CHAPTER 2

Chapter 2

Mitchell Pov

"Wala si Chamuel?" tanong ni Eliza sa akin nang makitang kami lang ni Tegan ang lumabas ng gate sa bahay.

Inayos ko ang hoodie ng jacket ni Tegan. Bakas sa mukha ng anak ko ang saya na lumabas sa amin kahit na 'di niya pa naman alam kung saan kami tutungo ngayon.

Nginitian ko lang si Eliza na binagbuksan kami ni Tegan ng pintuan sa passenger seat.

Sinagot ko si Eliza bago sumakay sa kanyang kotse.

"Nasa loob pero mukhang wala sa mood, eh."

Sarkastikong tumawa si Eliza saka sinara ang pintuan at umikot sa driver's seat. Binuhay niya ang makina ng kotse at saka dahan-dahan na umusad.

"Kailan ba nasa mood ang tarantadong 'yon?" Umismid si Eliza habang nakatingin sa daan. "Alam mo Mitz. Hindi ko na alam kung maiirita ako o hahanga sa pagiging martir mo d'yan kay Chamuel. Hindi biro ang ginagawa mo, eh." Dagdag nito habang ang mata ay nanatili sa daan.

Tumingin lang ako sa anak ko na siyang nag-iisang rason kung bakit ako lumalaban ng ganito. Ang rason kung bakit hanggang ngayon nagtiis ako sa puder ni Chamuel.

Naiintindihan ko si Eliza. Naiintindihan ko kung bakit siya naiirita o nagagalit dahil 'di naman talaga katuwa-tuwa itong sitwasyon ko kay Chamuel. 'Di nakakatuwa itong relasyong meron kami ni Chamuel. Ipagsiksikan ba naman ang sarili sa taong sukang-suka na sa iyo.

Ako ay kumakapit kay Chamuel kasi mahal ko siya at may anak kami. Kumakapit ako sa kanya kasi hindi ko kayang bigyan ng magandang buhay ang anak kung sakaling aalis ako sa kanya. Kapag nasa puder kami ni Chamuel alam ko na mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang anak namin. Oo namin. Kasi kahit na 'di magawang mahalin ni Chamuel si Tegan na kagaya ng pagmamahal ko sa anak namin. Ama niya pa rin si Chamuel. Alam ko. Kahit na hindi kami magawang ipakilala ni Chamuel sa mundo niya at sa kanyang pamilya, ama pa rin siya ng anak namin.

Mahal ko si Chamuel pero 'di naman ako magiging ganito kung wala kaming anak. 'Di ako magpapakatanga ng ganito at magpapabulag ng ganito kung wala lang kaming anak. Mahal ko si Chamuel pero handa naman akong iwan siya. Kung sana lang hindi ako na buntis. Kung kaya ko lang umalis ngayon at kung wala lang kaming anak. Matagal na akong lumayo rito. Nagtitiis lang din naman ako para kay Tegan.

Lumaki akong inggit sa may mga nanay at tatay sa tuwing may recognition day sa school. O, school activities na dadalhin mo ang parents mo sa school. Naiinggit ako, kasi bakit wala na kong magulang? Bakit walang natira sa akin? Hindi naman ako galit sa nanay ko kasi 'di niya naman kasalanan na namatay siya dahil sa panganganak sa akin. Ang akin lang ay inggit dahil sila may parents, ako wala. Hindi ko kasi naramdaman at naranasan magkapamilya. Hindi ko alam ang pagmamahal ng isang magulang kaya bumabawi ako sa anak ko. Kahit sa anak ko man lang maranasan niya ang bagay na hindi ko naranasan noon.

Ayaw ko na ganoon ang maramdaman ng anak ko. Ayaw ko na magaya siya sa akin. Ayaw ko na maramdaman niya ang ganoon kasi ang hirap at ang sakit.

Kaya nga pinangako ko sa sarili ko na kapag ako nagka-anak at nagkapamilya, gagawin ko ang lahat buo lang kami. Gagawin ko ang lahat h'wag lang maramdaman ng anak ko ang dinanas ko noong bata ako. At saka gusto kong iparanas kay Tegan ang buhay na 'di ko naranasan noon. Tinaga ko 'yan sa puso  at isipan ko. 

