Special Chapter [Meet Xavier Caiden]

"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara.


"Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti.


"I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!


"Wala na tayong avocado eh," sabi ko.


"Bili ka," parang batang tugon niya.


"Okay, you want to come?" I asked.


"Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added.


Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na.


"Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila.


"Where po?" Ainsley asked.


"Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama.


"Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila.


"Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami.


"Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan.


"Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.


Nang makarating kami sa mall ay nagpark na agad ako saka pumasok na sa loob at dumiretso na sa fruit section. Binili ko lahat ng klase ng prutas baka kasi maghanap ulit si Elara.


"Papa, can we buy chocolates?" Magkasalop ang kamay ni Ainsley na tanong sa akin.


"Okay, pero kaunti lang ha?" Ako na naman ang lagot sa mama niyo.


"Yes po, papa." Nauna na silang pumunta sa sweet section upang kumuha ng tig-dalawa nilang chocolate.


At nang makabayad kami ay agad na kaming umuwi dahil baka mabagot na si Elara kahihintay sa amin.


"Lola!" Pagkapasok ng kambal ay agad silang tumakbo palapit kay mommy upang yakapin ito.


Lumapit na rin ako kay mommy upang halikan siya sa pisngi. At pagkatapos no'n ay lumapit na ako kay Elara.


"Kaya ba ayaw mong sumama kasi may bisita ka?" Ngising tanong ko.


"Mhmm-hmm..." tugon niya.


Mahina na lang ako natawa saka humalik sa noo niya.


"Here's your avocado."


"Yey! Thanks, Hon!" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at saka nagmamadali na siyang pumunta sa kusina.


"She's so different from the other pregnant." Napatingin naman ako kay mommy nang magsalita siya.


"What do you mean, mom?" Tanong ko.


"Hindi siya 'yong bigla-bigla na lang magagalit kapag hindi agad nabigay 'yong gusto niya." Tugon niya.


Well, that's exactly what I noticed at first. Hindi siya moody but she's acting like a child kapag hindi nasusunod ang gusto niya.


Nagpaalam muna ako kay mommy na susundan muna si Elara sa kitchen dahil kanina pa siya ro'n.


"Ano 'yang kinakain mo?" Tanong ko habang nakaturo sa kinakain niya.


"Avocado and chocolate." Tugon niya sabay sumubo no'ng avocado na may chocolate sa ibabaw.


"Is that edible?" Tanong ko pa.


"Kakainin ko ba kung hindi nakakain?" Balik niyang tanong sa akin.


"Sabi ko nga," pagsuko ko. Hindi ako mananalo sa buntis eh.


---


Tatlong araw akong mawawala dahil may panibago kaming project sa Davao kaya iiwan ko muna sila Elara sa bahay ni mommy.


I was in the middle of the meeting when mommy called me. Nagpaalam muna ako na sasagutin ko muna ang tawag.


"Yes mom?" Sagot ko.


["Are you doing something?"] Tanong niya.


"May meeting kami, why? May nangyari ba?" I asked.


["Makaka-uwi ka ba bukas?"] Nagtaka naman ako.


"I don't know." Sagot ko. Sa susunod na araw pa ang uwi ko eh.


["Narito kasi kami ngayon sa hospital eh,"] bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni mommy.


"W-Why? What happened?" Sunod-sunod na tanong ko.


["Sabi ng doctor baka ngayon or bukas na manganganak si Elara. That's why I'm asking you kung makaka-uwi ka bukas?"]


"Uuwi ako after ng meeting namin." Mabilis na sagot ko.


["Are you sure?"]


"Yeah." Sabay putol sa linya. Gusto kong kasama ako ni Elara kapag manganganak siya.


Pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay agad kong nilapitan ang pinaka-head ng team namin para magpaalam.


"Okay, okay. By the way, congratulations." Aniya sabay tapik sa balikat ko.


"Thanks."


Habang nasa eroplano ako ay hindi matigil ang panginginig ng kamay ko.


"Calm down, Xzav." Pagpapakalma ko sa aking sarili.


Umidlip na lamang ako para maiwasan ang panginginig ng kamay ko.


---


Pagkalabas ko sa airport ay sumakay na agad ako sa sasakyan at mabilis na nagdrive papuntang hospital. At wala pang ilang oras ay narating ko na rin ang hospital kung saan dinala sina Elara.


