Epilogue (Part 2)
This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako.
"Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito.
"Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.
Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.
'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.
Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko.
"Yes?" Sagot ko sa tawag.
["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya.
"Papunta na ako."
Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam.
"Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kaniya nang makapasok ako.
"Sa Thursday pupunta tayong Italy para sa new project natin. This is a huge project so I'm expecting you to come." Sabi niya.
"Okay, I will be there." Sabi ko saka pumihit na paalis.
---
Unang araw ko ngayon dito sa Italy at sobrang miss ko na sina Elara. Mamayang 6 PM pa ang meeting kaya naman nagpahinga muna ako para hindi ako antukin mamaya sa meeting.
"Meeting adjourned. Thank you everyone." Nakipagkamay kami isa-isa sa mga Italyanong ka-meeting namin.
At nang matapos ang halos dalawang linggo namin sa Italy ay sa wakas makaka-uwi na rin ako. Malaki ang ngiti ko nang makarating ako sa bahay ni mommy. I did not tell to anyone na ngayon ang uwi dahil I want to surprise them.
Pero imbis na ako ang magsusurprise sa kanila ay ako pa ang nasurprise sa nasaksihan ko. My mom lying on the floor, unconsciously.
"Elara, what did you do?" Naiiyak na tanong ko. Fvck, fvck.
"X-Xzav, h-hindi ko sinasadya..." hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala siya. "I-It was an accident, Xzav, please maniwala ka sa akin," hindi ko alam pero parang may sariling pag-iisip ang katawan ko dahil umiwas ito nang akmang hahawakan ako ni Elara.
"Hindi ko alam kung mapapatawad kita kapag may nangyaring masama kay mommy." Binuhat ko na palabas si mommy at saka agad ko na siyang pinasok sa sasakyan ko.
Mabilis ang patakbo ko habang tinatahak ang daan papuntang hospital. At pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin kami. Agad na akong humingi ng tulong sa mga nurse.
Pinagbawalan akong sumama sa loob kaya naghintay na lang ako sa labas. Napahilamos na lang ako ng aking mukha. Bakit nangyari ito? Ang ini-expect ko pa naman sana pag-uwi ko ay ka-close na nila ang isa't-isa pero ano ito?
Ilang oras pa akong naghintay sa labas nang lumabas na 'yong doctor at sinabing wala namang nakuhang injury si mommy kaya nakahinga ako nang maluwag.
Nailipat na si mommy ng kuwarto at kasalukuyan na siyang nagpapahinga ngayon. I took this chance para umuwi ng bahay. I need to talk to Elara.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay agad kong hinanap si Elara. Nalibot ko na ang buong bahay pero hindi ko mahanap si Elara.
"Anna, nakita mo ba si Elara pati ang kambal?" Tanong ko sa isang katulong.
"Nasa kuwarto po yata sila, sir." Sagot niya.
"Wala sila roon." Sabi ko na ikinataka naman niya.
"Ha? Hindi ko naman po sila napansin na lumabas eh," aniya at nagsimula na ring maghanap.
"S-Sir, umalis po yata s-sila Ma'am Elara," para naman akong nanghina sa sinabi niya. Babalik naman sila, 'di ba? Right, baka pumunta lang sila kay Lina.
"Babalik na ako sa hospital, tawagan mo na lang ako kapag bumalik na sila, okay?" Mabilis naman siya tumango.
Lutang ang isip ko hanggang sa makarating ako sa hospital. Pagpasok ko sa room ni mommy ay nakita kong tulog pa rin ito. Hinayaan ko muna siyang matulog doon, umupo na muna ako sa couch habang naghihintay ng tawag mula sa bahay.
Mga isang oras na akong naghihintay hanggang sa tumunog na ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot.
"Ano? Naka-uwi na ba sila?" Tanong ko agad.
["Sir, noong sinubukan ko pong pasukin 'yong kuwarto nila Ma'am Elara nakita ko pong wala na ro'n 'yong mga gamit nila."] Para namang may kung anong sumuntok sa dibdib ko.
"W-What?" Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko.
["Totoo po, sir... dalawang beses ko pa pong tinignan eh wala talaga. Malinis po 'yong kabinet ni Ma'am Elara pati 'yong sa kambal."] Sagot niya.
Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago ibaba ang tawag. Why, Elara? Bakit mo na naman ako iniwan?
---
Simula noong mailabas si mommy sa hospital ay sunod-sunod ang naging project namin kaya gustuhin ko mang hanapin sina Elara ay hindi ko magawa-gawa. Late na rin ako kung maka-uwi.
"Amiga! Long time no talk!" Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni mommy. Bakit gising pa siya nang ganito oras?
Kahit na antok na antok na ako ay pinili ko pa ring makinig sa pinag-uusapan nila ng kaibigan niya.
"How are you?" Masiglang tanong ni mommy. Hindi ko naririnig 'yong sinasabi noong nasa kabilang linya pero hindi ko na pinansin 'yon.
"I'm fine! Healthy and sexy!" Sagot nito. "What? Sino sabing may sakit ako? It was just an act, okay?" Aniya at saka natawa pa. Tangina? Niloko niya ako?
"Masaya ka pa habang niloloko ako, ha?" Singit ko.
Nanlaki naman ang mata niya at dali-daling binaba ang telepono.
"S-Son?" Sarkastiko akong tumawa.
"How could you to call me that, huh?" Humakbang ako paatras nang akmang hahawakan niya ako.
"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Huling-huli na nga nagagawa pa niyang mag-deny.
"Will you please stop lying?! Mom, dahil sa ginawa mo nawala na naman sa akin ang mag-iina ko!" Sigaw ko. "Nanay kita pero bakit mo ito ginagawa sa akin? Can't you just support me instead? Mom, hindi na ako bata para bantayan mo at mas lalong hindi ka na bata para samahan pa rito sa bahay mo." Natahimik naman siya.
"I-I'm sorry... I'm so sorry, son.." pumihit na ako papunta sa kuwarto ko at iniwan siyang umiiyak doon.
Iyak naman ako nang iyak buong magdamag. Sising-sisi ako sa sarili ko. At mas lumala 'yon nang malaman ko ang pinaggagawa ni mommy kina Elara noong mga panahon na wala ako.
At dahil sa pangyayaring iyon ay iniwan ko na si mommy roon sa bahay niya at hindi na siya kinausap. Nangako ako sa sarili ko na hangga't hindi ko nahahanap sina Elara ay hinding-hindi ko siya kakausapin. Ayokong nang magpaloko pa sa kaniya ulit.
Hindi ko matawagan ang number ni Elara kaya sinubukan kong tawagan ang number ng kaibigan niyang si Lina. Noong una ay nagtaka pa ako kung bakit naka-save itong number niya sa cellphone ko.
Naka-ilang ring pa muna ito bago niya sagutin. ["Hello?"] Sagot nito.
"Lina, alam mo ba kung nasaan sina Elara?" Agad kong tanong dito.
["Ha? Hello? Xzav, nandiyan ka pa ba?"] Huling sabi niya bago namatay ang tawag. Nang subukan kong tawagan ulit ang number niya ay naging out of reach na ito.
Alam kong alam niya kung nasaan sina Elara, ayaw niya lang sabihin.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon, para akong mababaliw kaka-isip kina Elara. Lalo na noong malaman ko ang tungkol sa mama niya. Gusto kong pumunta sa Pangasinan noon kaso sumabay naman iyong mga projects namin, walang katapusang project.
---
"Xzav, invited ka sa kasal ko ha?" Evan said nang magkasalubong kami sa mall.
"Sure, kailan ba?" Tanong ko.
"Wala pang date eh pero babalitaan na lang kita." Tumango-tango naman ako.
"Okay, congratulations." Tapik ko sa balikat niya.
"Thanks, Xzav. Ikaw ba, kailan ka ikakasal?" Natawa naman ako sa tanong niya.
"Are you nuts? Paano ako ikakasal eh hindi ko nga alam kung nasaang lupalop ng mundo 'yong gusto kong pakasalan?" Sabi ko.
"Wala ka pa bang balita kung nasaan sila?" Tanong nito, umiling naman ako.
"Sa dalawang taon na lumipas ni-katiting na balita tungkol sa kanila ay wala akong nakuha." Sagot ko.
