiyak.
Matagal ko nang kilala si Eliza. Sinasama niya ako sa bahay nila at nakakasama ako sa mga party sa bahay nila pero wala akong nakitang kambal niya! Kahit mga larawan ay wala! Ngunit hindi rin sila iyong tipo ng pamilya na maraming display na mga larawan sa kanilang bahay. Tingin ko nga rin nagkakaroon lang ng ingay ang malaking mansyon nila Eliza kapag may mga pagdiriwang.
Sa tagal naming naging magkaibigan... wala siyang nabanggit na kambal niya. Tapos ngayon, sasabihin niyang may kambal siya? At ito ang may pakana sa sa nangyari sa akin noon?
"Eli," may bantang usal ni Chamuel at halos itago na ako ni Chamuel sa kanyang likod.
"Chamuel, maniwala kayo sa akin. Hindi ko magagawa kay Mitz ang ganoong bagay," ani Eli at tumingin sa akin. "Mitz, natatandaan mo ba noon no'ng sinabi ko sa'yong magl-law na ako? I-ikaw ang dahilan ko, Mitz. I-iyong nangyari sa'yo at sa mga ginawa ni Elize, ni Alberta... at ng pamilya namin. Iyon ang nagtulak sa akin na kumuha sa kursong ito. But I think I'm still useless—worthless! Hindi ko pa magagamit ang mga natutunan ko sa law school."
Lumunok siya. Ang lalaki namang si Tristan ay nanatiling seryosong nakatingin kay Eliza.
"I've already had enough of my twin's dirty deeds. Kaya, Mitz, maniwala ka... hindi ako iyong gumawa no'n sa'yo. Handa ako, Mitz, handa akong tumistigo at isiwalat ang lahat ng katiwaliang ginagawa ng pamilya ko. Matigil lang ang lahat ng ito."
Nakatitig lang ako kay Eliza. Hanggang sa may kinalkal siya doon sa kanyang shoulder bag. Nang makuha niya ang kanyang telepono ay kaagad niya ito minanipula at saka niya hinarap ang screen ng kanyang telepono sa amin ni Chamuel.
It was a picture of two young girls. Naningkit ang mata ko sa larawan at bumitiw sa pagkakahawak ko kay Chamuel. Humakbang ako paabante kay Eliza. Parehong-pareho ang mukha ng dalawang bata at halos hindi ko sila ma-differentiate sa isa't isa. Hanggang sa tumuon ang mata ko sa mga mata nilang dalawa. Masigla ang mata ng isang batang babae pero ang isa naman ay tila walang ka-buhay-buhay.
"It was my photo together with Elize. Ito rin ang huli naming larawan na magkasama bago siya... nilayo dito sa bansa. I know na nagdududa ka ngayon sa akin, Mitz, kasi... hindi mo nakikita si Elize sa bahay namin. It's because when we were little n-nasaksak ni Elize ang classmates namin ng ballpen. Nakita ko iyon at dahil doon lumayo na ang loob ko sa kanya. Natakot na ako sa kambal ko. Hanggang sa umuwi ang grandparents namin dito sa Pilipinas at... dinala nila si Elize sa Morocco. Elize was raised there by our grandparents at m-minsan umuuwi rin siya rito. Kaya tuluyan nang lumayo ang loob ko kay Elize at ganon din siya." Paliwanag ni Eliza at saka unti-unting humakbang sa akin. Humawak siya sa kamay ko kaya napaigtad ako.
"Hindi kita ipapahamak, Mitz. Aaminin ko noon na naiinggit ako sa'yo kasi kahit hindi buo ang pamilya mo ang saya mo. Naiinggit ako sa'yo kasi ang simple mong tao pero hindi sumagi sa isip ko na mang-agaw sa kung anong meron ka. Mitz, kambal man kami ni Elize pero hindi ako siya. We may have the same face and share the same genes, but I'm not her, Mitz. I'm not Elize!"
"E-Eli..." Tumango siya. "Akala ko ikaw iyon," at nagsimula nang mamuo ang mga luha ko. "Akala ko ikaw iyong tumulak sa sasakyan ko kaya ako nahulog nang tuluyan sa bangin." Tandang-tanda ko pa ang ngisi ng babaeng iyon sa akin.
Mariing siya umiling at suminghot.
"Eli!" Iyak ko ngunit niyakap lang ako ni Eliza.
"Sorry, Mitz! Sorry sa ginawa ng kapatid ko! I'm so sorry what they did to you!"
Kumapit ako sa balikat ni Eli at saka tumango. "I'm sorry, Eli! Sorry dahil pinagdududahan kita. Sorry sa lahat, Eli!"
"I-It's fine. It's fine! Tutulungan kita, Mitz."
Kumalas kami ni Eli sa aming yakapan. "Sorry..."
Umiling si Eli. "Ssh! Tama na. Namiss k-kita, Mitz. Tatapusin na natin itong laban na 'to, ha?"
