CHAPTER 15
Chapter 15
Mitchell's Pov
"N-nanay!" sigaw ko nang makita ko si Nanay Isidora na nakasunod kay Chamuel papasok ng bahay!
The day after Ma'am Shaine and Sir Donovan unexpectedly dropped by our house, Nanay Isidora finally moved in with us. Based on her luggage, it seems Nanay has decided to work in our house.
Sinugod ko kaagad si Nanay.
"Jusko, Mitchell! Ikaw na nga ito!" Emosyonal na wika ni Nanay at nabitiwan ang bitbit na bag bago ako niyakap.
Naluluha ko ring niyakap si Nanay Isidora. Miss na miss ko si Nanay Isidora. Siya kasi iyong tumatayong guardian ko noon at magulang ko habang lumalaki ako sa bahay ng mga Aguilli.
"Miss na miss kita, Mitchell!"
Humigpit ang kamay ko na nakayakap kay Nanay. "Ako rin po, 'Nay. Miss na miss din po kita!"
Kumalas si Nanay Isidora sa aming yakapan at saka ako tiningnan mula sa ulo hanggang sa paa.
Pilit ko namang hinahabol ang mga luhang umaagos sa mga mata ko. Kusang nag-uuhan ang aking mga luha sa gitna ng kasiyahan ko.
"Mas lalo ka yatang naging maganda ngayon, Mitchell. Noon hindi ka pa ganito," sabi ni Nanay at hindi matanggal-tanggal ang titig sa akin.
"Pangit ba ako dati, 'nay?" biro kong tanong kay Nanay Isidora.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ni Nanay bago ko hinawakan ang kanyang kamay. Hindi mabura sa labi ko ang tuwa habang nakatitig kay Nanay. Grabe, parang nung mga nakaraang linggo pinag-uusapan lang namin ni Chamuel ito. Akala ko imposible kasi simula pa man noon ay nasa Aguilli na si Nanay. Akala ko hindi niya mabibitiwan ang trabaho niya sa mga Aguilli dahil sa tapat niya sa pamilya. Tapat na tapat siya sa pamilya.
Bumaling ako kay Chamuel at matamis akong ngumiti sa kanya. Sinuklian naman ni Chamuel ang ngiti ko ng isang malumanay na ngiti.
"Thank you!" I mouthed to Chamuel.
Lumaki ang ngiti sa labi ni Chamuel.
"Umupo muna tayo, 'nay!" Aya ko kay Nanay Isidora. Kahit sa boses ko, bakas ang tuwa roon.
"Ihahatid ko sa taas ang gamit ni Nanay, Mitz." Paalam naman ni Chamuel.
Tumango ako sa kanya. "Natutulog si Tegan doon, Cham. Pagtingin na lang saglit kay baby."
"Okay, sunshine."
Umupo kami ni Nanay sa sofa.
"'Nay, okay lang po ba sa inyo na iisa lang po ang kwarto ninyo ni Tegan? Huwag kayong mag-alala, 'nay, may kama naman po at pansamantala."
Kahit nakaupo na kami ni Nanay Isidora, hindi ko binitiwan ang kanyang kamay. Hindi ko talaga aakalain na darating ang araw na ito. Saka, no'ng sinabi ni Chamuel na kukunin namin si Nanay Isidora sa mansyon ng mga Aguilli, akala ko matatagalan din.
"Ang Tegan na tinutukoy mo, Mitchell... Ay ang anak ninyo ni Sir Chamuel?"
Mahina akong tumango kay Nanay. "Opo, 'nay. A-alam n'yo na po pala."
Pinisil ni Nanay ang kamay ko. Tagal ko nang hindi nakikita si Nanay Isidora, ngayon, dumami na ang kanyang puting buhok at medyo kumukulubot na ang balat. Pero kahit ganon, nakapusod pa rin ang kanyang buhok at wala talagang tumatayong buhok sa ulo niya kahit isa!
"Nabanggit ni Chamuel sa akin habang nasa daan kami kanina. Marami siyang nagkwento sa akin."
"S-si Chamuel, 'nay?"
