CHAPTER 13
Chapter 13
Mitchell's Pov
Nang maalimpungatan ako, ang unang rumehistro sa akin ay ang mainit na hininga na tumatama sa aking ulo!
Minulat ko ang aking mata at doon bumungad sa akin ang hubad na katawan ni Chamuel. Sino pa ba, di ba? Wala naman akong ibang kasamang lalaki rito sa villa kung hindi siya lang! Well, aside sa anak namina na nasa kabilang silid.
Nakayakap ang braso ko sa katawan ni Chamuel kung kaya't ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang balat! Hindi ko alam kung anong oras na pero mukhang maaga pa naman dahil hindi pa ganon ka kataas ang sinag ng araw na siyang tumatagos doon sa mahahabang kurtina ng silid!
Kagabi ay hindi ko napansin iyong mahahabang kurtina at wala rin akong oras na pag-aaralan ang silid dahil kaagad akong sinunggaban ni Chamuel.
Gumalaw ako ng konti at inangat ang ulo na nakaunan sa dibdib ni Chamuel. Napangiti naman ako nang makita kong nakapikit pa ang mata niya. Muli kong sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Malakas ang tibok no'n at ang sarap sa pakiramdam.
Chamuel has already confessed his feelings for me, but we don’t really talk about our... label. Hindi ko pa alam kung ano kami. May anak kami. Nakatira sa iisang bubong. Tapos... ginagawa ang bagay na ito. Akala ko magdahan-dahan kami, eh! Kaso marurupok din pala kami sa isa't isa.
I have known Chamuel since we were little, though hindi ko na tanda ang iba pero isa talaga siya sa bumuo ng pagkatao ko. Malaki ang naging parte niya sa buhay ko. Kaya siguro hindi ko rin siya matalikuran kahit anong advice at suhestiyon pa ni Eliza na lumayo ako rito. Kaya siguro pinapatawad ko siya sa kanyang nagawa kasi alam ko na kapag nawala siya... malaking parte sa akin ang mawawala.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa katawan ni Chamuel. Kahit na balot kami sa kumot mas gusto ko pa yatang mainitan sa kanyang katawan.
Pinakiramdam ko ang sarili, masakit ang katawan ko lalo na sa may baywang, hita, at pang-upo ko pero ang masaya ako at ang sarap sa pakiramdam. May damit na rin ako at underwear sa ilalim ng kumot!
"Mitz?"
"O-oh,"
Napatigil ako sa pagsubsob ng mukha ko sa kanyang dibdib. Nailayo ko ang aking mukha sa katawan ni Chamuel at tiningnan siya.
"G-good morning!" bati ko sa kanya.
Namumungay ang kanyang mga mata at tila inaantok pa. Despite the sleepiness in his eyes, Chamuel managed to offer a smile full of warmth and delight. He gently raised a hand and ran it through my short hair, his touch both familiar and comforting.
"Good morning, sunshine!" ganti niyang bati sa akin.
Dinapa ko ang aking kamay sa kanyang dibdib at saka kumuha ng lakas doon bago dumukwang upang maabot ko ang kanyang labi at hinagkan. It was supposed to be a brief kiss, but Chamuel held my chin before I could pull back and deepened our kiss.
I closed my eyes as Chamuel’s lips began to nibble my lower lip, giving it a gentle stroke and a soft suck. Unlike last night, Chamuel’s kiss was slower and more gentle this time, as if he was savoring every inch of my lips. It was just a lip-to-lip kiss, but it already made my day.
Sarap naman bumati ng magandang umaga nitong si Chamuel. Sarap araw-arawin! Kidding aside!
Chamuel pulled back his lips. Bumaba ang kanyang mata sa akong labi at pinadaan ang kanyang hinlalaki sa aking nakaawang na labi.
"Wala bang masakit sa'yo?" he softly asked and gave my cheekbones a light strokes.
I pouted. "M-masakit ang baywang ko pati na ang pang-upo at hita ko pero kaya pa naman."
Chamuel chuckled.
Naigagalaw ko pa naman ang aking binti kahit papaano. Hindi naman ako totally bedridden ngunit 'di sapat ang lakas ko ngayon na tumayo! Nanlalambot kasi ang binti ko.
