CHAPTER 3

Chapter 3

Mitchell Pov

"I... I can really explain, Cham. I didn't know that he would be there. Ang sinabi ni Eliza sa akin ay wala siya because of his work, that he is in Singapore. Nagulat din ako nang makita siya roon. I promise, Cham." Ang litanya ko pagkarating namin ni Chamuel sa bahay.

Walang imik na umakyat si Chamuel sa taas, sinundan ko siya ng tingin at nakita ko ang padarag niyang pagtanggal sa kanyang facemask at ng kanyang cap.

Bumuntong hininga ako at umakyat na lang din sa taas kasama si Tegan na natutulog sa aking bisig.

Ayaw kong mag-away ulit kami. Ayaw kong makita ni Tegan ang pag-aaway naming dalawa. Alam ko kasi kung gaano kadali uminit ang ulo ni Chamuel. Nagulat nga ako ngayon dahil hindi niya ako sinigawan. Akala ko talaga kanina kakaladkarin niya ako paalis doon sa bahay ni Eliza nang makita niya si Arkin. Pero tahimik lang siyang pumasok sa kotse.

Ngayon ay nanginginig ako dahil simula kanina ay hindi ako iniimik ni Chamuel. Parang pareho lang ito sa bulkan na mukhang payapa at kalmado ngunit bigla-bigla na lang nag-aalburuto.

Binihisan ko si Tegan at saka ito saglit na sinamahan sa kama. Nang mahimbing na ang tulog ng bata ay dahan-dahan akong umalis sa kwarto ni Tegan. Pinatay ko na rin ang ilaw sa ceiling ng kanyang room at iniwang bukas ang isang lampshade sa tabi niya.

Ayaw ko mang hiwalay kami ng kwarto ni Tegan ngunit mas pinili ko ito kaysa naman makita ng anak namin ni Chamuel ang aming pag-aaway na halos araw-araw na nangyayari kapag nandirito siya sa bahay.

Pinisil ko ang aking mga daliri dahil nanginginig ako sa takot at kaba. Maaari kasi na pagbukas ko sa pintuan ng kwarto namin ngayon ni Chamuel ay batuhin niya ako ng vase o ng mga gamit. Maaari ding masampal na naman ako.

Matamlay akong tumungo sa kwarto namin ni Chamuel na halos bago ang lahat ng gamit. Syempre kapag nambabasag siya ng gamit bumibili rin siya ng bago. Pinapa-deliver niya rito sa bahay.

Dahan-dahan kong pinihit ang busol ng pintuan sa kwarto namin ni Chamuel. Nagpipigil hininga pa ako dahil baka may bagay na lilipad sa mukha ko kaso nang makapasok ako sa kwarto namin ay payapa naman doon.

Napakurap-kurap ako. 'Di makapaniwalang nakatingin kay Chamuel na nagbabasa ng libro at nakasandal sa headboard doon sa aming malaking kama.

Napaigtad ako nang biglang magsalita si Chamuel.

"Faster matutulog na ako." Aniya, closing the book on his hand. His eyes pierced through me. Kahit na naka-reading glasses siya ay tumatagos pa rin doon ang pagkalamig niyang tingin sa akin.

Kahit na ilang taon na kaming nagsasama ni Chamuel sa iisang bahay. Halos lumaki nga ako na kasama siya, eh. My gaze lingers on him, captivated by the enduring admiration. There's a rugged handsomeness about him that time hasn't dimmed.

Kagaya ngayon nakasandal siya sa headboard ng aming kama. Naka itim na sando siya at may naka-hang na reading glasses sa kanyang ilong pero ang gwapo niya pa rin para sa akin. Binat na binat tuloy ang suot niyang sando dahil sa malaki niyang katawan.

"Tatayo ka lang ba d'yan?" Istriktong wika ni Chamuel na nagpagising sa diwa ko.

"Ah, oo. Maliligo lang ako. Bibilisan ko." ani ko at tumungo kaagad sa aking closet upang kumuha ng pantulog kong damit. Kukuha na rin sana ko nang towel nang magsalita na naman si Chamuel.

