CHAPTER 32
Chapter 32
Mitchell's Pov
Nagwala ako nang makita ko si Eliza. Hindi ako nakapagsalita at basta ko na lang itong sinugod kaya mabilis na dumalo sa amin sina Ate Loraine, Chamuel, at iyong lalaking kasama ni Eliza na hindi ko kilala.
"Get out! Umalis ka rito! Alis!" sigaw ko at dinuro si Eliza.
Litong-lito si Eliza at panay ang pag-iling niya.
"Sunshine, calm down," ani naman ni Chamuel habang yakap-yakap ang baywang ko.
"Eliza, please, umalis muna kayo ni Tristan." saad ni Ate Loraine kina Eliza.
"Paalisin mo sila, Cham! Ayaw ko siyang makita!" Welga ko at madiing tinuro si Eliza na umiiyak!
Agarang tumango si Chamuel sa akin.
"Eliza, please, umalis muna kayo."
"Chamuel,"
"Alis na sabi!"
"Please, Eliza... para kay Mitz umalis muna kayo. I think he is not ready yet." sabi ni Chamuel.
Sumulyap si Eliza sa akin at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kumapit ako ng mahigpit sa damit ni Chamuel.
Hinagilap no'ng lalaking si Tristan ang gamit ni Eliza at coat nito bago tumango kina Chamuel at ate Loraine.
Yumakap na ako kay Chamuel at hindi na tiningnan pa si Eliza na umalis kasama ang lalaking si Tristan!
"Mami, are y-you okay?" tanong ni Tegan sa akin.
Ngayon ay nandito kami sa sala. Nanginginig pa rin ako pero hindi tulad kanina.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa tubig ng baso na nangangalahati na. Namumutla pa rin ako at aligaga ang aking mga mata. Umaalon din ng konti ang repleksyon ko roon sa tubig dahil sa kamay ko na nanginginig.
Siguro kasama nang pagbalik ng mga alaala ko ay itong trauma na natamo ko noon. Siguro dala ng alaala ko ang masakit kong nakaraan at ang masalimuot na katotohanan.
"Mami?"
Napukaw ako sa aking malalim na pag-iisip nang biglang dumapo ang malambot na kamay ni Tegan sa aking kamay.
"Baby," usal ko.
Kanina akala ko ay mali lang ang pagkakarinig ko na tinawag akong Mami ni Tegan. Ngayon mas malinaw na sa akin na tinatawag na niya ako sa nakagawian niyang pagtawag sa akin.
"Mami, Daddy said that you remember us now—that you remember me."
Malumanay akong tumango kay Tegan.
Lumabi si Tegan at saka mabilis ang naging pamumula ng kanyang kilay at ilong saka sinundan ng mga malalaking butil ng luha.
Naibaba ko ang basong aking hawak at saka ko niyakap si Tegan.
"Mami!" Nguwa ni Tegan sa dibdib ko.
Ang kaninang panginginig ko sa takot kay Eliza ay unti-unting napalitan ng tuwa dahil kay Tegan. Ewan ko, parang may magic ang yakap ng anak ko. Pakiramdam ko kayang pagaanin ng anak ko ang mabigat kong dibdib sa pamamagitan lamang ng kanyang yakap. Tingin ko... kakayanin ko ang lahat para sa kanya. Tingin ko, wala akong hindi kayang gawin para kay Tegan.
"I love you, baby Tegan. M-miss na miss ka ni Mami! Miss na miss kita, anak!"
Humigpit ang pagkakayakap ni Tegan sa aking baywang at hiyaan ko lang siyang umiyak sa dibdib ko.
Matapos ang mahabang minuto na yakapan namin ni Tegan ay pinakawalan ko siya at saka ko pinunasan ang kanyang pisngi na basang-basa sa kanyang luha.
"H-huwag ka nang umiyak, baby. Nalulungkot si Mami." Humihikbi kong saad.
