CHAPTER 18

Chapter 18

Chamuel's Pov

Mitz mentioned to me that Eliza invited him to attend her friend's graduation. As much as I don't want him to attend Eliza's graduation... ayaw ko namang kulungin at masakal si Mitz sa pagiging possessive ko sa kanya. Kaya naman siya na ang pinagdesisyon ko kung pupunta ba siya o hindi.

I don't trust Eliza, that goddamned cousin of hers, Arkin, and her entire clan. I just don't trust them. However, Mitz likes them. I can't put it into words, but I don't feel comfortable around them. My gut feeling doesn't have any solid basis, which is why I can't express my discomfort about Eliza to Mitz.

But then Eliza's graduation day came at hindi umalis ng bahay si Mitz. Pababa ako galing sa second floor ng aming bahay nang makita si Mitz na tinuturuan gumuhit ang aming anak doon sa sala. Ginagabayan niya ang kamay ni Tegan. Ang anak naman namin ay palinga-linga pero nagpapaubaya sa Mami niya.

I sighed. What a lovely sight!

I was about to resume my pace when Nanay Isidora appeared beside me. Dala niya ang isang laundry basket na mukhang galing sa silid ni Tegan dahil mga damit lang iyon ni Tegan.

"Ang sarap tingnan ng pamilya mo, Sir Chamuel," saad ni Nanay.

"Yes, 'nay," tugon ko kay Nanay Isidora at kinuha ko ang laundry basket mula sa kanya.

"Ay, sir, ako na po," alma pa ni Nanay.

Inilingan ko si Nanay. "'Nay, sinabi ko na sa inyo na 'Chamuel' na lang po ang itawag ninyo sa akin. Hindi na po kayo iba sa akin, eh."

Natawa si Nanay, pinaubaya niya sa akin ang laundry basket. Tumayo siya ng maayos at dumungaw kay Mitz at Tegan sa baba.

"Nakakahiya naman, hijo."

"'Nay, matagal po tayong nagkasama at dati... parang ikaw po ang tumayong nanay sa akin. Iyong mga leksyon ninyo sa akin. Iyong mga palo ninyo sa akin dahil sa kakulitan ko sa mansyon. Ginabayan n'yo po ako na parang anak ninyo dati, 'nay."

Bahagyang tumango si Nanay.

"Ang kulit mo rin kasi noon, hijo. Pero tingnan mo naman ngayon... may sarili ka ng pamilya." Bumuntong hininga si Nanay. "Noon, gusto kong kurutin iyang si Mitchell sa singit niya dahil hindi talaga nagdalawang isip na sumama sa'yo. Hindi ko alam kung dala lang ba iyon sa bugso ng damdamin niya o baka gustong-gusto ka lang niyang suportahan noon dahil masayang-masaya siya. Ni hindi man lang natakot na sumama sa'yo sa kabila ng banta ni Ma'am Shaine at Sir Donovan. Napakatapang!"

"He really is, 'nay. Matapang po... sobrang tapang niya."

I have often thought that if Mitz had the means back then, he would have already left me. I’m not sure if I should feel grateful that he lacked the resources to do so. Kasi kung kaya at may kaya lang siya noon, matagal na niya akong iniwan. Siguro hindi ko sila makikita ni Tegan. Siguro mag-isa niyang palalakihin ang anak namin. I can't swallow that pill when I think about it right now.

"Sir Chamuel..." Pagbibitin ni Nanay. "Chamuel, sana huwag mong saktan si Mitchell... sana huwag mo na siyang saktan. Sobra na ang hirap na pinagdaanan niya. Sana... iparamdam mo kay Mitchell ang pagmamahal ng isang buong pamilya, hijo. Lumaki si Mitchell na walang tunay na magulang sa kanyang tabi niya. Alam mo iyan. Ngayon nakikita ko siyang ngumingiti pero alam ko sa loob niya... may kulang pa rin d'yan. At sana makita mo at mapunan mo ang kulang sa buhay ni Mitchell."

I clenched my jaws.

"'Nay... inaamin ko po na naging gago po ako... nasaktan ko po si Mitz dahil sa pansarili kong kagustuhan. Pero ngayon, 'nay.... sinusubukan ko pong bumawi sa kanya. Gusto kong maging mabuting ama kay Tegan... at maging mabuting partner kay Mitz."

Tinapik ni Nanay Isidora ang aking balikat.

