Chapter 33

"Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.

Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay.

"Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine.

"Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa.

"Sure 'yan ha?" Tumango naman ako.

"Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.

At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal.

"Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal.

"Yes, ate." Sagot ko naman.

"Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Go, change your clothes na. Then, puntahan mo na sila at baka mainip pa 'yang mga iyan." Tulak sa akin nina Ate Elaine at Lina papasok ng fitting room

"Don't worry about me, Calli, susunod naman dito si Evan para sunduin ako eh." Dinig kong sabi ni Lina mula sa labas.

Binilisan ko na lang magpalit para naman makalabas na agad ako.

"Ingat kayo." Kinawayan ko na lang silang dalawa bago tuluyang lumabas.

"Hi!" Bati ko sa mag-aama nang makasakay ako sa sasakyan.

"I have something to tell you." Seryosong sabi ni Xzavier kaya naman unti-unting nawala ang ngiti ko.

"W-What is it?" Utal na tanong ko.

"Pfft!" Tinignan ko nang masama si Xzavier nang malamang pinagtitripan niya lamang ako.

"Saya niyo 'no?" Irap ko.

"Hey, we're just pranking you." Sabi niya saka tumawa ulit.

"Ang ganda ng bungad ko sa inyo tapos kayo..." nakakasama ng loob ah.

"Twins..." tawag nito sa kambal.

"Mama, sorry na 'wag ka na magalit, uwu..." sabay na sabi ng kambal.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong matawa sa sinabi ng kambal. What the heck? Saan nila natutunan 'yan?

"Good job, twins!" Ani Xzav at nakipag-apir sa dalawa.

"Galit pa rin ako sa 'yo." Agad namang nawala ang ngiti ni Xzavier.

"Hon naman..." iniwas ko ang tingin ko sa kaniya upang itago ang ngiti ko.

Nakabusangot niyang ini-start ang kotse at saka tahimik na nag-drive. Ano ka ngayon? Prank-prank ka pang nalalaman ha.

At hanggang sa makarating kami sa bahay niya ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Para tuloy siyang batang inagawan ng candy.

Naiwan siya sa baba dahil tumungo kami ng kambal sa taas upang iayos 'yong mga gamit namin.

"Nakaka-miss po dito sa kuwarto namin ni Aislinn, right, Linn?" Tumango naman si Aislinn.

"Mama, 'wag na po tayong aalis dito ha?" Ani Aislinn.

Ngumiti naman ako saka iniipit ang takas na buhok na likod ng tainga niya.

"Hindi na tayo aalis, anak, pangako 'yan." Sabi ko.

"Thank you, mama." Anila saka ako niyakap.

"You're very welcome, twins." Sabi ko saka niyakap din sila pabalik.

"Bakit hindi kayo nagsasama?" Sabay naman kaming napatingin sa nagsalita.

"Bawal prankster dito eh," biro ko.


"Eh paano 'yan, walang bawal-bawal sa akin." Ani nito saka naglakad palapit sa amin at nakiyakap na rin. Natawa na lang kaming tatlo.

"Bati na tayo, Elara?" Parang batang tanong niya.

"Oo na, parang bata eh," natatawang sagot ko.

Humiwalay na kami yakap at napagpasyahan naming bumaba na para kumain.

"Nga pala, alam na ni mommy na naka-uwi na kayo," natahimik naman kami ng kambal. "And she wants to see you and the twins." Pahabol niya.

"Are you sure gusto niya kaming makita?" Paniniguro ko.

Tumango siya. "May kailangan ka pa palang malaman," aniya.

"Ano?" Tanong ko.

"She have liver cancer," napatakip naman ako ng bibig ko. "This time, hindi na niya tayo niloloko." Sabi pa niya.

"Paanong nagkaroon siya ng liver cancer? Parang hindi ko naman siya nakikitang naninigarilyo or umiinom ng alak?" Naguguluhang tanong ko.

"Sa bahay hindi siya ganoon, pero kapag nasa casino siya nakaka-ilang kaha siya ng sigarilyo." Sagot ni Xzavier.

"How did you know?" Tanong ko pa.

"Nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan niya." Tumango-tango naman ako.

"So, kailan tayo pupunta roon?" Yes, marami siyang nagawa sa amin ng kambal pero hindi na 'yon mahalaga ngayon.

"Kailan niyo ba gusto?" Balik niyang tanong sa akin.

"Ngayon? After nating kumain," sagot ko, tumango na lang siya.

"Where are we going po?" Tanong ni Ainsley.

"Sa lola niyo," sagot ko.

"When po?" Tanong naman ni Aislinn.

"Okay lang ba sa inyo kung ngayon tayo pupunta?" Sabay naman silang tumango sa tanong ni Xzavier.