"There's still a clean towel in the bathroom."

"S-sige salamat!" ako at binigyan ko ng isang tingin si Chamuel bago kumaripas tungo sa bathroom.

Natampal ko ang aking dibdib dahil sa inasal ni Chamuel. It feels like bumabalik na ang Chamuel na kilala ko noon kaso ayaw kong paasahin ang sarili ko. Baka nakainom lang iyon.

Nag-shower ako nang mabilis at b-in-lower ko rin ang aking buhok bago lumabas ng bathroom.

Pagkalabas ko ay nakahiga na si Chamuel sa kanyang pwesto. Nakakapanibago na magkasama kami sa iisang kwarto. Lagi kasi siyang wala rito sa bahay at halos 'di natutulog dito kaya naman kinakabahan ako. What if sakalin niya ako habang natutulog?

Umiling ako at pinatay ang ilaw ng kwarto bago sumampa sa kama. Naiwang bukas ang lampshade sa tabi ni Chamuel.

I prayed before closing my eyes dahil baka ito na ang huling tulog ko sa silid na ito.

Kaagad akong dinalaw ng antok at tuluyan nang nakaidlip. Payapa kasi ang gabi ko ngayon. Kaso sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay nakaramdam ako ng isang mabigat na bagay na nakadagan sa akin.

Mabilis kong naimulat ang mga mata. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang braso ni Chamuel na nakayakap sa aking katawan at ang binti naman nito ay nakatanday sa akin.

"C-Chamuel." Usal ko.

I tapped his arms that was resting over my chest but he didn't budge even a bit. Tulog na tulog siya.

"Chamuel," gising ko ulit sa lalaki.

"Hmm." Ungol lang nito at sa 'di inaasahan ay mas inilapit nito ang mukha sa akin hanggang sa lumapat na ang ilong nito sa nuknok ng aking leeg.

Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil posisyon namin ni Chamuel. Papaano kung magising ito at makita ang posisyon namin ngayon? What if isisi ako nito kung bakit ganito ang posisyon namin pagkagising niya?

"I love you, Mitz."

My heart stops its rumbling beat when Chamuel murmurs against my neck. Tears form in every corner of my eyes and trickle down like a waterfall. My heart aches inside my chest with joy.

"I love you too, Cham... I love you even if it hurts," I whispered back.

In the most unexpected time, place, and moment, why did Chamuel say that? I hate Chamuel. I hate how he was able to wrap me around his hands. I hate how weak I am when it comes to him.

Kaya rin siguro noon nang ayain niya akong sumama sa kanya hindi ako nagdalawang isip na sumama rito. Perhaps it's because I truly love him so much. Maybe I'm enduring all the pain right now because I genuinely love him despite it all. Siguro hindi ko na lang iniinda ang lahat para kay Tegan kundi para rin sa sarili ko? Siguro lihim ding akong umaasa na balang araw bumalik iyong Chamuel na minahal at ginusto ko.

"Chamuel." I whispered but he only hugged me tight.

Nakatulog akong muli sa kabila nang pagwawala ng aking sistema. Hinayaan kong yakap ako ni Chamuel. Hinayaan ko itong makatulog sa aking dibdib.

The next time I opened my eyes bumungad sa akin ang malapad na dibdib ni Chamuel. Nakayakap ang mga braso ko sa katawan niya at ganoon din ang mga braso niya sa akin. 

I pushed my head away from his chest and looked up.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Chamuel na gising at mukhang malalim ang iniisip. Hindi kasi nito napansin ang aking paggalaw.

"Chamuel," tawag ko rito.

Nang tumingin si Chamuel sa akin ay napalunok ako nang malalim. I tried to push my body away from him and explain to him but his arms firmly jailed my body against his.

"Cham-"

"Ito ba ang nagagawa ko sa'yo, Mitz?" mahinang tanong nito.

Unti-unting nagusot ang aking noo.

