Epilogue (Part 1)
Xzavier's POV
Noong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.
Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito.
Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya.
Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.
Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad na iwan na kami ni mommy. Masakit, pero hindi ko inintindi 'yon. Ang mahalaga ngayon ay si mommy.
Simula noong iwan kami ni Dad ay hindi na lumalabas ng kuwarto si mommy, kahit sa pagkain ay hindi na rin siya kumakain.
Pinagsabay ko ang pag-aaral at pag-aalaga kay mommy dahil sa mga oras na ito ay ako lang ang maasahan niya. Habang tumatagal ay unti-unti nang nagiging okay si mommy. And I'm glad to know that.
At sa kabila ng pagod at hirap ko ay graduate na rin ako sa wakas ng highschool. At siyempre kasama ako sa with highest honor.
"Congratulations, son! I'm so proud of you." Niyakap ko naman nang mahigpit si mommy.
"Thanks, mom." Tugon ko habang yakap siya.
I spent my vacation together with mom. Nagpunta kami ng Baguio noong birthday niya, at noong Valentine's naman ay dinala ko siya sa Boracay at naghanda pa ako nang maliit na surprise para sa kaniya. I want to make her happy na kailan man hindi niya naranasan noong sila pa ni Dad.
---
"Why did you took that course?!" Nagulat ako nang may malakas na sampal ang sumalubong sa akin.
"What the hell, mom?!" Iritang tanong ko. Hindi na niya alam na sobrang pagod ako ngayon galing school?
"I'm asking you, Xzavier. Why did you took that course?" Mabagal ngunit mariing tanong niya sa akin.
"What's the matter with that?" Balik kong tanong sa kaniya. "Dahil na naman ba kay Dad kung bakit ka nagkakaganiyan?" Ano naman kung engineering din ang kunin ko katulad noong kay Dad? Hindi ko naman tutularan ang ugali niya ah.
"Iiwan mo rin ako... wala kayong pinagka-iba ng ama mo!" Umiiyak na sigaw niya saka mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan.
Ipinikit ko ang mata ko habang minamasahe ang sintido ko. Wala akong panahon ngayon para makipag-talo kay mommy dahil sobrang drain ako ngayon. Partida first year pa lang ako pero grabe na 'yong mga pinapagawa sa amin.
Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni mommy ay ilang araw niya akong hindi pinansin at kinausap. Hinayaan ko muna 'yon at nag-focus na lang muna sa studies ko.
"Dude, may ipapakita kami sa 'yo," hindi na ako nakasagot nang hilain ako ni Daniel.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa department ng mga Educ. maraming magaganda roon at sure kaming may matitipuhan ka." Tugon niya saka napag-apir kay Jake.
"I'm not interested." Sagot ko. Tatalikod na sana ako nang bigla akong hilain pabalik ni Jake.
"That girl, what do you think about her?" Turo niya roon sa babaeng kapapasok lang ng room.
Nagkibit-balikat na lang ako. "As I said, I'm not interested."
"Wait, how about that girl?" Turo rin ni Daniel sa babaeng naka-messy bun na kalalabas lang ng room.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong natulala sa kaniya. She's so damn beautiful. Oh God, what is happening to me?
Pinangako ko noon sa sarili ko na kailan man hindi ako susubok magmahal. Pero noong makita ko siya, parang gusto kong bawiin 'yon. Fuck! Is this love at first sight?
"Her name is Elara Calliope Borja." Wow, nice name.
"Dude, ano na? Galaw-galaw rin," natatawang sabi ni Jake.
"Na-love at first sight na yata siya," tawa rin ni Daniel.
"Tss... tara na nga." Sabi ko at iniwan na sila roon.
Nang makaalis kami ay hindi na siya nawala sa isip ko. At hanggang sa pagtulog ko, mukha pa rin niya ang nasa isip ko.
Simula noong araw na iyon ay palagi na siyang hinahanap ng mga mata ko. Iyong para bang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.
"Kailan mo balak ligawan?" Tanong ni Jake.
"I don't know." Sagot ko.
"Ang sabihin mo hindi mo lang alam kung paano manligaw." Natatawa namang siniko ni Jake si Daniel.
"Pag-iisipan ko muna. And besides, kailan lang kami nagka-usap baka mabigla siya." Sabi ko at hindi pinansin 'yong sinabi ni Daniel.
"Well, you're right. At baka iyon pa ang dahilan ng pag-iwas niya sa 'yo."
Patagal nang patagal ay unti-unti nang natatanggap ni mommy ang kinuha ko. At mas lalo na rin kaming napapalapit sa isa't-isa ni Elara. Madalas kaming kumain sa labas, at tuwing weekdays ay namamasyal kami sa park.
"Elara, can I ask you something?" Matagal ko nang pinaghandaan at pinag-isipan ito kaya sana naman hindi ma-reject.
"What is it?" Ngumunguyang tugon niya.
"Can I... can I court you?' Bigla naman siyang umubo kaya mabilis kong inabot 'yong coke in can sa kaniya.