Napangiti naman ako. Sobrang saya ko dahil napalaki ko sila nang maayos.

---

"Papa, hindi na po ba siya galit sa amin?" Kanina pa nila tinatanong 'yan.

"Chill, twins, do you think gugustuhin niya tayong makita ngayon kung galit pa rin siya sa atin?" Natahimik naman sila at hindi na nagtanong pa.

Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na rin kami sa bahay ng mommy ni Xzavier.

"Let's go?" Tanong ni Xzav sa kambal. Nag-aalangan namang tumango ang dalawa.

Hawak ni Xzavier ang kamay ng kambal papasok sa loob ng bahay habang ako ay nakasunod lang sa likod niya.

"Saan si mommy?" Tanong niya sa katulong na galing sa kusina.

"Nasa kuwarto po yata niya, sir," sagot nito, nagpasalamat na lang dito si Xzavier at saka lumakad na paakyat ng hagdan.

"Mom, we're here." Katok ni Xzavier sa pinto nito.

Maya-maya pa ay bumukas na ito at bumungad sa amin ang mommy niya. Shucks, ang laki ng pinayat niya.

"I'm glad that you came." Tukoy nito sa amin ng kambal. "Akala ko hindi mo sila mapapapayag, Xzav." Ani pa nito.

"Marami po kayong nagawa sa amin noon pero hindi na po mahalaga 'yon. Matagal na po 'yon kaya kalimutan na lang natin." Nakangiting sabi ko. Nagulat naman ako nang bigla ako nitong yakapin.

"Thank you for forgiving me, Elara. Labis akong nagsisisi sa mga nagawa ko sa inyo ng kambal. Nagawa ko lang naman iyon dahil natatakot akong baka iwan ako ni Xzavier gaya ng ginawa sa akin ng daddy niya." Hinagod-hagod ko ang likod niya upang tumahan na siya sa kaka-iyak.

"Shh... hindi naman po kayo iiwan ni Xzavier eh, hindi po namin kayo iiwan." Sabi ko.

"Thank you, Elara. Thank you so so much." Aniya bago humiwalay sa yakap.

"Walang-anuman po, magpagaling po kayo ha?" Nakangiti naman siyang tumango.

"Of course, gusto ko pang makitang lumaki itong kambal at gusto pa kitang maihatid sa altar." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko 'yon pinahalata.

Matapos 'yon ay niyaya muna akong lumabas ni Xzavier at hinayaan muna namin ang kambal kasama ang Lola nila.

"Do you think gagaling pa si mommy?" Maya-mayang tanong sa akin ni Xzavier.

"Oo naman! Gagaling ang mommy mo, magtiwala lang tayo sa Kaniya." Ngiting sabi ko.

Since nandito naman na kami ay rito na rin kaming kumain ng hapunan at pagkatapos noon ay nagpaalam na kami kay Mama Elena.

"Ingat sa pagd-drive, Xzavier ha?" Bilin nito kay Xzav.

"Yes, mom." Sagot niya saka pinaandar na ang sasakyan.

---

"Kinakabahan ako, Elara." Natawa naman ako nang maramdaman ko ang nanlalamig na kamay ni Lina na humahawak sa braso ko.

"Bakit ka kakabahan? Matagal mo nang pinapangarap ito, 'di ba, ngayon ka pa ba aatras?" Mabilis naman niyang inilingan ang sinabi ko. "Iyon naman pala eh, kaya 'wag kang kakabahan." Sabi ko.

Nagpaalam na ako sa kaniya nang tawagin na ako ng organizer dahil ako na ang susunod na maglalakad.

"I love you, Lina. I'm so happy for you and for Evan." Sabi ko sa kaniya bago tuluyang bumaba ng kotse.

Huminga muna ako nang malalim saka matamis na ngumiti bago magsimulang maglakad. Dahan-dahan lang ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa upuan kung saan ako nararapat.

At nang marating ko na ang upuan ko ay sumulyap muna ako sa puwesto nina Xzavier at saka nginitian ito.

Pare-parehas naman kaming napatingin sa pintuan nang bumukas na ito at naroon na nakatayo ang napaka-ganda kong kaibigan. Sa kaniya lang ang tingin namin hanggang sa makarating na siya sa tabi ni Evan.

Bago mag-umpisa ang pari ay nagtanong muna ito kung may tumututol ba. Ako ang makakaharap ng kung sino man ang tumutol sa kasal ng Bestfriend ko.

Marami pang sinabi ang pari hanggang sa magpalitan na sila ng vow.

"May I pronounce to you, husband and wife, you may now kiss the bride." Ani ng pari.