"Chamuel... kapag nakita ko... kapag nakita kong umiiyak at sinaktan mo na naman si Mitz. Sinasabi ko sa'yo, ako ang maglalayo kay Mitchell at Tegan laban sa'yo. Amo kita pero mas lamang sa akin ang pagiging magulang ko kay Mitchell kahit wala akong isang patak ng dugo d'yan sa kanya. Nasubaybayan ko ang paglaki niya. Alam kong may pagka-sutil talaga siya. Pero ibang usapan kapag sinaktan mo siya, Chamuel. Sana maiintindihan mo ako."

I don't know if it was a threat or a warning. Nanay Isidora may seem calm while saying those things, but it brought so much havoc inside me. It feels like I was a calm sea, and then suddenly, formidable and huge waves blew my calmness away, leaving only the damage and the shock.

"Don't worry, 'nay... wala po sa isipan ko ang saktan sila ulit. I have learned my lessons. And I have learned my lessons, and I don't want to go back to our previous way of life."

Mitchell's Pov

I should have known Chamuel's plan when I made a deal with him that he would teach me how to drive a car in exchange for sex.

Akala ko biro-biro lang niya iyon. Akala ko tinutukso niya lang ako no'n. Syempre, sabi niya mahal niya ako. Akala ko joke lang talaga iyong sinabi niyang one sex per session namin ng pagtuturo niya sa akin magmaneho. Kaso heto ako ngayon sa kama. Nakahilata na parang lantang gulay sa pagod at sakit sa katawan.

"Sunshine, wake up; it's time for another session of your driving lesson," sabi ni Chamuel sa tabi ko. Nakayakap siya sa akin, kulong niya ang katawan ko gamit ang kanyang malalaki at mabigat na braso.

"Really, Cham? May driving lesson tayo ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Pagkatapos niya akong pagurin buong gabi at nanghingi pa ng midnight snack (midnight sex) daw rito sa kama. May lesson pala kami ngayon?

This madman. How can he have such stamina, like a horse? How can he have such great strength and charisma? What spell has he cast on me?

Yumakap ako sa kanya.

"I can't lift my arms, Cham. Paano mo ako tuturuan niyan?" I murmured against his chest. He was still naked under our blanket, and thankfully, he dressed me. May damit na kasi ako ngayon at underwear lang.

"Then, let's spend our time here at home, Mitz. I think our son misses both of us."

Kinurot ko ng pino ang katawan ni Chamuel.

"Ang sama mo sa akin! Ngayon makikipaglaro tayo kay baby Tegan pero baldado ako."

Umugong ang tawa ni Chamuel kung kaya't nag-vibrate iyon sa akin na nakayakap sa kanya.

I really love being this close with him. Iyong tipong wala na talagang hangin na nakakadaan sa pagitan ng aming katawan. Tapos rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso sa aking tenga. Every pulse of his heart tells me how much our proximity affects him. I know that kind of rhythm his heart has because it’s what I feel when I’m with him as well."

Sobrang laki ng kama namin ni Chamuel pero minsan natutulog ako sa ibabaw niya. Mas komportable na kasi ako roon. At libreng kapa at tsansing na rin. Kaming dalawa nagkakapaan at nagt-tsansing-an. Kaya laging pagod!

"I told you, sunshine. It's your fault that I'm this crazy over you!"

Tiningala ko si Chamuel. Nagtagpo naman ang aming mata dahil nakayuuko pala siya sa akin all this time. His eyes were full of light and felicity. I know the sun was out there, making its way to the sunrise. But looking into Chamuel's eyes felt like a sun rising from the south. They were too beautiful and alluring.

"Mahal mo na ako n'yan, sunshine?"

Ngumuso ako sa kanya. Lagi na niya akong tinutukso! Nakakinis! Pasalamat talaga siya na gustong-gusto ko siya.

"Mahal naman talaga kita noon pa man!"

A wide smile spread across his lips. 'I love you too, sunshine. We're now on par with these feelings of ours!

Ngumisi ako sa kanya at binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Wala pa siyang ligo. Pareho kami. Kaso ang bango pa rin ng kanyang katawan! Ang sarap tuloy amoy-amoyin! Saka ang tigas din nitong katawan ni Chamuel. Malaki ang kanyang malapad na dibdib. May six pack abs dito sa baba. Malapad ang balikat at syempre... blessed sa baba. Kahit lagi akong sinasaktan no'n kapag nag-aano kami gustong-gusto ko pa rin iyon lalo na kapag pumupuno sa akin bakuna.

