CHAPTER 16

Chapter 16

Mitchell's Pov

"Titingnan ko lang, Eli, kung makakadalo ako sa graduation mo, huh. Hindi ko maipapangako iyan."

Tumango naman si Eliza sa akin. "I understand but still may time pa naman para makapag-decide ka."

Sinadya ako ni Eliza rito sa bahay para imbitahan sa kanyang graduation next month. May ilang weeks pa bago ang kanyang graduation at hindi ko ito maipapangako sa kanya na makakapunta ako.

"After nito... magla-law school ka na talaga?"

Bumuntong hininga siya. "Yes."

"Saang school ka?"

"Magsa-San Beda ako."

"Ayaw mo sa Ateneo?"

Kung hindi ako nagkakamali sa Ateneo nag-law ang kanyang mga magulang.

"For... a change!"

Ngumuso ako at tumingala sa makulimlim na hapon. Marso naman ngayon, summer season pero mukhang uulan.

"I don't know why you suddenly want to go to law school, Eliza, but I'm wishing the best. I will be rooting for you to get that Atty. next to your name."

Lumabi si Eliza sa akin at kahit sa konting distansya ng aming upuan dito sa front yard, inabot niya talaga ako at niyakap.

"I will, Mitz. Thank you so much!"

Niyakap ko si Eliza. I don't understand. Nahihimigan ko naman ang saya sa boses ni Eliza. She smiled with me but her eyes were not jiving with the happiness she's showing to me. Or maybe... I'm just overreacting? O baka dahil hindi na siya napapadalas dito sa bahay kaya napansin ko ito? Am I missing something in her life while I'm busy fixing my own?

Matapos ng aming yakapan ay tumayo rin si Eliza at humakbang ng dalawang beses. I saw how her shoulders were moving up and down in every breath and out she took.

Tumayo na rin ako mula sa pagkaka-upo.

Biglang umihip ang malamig na hangin at ginulo no'n ang wavy na buhok ni Eliza na ngayon ay may blonde na highlights. Inayos ni Eliza ang buhok at pangiting humarap sa akin.

"Hintayin mong maging abogado ako, Mitz. Dahil kapag kailangan mo ang serbisyo ko, ililibre kita! Hindi mo babayaran ang pirma ko at serbisyo ko sa'yo!"

Tumawa ako. "Pangako iyan?"

She nodded. "Promise!"

"Ano ba ang specialization na gusto mo?"

"Criminal law," she answered and raised her left arm where her wrist watch is. "Oh, I need to go home, Mitz. Dadating kasi si Alberta! That woman!"

Alberta... I know her. And I won't forget that woman... ever!

"Nasa Pilipinas lang pala siya?"

"No! Nito lang sila umuwi galing Morocco." Nagmamadaling hinagilap ni Eliza ang kanyang bag at coat.

Humalik siya sa magkabilang pisngi ko bago nagpaalam na umalis. Pinanood kong umalis si Eliza.

I instinctively balled my fist. Alberta... she's Eliza's cousin and she's the one who put something on my drink! I believe so. Iyan ang pinaniniwalaan ko dahil hindi ko makontrol ang sarili ko sa gabing iyon. At iyon lang naman ang ininom ko nang gabing iyon.

My mind and my body were battling that time. But it feels like somebody was controlling my body no matter how much I restrain it. Then, there's Arkin. Wala ba siyang napansin sa gabing iyon? Nagpadala lang ba siya sa sarili niya no'n? Or is he drunk?

I can't fight for myself right now... pero ngayon lang ito. One day... just wait, you devils. Hindi ko hahayaan na kalimutan lang ang gabing iyon.

"Mitchell?" Bubbles of thought popped when Nanay's voice cut through my heavy thought.

"Nay," lumingon ako kay Nanay.

"Pumasok ka na. Mukhang uulan."

Tumango ako kay Nanay. "Opo, 'nay, susunod po ako."

Bumuntong hininga at tumingala ako saglit sa ulap na unti-unting kinakain ng madidilim na ulap.

Inayos ko muna ang silyang iniwan ni Eliza at pumasok sa loob ng bahay.

"Mami!"

My stoic face lit up when Tegan shouted. Sinalubong ko na ang anak na parang patalbog-talbug ang takbo tungo sa akin. Wala pa rin talaga akong tiwala rito sa paa ni Tegan. Ako ang kinakabahan dahil parang any time pwede siyang matumba.