"That's good to hear."
"Hala!" sambit ko nang maalala ang anak namin sa kabilang kwarto! "Si baby Tegan, Cham! Kailangan kong puntahan ang anak natin baka umiiyak na naman—"
"Shh," aniya sabay lagay sa kanyang hinlalaki sa aking labi. "Pinuntahan ko na si Tegan sa kabila. Tulog pa."
Napabuntong hininga ako.
"You need to rest. I wore you out last night. You need to regain your strength."
"Uh, papaano si Tegan at ang pagkain natin?"
Nasa mukha man ni Chamuel ang aking mata ngunit hati naman ang aking atensyon dahil sa kanyang kamay na gumapang sa loob ng suot kong t-shirt. Nakikiliti ako na parang ewan dahil sa kanyang daliri na mahinang humahaplos sa aking balat!
"Pinuntahan ko si Tegan sa kabila kanina, tulog pa naman. At about sa pagkain, ako na ang magluluto."
"'Di ka naman marunong magluto, Cham."
"Hotdog at gatas lang kakainin mo, Mitz. Iyan lang ang kaya ko for now sa'yo."
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Niyakap din ako ni Chamuel. Pinasubsob niya ang mukha ko sa kanyang dibdib at sinuklay ang aking buhok.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Ang sarap magpaalaga at alagaan ng taong gusto mo.
"Hindi ka ba maiihi? Wala nang masakit sa'yo, aside sa butthole mo at baywang?"
Umiling ako kay Chamuel.
"Should I get the water ready for you?"
"Pwede?" Paglalambing ko sa kanya.
Humalik naman si Chamuel sa aking noo. "Of course, sunshine. I know what I did last night, and I know how much you endured. Ito lang ang magagawa ko to ease your pain."
After our short getaway in Batanes, we finally got home. Si Chamuel naging busy sa pag-promote nila sa kanilang movie at sa nalalapit na premier night no'ng movie nila in which pupunta rin sila sa America for it.
"Tagal mong hindi nagparamdam!" ani Eliza pagkapasok namin sa bahay.
Dinala ko siya sa sala dahil doon kami tumatambay ni Tegan. Tinuturuan ko kasing sumalat, bumigkas ng letters at magkulay itong si Tegan.
Kagabi ay nagtext si Eliza na pupupunta siya rito sa bahay at hindi na rin ako tumanggi since halos dalawang linggo yata kaming hindi nagkita at text-text na lang matapos no'ng getaway namin sa Batanes.
"Ayaw rin naman kitang abalahin dahil alam ko na nalalapit na ang graduation mo," sabi ko naman sa kanya.
"You're right, Mitz," anito at sinalampak ang sarili sa sofa. Pabiro niyang kinurot ang pisngi ni baby Tegan.
"Kumusta na ang cute kong inaanak? Namiss mo ba ako, baby Tegan?" pagkakausap ni Eliza sa anak ko na hawak ang isang crayon.
"No!"
Natawa ako sa naging sagot ng anak ko. Sumimangot naman si Eliza at sinandal ang katawan sa backrest ng sofa.
Umupo ako sa carpet, sa tabi ni Tegan.
"Mitz..."
"Hmm?" sagot ko naman kay Eliza.
"Magl-law na ako."
Naibaling ko ang buong atensyon ko kay Eliza.
"Eli,"
Matamlay siyang ngumiti sa akin. "Sure ka na d'yan? Pini-pressure ka ulit nina Tita Emerald at Tito Enrile?"
Lumabi lang siya at itinakip ang braso sa kanyang mata.
"May kailangan akong gawin, Mitz."
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Eli... may kinalaman ba ito sa pananahimik mo nitong nakaraan? Baka naman ina-isolate mo na naman ang sarili mo at..."
"Totoo na nitong nakaraan ay kailangan ko talaga ng oras para mag-isip, Mitz. Isa iyan sa rason kung bakit ako nananahimik at may ginagawa rin ako."
"Nagtatrabaho ka sa law firm ninyo?"