"Niintindihan kita Eliza pero..." Tiningnan ko ito na seryosong nagmamaneho. "Hindi na lang kasi ako lumalaban para sa sarili ko. Lumalaban ako para sa ikabubuti ng anak ko. Kaya hangga't kaya ko pa. Hangga't may ilalaban pa ko at nandirito pa si Tegan. Kakayanin ko at 'di ako aalis kay Chamuel. Saka may pinapatunayan ako sa kanya, e." I bittersweetly smiled before kissing the forehead of my baby Tegan.

Walang pang kamalay-malay ngayon si Tegan sa nangyayari sa amin ng Daddy Chamuel niya at sana huwag munang dumating ang araw na maiintindihan na niya ang mundo na hindi ko pa naaayos ang pamilya namin. Sana...

"But if you want to run away, Mitz," Kinapa ni Eliza ang kamay ko at pinisil ito. "Nandito lang ako. Itatakas kita dito. Ayaw kong nakikita kang ganito, eh. Nasasaktan ako bilang kaibigan mo." Namula ang mga mata ni Eliza.

Tumango ako kay Eliza pero hindi ko talaga pinasok sa isip ko ang kanyang suhestiyon.

Ilang leksyon pa ba ni Eliza ang kailangan ko para matauhan ako? Ilang pangangaral niya pa ba ang kailangan ko para magising na ako at makaahon ako rito? Tingin ko sa pagkalugmok kong ito ay 'di na kailangan ng pangaral o anumang leksyon ni Eliza. Pinili ko na 'to, e. Ito na iyong pinili kong daan para sa anak ko at sa pamilya ko.

Pinasok ni Eliza ang sasakyan niya sa kanilang garahe at saka kami bumaba ni Tegan nang pagbuksan kami ng Ninang Eliza niya. Itong si Eliza kahit na anuman ang mga sinabi niya sa akin kanina ay winawaksi niya lang ito kagaya ng lagi niyang ginagawa.

Karga ni Eliza sa isang braso niya si Tegan at ako naman ay hinatak na niya sa loob ng bahay nila—mansyon nila. Nagdalawang isip pa kasi ako kasi merong hiya sa akin.

Saglit akong natiglan nang makita ko ang mga bisita ni Eliza. Mga pamilya niya lang ito. Ako lang yata ang kaibigan na inimbitahan niya rito.

Sinalubong ako ng ina ni Eliza.

"Mitchell? Oh my god! It's you nga!" Sinalubong ako ni tita Emerald ng isang mahigpit na yakap. Ninamnam ko ang yakap ni Tita Emerald.

Kilala ko si tita Emerald since lagi akong napapadpad dito sa mansyon nila noon. At dito ko nga nakilala si Arkin.

"Kumusta na po, tita."

"Feeling good and feeling young!" Tita exclaimed and giggled a bit.

Napailing si Eliza sa tabi ko. Ngumiwi pa ito ng palihim.

Lumapit din sa amin si tito Enrile, ang ama ni Eliza at asawa ni Tita Emerald.

"Mitchell, glad that you're here."

Nakipagbeso ako kay tito.

"Hello po, tito."

"Wait," biglanag singit ni Tita Emerald habang nakatingin sa batang karga ng anak nila na nasa tabi ko.

"Kaninong anak ito? Eliza!" Nahimigan ko ang pagkaistrikto sa tono ni tita Emerald.

"A-ano po... si Tegan po ito. Anak ko."

Halos sinukin ako sa lakas ng kabog ng puso ko nang sagutin ko si tita Emerald. Tumitig ako kay tita Emerald at nakita kong dahan-dahan na nawala ang pagkaseryoso nito. Ako naman ay nakahinga ng maluwag nang kunin lang nito si Tegan kay Eliza.

Akala ko ay uusisain pa ako nito o magtatanong kaso madaling nabighani sina tita Emerald at tito Enrile kay Tegan.

Si Eliza ay lumapit sa akin at sinundot ang tagiliran ko. Sumulyap ako sa kanya at kapwa kami napangiti.

Binalik ko ang atensyon ko sa anak na ngayon ay tumatawa kasama ang mga magulang ni Eliza. Napapatanong at napapaisip tuloy ako kung ganito rin ba kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Chamuel once na malaman nila na may apo na sila. Masaya ako na kahit na wala masyadong taong nakakahalubilo si Tegan ay hindi ito umiiyak sa mga bagong tao na nakikita niya. Amg energetic pa nga ng anak ko. Gustong-gusto ang maraming tao.