Binuhat ko ang anak at humalik.

"Tita Nang?" Paghahanap ni Tegan kay Eliza.

"Umuwi na si Tita Mami, baby." Tugon ko naman sa anak ko. Nagtataka rin siguro siya dahil hindi na nakikipaglaro si Eli sa kanya. Simula nang magkaayos kami ni Chamuel ay dumadalang na ang pagbisita ni Eliza rito sa bahay. Siguro dahil na rin abala siya sa school.

"May gusto ka bang kainin, Mitchell?" tanong ni Nanay Isidora sa akin.

"Nay, magpahinga naman po kayo."

"Hay, naku, Mitchell! Puro na lang ako upo rito sa bahay ninyo ni Sir Chamuel. Akala ko ba kinuha ninyo ako para magtrabaho rito?"

"Nay, nandirito pa kasi ako. Kapag pasukan na po baka doon na po talaga magsisimula ang tunay na trabaho ninyo sa bahay."

_ _ _

Mabilis na tumakbo ang panahon hanggang sa magbukas na rin ang unang pop-up bar ni Ronan at Chamuel. Of course, I was there and I even invited Eliza but she couldn't make it because she's busy with her paper. Hindi ko na rin naman siya pinilit doon dahil mahirap nga naman talaga maging estudyante pero sa susunod na linggo ay  graduation na naman niya.

Iniwan ako saglit ni Chamuel sa bar counter nang may tumawag sa kanya. Besides, nag-iingat pa rin ako kapag nasa public kaming lugar ni Chamuel. Siguro walang magkaka-interes na nakikipag-usap si Chamuel sa akin o lumalapit siya sa akin dahil mukha lang naman akong isa sa bisita ngayon. Pero wala rin namamg mawawala kung mag-iingat kami.

Suddenly, Ronan appeared beside me and slid a glass of drink in front of me.

I glare at the glass of alcohol. Ewan ko ba, parang nagka-develop ako ng trauma sa mga binibigay na drinks sa akin. Nawawalan ako ng tiwala sa kahit na sinong nagbibigay ng alak sa akin dahil sa nangyari noon.

"Mabuti nakapunta ka, Mitz." Simula ni Ronan.

My mind recorded a few circumstances of my encounter with Ronan but those are all for formalities. Other than curt nods, there was a short exchange of hi and hello. Until recently, nung hinatid niya si Chamuel sa bahay. Hindi rin naman kasi mahilig si Chamuel magdala ng barkada noon sa bahay nila.

"Congratulations sa inyo, Ronan!"

"Thank you, Mitz!"

"Where's Chamuel? Iniwan ka rito?"

"May tumawag lang sa kanya. Mukhang kakilala ninyo sa showbiz," sagot ko naman inilibot ang tingin sa buong lugar na naghalo-halo na ang mga tao. Mabuti at itong counter ay nasa ikalawang palapag ng bar, hindi magulo rito unlike sa baba na jam-packed ang tao, lalo na sa dance floor.

"Oh, I hope you're enjoying your night even so?"

"Oo naman."

Ronan puffs some breath through his nose. "I don't mean to pry on Chamuel and your personal lives, Mitz. But I'm happy about what's going on with you and Chamuel. I may not know the whole story of your life, however, know that I'm always here for you and for Chamuel."

I drew a relief sigh.

"Salamat, Ronan."

"Hindi masyadong nagku-kwento si Chamuel sa akin, Mitz. But that was before, lately he's been blubbering about you and your son. He's never been eager to go home until recently."

I bite my lips to suppress the tugging of my lips but they're too much for me to restraint.

"G-ganon ba..." medyo kinikilig kong wika.

"Hmm,"

"Pero, Ronan... tungkol sa pala sa hindi pagrenew ni Chamuel sa contract niya doon sa kanyang agency... sinubukan ko siyang kausapin doon. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat dahil akala ko mababago ko ang isip niya kaso...."

"I know, Mitz. We already had a heavy talk about it too. Pero hindi ko rin mabago ang isip niya. Si Chamuel lang ang hawak kong artista, Mitz. Aaminin kong siya talaga ang pumupuno ng pera sa banks ko. But like what you said, I can't change his mind too. I'm also saddened by his decision because without him. I'm nothing in this industry either."

"Sorry, Ronan."

Ronan waved his hand. "Don't be, Mitz. Also, I witnessed how Chamuel works his ass off in this industry for years. It wasn't easy for him. And I think taking a hiatus would be great for him."

