Prologue

Prologue

---

"Have a great day, ma'am!" Naka-ngiting sambit ko matapos kong ibigay ang order ng customer.

Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya naman humanap muna ako ng mauupuan upang doon umupo.

"Calli, are you okay? Bakit parang namumutla ka?" Lina asked.

"I'm okay, don't worry..." usal ko.

"Are you sure?" Tumango ako. "Sige, mag pahinga ka muna riyan." Tinanguan ko ulit siya bago siya umalis sa harapan ko.

Naka-pikit kong hinihilot ang sintido ko at bigla na lang akong napa-takip ng bibig ko nang maramdaman kong nasusuka ako. Dali-dali naman akong tumakbo papuntang cr upang doon sumuka.

Matapos akong mag hilamos ay napa-tingin ako sa repleksiyon ko sa salamin habang inaalala kung kailan ang huling dalaw ko.

"Magt-two weeks na akong hindi dinadatnan," agad akong natigil nang may ma-realize.

Hindi kaya... no, isang beses lang namin ginawa 'yon kaya imposible.

"Calli, ano'ng ginagawa mo riyan? Kanina ka pa namin hinahanap." Ani Lina.

"L-Lina..." tawag ko rito, nag 'hmm' naman siya.

Huminga muna ako nang malalim bago mag salita.

"Posible bang may mabuo kahit na isang beses lang ginawa?" Tanong ko sa kaniya ngunit parang hindi niya yata na-gets.

"Ha? Hindi ko gets 'te." Hays, sabi na eh.

"Kapag nag sex kayo nang isang beses lang, posible bang may mabuo?" Ulit na tanong ko.

"Posible 'yon kung pinutok niya sa loob." Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Bakit mo na— oh my gosh! Don't tell me..." dahan-dahan naman akong tumango. "Gaga ka! Kailan kayo nag-ano?" Pasigaw na bulong niya.

"Noong birthday niya," sagot ko.

"Loka-loka ka talaga, sarili mo ginawa mong pang regalo sa kaniya?" Kahit na nag-aalinlangan ay nagawa ko pa ring tumango.

"What should I do?" Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka hindi niya tanggapin.

"Samahan kita mamaya bumili ng PT para sure kung may laman nga talaga 'yang tiyan mo." Tumango na lang ako at napa-hawak sa flat kong tiyan.

At nang matapos kaming makapag-ayos ng gamit namin ay sabay kaming lumabas saka agad na pumara ng taxi.

Bumaba kami sa tapat ng store upang bumili ng PT. Dalawa ang binili ko para sigurado.

"Salamat po," sabi ko at pagkatapos ay hinila ko na palabas si Lina.

Since malapit na lang dito 'yong apartment namin ay nagpasya na lang kaming lakarin 'yon kaysa mag pamasahe na naman.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay agad na akong dumiretso papuntang banyo.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko nang makitang may dalawang guhit ang hawak kong dalawang PT.

"What's the result?" Tanong ni Lina nang makita niya akong lumabas ng cr.

Dahan-dahan kong tinaas ang hawak kong PT at napa-takip siya ng kaniyang bibig nang makitang positive ito.

"Lina..." naiiyak na tawag ko sa kaniya.

"Sasabihin mo ba sa kaniya?" She asked.

"I... I d-don't know, Lina..." umiiling na sabi ko at tuluyan nang umiyak.

"I'm scared..." umiiyak na saad ko, "Natatakot akong sabihin sa kaniya baka hindi niya tanggapin." Hinagod-hagod naman niya ang likod ko.

"Shh... huwag kang mag-isip nang ganiyan, malay mo tanggap pala niya." Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

Sana nga...

---

"Xzav, can we talk?" Tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.

["We're already talking, Hon."] He replied.

"Y-Yeah, but can we talk in person?" Pumayag ka, please...

["Okay, when?"] Napahinga ako nang maluwag nang pumayag siya.

"If you're not busy."

["Okay, mauna ka na sa condo ko then I'll text you if tapos na ang meeting."] Saad niya.

"Okay, I love you..."

["Hmm... I love you."] Napangiti naman ako at nabawasan nang kaunti ang kaba sa dibdib ko.

Nag paalam muna ako kay Lina bago lumabas ng apartment at agad nang pumara ng taxi. Nag bayad na ako nang marating ko na ang condominium ni Xzavier.

Pumasok na ako sa loob at sumakay na ng elevator saka pinindot na ang number ng floor kung saan ang unit ni Xzav.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang elevator kaya naman lumakad na ako papunta sa unit niya at binuksan na ito. Kahit na ilang beses na akong naka punta rito sa unit niya hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha dahil sobrang linis nito.