"I'm sorry, Xzav, kung may maitutulong lang sana ako eh," hinawakan ko naman ang balikat niya.
"It's okay, man. Anyway, I gotta go." Paalam ko sa kaniya.
"Sure, ingat ka!" Tumango na lang ako.
Sa dalawang taong lumipas ay ang daming nangyari. Isa na roon ay 'yong kay mommy, nagkatotoo 'yong sakit niyang cancer. Nag-hire ako ng private nurse niya para siya ang mag-aalaga kay mommy.
---
"Good morning." What the fvck?! Am I dreaming? Is this for real?
"E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Oo nga," she chuckled.
Napabalikwas ako at saka niyakap siya. "I thought... I thought it was a dream,"
Akala ko panaginip lang 'yong nangyari kagabi. Tangina, ang saya ko!
Sa sobrang sayang nararamdaman ko ay nalimutan kong ginising si Elara noong makarating kami sa bahay nina Lina upang sunduin ang kambal.
"Hang on, nalimutan kong gisingin ang mama niyo," paalam ko sa kambal.
Pagkatayo ko ay nagulat ako nang makitang nasa likuran ko na si Elara.
"Nakita mo lang 'yong kambal kinalimutan mo na ako? Sakit mo ah," napakamot naman ako sa batok ko.
"I love you..." sabi ko, natawa naman ako nang umirap siya.
"Tss... I love you too," cute.
---
Ngayong araw ay pupuntahan namin si mommy dahil noong malaman niyang naka-uwi na sina Elara ay naki-usap siya sa akin na gusto niya raw silang makita at gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa niya.
"Thank you for forgiving me, Elara. Labis akong nagsisisi sa mga nagawa ko sa inyo ng kambal. Nagawa ko lang naman iyon dahil natatakot akong baka iwan ako ni Xzavier gaya ng ginawa sa akin ng daddy niya." Umiiyak na sabi ni mommy habang si Elara naman ay pilit siyang pinapatahan.
"Shh... hindi naman po kayo iiwan ni Xzavier eh, hindi po namin kayo iiwan." Napangiti naman ako sa sinabi ni Elara.
Nandito naman na kami kaya rito na rin kami naghapunan at pagkatapos ay nag-stay muna kami ng ilang oras bago magpaalam kay mommy.
---
"Papa, nasaan na po si mama?" Kanina pa tanong nang tanong sa akin ang kambal kung nasaan si Elara.
Magsasalita na sana ako nang mapako ang tingin ko sa kaniya. She's so damn gorgeous. Bagay sa kaniya 'yong suot niya pero mas babagay kung wedding gown na ang isusuot niya.
"Ang ganda ni mama." You're right, sweetie.
"She's like a fairy." Segunda naman ni Aislinn.
Nang makarating siya sa upuan niya ay nginitian niya ako nang magtama ang paningin namin.
"May I pronounce to you, husband and wife, you may now kiss the bride." Nang tignan ko si Elara ay nakita ko itong nagpahid ng kaniyang luha saka pumalakpak.
Sa amin na sumabay si Elara noong pupunta na kami ng venue.
"Ang daming foods, Linn." Dinig kong sambit ni Ainsley.
"Look oh, may chocolate fountain!" Nagkatinginan naman kami ni Elara at sabay na umiling.
"Mama, gusto ko po noong cupcake." Sabi ni Ainsley sabay turo roon sa cupcake na malapit kina Evan.
Ako na ang nagprisintang kumuha ng cupcake ng kambal. Pabalik na ako sa table namin nang makita kong nagmamadaling tumakbo si Elara.
"Here's your cupcake." Pagkalapag ko ng cupcake ay sunod ko namang nakitang tumakbo si Lina sa direksyon kung saan nagpunta si Elara.
"Dito lang kayo, okay?" Sabay namang tumango ang kambal kaya wala na akong sinayang na oras at sumunod na rin ako kina Elara.
"Gagi? B-Buntis ka?" Napantig ang tainga ko nang marinig ko iyon. Wait, si Elara b-buntis?
Wala namang tao rito kaya nag-stay muna ako sa labas ng CR hanggang sa marinig ko ang boses ni Elara.
"Lina, positive! Buntis nga ako." Nang marinig ko iyon ay para akong baliw na nakangiti hanggang sa mapagpasyahan kong bumalik na sa table namin kanina.