My conversation with Ronan lasted too soon when Chamuel emerged between us.

"Did I miss something?"

"Mitz is just congratulating us." Ronan answered first before I could open my mouth. I was left nodding my head.

Ronan straightened his posture before clapping his hand on Chamuel's shoulders.

"Iwan ko muna kayo, aasikasuhin ko lang ang iba."

"We'll go home first, Ronan." Mabilis na wika ni Chamuel.

"It's still ten."

"We have a son left in our home." Katwiran naman ni Chamuel kay Ronan.

"As if I never know that you already have a housemaid, Chamuel." Natatawang wika ni Ronan.

"Damn! I want to be alone with Mitz."

Nanlaki ang mata ko sa bulgarang sabi ni Chamuel kay Ronan..

"Chamuel..." awat ko sa lalaki.

"Fine, fine! Just haul your ass right now away from here before someone might drag your hours here." Disma sa amin ni Ronan.

Ilang minuto lang ay nasa parking lot na kami na Chamuel at nasa loob na ng kanyang kotse. Na guilty tuloy ako na maaga naming iniwan si Ronan sa loob.

"Pwede naman siguro, Cham, na mag-stay muna tayo hanggang twelve or one dito. Kawawa si Ronan. Mag-isa niyang aasikasuhin ang mga bisita ninyo," wika ko kay Chamuel at inayos ang seatbelt ko.

Binuhay ni Chamuel ang makina ng sasakyan. "That's Ronan's expertise, sunshine. His social battery won't run out when it comes to socializing."

Ngumuso lang ako. Tumitig sa kanya.

"Wait, uminom ka ba? I saw you holding a glass of alcohol a while ago."

"Ah, hindi. Bigay iyon ni Ronan, Cham, pero hindi ako uminom."

"You want some drinks?"

"Babalik tayo sa loob?" My eyebrows raised.

"No," tanging sagot niya lang sa akin at unti-unting pinausad ang sasakyan.

Kahit na malalim na ang gabi, hindi ako nag-aalala na wala pa kami sa bahay ni Chamuel dahil nando'n naman si Nanay Isidora. Kampante rin akong nasa labas dahil kasama ko si Chamuel. Ngayon, wala akong ibang iniisip kung hindi kami lang ni Chamuel.

Mga buwan na simula no'ng magka-ayos kami ni Chamuel. Akala ko hindi aabot ng buwan at babalik na naman kami sa dati but so far... our relationship has been sailing smoothly. The long sail of shaky, full of sadness and grief has come to a subtle sail. The feral of waves has finally gone and the serene and calmness of the sea have set foot.

Chamuel and I have never been perfect or near perfect people. We made mistakes. We argue. We cry. We cry. We, especially learned. I guess that's human nature. The constant battle in this life is what is keeping us steady. Because if you don't face the battle. You would have to live with your what ifs and regrets of not taking the fight— risking.

Ang paghina ng takbo ng kotse ang nagpagising sa akin sa kasalukuyan. Tumingin ako kay Chamuel na dahan-dahang itinabi ang kotse.

Luminga ako sa paligid. "Saan tayo?"

"I'll just buy us some drinks. Sasama ka sa loob?" sagot ni Chamuel at itinuro ang convenience store sa gilid.

"Magtatagal ka?" Umiling siya. "Sige, dito na lang ako sa kotse maghihintay."

Hinubad ni Chamuel ang coat bago nagsuot ng cap saka bumaba sa sasakyan. Pinanood ko lang siyang pumasok sa tahimik na 24/7 na convenience store. Nakailang minuto lang si Chamuel sa convenience store at lumabas ito bitbit ang isang supot.

"Can you hold this for a while for me?" aniya sabay abot sa akin no'ng supot na dala niya galing sa store.

"Oo naman."

Nang matanggap ko ang supot ay kaagad naman siyang sumakay sa kotse. Hinubad niya ang cap at saka muling nagmaneho.

Sa pagiging kuryoso ko, sinilip ko ang kanyang binili at nakita kong mga alak iyon at chips.

Hindi na ako nagtanong pa kay Chamuel hanggang sa muli kaming tumigil. At pinababa niya ako sa kotse.