"Mitz,"

"Oh?"

"Your hands... I thought you were worn out last night."

Gumapang kaagad ang init sa aking mukha. Napagtanto kong nilalamas ko na pala ang kanyang katawan nang hindi ko nalalaman.

"Pagod nga."

"Then why did your hands wander over my body?"

"Gusto ko!"

"What if gusto na naman kitang angkinin d'yan?"

"Ang hayok mo talalga? Bakit ba lagi kang ganyan sa akin, Cham? Inaasar mo ako lagi!" Sinamaan ko siya ng tingin at hinabaan sa nguso ko.

"Hindi iyan asar, Mitz. Totoong lagi akong tinitigasan sa'yo! Tang ina! Kahit haplos at titig mo naninigas ang alaga ko sa'yo!"

Kung nakakasunog lang ang pag-init nitong mukha ko ngayon. Naku! Baka matagal na kaming toasted ni Chamuel dito ngayon. Pulang-pula na ako dahil sa mga lumalabas d'yan sa bibig niya!

"M-manyak ka! Bastos!"

"Palaging bastos at manyak sa'yo, Mitz!" Proud pa nitong saad at saka ako hinagkan nang mabilis sa labi!

I wasn't expecting his kiss, but I didn't complain either. Ganito na lang lagi kami ni Chamuel. Porket may kasama na si Tegan sa silid nito, si Nanay Isidora. Natatagalan na kami ni Chamuel bumangon at lumabas dito sa silid!

"May driving lesson pa tayo, Cham." Paalala ko sa lalaki na nilalamas na ang patag kong dibdib.

"Ako muna imaneho mo, sunshine."

Nasampal ko tuloy ang dibdib nito.

_ _ _

Bumaba ako at pumunta sa kusina! Nakita ko si Nanay Isidora na nagluluto at ang anak ko ay umiinom ng gatas nito.

"Mami!" Malakas na tawag ni Tegan sa akin at dahil doon napalingon sa gawi ko si Nanay Isidora na nagluluto.

"Oh, nakababa ka na pala, Mitchell. May gusto ka bang kainin habang naghihintay dito sa nilagang niluluto ko?" si Nanay.

Umiling ako kay Nanay at lumapit sa anak ko at binuhat si Tegan mula sa kanyang upuan.

"Huwag na po, 'nay. Hindi pa naman po ako gutom."

Ngumisi naman si Nanay sa akin bago binalikan ang kanyang niluluto.

"Good morning, baby!" Bati ko naman sa anak.

"Wet!" Puna naman ni Tegan nang hawakan ang buhok kong basa. Kakatapos ko lang kasing maligo.

"Yes, baby. Ikaw hindi ka pa ba nag-bath?"

"No! No ba-bath for me!"

Nagmake-face ako sa aking anak. Minsan talaga gusto nito ang tubig. Minsan naman iniiyakan ang ligo.

"Smelly na ang baby namin, eh!"

"No! No! Don't ba-bath!"

Pinanggigilan ko ang leeg ni Tegan at pinupog ng halik. Sumabog tuloy ang tawa niya na pumuno sa buong kusina. Kung hindi ko lang nakita na busog ito sa gatas, baka kiniliti ko pa ito. Kaso baka magsuka na.

"Daddy, help! Help Tegan! Help!"

"Buddy!"

Nalingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Chamuel.

Awtomatik na gumihit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Chamuel.

Itinaas ni Tegan ang kamay at umindak ang paa sa ere sa tuwa nang makita ang ama.

"Good morning, buddy!" Ang bati ni Chamuel sa anak namin at kinuha ito mula sa akin.

Napapatili naman si Tegan dahil sa mga halik ng ama.

_ _ _

Lumabi ako kay Chamuel na nag-iimpake ng gamit na kanyang daldalhin sa US. Ang bilis ng araw. Akala ko exaggerated lang ang sinasabi nilang 'mabilis tumakbo ang araw kapag masaya ka at kasama mo ang taong mahal mo', ngayon ko lang napatunayan na mali ang paniniwala ko noon.

"Hey, don't be sad, Mitz." Suway sa aking ni Chamuel.

Nanonood lang ako sa kanya rito sa kama namin habang naghahanda na siya sa alis niya bukas kasama si Ronan.

"Matagal ka roon, eh."

Umusog siya palapit sa akin at yumakap.

"Two weeks lang, sunshine. Don't worry uuwi naman kaagad ako sa inyo ni Tegan."