Aliw na aliw ang mga magulang ni Eliza kay Tegan pero kinuha ko rin ito para pagkainin.

Binigay muli ni Eliza ang aking anak sa kanyang mga magulang matapos kaming kumain. At dahil gustong-gusto ng mga ito ang bata, hindi naman sila umangal. Si Tegan kasi ang tao o kausap lang ang kulang sa kanya. Lumalaki na ang anak ko na ang ninang Eliza niya at ako lang ang kanyang nakakausap kaya nakakatuwa na hindi siya takot sa ibang tao.

"Eliza, saan mo ba ang dadalhin?" Angal ko sa aking kaibigan nang hilahin niya ako palalabas sa bahay.

"Do'n tayo sa poolside nando'n ang alak."

I tried to pulled my hand away from her grip pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa poolside. Napaatras ako nang bumungad sa akin ang kanyang mga pinsan.

My heart drumming inside my chest. Akala ko... akala ko iyong nasa loob lang ang bisita ni Eliza? Akala ko wala ang mga pinsan niya? Kaso bakit ang daming tao?

"Eliza akala ko-"

"Tara na!" Hila niya sa akin.

My knees started to rock.

Pinasahan si Eliza ng pulang disposable cups ng kanyang pinsan. Binigay ni Eilza sa akin ang isa no'n at sa kanya naman ang isa.

"Happy birthday to our birthday girl!" Pasimuno ng lalaking pinsan ni Eliza saka sabay na inangat sa ere sa baso.

Awkward kong itinaas ang baso para makasabay sa kanila. Malikot ang mata ko sa buong lugar. Naka trunk shorts at bikini silang lahat samantalang kami ni Eliza lang ang balot na balot.

Umindak sa ere ang mga tao nang pinatugtog ng DJ ang Turn Down for What by DJ Snake & Lil Jon. Ang ingay ng mga sigaw at tili ay humalo sa tugtog. Idagdag pa ang mga ingay ng mga katawang bumagsak sa pool na puno ng bula. 

"Inom na." Galgal ni Eliza sa akin saka sadyang inilapit ang aking kamay na may hawak na baso sa aking bibig.

Eliza encouraged me to drink at dahil kaarawan niya ay pinagbigyan ko ito. Ininom ko ang alak at mariing pumikit dahil sa tapang ng alak na dumaloy sa aking lalamunan.

Hinila si Eliza ng isang pinsan niya para sa isang body shot doon sa isang lalaki na hula ko'y barkada yata ng pinsan niya. Iling na hinubad ni Eliza ang suot na kamison, revealing only her plunge bra. Her healthy boobs bounces.

Humiga si Eliza sa isang mesa at binudburan ng asin ng isang lalaki ang valley ng dibdib ni Eliza. Sunod ay piniga nito ang kalamansi sa may puson ng aking kaibigan. Nagkagulo ang mga nanonood, 'di magkamayaw sa mga sigaw ang pumuno sa lugar. Nilagok ng lalaki ang alak mula sa disposable cup at saka mabilis na dumila sa may dibdib ni Eliza at sunod sa puson nito.

May ngiti sa labi akong umiling.

Tumalikod ako pagkatapos no'n at pumasok sa pintuan pinasukan kanina nang mapako ang paa ko sa aking kinatatayuan nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Ang ngiti sa aking mga labi ay unti-unting nawala. Nalukot ng kamay ko ang hawak na disposable cup at umapaw ng konti ang laman no'n na alak dahil sa pagkakapiga ko sa cup.

The chill of whisky seeped into my fingers. I felt my heart race the longer my gaze rested on the man standing meters away from me.

Arkin is wearing an army green jacket, faded jeans, and sneakers. Nakasalampak sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang kamay. His lips twitched up a bit, the repercussions of my heart making me deaf to my surroundings. I can only hear my racing heart in my ears, and my pulse was pulsating.

"Long time no see, Mitchell," he uttered, using his deep and throaty voice.

"Arkin?" My forehead knitted in confusion.

He started to advance towards me, but my feet staggered backwards. I raised my hand to stop him from coming closer.

"Mitchell?"

"What are you doing here? I thought you wouldn't be coming. I thought you were in Singapore," I was beyond thankful that my voice didn't crack.

"I just landed. Eliza didn't know."