"Papa, saan ka po galing?" Tanong sa akin ni Ainsley nang makabalik ako.
"Nag-CR lang ako." Sagot ko.
At nang matapos ang event ay nagpaalam na kami kina Evan.
"Thanks for coming, Xzav. I'm glad that you and Elara are back together again." Wika ni Evan.
"Thanks, man. Masaya rin ako dahil kasal ka na." Sambit ko.
"Yeah. Ikaw na next." Sabay naman kaming tumawa.
"Ahm, Xzav... may sasabihin ako sa 'yo," napatingin naman ako sa kaniya.
"Ako rin," sagot ko saka inihinto ang sasakyan. Next week ko pa sana ito gagawin pero parang ang tagal pa no'n para sa akin, so I decided na ngayon na lang.
"Bakit? Anong mayroon?" Hindi ko pinansin 'yong sinabi niya. Agad akong lumuhod sa harapan niya at kitang-kita ko kung paano mangilid ang mga luha niya.
"Will you be my Mrs. Ventorina?" Say yes, please.
"Yes, Xzav." Yes!
Mabilis kong isinuot sa kaniya 'yong singsing at pagkatapos ay hinalikan siya sa labi.
"Ano nga 'yong sasabihin mo sa akin?" Nagkunwari akong hindi ko pa alam.
"I'm pregnant, Xzav." Fvck! Ang sarap pakinggan.
"Ang daya mo! Surprise nga dapat 'yon eh," damn! She's so cute!
---
"Akalain mo 'yon at kayo pala talaga ni Elara ang pata sa isa't-isa." Daniel said. "Congratulations, dude. Sa wakas ikakasal ka na." Tapik nito sa balikat ko.
Siya ang kinuha kong groom's men dahil hindi makakapunta si Jake. Nasa America kasi siya kasama ang pamilya niya.
Noong malaman ni mommy na buntis si Elara ay agad siyang naghanap ng wedding coordinator dahil ang sabi niya ay dapat ikasal na kami habang hindi pa umuumbok ang tiyan ni Elara.
"There she is." Napaayos naman ako nang tayo nang ituro niya sina Elara sa pintuan ng simbahan. "Congratulations ulit, dude." Aniya saka tinapik muna ang braso ko bago pumunta sa upuan niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maging emosyonal habang nakatingin kay Elara. Sa tinagal-tagal ng panahon sa wakas ikakasal na rin kami. Ang tagal kong hinintay itong araw na ito sa wakas ay mangyayari na ngayon.
"Stop crying, Xzav, parang hindi ka lalaki ah," mabilis ko namang pinahid ang luha ko nang marinig ko ang boses ni mommy. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sila.
Humalik ako sa pisngi ng tita ni Elara at pagkatapos ay humalik na rin ako kay mommy.
"Alagaan mo ang mag-iina mo, ha?" Tumango naman ako sa sinabi ng tita ni Elara. Silang dalawa ang kasama ni Elara papunta rito sa altar.
"I will, tita." Sagot ko.
Inilahad ko kay Elara ang braso ko at nginitian muna namin ang isa't-isa bago humarap sa pari.
May ilan pang sinabi ang pari hanggang sa magpalitan na kami ng vows namin.
"I, Xzavier Aiden Ventorina, take you Elara Calliope Borja, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; until death do us part." Matapos kong sabihin 'yon ay inabot ko naman sa kaniya 'yong mic dahil siya ang sunod na magsasalita.
"I, Elara Calliope Borja, take you Xzavier Aiden Ventorina, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; until death do us part." Matamis siyang ngumiti matapos niyang sabihin iyon at kasabay no'n ay ang pagtulo ng kaniyang luha.
"Xzavier and Elara, because God has brought you together and you have vowed before God to keep your marriage pure and permanent as long you both shall live... I pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." Matapos kong itaas ang belo ni Elara ay hinalikan ko muna ang noo niya pagkatapos ay hinalikan na siya sa kaniyang labi.
Sa buong buhay ko, sila ang pinaka-magandang nangyari. Pinapangako ko na mamahalin ko sila higit pa sa buhay ko dahil sila ang kayamanan ko.
-end-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top