Chapter One
"Ainsley, paki-gising na nga ang kapatid mo at kakain na tayo." Utos ko sa kaniya na agad din naman niyang sinunod.
Kambal ang naging anak ko at iyon ay sina Ainsley at Aislinn. Hindi na ako nagtaka dahil may lahing kambal ang side ni papa. Nasabi rin sa akin si mama na may kakambal din sana ako kaso nagkaroon ng kumplikasyon sa puso niya dahilan upang bawian siya ng buhay.
"Mama, pupunta po ba ulit kami kay mama-lola?" Tanong ng munti kong si Aislinn.
"Opo, kasi need mag work ni mama para may pang-bili tayo ng mga toys niyo." Paliwanag ko sa kaniya.
Limang taong gulang na sila pero hindi ko pa sila pinag-aral. Ang plano ko kasi ay pagtuntong nila ng pitong taon ay ipapasok ko na sila sa first grade kaya naman tuwing uuwi kami ng bahay ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat.
Matapos kaming kumain ay pinaligo ko na sila habang ako naman ay maghuhugas ng pinagkainan namin.
"Ma, we're ready na po!" Sabay na sabi nila habang suot ang cute na pink dress nila na regalo ng Ninang Lina nila.
"Ang gaganda naman ng mga baby ko! Pa-kiss nga ang mama." Agad naman silang lumapit sa akin at sabay na hinalikan ang mag kabilang pisngi ko.
Magsi-6:30 nang maihatid ko sila sa maliit na karinderya ni mama at nag paalam na ako sa kanila na papasok na.
"Good morning, ma'am." Magalang na bati sa akin ng guwardiya sa school na pinagtatrabahuhan ko.
"Good morning din po." Balik kong bati sa kaniya at matapos 'yon ay nag-log in muna ako bago pumunta sa faculty.
"Good morning Ma'am Calli, blooming na blooming ka ah," mahina ko namang pinalo ang braso ni Ma'am Amor.
"Ikaw nga riyan eh, tsaka sa ating dalawa ikaw ang may boyfriend." Agad naman siyang namula kaya natawa ako.
"Kumusta pala 'yong kambal mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Maayos naman sila, naroon ulit sila kay mama ngayon." Sambit ko.
"Kailan mo sila dadalhin dito? Gusto ko ulit silang makita tsaka may ibibigay akong dress sa kanila na tiyak kong magugustuhan nilang dalawa." Aniya.
"Kapag wala na masyadong ginagawa rito sa school," sagot ko.
She's Amor, ang pinaka-close kong teacher dito sa school na ito.
Nang tumunog ang bell ay kinuha ko na ang ibang gamit ko at pumunta na sa room ng Grade 10-Resin.
Nag discuss lang ako at matapos 'yon ay nagpasulat na.
"That's all for today. Good bye, Grade 10, wait for your next subject teacher." Paalam ko sa kanila.
Mamayang 11:20 pa ang next class ko kaya naman naisipan kong tawagan si mama para kumustahin ang kambal.
["Mama!"] Alam kong boses iyon ni Aislinn.
"Kumusta kayo riyan?" Tanong ko.
["Okay naman po kami, tumutulong po kami kay mama-lola."] At boses naman iyon ni Ainsley.
"Ay very good pala kayo kung ganoon?" Sabay naman silang nag 'opo' na dalawa.
["May pasalubong po ba ikaw sa amin mamaya? Kasi 'di ba po sabi mo very good kami,"] natawa naman ako sa sinabi ni Aislinn.
"Ano bang gusto niyong pasalubong?" Tanong ko sa kanila.
["Ice cream!"] Buong galak na sabi nila.
"O'sige, basta mag behave lang kayo kay mama-lola, okay?" Sabay ulit silang nag 'opo' kaya naman nag paalam na ako sa kanila.
Tumunog na ang bell kaya naman tumayo na ako para pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. At nang makabili ako ay bumalik na ako sa faculty upang doon kumain.
"The kasipagan award goes to Miss Elara Calliope Borja." Pabiro kong inirapan si Amor pati ang iba pang teacher na narito sa faculty.
"Mga baliw," usal ko.
"Kumain ka na ba, ma'am?" Tanong niya, tumango naman ako.
"Bakit hindi mo kami hinintay?" Nakangusong tanong niya.
"Sorry, hindi ko naman alam eh." Sagot ko.
"Last na class mo na mamaya, right?" Tanong muli ni Amor nang maka-upo table niya na katabi lang ng table ko.
"Oo, bakit?" Tanong ko naman.
"Wala naman, natanong ko lang." Aniya kaya nagkibit-balikat na lamang ako at bumalik na lamang sa ginagawa.
---
"Mama!" Salubong sa akin ng kambal nang makita nila ako sa labas ng karinderya ni mama.
"Kumusta ang mga mahal ko?" Tanong ko habang yakap sila.