Sumilip siya sa transparent sliding door na aking pinasukan. Nagsasayawan na sa labas at halatang nakakainom na ang iba roon dahil may nagm-makeout na sa isang tabi at may naghahalikan rin.

I twisted my neck to see Arkin, but to my surprise, he was now standing a few steps away from me. I clutched my chest and nervously stated, "Arkin,"

"What happened to you, Mitz?"

Tiningala ko siya dahil sadyang matangkad talaga si Arkin kaysa sakin. Kung hindi nga ako nagkakamali ay mas mataas si Arkin kaysa kay Chamuel o baka same height lang.

Umigting ang panga nito.

He was about to touch me when I jerked my face away from his hand.

Nakuyom nito ang kanyang kamay. Binaba niya ito na nanginginig.

"Sinong may gawa sa pasa ng mukha mo?" tanong nito sa akin.

I cupped the side of my face, kung saan ang pasa na tinutukoy niya. I was thankful na hindi ito napansin ni Eliza kanina pero hindi ito nakatakas sa mata ni Arkin na matagal na akong hindi nakita. It has been three years pero parang memorado niya pa rin ako.

"N-nabundol lang habang naglilinis ako sa bahay-"

"Pinagtatrabaho ka ng gagong Chamuel na iyon?"

My hand balled on my sides.

"H-hindi. I was doing it with my... own will." Pagsisinungaling ko rito.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko to stilled me.

"Arkin, ano ba? Baka may makakita sa atin!" ani ko sabay waksi sa kanyang kamay nang humigpit ito sa aking braso.

"Sabihin mo, Mitz. Sinasaktan ka ba ni Chamuel?"

Nanlaki ang mata ko. Umiling kaagad.

"Hindi."

"Nagparaya ako noon, Mitz. Nagparaya ako noon dahil sinabi mo... at dahil akala ko mahal ka ni Chamuel pero, bakit may ganito? Bakit may pasa ka?"

His breathe fanned me.

Kumurap-kurap ang mga mata ko sa luhang paparating.

"Mahal niya ako, Arkin. Mahal niya ako at ng anak namin. Kaya please lang bitiwan mo ako, Arkin." Pilit ko rito.

Inaagaw ko ang kamay ko sa kanya kaso mas malakas siya kumpara sa akin.

"Bakit nagsisinungaling ka para sa gagong iyon, Mitz. Bakit ang hilig mong pagtakpan ang lalaking iyon?" Tila nasasaktan niyang turan.

"Wala kang alam, Arkin."

Sa muling pagwaksi ko sakanyang kamay ay nagtagumpay na ako.

"Alam ko, Mitz. May alam ako! Mitz, umalis ka na sa lalaking iyon."

Nanghahamon akong tumingin sa kanyang mga mata.

"Aalis ako? At saan kami pupulutin ng anak ko-"

"Sa akin!" He roared, his minty breath wafting into my face.

"Nahihibang ka na, Arkin. Huwag mong kalimutan na dahil sa'yo kaya..." Hindi ko natuloy ang sinasabi nang tumulo ang luha ko.

Inis kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi at nilampasan si Arkin na nakatanga roon. Tinapon ko ang disposable cup na akin pa palang hawak nang makakita ako ng isang trash bin. Ayaw ko nang balikan pa ang mga nangyari noon.

Dumaan ako sa sala at kinuha ko si Tegan mula kina Tita Emerald at Tito Enrile. Nagpaalam ako sa kanila at sinuot ko kay Tegan ang kanyang jacket.

Palakpak nang palakpak ang anak ko habang palalabas kami ng bahay nila ni Eliza.

"Mitz!"

Paglingon ko ay nakita ko si Arkin na pararating sa akin. Binilisan ko ang aking hakbang tungo sa gate at nang buksan ko iyon ay magpapara na sana ako ng taxi nang makita ko si Chamuel na nakahilig sa kanyang sasakyan.

Nakakrus ang mga braso ni Chamuel sa harap ng kanyang dibdib. Naka-cap ito at facemask pero sa tindig at mata palang nito ay alam ko na kung sino ito.

"C-Chamuel."

Narinig ko ang pagbukas ng gate sa aking likuran. 

"Mitz!"

Napatalon pa ako sa tawag ni Arkin sa akin mula sa aking likuran.

"Dada!" Tawag naman ni Tegan kay Chamuel dahil mukhang nakilala nito ang ama.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top