Umahon siya mula sa pagkakahilig doon sa backrest.
"Nope! Pero lagi na akong nagagawi roon. Ini-immerse ko na ang sarili ko sa environment!" aniya at tumawa.
"Eliza kung may problema ka o may dinala d'yan sa dibdib mo... alam mo naman na nandito lang ako sa'yo, di ba? Makikinig ako, Eliza."
Eliza wasn't a perfect friend. We’d fought before, argued even, but she’s the one person who’s remained constant in my life. Despite everything that’s happened, she’s always been there for me.
She smiled and sighed. "I know, Mitz," she said. I don’t know—maybe I’m just paranoid or something, but there's something off about Eliza right now. Her smile, the glint in her eyes, even her voice are giving off a vibe I can’t quite place.
"By the way, kumusta ka na kayo ni Chamuel? Is he... treating you right? O baka kumupas na ang kabaitan?" May biro niyang sabi.
Umiling ako sa kanya. "Bumait na talaga siya, Eliza. Ngayon ay busy lang sa mall tours at pag-promote ng movie nila."
Madaming guesting sa TV at interview ang lalaki ngayon.
"That's good to hear, Mitz or else... I'll cut his balls for you!"
"Eliza!"
"I'm just kidding! 'Di nga ako makalapit doon eh!"
I just pouted!
"But, Mitz, I want to apologize."
"Huh?" ani ko at binuklat ang coloring book sa harap ni Tegan.
"About doon sa restaurant... iyong nando'n sina Arkin at ibang relatives namin."
Malimit akong ngumiti kay Eliza. "Huwag mo na iyong isipin, Eli. Ngayon ang importante sa akin ay ang pamilya ko; si Tegan at Chamuel. Iyong nakaraan... sinusubukan ko na silang talikuran."
"Mitz..."
Hindi alam ni Eliza ang tunay na nangyari sa gabing iyon. Siguro inaakala niya na lasing kami noon ni Arkin kaya iyon nangyari. Pero ako... alam ko na wala ako sa sarili ko no'n. Her cousin must have done something or put something to that cup para manghina at mawala ako sa sarili ko nang gabing iyon.
No matter how broken I was that night, I knew I couldn't turn my back on Chamuel. I may be disheartened by his rejection, but I won’t let it defeat me.
I want justice. I want the truth to come out. But I know how powerful Eliza's family is—a family of lawyers, with relatives in politics and authority. I know they can easily turn my story in their favor.
I need allies who are just as powerful. I need courage, because I can’t do this alone. This fight might take time, but I hope to reach justice soon.
"Gusto ko munang namnamin itong lahat, Eli." Kasi baka hindi ito pang matagalan. Baka... pinapatikim lang ito sa akin ng tadhana.
Finally, Eliza smiled back. "Okay... kung saan mo gusto, Mitz."
Nagtagal si Eliza sa bahay kaya naman akupado ako maghapon. Alas singko na nang maisipan ni Eliza na umuwi at hinatid namin siya ni Tegan sa labas ng bahay.
"Mag-iingat kayo, Mitz. Tumawag ka if may kailangan ka, huh." Humalik siya sa pisngi ni Tegan bago umatras.
"Ikaw rin, Eli."
Kinaway ko rin ang kamay ni Tegan kay Eliza. Hinintay namin ni Tegan na mawala ang kotse ni Eliza bago kami pumasok sa bahay kaso hindi pa namin nailock ang gate nang may puting isang pickup na dumating.
Kumunot ang noo ko dahil hindi naman iyon kotse ni Chamuel. Akala ko nagkamali lang ng direksyon at dadaan lang sa bahay nang tumigil ito at bumaba ang sakay.
Nanlaki ang mata ko at kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko ang mga panauhin na dumating.
Kung shock ako, mas nagulat sila nang makita ang karga kong bata.
"Mitchell," si Ma'am Shaine.
"W-who's baby is that?" si Sir Donovan naman.
"M-ma'am, sir..." tanging sambit ko.
_ _ _
Kandong ko si Tegan habang nasa tapat namin sina Ma'am Shaine at Sir Donovan. Palipat-lipat ang kanilang mata sa akin at kay Tegan na walang ka-alam alam sa mga nangyayari ngayon.