Kahit man ako ay parang ewan na walang humpay ang pag-agos ng luha pero nakangiti ang mga labi.
Tumango si Tegan. "M-mami, hindi mo na po ako iiwan? Kami ni Daddy?" Sumulyap siya kay Chamuel na nasa kabilang sofa, katabi si Ate Loraine na emosyonal na rin.
Tumango ako. "Hindi na. H-hindi na aalis si Mami, baby. Hinding-hindi ko na kayo iiwan ng daddy mo, okay?"
"I miss you, mami! And I love you so much, mami!"
"Mahal din kita, anak. Mahal na mahal kita!"
Muling yumakap si Tegan sa akin. "Sleep po ulit tayo together, mami! Gusto ko tabi tayo ni Daddy! Every night and every day po!"
"Hmm!" Tango ko naman.
Sa yakapan at iyakan namin ng anak ko ay biglang tumunog ang tiyan nito.
"Oh, gutom ka na, baby? Halika ka, hahainan ka ni Mami ng foods."
"Ako na, Mitchell!" Bigla namang singit ni Ate Loraine.
"Ate, kaya ko naman po." wika ko.
Tumayo si Ate Loraine. "Alam ko, Mitchell, at alam ko rin na miss ninyo ni Tegan ang isa't isa pero... kailangan ninyong mag-usap ni Chamuel tungkol sa nangyari kanina."
"Sasama na lang po ako kay tita Loraine, mami! You talk to daddy na lang po."
"Anak, pwede namang..."
"I'll just finish my milk, mami, and I will wait for you po sa ating breakfast! Para po sabay ulit tayo kakain!"
"Sure ka, anak? Pwede naman kasing sumama ako sa inyo ni tita mo."
"It's okay, mami! Basta po huwag kayong aalis ni Daddy ha!"
Hinaplos ko ang buhok ni Tegan at tumango. "Hmm! Sige na nga!" ani ko at saka hinagkan ang ulo ng aking anak.
Nang makaalis si Ate Loraine at Tegan, lumapit naman kaagad sa akin si Chamuel at saka hinawakan ang mga palad ko. Tiningnan niya ako sa aking mga mata na may pagsusumamo.
"Are you okay, sunshine? Do we need to see a doctor? May masakit sa ulo mo?" Malumanay niyang tanong sa akin.
Tiningnan ko ang aking kamay na tila lumiit dahil sa kamay ni Chamuel na nakahawak doon. Gamit ang libre kong hinlalaki ay hinaplos ko ang umuusling ugat sa kamay ni Chamuel.
"I... I don't like her, Cham."
He heaved.
"Sunshine, Eliza is your best friend. Hindi mo ba siya naaalala? She's dearest to you."
Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong tumingin sa mga mata ni Chamuel dahil natatakot ako na baka may makita siyang rason kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
Alam ko. Alam kong kaibigan ko si Eliza, best friend kami at para ko na siyang kapatid noon. Ngunit noon pa man ay ramdam ko na rin na may nag-iba na kay Eliza. Noon pa man ay alam ko nang may hindi na tama. Kaso... hindi ko lang alam kung alin o ano.
"Alam ko, Cham."
"Sunshine,"
"B-bakit pala siya nandito?" tanong ko at saka lang sinalungat ang titig ni Chamuel.
"Nabanggit ni Loraine sa kanya na... nandito ka na kaya pumunta kaagad siya rito upang makita ka."
"I-iyon lang ba talaga ang rason niya? D-dati ba... no'ng wala ako rito... hindi ba siya pumupunta rito?"
Unti-unting kumunot ang noo ni Chamuel.
"Sunshine,"
"Sagot, Cham."
Bumuntong hininga siya. "Of course, hindi siya napapagawi rito. She's busy with her studies at ngayon naghahanda siya para sa Bar Exam."
"Bakit ako nabanggit ni Ate Loraine sa kanya? Bakit may contact kayo sa kanya?"