Napalinga ako sa paligid nang makalabas sa kotse. Mahabang daan lang ang naabot ng tingin ko at ang puting ilaw galing sa mga poste ang nagsisilbing liwanag namin maliban sa nag-iisang buwan sa langit. Wlaang bahay o kahit ano sa paligid maliban sa mga kahoy, bundok, at poste ng ilaw. Sa kabilang dako naman ng daan ay ang mga bundok na napapalamutian ng mga kahoy.

"Come here, Mitz." Tawag ni Chamuel sa akin na siyang nakatawid na sa sementong barricade sa tabi ng daan.

"Cham, dagat na d'yan sa baba!" Tumingin ako sa likod niya kung saan humahampas ang maliliit na alon ng dagat sa mga malalaking bato.

"I know. Hindi naman tayo bababa sa dagat unless kung gusto mo. Come on, sunshine."

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko tinanggap ang kamay ni Chamuel. Akay niya ako sa pagbaba namin sa mga bato at tumigil kami doon sa isang patag na bato.

Nilatag ni Chamuel ang coat sa bato bago ako pinaupo doon. Kinuha niya rin iyong mga alak at chips na binili niya sa convenience store bago siya tumabi sa akin.

"Lagi ka rito?" tanong ko kay Chamuel na nirorolyo ang sleeves ng kanyang polo hanggang sa siko.

"Hmm, kapag lang kailangan kong mag-isip."

I curl up my knees and hug it closer to my chest. My eyes fixed on the tiny waves crashing on to stones leaving a white bubbles.

"Bakit mo ako dinala rito?"

Saglit na napatigil si Chamuel sa pagbubukas no'ng bote ng alak.

"Nothing in particular. I just thought of celebrating with you on my small achievement as a... business owner?" Patanong at medyo natatawa niyang wika.

Inabot niya sa akin ang isang bote ng alak. Napatitig ako sa alak.

"Drink and don't worry about anything. Nandito ako," saad niya nang napatagal ang tingin ko alak.

Nabitiwan ko ang aking binti at gamit ang dalawang kamay ko, tinanggap ko ang alak.

"Sabi mo hindi ka uminom doon. Kaya dito na tayo uminom. Solo pa natin ang lugar." Dagdag ni Chamuel.

"Uhm!" tango ko sa kanya.

"Cheers?" sabi niya sabay taas sa kanyang sariling alak.

"C-cheers!"

Lumunok ako bago pikit matang uminom sa bote. Kailan ba ang huling inom ko ng alak na kasama si Chamuel? Was it the night when something happened between us?

"Aghh!" Ang daing ko nang dumaloy ang init at tapang ng alak na kumalat sa aking lalamunan.

"Taste good?"

"Oo," mahinang sagot ko kay Chamuel.

Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Chamuel na naglalaro sa aking braso. Para itong my ginuguhit na hindi ko maintindihan.

Deciphering Chamuel's doddles on my arms were the least of my concern as the heat started to build up again inside my body. Tingling every fiber that my body has.

"Next month, Mitz..."

Napaigtad ako roon dahil abala ang utak ko sa kanyang kamay.

"H-hmm?" Baling ko kay Chamuel.

I was slightly taken aback when I found him watching me. His eyes are boring hole on my face. His stares were gentle and somehow... hot. And I'm not shocked as the searing of heat hit me from head to toe like lightning.

This isn't good! I feel hot while we're in an open area!

"I will be away for my movie promotion and premier. It will be in the US."

Napatango ako sa kanya. "Hmm!"

"And when I'm back, aasikasuhin ko na ang papers mo for the university. Maghanda ka na lang for the entrance exam."

A smile creeped on my lips. "Hmm. Nagbabasa na nga ako ngayon at review."

I'm already freshen up my mind dahil matagal din akong hindi nakakahawak ng academic book.

"That's good."

Ngumiti rin ako kaso nalalalim na ang aking lunok dahil sa kamay niya na parang nagdadala ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.

I wanted to stash my eyes away from his tempting and seductive stares but they're too much for me to restrain. The atmosphere seems heavy between us the longer our eyes are fixed to one another.

"Mitz," Chamuel uttered a guttural manner.

"Mmm," I choke out.

Chamuel's face advances towards me and I didn't even flinch at our proximity! His scorching breath  coming from his nose fanning my lips and nose.

"I'm going to kiss you."

That's when my eyes fell into his ajar lips, they seemed like they were inviting me. Beckong me to welcome them into my mouth.

I nodded at Chamuel and that's all what it takes for him to claim my lips.

***
This story is already at chapter 25 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top