Habang inililibot ko ang tingin ko ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa kuwarto niya. Bigla namang nag flashback sa utak ko 'yong gabing 'yon. Gabi kung saan naisuko ko ang aking pinaka-iniingatan.

"Hey..." nabalik ako sa ulirat nang halikan ako ni Xzavier sa labi.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi na napansin na narito na pala siya.

"Bakit hindi mo ako tinext?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit kaya hindi mo i-check 'yong phone mo, naka-ilang text ako sa 'yo pero ni-isang reply ay wala akong nakuha." Agad ko namang kinuha ang phone ko at nakita kong may ilang text nga roon.

"Oh... I'm sorry," paumanhin ko.

"Kumain ka na?" He asked, umiling naman ako. "I bought food for us, let's eat." Iginiya niya ako papuntang kusina.

"Ahmm... Hon, I have something to tell you..." pag-umpisa ko.

"Hon, puwedeng kumain muna tayo? Mamaya na muna 'yan, okay?" Tumango na lang ako at kumain na lang.

Matapos kaming kumain ay siya na ang nag prisintang mag huhugas ng pinggan kaya naman pumunta na lang ako sa sala at nanood na lang muna ng TV.

At matapos ang ilang saglit ay naramdaman kong tumabi na sa akin si Xzavier at niyakap ako.

"I miss you," bulong nito saka hinalik-halikan ang leeg ko.

"H-Hon, iyong sasabihin ko sa 'yo," nahinto naman siya sa ginagawa niya.

"What is it?" Tanong nito habang deretsong naka-tingin sa mata ko.

"Remember the night that we did that thing?" Panimula ko.

"Yes, dahil iyon ang pinaka-magandang regalong  natanggap ko mula sa 'yo." Masayang usal niya.

"Xzav, may nabuo..." unti-unti namang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"What? Prank ba 'to?" Nag simula nang nanubig ang mata ko.

"No, Xzav. Buntis ako at ikaw ang ama." Pagkasabi ko noon ay bigla siya lumayo na parang may nakakahawa akong sakit.

"No, it can't be." Umiiling na sabi niya. "Hindi sa ayaw ko sa bata pero Elara..."

"Pero ano?"

"Hindi pa tayo tapos sa pag-aaral at ayokong ma-disappoint si mommy. Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad!" Sagot niya.

"Ako rin naman eh, marami rin akong pangarap na gustong matupad pero ano pa ang magagawa ko eh nandito na ito eh." Umiiyak sa usal ko.

"Edi ipalaglag mo!" Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Xzav, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Do you think na kaya kong pumatay ng batang wala pang kamuwang-muwang?!" Sigaw ko. "Kung ayaw mo sa dinadala ko, puwes bubuhayin ko ito nang wala ang tulong mo." Sabi ko sabay talikod sa kaniya.

Narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin ngunit hindi na ako nag-atubiling lingunin pa siya.

Why Xzav? Mahal na mahal kita pero bakit ganito? Sa 'yo nanggaling ito pero tinanggihan mo. At worst, gusto mo pang ipalaglag.

---

"Sure ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Lina habang tinutulungan akong mag-impake.

Plano kong umuwi kay mama sa probinsya upang doon ituloy itong pagbubuntis ko. Nasabi ko naman na sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko at tanggap naman niya.

"Sa tingin ko kasi mas okay kung sa probinsya muna ako." Sagot ko kay Lina.

"O'sige, basta don't forget na kunin akong ninang ha? Magtatampo talaga ako sa 'yo kapag kinalimutan mo ako." Natawa naman ako.

"Sa tingin mo ba makakalimutan ko ang isang tulad mo?" Ani ko. "Mag-iingat ka rito at kung p'wede huwag mo muna ipagsasabi itong balak kong uuwi ng probinsya lalong-lalo na kay Xzavier." Sabi ko.

"Promise! Wala akong pagsasabihan!" Nginitian ko na lang siya at niyakap nang mahigpit.

Matapos akong makapag-impake ay hinatid na ako ni Lina sa terminal ng bus.

"Mag-iingat ka sa biyahe ah?" Tinanguan ko na lang siya bago sumakay ng bus.

Kumaway na lang ako sa kaniya nang umandar na ang bus na sinasakyan ko. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang tiyan ko.

Anak, lalayo muna tayo ha? Sorry kung hindi mo muna makikilala ang papa mo.

–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top