Chapter 32
Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya.
"Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya.
Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako.
"E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Oo nga," natatawang sagot ko.
Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko.
"I thought... I thought it was a dream," sabi niya.
Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?
"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.
Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya.
"Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. Lalo na noong nalaman kong namatay ang mama mo at noong umalis kayo ng Pilipinas." Umiiyak pa ring sabi niya. Tikom lang ang bibig ko habang nagsasalita siya.
"Gustong-gusto ko kayong sundan at hanapin pero hindi ko alam kung saan kayo pupuntahan. Muntik na akong sumuko noon, Elara, not until nalaman kong ikaw ang magiging bride's maid ng kaibigan mo." Umusog naman ako upang yakapin siya.
"I'm sorry, Xzav... sorry kung naging duwag ako, sorry kung pinili kong lumayo kaysa ayusin iyong problema natin." Sabi ko.
"Ako dapat ang humingi ng tawad sa 'yo dahil mas pinaniwalaan ko si mommy kaysa sa 'yo." Usal niya.
"Hindi naman kita masisisi eh, nanay mo 'yon kaya—" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Pero niloko niya ako, Elara. Sinabi sa akin lahat-lahat ng katulong ang totoo. Pati 'yong pananakit niya sa kambal?" Aniya. "Noong malaman ko ang lahat ng 'yon, gustong-gusto kong magalit sa kaniya at sa sarili ko. Kasi ang tanga ko eh, ang tanga tanga." Mabilis kong hinuli ang kamay niyang paulit-ulit hinahampas ang ulo niya.
"Xzav, tama na... narito tayo para ayusin itong problema natin hindi para magsisihan, okay?" Pagpapakalma ko sa kaniya.
"I love you, Elara. Huwag niyo na akong iiwan ulit," tumango naman ako at saka niyakap siya.
"Pangako, hinding-hindi ka na namin iiwan." Sabi ko bago humiwalay sa yakap. "Tara na at baka hinahanap na tayo sa labas." Nauna na akong bumaba ng kama at isa-isang pinupulot ang mga damit naming nakakalat.
Pumasok na ako sa banyo para mag-shower at pagkatapos ay lumabas na rin ako at sinabihan na si Xzavier na siya na ang susunod na mag-shower.
"Nasaan ang kambal ngayon?" Tanong niya sa akin bago siya pumasok sa loob ng CR.
"Nasa bahay nina Lina." Sagot ko. "Mag-shower ka na roon at baka hinihintay na tayo nila Lina sa baba." Sabi ko.
Pagpasok niya ay napatingin naman ako sa pinto nang may marinig akong kumatok.
"How's your night with him?" Tanong niya saka ngumiti nang nakakaloko.
"Nakapag-usap na kami," sagot ko.
"Usap lang? Wala na kayong ibang ginawa na iba?" Binatukan ko naman siya. "Kailangan manakit?" Aniya saka umirap.
"Kanina lang kami nag-usap." Sabi ko.
"Paulit-ulit? Ang tanong ko kung may nangyari ba sa inyo kagabi?" Tanong pa niya.
"Oo, may nangyari sa amin kagabi." Nanlaki naman ang mata niya at saka mahinang tumili.
"For real?! Oh my God!" Tignan mo 'tong babaeng 'to, magtatanong tapos kapag sinagot hindi maniniwala.
"Eh kung batukan kaya ulit kita? Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala." Sabi ko, nag-peace sign naman siya.
"Nasaan ba si lover boy mo? Kanina pa siya hinahanap ni Evan eh," tanong niya.
"Nasa CR pa, susunod na lang kami mamaya pagkatapos niya." Sagot ko.
"Huwag na kayong mag-round two ha?" Irapan ko na lang siya at sinaraduhan ng pinto.
"Who's that?" Tanong ni Xzavier.
"Its Lina, hinihintay na nila tayo sa baba kaya magbihis ka na," sabi ko sa kaniya. Tumango na lang siya at sa naglakad na papasok sa kuwarto.
Habang hinihintay kong matapos si Xzavier ay kinuha ko muna ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa katulong nila Lina.
"Hello, ate? Nasaan po ang kambal?" Tanong ko rito nang masagot niya ang tawag.
["Nasa sala po, ma'am, teka at tatawagin ko po muna,"] narinig ko namang tinawag nito ang kambal.
["Hello, mama!"] Masiglang bati nila.
"Kumusta naman ang mga anghel ko?" Tanong ko.
["Okay lang naman po kami... mama, kasama mo po ba ngayon si papa?"] Tanong naman ni Ainsley.
"Yes, I'm with him right now." Sagot ko naman.
["Can we talk to him po? Super miss na po namin siya eh,"]
"Later, susunduin namin kayo diyan mamaya." Nag-yehey naman silang dalawa. "See you later, twins, I love you both."
["We love you too, mama."] Matapos kong maibaba ang tawag ay sakto namang lumabas na si Xzavier sa kuwarto.
"Let's go." Ani ko at ikinawit na ang kamay ko sa braso niya.
Pagkarating namin sa lobby ay talagang kami na nga lang dalawa ni Xzavier ang hinihintay. Kumain muna kami bago mag-check out sa hotel. Kay Xzavier na ako sumabay dahil may dala naman siyang sasakyan.