"Hindi kita maintindihan, Chamuel."

"I just realized how rude, insensitive, and mean I have been to you. At ito ang nagagawa noon sa'yo. You didn't trust me anymore, are you?" anito.

Hindi ko siya maintindihan. What was happening? Bakit naging ganito si Chamuel? Kakaaway lang namin kahapon, tapos biglang ganito?

"H-hindi naman sa ganoon, Chamuel."

"Just be honest, Mitz. I won't harm you."

Napakapit ang kamay ko sa tila ng kanyang sando.

Tumango ako.

"Sinasaktan mo ako, Chamuel. Pinagbuhatan mo ako ng kamay, sinisigawan mo ako and you called me names. And what you' are doing right now confuses me." saad ko at hindi ko inaasahan ang pagtulo ng mga luha ko.

Chamuel pushed my head into his chest and allow me to cry there. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga halik niya sa balunbunan ko.

"I'm sorry, Mitz. I'm so sorry." aniya pero mas lalo lang akong ngumuwa. "Babawi ako. Babawi ako, Mitz. Ayaw kong mawala ka sa akin, Mitz. Ayaw ko no'n. Sorry."

Chamuel Pov

"I... I hurt him, dude." I said in fractured sentences. Hindi tumitigil ang kamay ko sa panginginig habang inaalala ko ang paglapat ng palad ko sa pisngi ni Mitz. At parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang pagsampal ko kay Mitz.

Ronan and I were on an exclusive bar Makati. Si Ronan ay kaibigan ko since college at manager ko rin. Maagang natapos ang aking shoot ngayon at may party nga kami together with the other cast sa isang film na aming ginagawa pero maaga rin akong umalis kasama si Ronan dahil hindi ko magawang mag-enjoy doon kasama ang iba.

"That's why you spaced out most of the time kanina?" Ronan asked as he gulped down his own beer.

Tumango ako.

"Mahal mo si Mitchell. Mahal mo ang anak ninyo pero, bakit, Cham? Bakit mo sila sinasaktan? I don't understand. Nito mo lang sinabi sa akin ang lahat-lahat tungkol sa pamilya mo at sa totoo lang... napakagago mo." Wika ni Ronan.

Para akong nasampal sa kanyang sinabi.

"I don't want to lose, Mitz over some other guy, Ronan." Madiing kong saad habang nakatitig sa aking beer.

Natampal ni Ronan ang counter top, kita ko ang pagbilog ng mga mata ng bartender sa aming harapan.

"Edi, gago ka ngang tunay! Ayaw mong mawala sila pero, dude sinasaktan mo. What you are doing is physical abuse, emotional abuse tanginang lahat ng abuse ginawa mo yata! Pati sa tawag sinisigawan mo, dude."

"But I have never sexually abuse him, Ronan."

"That doesn't make you less sinner and asshole, Cham. Fuck! I've never know that you are this brute, Cham." Hindi makapaniwalang anas ni Ronan. 

Napapikit ako. I really want to make up with Mitz pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. May halaga pa ba ang mga sorry ko sa kanya kapag ginawa ko? Magtitiwala pa kaya siya kapag sinabi ko sa kanyang mahal ko siya after all the bad things I inflicted upon him?

I want to avenge, really. I really wanted to make him feel the pain he caused me when he slept with the other guy. But if that means losing him, I don't want to, lalo na kapag doon sa lalaking iyon. Hindi kasi malilimutan ng utak ko ang nangyari dati. That was three years ago, but the image of Mitz under that guy made my skin itch.

"I don't know your story with Mitchell, Cham. Hindi ko alam kung ano ang naging puno't dulo kung bakit ka nagkakaganito pero kung ayaw mong mawala sila sa'yo. Better change that attitude of yours because sooner or later baka mapagod na rin sila sa'yo. Iiwan ka talaga, iyang kinakatakutan mo mangyayari talaga 'yan." Ronan stated and nudge my shoulder with his.

"One bottle at uuwi na tayo." Sunod niyang saad at hindi na ako umimik pa.