A smile crossed my lips, then bobbed my head. Tumingin ako sa lalaking nasa likod niya.
"Oh, Mitz, si Tristan pala. Siya ang tumutulong sa akin ngayon sa pagrereview ko, siya ang mentor ko. Tristan, ito si Mitchell Aragon, iyong kinukwento ko sa'yong kaibigan ko."
Umabante si Tristan at nilahad ang kamay sa akin.
"It's my pleasure to meet you, Mr. Aragon!"
Tinanggap ko ang kamay ni Tristan. "Mitz o Mitchell nalang. I-ikinagagalak ko ring makilala ka, Tristan."
Nararamdaman ko si Chamuel sa likod ko at ang pagsakop ng braso ni Chamuel sa aking baywang. Napaatras ako ng konti dahil sa kamay nito dahilan para maputol ang shake hands namin ni Tristan.
"Grabe naman siya tumulong sa pagrereview mo, Eliza. Sumasama siya kahit saan." Hindi ko mapigilan na mapakomento. May ganon bang mentor?
Tinapunan ng isang tingin ni Eliza si Chamuel bago itinuon ang titig sa akin.
"Actually, Mitz... sumama sa akin si Tristan dahil... tutulong din siya sa atin."
Sumingkit ang mata ko kay Tristan.
"He is a criminal lawyer, Mitz. He is Attorney Tristan Reviro." Patuloy ni Eli.
I looked at him skeptically.
"Mapagkakatiwalaan ba natin siya, Eli? Kaya niya ba ang pamilya mo?"
Tristan cleared his throat. "I understand your hesitation, Mitz, but let me assure you of my competence as a lawyer. If you're uncertain about my capabilities, I can provide you with a record of the cases I've successfully handled. This matter is deeply important to me, Mitz. Importante rin sa akin na makitang nakulong ang mga Lastimosa— lalo na si Alberta Lastimosa."
"I think, dapat hindi natin ito pinag-uusapan dito sa labas." ani Eli at napatingin sa paligid.
"Eliza, Tristan, nasa loob ang pamilya ko." Singit naman ni Chamuel. "Nalaman din ng pamilya ko na buhay si Mitz kaya pumunta sila rito. Maybe we can arrange a meeting tomorrow to discuss this."
"That's fine with me, Mr. Aguilli."
Tumango si Chamuel.
"Sige bukas na lang." ani naman ni Eliza.
At bago umalis sina Eliza at Tristan ay muli akong niyakap ni Eliza. Nakailang sorry din siya sa akin.
At kinabukasan ay doon kami nagtungo ni Chamuel sa condo ni Eliza. Si Tegan ay sinama nina Ma'am Shaine at Sir Donovan pauwi sa kanilang bahay. Si Nanay Isidora naman ay umuwi rin kasama sila Ma'am Shaine.
Ngayon ay kasama namin ni Chamuel si Ate Loraine. Desidido na ako ngayon na tapusin ito. Desidido na akong matapos ang lahat ng ito para sa pamilya ko. Para na rin mamuhay na kami ng tahimik at walang pangamba.
Ngayon ay nandito na kami sa labas ng condo unit ni Eliza.
"Are you okay?" tanong Chamuel nang akmang pipindutin na niya ang doorbell.
Huminga ako ng malalim at saka tumungo kay Chamuel.
"You're not alone anymore, Mitz. Nandito kami para sa'yo." si Ate Loraine.
"Salamat, ate." Hindi siya pumasok sa clinic upang masamahan kami ni Chamuel ngayon.
Nagdoorbell si Chamuel at ilang saglit ay bumukas na rin iyon. Pero nagulat ako nang si Tristan ang nagbukas ng pinto para sa amin! Magkasama sila ni Eli o maaga lang siya ngayon rito? Ngunit nakapambahay lang siya!
Niluwagan niya ang pinto at saka kami pumasok.
"Nasa kwarto pa si Eli, dito muna kayo sa sala. Kukuha lang ako ng maiinom at makakain."
"Hindi na kailangan, atty." Wika ni ate Loraine.
"It's Tristan, Mr. Aguilli."
Ngumisi si Chamuel. "Then, huwag mo na rin akong tawaging Mr. Aguilli, kung ganon."
Malimit na tumango si Tristan.
Nailibot ko ang tingin sa condo ni Eliza dahil ito ang unang pagkakataon na napadpad ako sa condo niyang ito. Malaki siya, maaliwalas at gawa sa salamin ang malalaking dingding. At dahil maaga pa, kita ko ang araw na sumisilang sa harap. Ang dilaw na sinag ng araw ay tumatagos sa salamin na dingding.
"Mitz, good morning! Good morning, Loraine, good morning, Chamuel! Umupo na kayo." si Eliza.
Inakupa naming tatlo ang isang mahabang sofa habang sa tapat na sofa naman ay nando'n si Eli. Bago siyang ligo at naka-tshirt at pants lang.