Nagsi-palakpakan naman kami nang matapos halikan ni Evan si Lina. Nag-picture-picture muna kami bago pumunta sa venue.

---

"Mama, gusto ko po noong cupcake." Turo ni Ainsley sa chocolate cupcake na malapit sa table nina Lina.

"Ako na ang kukuha, you want cupcake too, Aislinn?" Tumango naman si Aislinn kaya tumayo na si Xzavier upang kuhanan ng cupcake ang kambal.

Napatakip naman ako nang maramdaman ko nasusuka ako. Mabilis akong tumakbo papuntang CR at nang makapasok ako sa isang cubicle ay doon na ako sumuka nang sumuka.

"Elara?" Rinig kong tawag sa akin ni Lina.

"I'm here, Lina." Sagot ko sakay sumuka ulit.

"Anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong niya.

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago lumabas ng cubicle.

"May PT ka bang dala?" Nanlaki naman ang mata niya.

"Gagi? B-Buntis ka?" Malakas na tanong niya.

"Hindi ko alam, pero malakas ang kutob ko na buntis ako," sagot ko. "May PT ka ba?" Ulit na tanong ko.

"Oo naman, palagi akong may dala no'n," sagot niya saka inabot sa akin 'yong dalawang PT.

"Bakit dalawa?" Tanong ko.

"Stop asking, just try it na." Tulak niya sa akin papasok ulit ng cubicle.

Saglit lang ang tinagal ko sa cubicle at nang matapos ay hinintay ko muna ang resulta ng dalawang PT bago ako lumabas.

Napatakip ako ng bibig ko nang makitang parehong itong may dalawang linya.

"Lina, positive! Buntis nga ako." Masayang ulat ko saka niyakap ko siya nang mahigpit.

"Wow, congratulations! Nauunahan mo ulit ako ha?" Pareho naman kaming natawa.

Hinugasan ko muna 'yong dalawang PT bago kami lumabas ni Lina. Mamaya ko na lang ipapakita kay Xzavier, sigurado akong matutuwa 'yon.

Humiwalay na sa akin si Lina dahil may babatiin niya 'yong ibang bisita.

"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni Xzavier.

"Nag-CR lang," sagot ko, tumango-tango na lang siya.

Nang matapos ang event ay isa-isa nang nagsisi-alisan ang mga tao kaya naman nagpaalam na rin kami kina Lina dahil pagod na raw ang kambal.

"Okay, ingat kayo ha?" Nakipagbeso-beso ako kay Lina saka inabot sa kaniya 'yong regalo namin sa kanila.

Tulog na tulog ang kambal sa likod nang tignan ko ang mga ito.

"Ahmm, Xzav.." tawag ko rito. Nag-hmm naman siya. "May sasabihin ako sa 'yo," sabi ko.

"Ako rin," sabi niya saka inihinto ang sasakyan niya.

Nagtaka naman ako at nang akmang tatanungin ko siya ay bigla na lang siyang bumaba ng sasakyan at umikot upang ipagbuksan ako ng pintuan.

"Bakit? Anong mayroon?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya ngunit nginitian niya lamang ako.

Napatakip ako ng bibig ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at naglabas ng red na box.

"Will you be my Mrs. Ventorina?" Mabilis naman akong tumango at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ko.

"Yes, Xzav." Sinuot niya na sa akin 'yong singsing saka tumayo upang halikan ako. Saglit lamang iyon dahil humiwalay agad siya sa akin.

"Ano nga 'yong sasabihin mo sa akin?" Tanong niya sa akin.

"I'm pregnant, Xzav." Sabi ko. "Hindi ka man lang ba magugulat?" Natawa naman siya sa tanong ko.

"Bakit naman ako magugulat eh alam ko na kanina pa," hinampas ko naman ang dibdib niya.

"Ang daya mo! Surprise nga dapat 'yon eh," sabi ko.

"Sorry... nakita kasi kitang nagmamadaling tumakbo papuntang CR then ilang saglit pa nakita kong sumunod din si Lina kaya sinundan ko na siya papuntang CR dahil alam kong ikaw ang pupuntahan niya. At saktong pagdating ko ay narinig kong may sinabi siyang buntis kaya naman nag-stay pa ako roon ng ilang segundo tapos narinig ko na 'yong boses mo na ang sabi mo ay positive." Mahabang paliwanag niya. "Sobrang saya ko ngayon, Hon. Thank you! Magiging tatay na naman ako." Aniya saka niyakap ako.

Niyakap ko na lang siya pabalik habang may malawak na ngiti sa aking mga labi.

Sobrang saya ko rin ngayon, Xzav. Madadagdagan na naman ang pamilya namin.

-Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top