Mukhang naguguluhan na si Chamuel sa mga tanong ko dahil sa pagsingkit ng kanyang mga mata at sa pagkunot ng kanyang noo pero sinasagot niya pa rin ako.
"We're resuming the investigation to your sudden disappearance from years ago, sunshine. Sorry kung hindi ko man ito sinasabi sa'yo. Iniisip ko kasi na kakabalik palang ng memories mo. Ayaw kong mag-alala ka o ma-stress."
Napakurap-kurap ako.
"A-at anong kinalaman ni Eli dito, Cham?" Garalgal ko.
"Tutulong siya sa imbestigasyon."
"Huh?"
"Sinabi niyang tutulong siya sa kahit na anong paraan... at nasabi rin niya sa akin iyong nangyari sa'yo... no'ng gabing nakita kita kasama si Arkin."
"C-Chamuel..." My heart skipped a beat in painful manner. Napakapit ako nang mahigpit sa mga kamay ni Chamuel.
Gusto kong itikom niya ang bibig niya. Ayaw kong marinig iyon mula sa kanya kaso walang lumalabas na salita sa bibig ko. Pilit kong binubuka ang aking bibig kaso walang boses na lumalabas.
"I know you're innocent, Sunshine. I know you weren't in your right state of mind, which is why it happened. And in fact... nothing happened between you and Arkin, but there was an attempt. You were drugged. You're a victim, Sunshine. I'm sorry! I'm so sorry, Mitz!" Chamuel said, tears in his eyes.
Bumaha ang luha ko. He knew! Alam na niya ang lahat!
"C-Cham!"
Kinabig ako ni Chamuel at binaon niya ang mukha ko sa kanyang dibdib. Doon ako humagulhol ng iyak sa kanyang dibdib. Kumapit ako sa kanyang damit at saka umiyak na parang bata.
"You're not alone, sunshine. Nandito ako. Mananagot ang dapat managot sa lahat ng gumawa no'n sa'yo. Sa may pakana no'ng pag-drug sa'yo, sa pagkidnap sa'yo, at pati na sa pagtangkang pagpatay sa'yo... mananagot silang lahat, Mitz. I promise you."
Humahagulhol akong tumango sa mga binubulong ni Chamuel sa akin.
Ilang sandali lang ay kumalas din siya sa aming yakapan at pinunasan niya ang basa kong pisngi.
"C-Chamuel," sambit ko sa gitna ng aking mga hikbi.
"Cham, hindi natin mapagkakatiwalaan si Eli."
Natigilan siya.
"Sunshine,"
"Cham, si Eli ang may paka—"
"Mitchell!?"
"Mitchell?!"
Dahil sa bagong dating na mga boses ay naputol ang nais kong sabihin kay Chamuel. Kapwa kami napalingon ni Chamuel sa pintuan kung saan nanggagaling iyong mga boses at doon namin nakita sina Nanay Isidora, Ma'am Shaine, at si Sir Donovan!
Napatayo ako nang makita ko si Nanay! Humakbang ako kaso ilang yapak lang din ang nagawa ko dahil sa panginginig ng aking tuhod. Napahawak si Nanay Isidora sa kanyang dibdib nang makita ako at sina Sir Donovan at Ma'am Shaine naman ay nanlaki ang mata nang makita ako. Para silang nakakita ng multo sa aking pagkatao!
Unang natauhan si Nanay Isidora at ito rin ang unang lumapit sa akin.
"J-jusko! Ikaw na ba talaga ito, Mitchell?!" Umiiyak na saad ni Nanay Isidora at saka pinagpipisil ang katawan ko. Parang sinusuri niya pa kung totoong tao ba ako o ano. Nanginginig ang nga kamay ni Nanay Isidora nang hawakan niya ang mukha ko.
Muling nanubig ang mga mata ko nang makita ko si Nanay na emosyonal. May galak sa kanyang nga mata at labi kaso walang tigil sa kakaagos ang kanyang mga luha!