"Hmm,"

"Mahirap din sa akin ito, Mitz, pero huli na naman ito. Sa susunod na aalis ako ng bansa kasama na kayo ni Tegan."

Huminga ako nang malalim at yumakap kay Chamuel.

"Huwag mo akong ipagpalit sa mga blonde, Cham."

His chest vibrated as he let out an unrestrained laugh.

"My eyes are all on you, sunshine."

I tilted my head back to look at his face.

"Huwag talaga dahil bubulagan kita kapag ipagpalit mo ako sa blondes!"

"Do you have a silent distaste for blondes, Mitz?"

"Wala! Wala 'no! Magaganda lang kasi sila!"

"Tsk! Whatever! You’re more beautiful and lovely to me than those blondes. Also, when I get back from the US, Mitz, let's have a short vacation before you go to university."

May excited kong tumango sa kanya.

At kinakabukasan ay dinaanan ni Ronan si Chamuel sa bahay papuntang airport. Malungkot ako na saglit na mawawalay si Chamuel sa amin ni Tegan. Kasi simula no'ng umayos na ang relasyon namin. Ngayon lang aalis si Chamuel ng matagal at malayo sa amin ni Tegan.

Kung malungkot ako, malungkot din si Chamuel kaso mas mabigat din yata sa kanya na umiiyak si Tegan at gustong sumama sa kanya.

"Tahan na, baby. Uuwi rin naman si Dada mo, okay? Uuwi rin si Daddy kaagad."

Humihikbi ang anak ko at tinatahan ko ito mula sa pag-iyak dahil baka magsuka na.

Nakaalis na kasi si Chamuel at Ronan. They safely arrived at US at hindi naman sapat ang tawag sa amin ni Chamuel kaya gumawa na ako ng Facebook account at nagdownload ng Messenger app upang maka-videocall siya sa amin dito sa Pilipinas.

I followed Chamuel's fan base and fan clubs on Facebook na para bang baguhan ako.

"Eliza!" Masayang tawag ko kay Eliza nang magkita kami sa isang pastry shop. Bumili kasi ako ng pang-skin care ko at sumaglit sa shop para may pasalubong sa anak at kay Nanay Isidora.

"Mitchell Aragon!"

Niyakap ako ni Eliza. "Sorry, Eli. Hindi ako nakapunta sa graduation mo!"

Kumalas siya sa aming yakap.

"Don't think about it," suway niya sa akin. "Mas mabuti na ring wala ka roon, Mitz."

"Huh?"

"Nothing, Mitz. Just a lil family problem lang!" aniya. "Wait, nasa labas ka yata, magkaisa ka lang? O kasama mo si Chamuel."

"Nasa US si Chamuel, Eli."

Napa-oh siya.

"Para sa movie nila?"

"Hmm!"

Naputol ang aming pag-uusap ni Eliza nang matapos ng ibalot ang aking biniling pastries. Naghiwalay rin kami ni Eliza doon sa shop dahil nagmamadali ako. Dumidilim na rin kasi.

Kinagabihan, nang matapos akong maligo, ginawa ko na rin ang aking night routine. Makintab ang aking mukha nang sumampa ako sa kama namin ni Chamuel. Ang lonely ng kama namin ngayon na wala siya. Hindi sapat kahit video call eh.

Napatalon ako sa pagwawala ng telepono ko. Kaagad ko itong pinulot at sinagot.

"Cham!" Masayang bungad ko kay Chamuel.

"Hey, sunshine." aniya.

Napanguso ako. Mukhang katatapos lang niyang maligo dahil kita kong tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang ulo at nakatapis lang siya ng itim na towel. Kitang-kita ko tuloy ang kanyang magandang katawan! It has only been three days since he left, but I already miss him as if I've been away from him for years!"

"I miss you, sunshine!"

Humiga ako sa kama. "I miss you too, Cham."

"I bet the bed is too cold for you while I'm not there."

Pinakita ko sa kanya ang kama. "Hmm," binalik ko ang camera sa akin. "Sobrang lonely at lamig nga!"

Gumalaw siya at halos mahilo ako sa galaw ng phone niya. Ilang sandali lang ay na-steady rin iyon.  Mukhang pinuwesto niya lang sa nang maayos ang camera at pumwesto siya sa harap no'n.

"Mitz,"

"Hmm?"

"I'm still in the bathroom."

"O-oh, hindi ka pa tapos? Sige hintayin na lang—"

"Let's have a phone sex."

***
This story is already at chapter 28 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top