Dumating si Tristan na dala ang isang tray na may pitsel ng tubig at mga baso tapos may cookies din. Nilapag niya iyon sa center table na may mga puting folders. Tumabi siya kay Eliza pagkatapos.
"Tapos na ba kayong kumain? Pwede namang magbreakfast muna tayo..."
"Kumain na kami bago kami pumunta rito, Eliza." sapaw naman ni Ate Loraine.
Napatango si Eli.
"Oh, kung ganon. Deretso na tayo?" Tumango at ganon din si Chamuel. "'Di ba, may tanong ka kay Tristan kagabi, Mitz? Kung mapagkakatiwalaan ba natin siya?"
Tumango lang ako.
"Mitchell, nasabi ko na naman saying kagabi na importante sa akin ito dahil gusto ko ring makulong si Alberta Lastimosa." ani Tristan.
"A-anong ginawa ni Alberta sa'yo?" tanong ko.
Naitungkod ni Tristan ang siko sa kanyang tuhod. At umigting ang panga nito.
"Napatay ni Alberta ang kapatid ko. Alberta is a playgirl and party girl. Naging boyfriend niya ang kapatid ko. Their relationship wasn’t stable because Alberta had a lot of boys, but my younger brother had it bad. Gustong-gusto niya si Alberta. At isang araw nalaman ko na lang na patay na ang kapatid ko sa loob ng isang hotel. At nang gabing iyon, ang kasama lang ng kapatid ko ay si Alberta. Iyong hotel, tinago ang insidenting iyon dahil sa takot silang maapektuhan ang pangalan ng hotel. Dini-lete ang lahat ng kuhang CCTV at binayaran ang mga taong naglinis sa krimen upang itikom ang kanilang mga bibig. At... alam ko ang lahat ng ito dahil... kasama ang pamilya ko sa binayaran. Ayaw sana iyong tanggapin ng pamilya namin kaso... binantaan kami ng mga Lastimosa. Kaya tinanggap ng mama ko ang pera pero ako... ayaw ko ng ganon."
"Si Alberta lang ang gusto mong makulong pero ako... kasama ang kambal ni Eli." Tumingin ako kay Eliza.
Tumikhim siya, tumango. "Magkasama sina Elize at Alberta nang mapatay ni Alberta ang kapatid ko."
"Atty. huwag mo sanang mamasamain pero, paano pinatay ang kapatid mo? Bakit doon sa hotel?"
Tinapunan ng tingin ni Tristan si Ate Loraine.
"Hiniwalayan ni Alberta ang kapatid ko, kaso hindi iyon matanggap ng kapatid ko kaya pumunta siya sa hotel na tinutuluyan ni Alberta at nagkataong nandon din si Elize. Hindi ko alam kung ano ang naging pag-uusap nina Alberta at ng kapatid ko pero nakita ko sa CCTV na nahampas niya ito ng vase sa ulo. Sa CCTV, kaagad na nawalan ng malay ang kapatid ko at may dugong kumalat sa sahig... hindi ko alam kung anong sumanib kay Elize para lang hampasin ulit ang kapatid kong humandusay na sa sahig."
"Akala ko ba na-delete ang mga CCTV. Bakit lam mo ito at nakita mo?" tanong naman ni Chamuel kay Tristan. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Chamuel.
"May kaibigan ako sa law school noon na IT graduate. Nagpatulong ako sa kanya."
"Kung may mga ebidensya ka, bakit hindi ka nagsampa ng reklamo noon? Bakit ngayon pa?" ani ko.
"Tulad mo, Mitchell. Takot din ako noon at gusto ko munang magkaroon ng koneksyon. Hanggang sa makilala ko si Eliza. A-akala ko rin no'n siya si Elize."
"H-huh?"
"Nagkakilala kami sa review center kung saan ako nag-enroll, Mitz." si Eliza. "Kinumpronta niya ako at halos mapatay rin dahil akala niya ako si Elize... nagdududa siya sa akin noon. Kaya sinusundan niya ako hanggang sa marindi na ako at sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa pagkatao ko at tungkol kay Elize."
"Mitz, narinig ko ang story mo from Eliza hanggang doon sa ginawa ni Elize sa'yo. Mitz, it's our time now. Do you think you can work with us—with me?" His voice was hopeful.
"W-wala akong sapat na ebidensya. Boses ko lang ang meron ako ngayon at hindi iyon sapat." ani ko.
"P-pwede akong maging witness." si Eliza.
"Eli..."
"N-nakita ko ang kapatid ko na sinusundan si Mitz ilang araw bago siya makidnap. Nakita ko nang umaaligid si Alberta at si Elize kay Mitz hanggang sa university kung saan pumapasok noon si Mitz. And even on the day of the accident, I... I saw it. I was there..."
***
This story is already at COMPLETED on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top