"I-ikaw na ba talaga ito, Mitchell?" Muling sambit ni Nanay at dinampi-dampi ang palad sa aking mukha. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwalang nandirito ako sa kanyang harapan.
"O-oo, nay. Ako po ito."
"Jusko! S-salamat sa Dios!" ani Nanay at saka doon lang ako niyakap. "Labis mo akong pinag-alala, Mitchell! Pinag-alala mo kaming lahat! Akala namin iniwan mo na kami! Akala namin wala ka na!"
Yumakap ako kay Nanay Isidora. "Sorry po, nay! Sorry po kung natagalan ako."
Ramdam ko ang pagtango ni Nanay. "Huwag ka nang umalis pa, Mitchell!"
Tango lang din ang tanging nagawa ko.
"Mitchell," wika ni Ma'am Shaine sa gilid kaya napakalas kami ni Nanay Isidora sa aming mahigpit na yakapan!
Nagpunas ako sa aking luha at hinarap ko si Ma'am Shaine. Namumula at may mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ni Ma'am Shaine. Parang pinipigilan niya lang ang sarili na huwag umiyak.
"Mitchell!" At sa unang pagkakataon matapos nang mahabang panahon mula nang bumukod kami ni Chamuel mula sa bahay nina Ma'am Shaine ay niyakap ako ni Ma'am Shaine. Hindi ako malapit kay Ma'am noon. Hindi siya malupit pero hindi rin kami nagkakasalamuha noon ni Ma'am masyado sa kanilang mansyon.
"Ma'am Shaine," usal ko lang at saka gumanti ng yakap kay Ma'am Shaine.
"Thank you! Thank you for coming back, Mitchell!" ani Ma'am Shaine.
"Salamat din po sa pagtingin ninyo kay Tegan at Chamuel, Ma'am!"
Kumalas si Ma'am sa aming yakapan.
"Mmm!" Tango niya. "I'm a mother, Mitz but I'm not perfect. May kasalanan ako sa'yo, kay Chamuel. Malaki ang naging pagkukulang namin ni Donovan bilang magulang at saka lang namin iyon napag-isip isip nang mawala ka. We're so sorry, Mitz. Akala ko hindi na darating ang araw na 'to... na makakahingi pa ako ng tawad sa'yo."
Umiling ako kay Ma'am Shaine. "Ma'am, huwag n'yo na po iyong isipin."
"No, Mitz. Nasaktan namin kayo. Hindi namin kayo nagabayan noon. Kami ang nakakatanda, kami dapat ang mas umiintindi."
"Mitchell," biglang pagsingit ni Sir Donovan at tumabi kay Ma'am Shaine. Sa tabi ko naman ay may biglang humapit sa baywang ko at iyon ay si Chamuel. "Sana mapatawad n'yo pa kami, Chamuel, Mitchell. May mga nasabi kaming masasakit sa inyo noon. Oo, magulang kami ni Chamuel pero hindi naman ibig sabihin no'n ay may karapatan na kaming diktahan na lang kayo sa kung ano ang gagawin ninyo. Kaya sana mapatawad ninyo kami."
"W-wala na naman po sa akin iyon, sir Donovan, Ma'am Shaine. Nagpapasalamat nga po ako dahil hindi n'yo po pinabayaan si Chamuel at ang anak namin no'ng nawala ako."
"See how good and sweet my sunshine is, dad, mom?"
Nasundot ko ang tagiliran ni Chamuel dahil sa kanyang sinabi.
"Hmm!" ani naman ni Sir Donovan at si Ma'am Shaine naman ay natawa habang nagpupunas sa kanyang mga luha.
Sa aming pag-uusap ay bigla namang dumating sina Ate Loraine at Tegan na mula sa kusina. Si Ate Loraine pala ang may pakana kung bakit biglang dumating sa bahay sina Ma'am Shaine. Habang nag-uusap kami ni Chamuel dito sa sala kanina ay tumawag pala sila sa bahay. At dumaldal ang anak namin ni Chamuel, si Tegan at nabanggit na nandirito ako sa bahay namin ni Chamuel, kaya ayon napasugod ang mga matatanda rito sa bahay.