"S-Seryoso ka? B-Bakit ako?" Pilit naman akong ngumiti.
"Bakit hindi ikaw?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Hindi, kasi ano..." sabi niya saka umiwas ng tingin.
"Ano?" Sinubukan kong huliin ang tingin niya ngunit sadyang malikot ang mata niya.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala eh. I mean, g-gusto rin kita kaso ano.." pinigilan ko namang 'wag ngumiti sa sinabi niya.
"Kaso ano nga?" Tanong ko pa.
"Wala, nevermind na lang. Oo na, payag na akong ligawan mo ako." Mabilis ko naman niyang nayakap sa sobrang tuwa ko.
Sobrang saya ko noong pumayag siyang ligawan ko siya kaya naman ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapasaya siya.
Tumagal ng dalawang buwan ang panliligaw ko sa kaniya at matapos ang dalawang buwang iyon ay finally nakuha ko na rin ang matamis niyang 'oo'. Pero itong relasyon namin ay tinago ko kay mommy. Ayokong malaman niya ang tungkol sa amin ni Elara dahil alam kong tututol lang siya.
---
"H-Hon, iyong sasabihin ko sa 'yo," nahinto ako sa paghalik ko sa leeg niya at deretsong tumingin sa mga mata niya.
"What is it?" I asked.
"Remember the night that we did that thing?" Napangiti naman ako nang maalala ko iyon.
"Yes, dahil iyon ang pinaka-magandang regalo natanggap ko mula sa 'yo." Nakangiting sabi ko
"Xzav, may nabuo..." para naman akong nabingi sa sinabi niya.
"What? Prank ba 'to?" Kung hindi, magpapaparty ako.
Ngunit sa kabila ng sayang nararamdaman ko ay nakaramdam ako ng takot nang maalala ko si mommy. Kapag malaman niya ang tungkol dito baka paglayuin niya kami ni Elara. At iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari.
"Kung ayaw mo sa dinadala ko, puwes bubuhayin ko ito nang wala ang tulong mo." Sabi niya saka tinalikuran ako.
Fvck you, Xzavier! Bakit mo sinabi 'yon? Ipalaglag?! Maraming pangarap? Tangina, isa naman sa pangarap mo ang maka-buo ng pamilya kasama siya ah.
"Elara!" Hinabol ko siya sa labas ngunit hindi ko na siya naabutan.
Bumalik ako sa unit ko para kunin ang susi ko pero nasa Elevator pa lang nang may tumatawag sa cellphone ko. Putcha! Nakisabay pa si mommy.
Hindi ko na natuloy sundan si Elara dahil pinapapunta niya ako sa bahay sa kadahilanang wala raw siyang kasama.
Ilang gabi akong hindi makatulog noong malaman kong wala na rito sa Manila si Elara. I tried to ask her friend, Lina, pero ang sagot niya ay 'Alam ko man o hindi kung nasaan siya, hinding-hindi ko sa sasabihin sa 'yo. Gago ka!' She's right, I'm such a jerk.
Isinantabi ko muna ang paghahanap ko kay Elara dahil pinangako ko sa sarili ko na once na maka-graduate ng college ay hahanapin ko siya, hahanapin ko sila ng anak namin.
---
"Tumawag ka kapag nakarating ka na ng Pangasinan, okay?" Tinanguan ko na lang si mommy bago pumasok sa sasakyan ko.
Next, next week pa ang start ng project but I decided na ngayon na pumunta para naman makapagliwaliw pa ako roon.
Mahaba-haba ang naging biyahe ko kaya naman agad akong nakatulog noong makarating ako sa hotel na tutuluyan ko. Bukas na lang ako pupunta sa site.
Kinaumagahan nagising ako sa ingay ng alarm ko. Bumangon na ako para patayin 'yon at pagkatapos ay naligo na ako.
Matapos akong maligo ay nag-order na lang ng pagkain ko dahil wala pa akong nabibiling stock foods. Maybe later, dadaan na lang ako mamaya sa mall.
Maaga akong pumunta sa site para maaga rin akong makaalis. Hindi naman ako magtatagal doon, titignan ko lang 'yong mga equipment kung maayos ba para hindi na magkaroon ng kumplikasyon kapag nagsimula na kami.
Nang makarating ako sa mall ay hindi pa ganoon karami 'yong tao. Papunta na sana ako ng department store nang may mabunggo ako.
"Ouch! Sorry po," ani ng batang nabunggo ko.
Mabilis naman akong lumuhod upang magpantay kami. Natawa naman ako nang biglang nanlaki ang mata niya noong makita ako.
"Are you okay?" Tanong ko sa kaniya ngunit nakatitig lang siya sa akin. Wait, bakit parang pamilyar 'yong mata niya?
"Ainsley!" Sabay naman kaming napalingon sa tumawag sa kaniya.
Bigla naman akong natulala sa nakita ko. Sa ilang taong lumipas sa wakas nakita ko ulit siya.