"Okay naman po, mama," tugon ni Ainsley.
"Mama, 'yong reward po namin?" Mahinang tanong ni Aislinn.
Natatawa ko namang nilabas ang dalawang Cornetto na paborito nilang dalawa at binigay na sa kanila.
Malawak ang ngiti ko habang pinapanood ang dalawang enjoy na enjoy sa pagkain ng paborito nila. Habang pinagmamasdan ko sila ay lumapit sa akin si mama.
"Kumusta ang araw mo?" Tanong nito.
"Maayos naman po, ma, eh kayo ng mga bata?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Maayos din naman, masunurin masyado ang mga iyan eh." Ani nito sabay sulyap sa dalawa. "May tanong ako, 'nak."
"Ano po iyon?" Takang tanong ko.
"Wala ka na ba talagang balak na ipakilala sa kambal ang papa nila?" Hindi agad ako nakasagot.
Hindi ko alam kung ipapakilala ko pa ba o 'wag na lang. Hanggang ngayon kasi natatakot pa rin ako na baka hindi niya pa rin tanggapin ang kambal.
"Hindi na po siguro, ma." Sagot ko.
"Pero may karapatan din silang makilala ang papa nila. Lumalaki na sila pareho, 'nak, panahon na rin siguro para makilala nila si Xzavier bilang ama nila." Bumuntong-hininga naman ako.
"Kapag handa na po ako, saka ko ipapakilala si Xzavier sa mga bata." Sagot ko.
Pagsapit ng alas singko ay nag paalam na kami kay mama.
"Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Kaway ni mama.
"Mama, nasaan po si papa?" Maya-mayang tanong sa akin ni Ainsley. Napalunok naman ako. Hindi ko alam ang isasagot ko!
"Ainsley, 'wag kang mag hanap nang wala, okay?" Sumbat naman ni Aislinn.
"I'm just asking, okay?" Sagot naman ni Ainsley.
Sumingit na ako bago pa man mag-away ang dalawa.
"Hep! Tama na 'yan." Saway ko.
"Ainsley, you sister is right. Huwag mong hahanapin ang wala." Ani ko, nakasimangot naman siyang tumango.
Nang huminto ang tricycle sa tapat ng bahay namin ay binigay ko kay Ainsley ang susi ng bahay kaya tumakbo na silang dalawa upang buksan ang bahay, samantalang nag bayad naman ako kay manong.
Pagpasok ko ay nakita kong nanonood ng TV 'yong dalawa kaya dumiretso na muna ako sa kuwarto at hinayaan silang manood.
"Mama, look oh..." turo ni Ainsley sa TV.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa balita si Xzavier. Ini-interview siya para sa susunod na project niyang pagpapatayo ng hotel na malapit sa bayan namin. Wait, what?
Bigla akong nanghina sa nakita ko at nag simula na ring manlamig ang mga kamay ko. What should I do? Hindi niya puwedeng makita ang kambal.
"Gusto ko pong maging katulad niya kapag laki ko po, gusto ko pong ako gagawa ng bahay natin." Pilit naman akong ngumiti sa tinuran ni Ainsley.
"Ako naman po, gusto kong maging teacher tulad mo para matulungan ko po 'yong ibang mga batang hindi makapag-aral." Hindi naman magpapatalo si Aislinn.
Jusko po! Five years old pa lang ba talaga itong mga anak kong 'to?
"Kung ganoon, dapat mag-aral kayong mabuti para maging engineer ka rin tulad niya at teacher tulad ko, hmm?" Sabay naman silang nag 'opo' kaya pareho kong hinalikan ang noo nila.
Nag paalam na akong magluluto muna kaya pinabalik ko na silang dalawa sa panonood.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang tawagin ako ni Ainsley habang hawak ang cellphone ko.
"Ninang Lina is looking for you." Kinuha ko naman ang cellphone sa kaniya kaya kumaripas na siya ng takbo pabalik sa sala.
["Nakita mo na ba 'yong nasa balita?"] Tanong nito.
"Yes, what should I do? Ayaw kong mag cross ang landas nilang mag-aama." Sabi ko.
["Kung ganoon, huwag mo munang ipapasyal sa kung saan ang kambal."] Ani niya.
"Gagawin ko 'yang sinabi mo." Wika ko.
["May ginagawa ka ba?"] Nag 'oo' naman ako. ["Ah sige, ituloy mo muna iyang ginagawa mo. Iyong kambal na lang muna ang kakausapin ko."] Usal niya kaya tinawag ko si Ainsley at binigay ang cellphone sa kaniya.
Lutang ang isip ko hanggang sa matapos akong magluto at pati hanggang sa pagtulog. Hindi ako kampante kahit na gawin ko 'yong sinasabi ni Lina na huwag munang igala ang kambal. Hay, bahala na.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top