Dahil sa biglaang pagsugod nina Ma'am Shaine dito sa bahay nakalimutan na nilang mag-agahan. Kaya naman sabay-sabay na kaming kumain dito sa bahay. Nagluto sina Nanay Isidora at Ma'am Shaine. Kami naman ni Ate Loraine ay tumulong din kahit papaano.
Dahil sa bilis ng mga nangyayari ngayon sa buhay ko, tingin ko tuloy ako pa rin si Jess na walang maalala sa aking buong pagkatao at na nanaginip lang ako ngayon. Nao-overwhelm ako dahil sa mga sunod-sunod na mga nangyayari! Una, bumalik na ang alaala ko, tapos nalaman kong alam na pala ni Chamuel ang nangyari sa akin noon doon sa bahay nila Eliza, tapos ngayon... tanggap na ulit kami ni Chamuel sa buhay nina Ma'am Shaine.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mangamba sa mga susunod na mangyayari sa aming buhay.
"Sunshine, what's wrong?"
Napasinghap ako nang biglang yumakap sa baywang ko si Chamuel mula sa likod. Mabilis nman akong nakabawi nang maamoy ko ang kanyang panlalaking amoy. Sinandal ko ang aking katawan sa kanya.
Gumagabi na at ngayon sina Ate Loraine ay nasa pool, nagn-night swimming. Kami lang ni Chamuel ang nandirito sa sala. Rinig na rinig namin ang mga tawa ni Tegan mula sa labas at ang malulutong na tawa ni Sir Donovan. Nagkakasiyahan na sila sa labas.
"Masaya lang ako, Cham. Hindi ko aakalain na ito pala ang buhay na... babalikan ko matapos ang apat na taon na nawala sa akin."
"Kaya nga dapat magpakasal na tayo, Sunshine."
Bago ako mawala, nakapag-propose na siya sa akin. Kung hindi lang siguro ako nawala baka kinasal na kami.
"Mmm! Let's do that." Tango ko at tiningala si Chamuel. Sinulubong naman ako ni Chamuel ng isang halik!
Kaso ang aming halikan ni Chamuel ay muling naputol dahil sa doorbell mula sa labas. Si Chamuel na sana ang lalabas kaso gusto kong sumama sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan na ang bisita namin ay si Eliza at kasama na naman si Tristan!
"Eliza," ani Chamuel.
Napakapit ako kay Chamuel.
"M-Mitz,"
"Eliza, umalis ka rito!" sigaw ko sa kanya.
Matigas na umiling si Eli.
"No, Mitz."
"Bakit ba ayaw mo, Eli? Anong gusto mo?!"
"Nasasaktan ako, Mitz!"
"Eliza, ako dapat ang magsabi niyan!" May diin kong sabi sa kanya.
"Mitz, hindi mo alam ang totoo!"
"Totoo? Alin doon, Eli? Na ikaw ang may pakana sa pagkidnap at pagkahulog ko sa bangin? Nandon ka no'ng nahulog ako, Eli! Nakita kita!" Bulyaw ko! Ito sana ang gusto kong sabihin kanina kay Chamuel kaso dumating sila Nanay Isidora.
Napasinghap si Chamuel.
"No, Mitz! Hindi ako iyon! Nagkakamali ka!" Pagmamatigas ni Eli.
"Huh? Ako pa talaga ang gagawin mong sinungaling, Eli?"
"Mitz, I cannot do that to you! Kaibigan kita! God knows kung gaano ka kahalaga sa akin, Mitz! Handa akong talikuran ang pagiging Lastimosa ko para sa'yo! Iyong nakita mo nang mahulog ka sa bangin... kung akala mo ako iyon p'wes nagkakamali ka. You've mistaken me for my twin sister. It wasn't me; it was Elize!"
***
This story is already at COMPLETED on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top