Tumakbo naman palapit sa kaniya 'yong batang nabunggo ko. "Mama, 'di ba siya po 'yong nasa TV dati?" Mama? A-Anak niya itong dalawang batang ito? So, it means...
"Elara, wait..." tawag ko sa kaniya ngunit hindi man niya nagawang lingunin ako.
At dahil sa pangyayari kanina ay hindi ako pinatulog ng mga tanong sa utak ko. Buong magdamag kong inisip kung talagang anak niya ba talaga 'yon. Kung oo, kanino? Sa akin?
Sinubukan kong kausapin siya pero sobrang ilap niya kaya naman naghanap na lang ako ng ibang paraan para masagot lahat ng tanong sa utak ko.
Halo-halo ang naramdaman ko nang malamang walang asawa si Elara. Una pa lang talaga duda na ako sa sinabi niyang may kinakasama dahil napansin kong wala siyang suot na singsing.
---
Ang sarap sa pakiramdam nang may tumatawag sa 'yong 'papa' iyong feeling na para kang nakalutang kasama ang mga ulap.
Matapos ang araw na kasama ko sina Elara ay hindi ko na alam kung saan ilalagay ang saya na nararamdaman ko. Sobrang saya nilang kasama lalo na si Ainsley, napakabibo niyang bata. Pero si Aislinn parang naiilang pa sa akin pero hinayaan ko na lang 'yon dahil ngayon lang kami nagkita, ayokong biglain siya baka lalo lang siyang mailang sa akin.
Sa mga lumipas na araw ay minsan ko na lang sila madalaw dahil nagsimula na kami sa project namin.
"Congratulations sa atin, guys!" May kaunting celebration kami ngayon dahil naging successful 'yong project namin.
"Good job, guys. I'm so proud of us." Sabi ko sa kanila.
Hindi naman ako nagtagal doon dahil susunduin ko pa sina Elara dahil nangako ako sa sarili ko na isasama ko na sila once na matapos namin ang hotel.
"Ingatan mo itong mag-iina mo, ha?" Nginitian ko naman si mama. Ang sarap pakinggan no'ng word na 'yon.
"Opo, mama." Sabi ko saka niyakap siya.
Matapos kaming makapagpaalam kay mama ay bumyahe na agad kami. Bago kami umuwi ng Manila ay napagdesisyonan kong ipunta muna sila sa Batangas para mag bakasyon.
"Dahan-dahan lang naman, anak, nakita mong umuusok pa eh isusubo mo na agad." Nakangiti naman ako habang pinapanood silang tatlo.
Sobra siyang maalaga sa mga anak namin. Well, wala namang pinagbago eh, maalaga na siya dati pa lang.
Hindi pa rin ako makapaniwala, parang dati pangarap ko lang ito pero ngayon narito na. Pinahalagahan ko ang bawat araw na kasama ko sila. At gaya ng sabi ko, gagawin ko ang lahat makabawi man lang sa kanila.
At bago kami umuwi ng Manila ay dumaan muna kami sa EK. Natawa na lang ako dahil hanggang ngayon ay malaki pa rim ang takot ni Elara sa heights. Mabuti na lang at hindi namana ni Ainsley 'yon.
"Who told you na samahan mong sumakay diyan si Ainsley?" Bakit ang ganda niya pa rin kahit galit?
"G-Gusto niyang sumakay eh kaya s-sinamahan ko na," sagot ko saka nagpa-cute sa kaniya.
Pero kahit na anong gawin ko ay hindi umeepekto sa kaniya.
"Hindi ko tatanggapin iyang sorry mo unless ito ang sabihin mo, 'sorry na, master, uwu'." What the fvck?!
"Seriously? Sa harap ng maraming tao?" Wala bang ibang choices?
"Uh-huh, ayaw mo? Edi 'wag bahala ka sa buhay mo." Okay, she won.
Matapos kong masabi ang kahihiyan na iyon ay halatang-halata sa mukha niya na natatawa siya sa ginawa ko. Sino ba kasing hindi?
"Papa, sakay po tayo doon mamaya ha?" Tanong ni Ainsley kaya mabilis akong napatingin kay Elara.
"U-Uh, payag ba ang mama niyo?"
"Mama?" Sabay na tawag ng kambal.
Napabuntong-hininga muna siya bago pumayag. Good job, twins. It's time for your mom to face her fears.
"Huwag muna ako ang tignan mo, iyong magandang view muna ang tignan mo dahil dito mo lang makikita ito samantalang ako ay araw-araw mo nang makikita." Banat ko ngunit inirapan niya lang ako. Pfft, cute.
Gabi na noong maka-uwi kami kaya naman tulog na tulog 'yong kambal. Nang maihatid ko ang kambal sa kuwarto nila ay sunod ko namang binuhat si Elara para dalhin na sa kuwarto namin.
Ilang segundo ko muna siyang tinitigan bago halikan ang kaniyang noo.
"Good night, Hon, I love you." Sabi ko saka tinabihan na siya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top