Hindi ko aakalain na si Chamuel ang magsasabi kay Nanay tungkol kay Tegan
"Hmm," muling tumango si Nanay. "Nagulat talaga ako nang biglang tumawag sa bahay si Chamuel, Mitchell, at hinanap ako. Akala ko may nangyari nang masama sa'yo. Mabuti at naalagaan ka ni Chamuel."
"Hindi rin po naging madali ang buhay namin, 'nay."
"Walang madali sa mundong ito, Mitchell. Pero bilog ang mundo, minsan nasa ibaba tayo, minsan nasa taas. Ngayon, masaya ako na nandirito na ako. Akala ko talaga noon... babalik ka sa mansyon nina Sir Donovan at Madame Shaine. Tingnan mo naman ngayon, ako pa ang kinuha ninyo sa mansyon!" Nakangiting saad ni Nanay.
Naibaba ko ang aking mata sa kamay ko na hawak ni Nanay. Tama nga, sa mundong ito wala talaga sigurong madali at hindi mahirap na buhay. This world is a battleground of life. The battles you have won in this lifetime will shape who you become one day.
"'Nay mabuti po at hinayaan kayo nina Ma'am Shaine at Sir Donovan na umalis sa mansyon nila."
"Ako naman ang pinagdesisyon nila, Mitchell. At dahil gusto ko ring makita ka at namiss din kita kaya umalis ako roon."
"Sa tingin n'yo po ba, 'nay, galit si Sir Donovan at Ma'am Shaine sa... amin?" Panaka kong tanong kay Nanay.
Ang kanyang may kulubot na na noo ay mas kumunot dahil sa aking tanong.
"Wala namam akong narinig mula sa kanila tungkol sa inyo in Chamuel, Mitchell. Bakit mo naman naitanong?"
Mabilis akong umiling kay Nanay.
"W-wala, 'nay."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Nanay Isidora, inakyat ko siya sa taas upang ipakita ang silid ni Tegan at ipakilala sa kanya ang anak namin. Hindi rin kasi bumaba si Chamuel. Mukhang binigyan niya kami ng oras ni Nanay na makapag-usap.
"D'yan po ang silid namin ni Chamuel, 'nay." Turo ko sa katapat na silid.
Napatango si Nanay.
"Hanggang ngayon, Mitchell, hindi ko talaga lubos maisip na naging kayo ni Sir Chamuel." Untag ni Nanay. Nanlaki ang mata niya at natampal ang bibig. "Ay, huwag mong mamasain iyong sinabi ko, Mitchell. Kasi noon... akala ko matalik lang kayong magkaibigan. Magka-ibigan pala kayo!"
Uminit ang aking pisngi sa sinabi ni Nanay Isidora.
Dati ay malapit na talaga kami ni Chamuel. Kahit sa agwat ng edad namin, naging matalik nga kaming magkaibigan. Siguro si Chamuel noon kaibigan lang talaga ang tingin sa akin. Ngunit ako, lihim ko na siyang hinahangaan!
"H-hindi naman po sa ganon, 'nay. Magkaibigan lang po talaga kami ni Chamuel noon."
May panunuksong ngisi sa labi ni Nanay Isidora habang nakatingin sa akin. Dahilan para mas lalong uminit ang aking pisngi!
"Oh, siya iyan na ba ang silid ng anak ninyo?" Pag-iiba ni Nanay sa aming usapan.
Tumango ako. "Opo, ito po ang silid ni Tegan at ang magiging silid n'yo rin po."
Pinihit ko ang busol ng pinto at saka ito tinulak upang buksan.
"Mami!" sumigla ang aking mata nang makita ko si Tegan na gising na.
Naglakad ako tungo sa kama at kinuha si Tegan.
"Good afternoon, Tegan!"
"Afternoon, Mami!" Masiglang bati ni Tegan at humalik sa aking pisngi.
Humarap ako kay Nanay Isidora. Hindi ko pa napapakilala si Tegan kay Nanay pero malaki na ang ngiti niya habang nakatingin kay Tegan.
"Ay, napakalusog at gwapong na bata naman talaga!" sabi ni Nanay.
Napangiti ako roon. "Nay, ito po si Tegan... ang anak namin ni Chamuel."
Lumapit si Nanay sa amin. Itinaas ni Nanay ang kanyang kanang kamay at pinagmano si Tegan sa kanya.
"Tegan, this is Lola Isidora."
"Lo... la... lola!"