"Mom, where's Elara?" Agad kong tanong kay mommy.


"Nasa delivery room na siya at ilang oras na siyang nagli-labor." Sagot naman niya.


"P'wede ba akong pumasok sa loob? Gusto kong samahan si Elara," I asked.


"I don't know. Tanungin mo ang mga doctor kung p'wede ka bang pumasok sa loob." Aniya.


Tumango na lamang ako saka naglakad palapit sa delivery room at kumatok.


"Can I come inside?" Tanong ko sa nurse. "I'm her husband." Pahabol ko nang magtatanong sana siya.


"Pasok na po kayo, sir." Nagpasalamat na lang ako at agad nang pumasok sa loob. Sa banyo ako tumungo dahil naroon daw si Elara.


At nang makapasok ako sa banyo ay nakita ko si Elara na hirap na hirap at pawis na pawis habang nasa tub. Pareho silang nagulat ng doctor nang makita ako.


"A-Akala ko ba sa susunod na raw pa ang uwi mo?" Nahihirapang tanong niya.


"I can't miss this day." Sabi ko na lang sabay halik sa noo niya.


Matapos ang ilang oras na pagli-labor niya ay pinalipat na siya sa hospital bed dahil anumang oras ay lalabas na raw ang baby.


"Kaunting push pa, Mommy." Sabi ng doctor kaya umire muli si Elara.


Kita ko sa mukha niya kung paano siya nahihirapan pero pilit niyang kinakaya para lang mailabas nang maayos ang anak namin.


"One more time, Mommy, nakikita ko na ang ulo niya."


Pahigpit nang pahigpit ang mga kapit niya sa akin habang umiire siya. Bigla namang pumasok sa utak ko 'yong panahon na nanganak siya sa kambal. Sino kaya ang kasama niya habang nanganganak siya? Mas doble siguro ang hirap niya noon kaysa ngayon.


Nahinto ako sa pag-iisip nang may marinig na akong iyak ng bata.


"A healthy baby boy! Congratulations to the both of you." Napangiti naman ako at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ko.


"I love you, hon." Sabi ko.


"I love you too, Xzav." Tugon niya bago pumikit.


Nang mailipat sa kuwarto si Elara ay nasa lang niya ako habang hinihintay na dalhin dito ang baby namin. Wala si mommy ngayon dito dahil sinundo niya ang kambal sa bahay.


"Papa!" Sigaw ni Ainsley nang makapasok sila.


Sinenyasan ko siyang huwag maingay dahil natutulog pa si Elara.


"Oops! Sorry po," aniya saka nag-peace sign.


"Nasaan po si baby?" Tanong ni Aislinn.


"Wala pa siya, later pa siya ipupunta rito." Sagot ko at kasabay noon ang pagbukas ng pinto.


"Iyan na siya!" Tili ni Ainsley. Napa-iling na lang ako sa kaingayan niya.


Si mommy ang kumuha kay baby sa nurse at pagkatapos noon ay nagpasalamat muna kami bago siya lumabas.


"Kamukhang-kamukha mo siya, Xzav," natawa na lang ako kay mommy.


"Mama!" Napatingin naman kami ni mommy kay Elara na gising na pala.


"Buti at gising ka na, Elara, tignan mo kung gaano ka-guwapo itong apo ko." Parehas naman kaming natawa ni Elara. "Anyway, may naisip na ba kayong pangalan niya?" Tanong pa nito.


"Xavier Caiden po," nagulat naman ako sa sinabi niya.


"Lemme guess, 'yong Caiden ba ay combination ng pangalan niyo?" Nakangiti namang tumango si Elara. Ang akala ko nagbibiro lang siya noon.


Lumapit si mommy kay Elara para ibigay si Caiden sa kaniya. At nang makuha ni Elara si Caiden ay agad namang sumampa sa kama ang kambal upang makita ang kanilang kapatid.


Napangiti naman ako. I am so happy to have them, isang maganda, mapagmahal, at maalagang asawa, at  tatlong anghel. Wala na akong mahihiling pa, gagawin ko ang lahat upang mapangalagaan ko lamang sila.


---


Here's the special chapter po sana magustuhan niyo. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top