Pinagpapawisan nga ako kahit may aircon at nararamdaman ko na ang pintig ng puso ko sa akong lalamunan dahil sa kaba.
We were Chamuel's secret, and even his parents didn’t know a thing. I don’t know if they can grasp the situation right now and recognize Tegan’s identity.
"Explain, Mitchell!" Ma'am Shaine demanded. Her voice was low, but it dripped with authority. Ma'am Shaine may look calm and gentle, but I know firsthand how fierce she can be.
"M-ma'am...."
"Kaninong anak ito?" Turo pa ni Ma'am Shaine kay Tegan.
Napayakap si Tegan sa akin at siniksik ang mukha sa aking dibdib.
Hindi pa namin napag-uusapan ito ni Chamuel. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.
"M-ma'am... sir Donovan, anak k-ko po." I'm sorry, Cham!
"Ano?" Gulat na sambit ni Sir Donovan at nanlalaki ang matang tumingin sa batang tinatago ang mukha sa dibdib ko.
"Mitchell," matamang saad ni Ma'am Shaine pero may bahid ng diin ang kanyang pagkakabigkas.
"Ma'am, h-hindi ko po alam kung maniniwala kayo sa akim o hindi pero..." I'm so sorry, Chamuel. Sana hindi ka magalit sa akin. "Bearer p-po ako... may kakayahan po akong magbuntis at si Tegan nga po... anak ko po siya."
Umawang ang labi ng dalawang matatanda sa sinabi ko.
"You mean to say... isa ka roon sa merong X-linked treat?" Litong sambit ni Sir Donovan.
Tumango ako kay Sir Donovan.
"Hinayaan ni Chamuel ito, Mitchell?" Medyo tumaas na ang boses ni Ma'am Shaine.
Muli akong tumango.
"Hindi ba siya nagalit sa'yo? Ano ang naging reaksyon niya nang malaman niyang buntis ka? Sinong nakabuntis sa'yo? Hindi ka na dapat nandirito sa bahay ni Chamuel kung may anak ka na." May disgusto ang tono ni Ma'am Shaine.
Tumingin ako kay Sir Donovan na napapailing.
"M-ma'am... kasi po—"
"You know what, Mitchell, I really have high hopes for you. Kahit na may katigasan ang ulo mo noon sa bahay. Alam ko naman na matalino kang bata. Pero ito? May anak ka na pero nakatira ka pa rin kay Chamuel. Dapat doon ka na sa boyfriend mo o sa nakabuntis sa'yo—"
"What the hell is this shit?!" Chamuel's thundering voice echoed through every corner of the house!
Kahit si Tegan na nasa aking kandungan ay napaigtad sa lakas ng boses ni Chamuel! Napalunok ako ng malalim nang makita ko ang lalaki na malalaki ang hakbang tungo sa aming direksyon. Chamuel's eyes were blazing with anger.
"Chamuel—"
"Anong ginagawa ninyo rito sa pamamahay ko?! And why are you cornering Mitchell with your nonsense?" Chamuel cut off his mother.
"Manners, Chamuel Thoreau!" Sir Donovan roared!
"Tsk! Kayo? Nasaan ang manners ninyo sa pagpunta ninyo rito sa bahay ko at—"
Inabot ko ang polo ni Chamuel kaya napatigil siya. Lumingon siya sa akin.
"P-pinapasok ko sila." Awat ko sa kanya.
"Even if, Mitz, hindi ka dapat nila pinagsasalitaan ng ganon! Pamamahay natin ito! They're outsiders!"
"W-what? Pamamahay ninyo?" si Sir Donovan.
"What about it, dad?" Chamuel snapped in his father's direction.
"Chamuel, we all know how fond you are of Mitchell. You went against us because of him, but look at him! He has a son and—"
"For Pete's sake, you're pointing at and referring to my son!" putol ni Chamuel kay Ma'am Shaine!
Nakita kong namutla si Ma'am Shaine at laglag ang panga ni Sir Donovan!
***
This story is already at chapter 22 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top