Napatango-tango ako sa anak. "Yes, baby. Lola mo."
Nararamdaman ko si Chamuel sa aking tabi kaya naman tiningala ko siya at binigyan ng isang ngiti. Nang bumaling ako kay Nanay Isidora, may malaking ngiti na rin sa kanyang labi at namasa ang mata.
"'N-nay,"
"Ang ganda ninyong pamilya, Chamuel, Mitchell."
Naglakbay ang kamay ni Chamuel sa aking baywang.
"Talaga, 'nay?"
Mabilis ang tango ni Nanay sa sinabi ni Chamuel.
"Alagaam ninyo itong dalawa. Dahil ang isang kompletong pamilya ay hindi kaya ng isa lang. Susubukin kayo ng mga pagkakataon at titibayin kayo ng panahon."
Nagkatinginan kami ni Chamuel bago tumango may Nanay.
Ako na sana ang magluluto ng hapunan namin kagaya ng aking nakagawian ngunit nag-insist si Nanay Isidora na siya na araw ang magluluto sa hapunan. Ayaw ko namang iwan si Nanay mag-isa sa kusina kaya naman tinulungan ko siya.
Sabay na rin kaming apat na kumain. Si Nanay Isidora ay nagpaturo din sa akin sa mga routines na ginagawa for Tegan. Para daw alam niya.
"'Nay, ako na lang po kay Tegan. Saka huwag po kayong masyadong gumalaw-galaw sa bahay dahil nandito pa naman po ako. Matagal pa po ang klase."
Winiwasiwas ni Nanay ang kamay. "Ay, naku kahit na, Mitchell. Hindi ko naman babantayan itong apo ko dahil trabaho ko siya. Namiss ko lang din ang pag-aalaga ng bata."
Tumango na lang ako kay Nanay Isidora.
Pumunta na ako sa silid namin ni Chamuel. Nasa veranda ng kwarto namin si Chamuel, may katawagan, at hindi ko na siya dinisturbo roon. Pumasok ako sa bathroom at naglinis ng katawan. Right afterward, I slipped into my matching pajamas and began my nightly routine in front of my vanity mirror.
Dinampi-dampi ko ang palad sa aking mukha nang may biglang yumakap sa aking baywang mula sa likod. Nakita ko sa salamin si Chamuel. Nilublob niya ang mukha sa noknok ng aking leeg.
My cheeks lifted, warmth spreading across my face as I smiled.
May magic nga siguro iyong Batanes sa amin ni Chamuel. Ever since the trip, Chamuel has been nothing but sweet, clingy, and flirtatious toward me, showing a new level of gentleness that makes him even more... loving.
I leaned my head gently toward his and ran my fingers through Chamuel's soft hair. Mayabong ang buhok niya pero malambot hawakan pagdating sa palad ko.
"Thank you, Cham!"
Naiangat ni Chamuel ang ulo mula sa pagkakabaon no'n sa aking leeg. Nagkatitigan kami sa harap ng salamin. Malamlam ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Meanwhile, I was gaping at him with full admiration.
"For what, Mitz?"
A soft smile graced my lips, parting slowly as I felt his hands slip beneath my silk nightgown. His fingers danced over my skin, tracing intricate, mesmerizing patterns over my belly that sent jolts of electricity through me.
How could he do this-watching me in the mirror with such innocence, as if those hands weren't igniting every inch of me with their wicked touch?
A small, unbidden hum escaped my lips as he continued, each gentle tease of his fingers leaving trails of fire along my skin.
"Dahil sa ginawa, mo. Dinala mo talaga rito si Nanay Isidora."
He sighed.
"No need to thank me, sunshine." Chamuel said in a hushed tone.
I didn't resist when Chamuel effortlessly scooped me up, cradling me in his arms as he carried me toward the bed. He gently laid me down, then propping himself up against the headboard.
Sunod rin naman akong binuhat ni Chamuel ng walang kahirap-hirap at saka ako kinandong. Kaya naman nararamdaman ko ang kanyang alaga sa ibaba ng pang-upo ko. Nanunudyo ito sa aking suot na pajamas. At ramdam ko ang laki niya kahit na may tela namang nakaharang sa pagitan ng aming mga katawan.