At nang makauwi ako ay sinalubong kaagad ako ni Mitz nang paalam niya na aalis siya dahil birthday ng kaibigan niyang si Eliza, wala rin akong tiwala sa babaeng iyon. In the end, nasigawan ko ulit siya.

Fuck this!

Patago kong pinagmamasdan si Mitz na sinundo ng kaibigan niya. Nang makaalis sila ay humiga ako sa sofa sa aming sala. Itinakip ko ang isang braso ko sa aking mga mata at pumikit.

Sinadya kong ayaw palabasin si Mitz at si Tegan dito sa bahay dahil sa career ko, yes I am that selfish. Pero ang malalim kong dahilan ay baka makita si Mitz ng lalaking iyon. Muntik na niyang makuha si Mitz sa akin noon, and I won't let that happen again. Ni hindi ko nga siya pinabalik sa school dahil sa kasakiman ko. Bahala na si Mitz mag-isip na kinukulong ko sila rito ni Tegan. I will let him think that way than confess to him, na takot pa rin ako until now. Kasi noon sinabi niyang mahal niya ako pero, bakit nakipagsiping siya sa lalaking iyon?

Hindi ako makatulog habang iniisip ko na nasa labas si Mitz at Tegan kaya naman sumunod ako sa kanila doon sa bahay ni Eliza. Naghintay ako sa kanila ni Tegan sa labas ng bahay.

Nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa bahay nina Eliza ay tatayo na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Arkin, ang lalaki ni Mitz dati.

Kumuyom ang mga kamao ko. Nangangati ang mga kamao kong suntukin ang lalaki ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil sa mga sinabi ni Ronan sa akin.

Akala ko nasa Singapore ang lalaking iyon? How the hell come na nandirito siya sa Pilipinas? Nagsinungaling ba sa akin si Mitz? Nakipagkita ba siya sa lalaking iyon?

Walang imik akong pumasok sa kotse at hanggang sa pagkarating namin ni Mitz sa bahay ay hindi ako umimik. Mas pinili kong maging tahimik dahil baka masigawan ko na naman siya.

While waiting for Mitz inside our room, nagkunwari akong nagbabasa pero ang totoo wala naman talagang pumapasok sa isip ko sa mga litrang nababasa ko.

It's been a long time since the last time I hugged him. It's been a long time since I shared a bed with him na hindi kami nag-aaway, na hindi ko siya sinusumbatan. And it feels warm having him in my arms again.

'Babawi ako, Mitz. Sana hindi pa ito huli.'

Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanila ni Tegan pero handa akong tumigil sa pag-aartista ko para sa kanila. Handa akong lumayo sa career na gusto ko para sa kanila.

"Magluluto pa ako." Si Mitz at nagpunas sa kanyang basang pisngi. I helped him wipe his tears. "Wala ka bang lakad ngayon? Ang trabaho mo?"

"Tapos na kami doon sa short film na aming ginawa."

"Iyong launching ng movie ninyo sa Hollywood?" 

Ang tinutukoy niyang movie ay iyong action-mystery movie na aking ginampanan. Last year pa namin iyon simulan at natapos noong katapusan ng taon. Tapos nasundan sa current film na aming ginawa na kakatapos lang din ng shoot. Pero sa kalagitnaan pa ng taon iyon ipapalabas. 

"It'll be next month, sa March."

"So, dito ka lang sa bahay buong araw?"

Tumango ako.

"Hmm."

Ngumiti siya. I missed those small smile.  Mitz is such a beauty, kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit nagustuhan din siya ng lalaking iyon. Nonetheless, Mitz is mine to begin with. Akin siya mula noon at hanggang ngayon. Walang ibang pwedeng kumuha sa kanya mula sa akin. Mitchell Aragon is mine... alone!

***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂

~Merry Christmas, Engels! Sana nagustuhan ninyo ang update. Hehe, tumatanggap po ako ng xmas gift thru gcash.
— 0910 454 1976

- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top