Ang mga kamay ko nasa balikat ni Chamuel habang ang kanyang mga kamay naman ay nasa baywang ko.
"Tingin mo ba, Cham... hindi galit sila Ma'am Shaine sa atin?"
"Mitz," he groaned.
"Nag-aalala lang ako sa'yo, Cham. Matagal nating nilihim ito tapos—"
"Sssh, sunshine," he cut me off.
"Shaine Aguilli... you know that she's my mother right?"
Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. "Ina mo naman talaga siya, Cham."
Umiling siya. "She's not my mother, sunshine... biologically, she isn't my mother. I'm my father's bastard."
"C-Cham..."
My heart beat erratically.
He ran a hand through his hair before placing it back around my waist.
"I think you need to know about this, Mitz."
I remained silent.
"My father cheated on Mommy Shaine. He had an affair with an actress, and unfortunately, I was the product of their affair," he stated.
"P-pero, Cham... mommy ang tawag mo kay Ma'am Shaine."
Matamlay siyang tumango. Hmm. Despite my father's sin towards his wife, his legally wedded wife still allows me to call her mom. Of course, it's to protect my father's image and cover his secret," he replied.
"I-iyong totoo mong nanay... nasaan na siya?"
Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. Nang iwan niya ako kina Dad. Hindi na naman siya nagpakita sa akin."
"Hindi mo ba siya hinanap?"
Umiling si Chamuel.
Nakuyom ko ang aking palad bago siya niyakap. Parang bata na tinago ni Chamuel ang kanyang mukha sa aking dibdib.
All my life naniwala akong si Ma'am Shaine talaga ang tunay niyang ina. I know that they're strict parents when it comes to Chamuel, but maybe they're like that because of his identity. Ayaw nila noon sa pag-aartista ni Chamuel and I know how broken Chamuel back then because of it. Dahil ba sa katotohanang ito kaya ayaw nila sa pag-aartista noon ni Chamuel?
"Sorry, Cham. Hindi ko alam."
"No else know, Mitz. I understand." Chamuel murmured against my chest.
_ _ _
Hindi ko lang namalayan na dumating na ang araw ng premier night sa movie nila Chamuel.Hindi ako ang escort ni Chamuel, mag-isa siyang naglakad sa red carpet. Ngunit masaya pa rin ako kahit isa lang ako sa audience.
"Ang daming dumalo!" Masayang wika ko kay Chamuel pagkapasok ko sa kotse. Nandito kami ngayon sa basement. No camera. No media.
Niyakap ako ni Chamuel. "Sorry, Mitz."
Yumakap din ako pabalik sa kanya. "Bakit ba bigla kang nags-sorry, Cham?"
"This is the first time na dumalo sa premier night ng movie ko pero hindi kita—"
Kumalas ako sa yakap namin kaya napatigil siya.
"Masaya na ako, Cham, n makita ka roon. Masaya ako na nakadalo ngayon. Saka meaningful din ito kasi huling movie mo na ito, 'di ba? Iyong sa susunod ay sa America at 'di naman ako mapapapunta roon."
"Mitz,"
"I will always be your fan, Cham. Tumigil ka man sa pag-aartista o hindi. Patuloy akong hahanga sa'yo," sabi ko at tiningnan ang kanyang mata.
Naghalo-halo ang mga emosyon doon.
Chamuel looked exceptionally handsome today, dressed in his sharp black and white suit. His eyes reflected a delicate mix of bliss and melancholy, as though torn between two worlds. I knew how deeply he loved this industry, how it had always been his passion. Yet, despite all my efforts to reassure him that he could continue his work while I focused on my studies, his heart was set on something else.
Mas gusto niya iyong magfocus daw siya sa negosyo nila ni Ronan at sa amin ni Tegan.
"The kinder you are to me, Mitz, the guiltier I feel for being a jerk and being cruel to you. I don't know if I deserve you. I'm afraid that I'm not enough— not man enough to be with you."
"Hindi ikaw ang magdedesisyon n'yan, Cham. Tayo... tayong dalawa. Kung patuloy mo akong pipiliin, pipiliin at pipiliin kita. However, know that I have limitations too... we both do."
"I know, Mitz. I know. And thank you for lighting up my gloomy world. You mean the world to me, and I can't imagine my future without you in it."
***
This story is already at chapter 24 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top