"Hindi ba galit sa akin ang kambal?" Tanong niya habang nakatingin nang deretso sa harap.
"Of course not! Noong nasa Australia nga kami wala silang ibang bukam-bibig kundi ang pangalan mo." Sagot ko.
"R-Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo na, tsaka bakit naman sila magagalit sa 'yo eh sobrang mahal ka ng mga anak mong iyon." Sabi ko.
Hindi naman na siya nagsalita pa kaya naman umiglip na muna ako saglit. Nagising na lang ako nang maramdamang nakahinto na 'yong sasakyan.
"Ay b'wisit, hindi man lang ako ginising," bulong ko nang makita kong nakayakap na siya sa kambal.
Bumaba na lang ako ng sasakyan at pumunta na sa kinaroroonan nila. Busy sila sa ginagawa nila kaya hindi nila ako napansin sa likuran nila.
"Hang on, nalimutan kong gisingin ang mama niyo," napa-irap naman ako sa sinabi niya.
Pagkatayo niya ay nagulat siya noong makita niya akong nasa likuran niya.
"Nakita mo lang 'yong kambal kinalimutan mo na ako? Sakit mo ah," kumamot naman siya sa batok niya.
"I love you..." alam talaga niya kung paano makuha eh.
"Tss... I love you too," irap ko.
Mahina siyang tumawa at saka niyakap ako.
"Magpaalam na muna tayo kina Lina," sabi ko, tumango naman siya.
Sabay kaming apat na pumasok sa loob at hinanap si Lina. Natagpuan namin siya sa kusina na kumakain na naman.
"Katatapos mo lang kumain kanina, kumakain ka na naman ngayon?" Sabi ko.
"Pake mo? Nagugutom nga ako eh," sagot naman niya.
"Buntis ka ba?" Nabulunan naman siya sa itinanong ko.
"Gaga? Wala pa ngang nangyayari sa amin eh," aniya.
"Talaga ba? Eh 'di sana pina-billboard mo." Tinignan naman niya ako nang masama saka malakas akong hinampas.
"B'wisit ka talaga!" Malakas naman akong tumawa.
"Magpapaalam lang ako—" inunahan naman niya ako.
"Umalis na kayo kung aalis na kayo. Kumakain 'yong tao eh istorbo ka." Natawa akong muli sa sinabi niya.
"Ang mean mo naman po.." biro ko.
"Elara, please lang umalis na kayo at baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo." Pabiro ko na lang siyang inirapan at saka lumabas na ng kusina.
"Ate, thank you po sa pag-aalaga sa kambal ha?" Sabi ko sa isang katulong nila.
"Walang-anuman po, ma'am." Aniya, tinanguan ko na lang siya at pumunta nang sala.
"Evan, alis na kami, salamat nga pala sa pagpapatuloy rito sa bahay niyo." Sabi ko.
"No worries." Binigyan ko na lamang siya nang ngiti at binalingan ang mag-aama.
"Kambal, say thank you to your Tito Evan," bulong ko sa dalawa. Tumango naman sila at saka lumapit kay Evan.
"Thank you po, Tito Evan." Sabay na sabi nila na ikinangiti naman ni Evan.
"You're welcome, twins." Ani nito saka ginulo ang buhok ng kambal.
Matapos 'yon ay lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa sasakyan ni Xzavier.
"Daan muna tayo sa dating apartment namin ni Lina." Sabi ko sa kaniya nang i-start na niya ang makina.
"Why?" Takang tanong niya.
"Kukunin ko 'yong mga gamit namin doon," sagot ko. Nag-okay na lang siya at nagsimula nang magmaneho.
Hindi naman kalayuan 'yong apartment na tinutuluyan namin kaya wala pang dalawang oras ay nakarating na rin kami.
Ako na lang ang mag-isang pumasok sa loob upang kunin 'yong mga gamit namin. Gusto pa sana akong samahan ni Xzavier kaso pinigilan ko. Hindi naman gaano marami 'yong dala namin kaya kayang-kaya ko na iyon.
"Maraming salamat po sa pagpayag na dito muna kami panuluyan pansamantala," sabi ko roon sa may-ari nitong apartment.
"Naku iha, walang-anuman tsaka hindi naman kayo iba sa akin ng kaibigan niyo eh," ngumiti naman ako.
"Mauuna na ho ako, maraming salamat po ulit." Mabilis na akong naglakad palabas at saka nagmamadali nang tinungo ang sasakyan ni Xzavier. Bumaba naman siya upang tulungan akong magpasok ng mga gamit sa loob ng likod ng sasakyan niya.
---
"Welcome back." Nakangiting wika nito nang mabuksan ang pinto.
Wala pa ring nagbabago itong bahay niya— I mean, namin. Ah mali, may nabago pala pero may idinagdag lang siya. Iyon ay 'yong picture namin ng kambal noong nasa EK kami dati.
"You like it?" Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya sa gilid ko. "I think you like it, ang ganda ng ngiti mo habang nakatingin diyan sa picture eh." Nginitian ko na lang siya at niyakap.
"Hindi ako nagsisising ikaw ang minahal ko, Xzav.." ani ko.
"Ako rin, never kong pinagsisihan na ikaw ang minahal ko. Kayo na ang buhay ko ngayon, Elara." Mas hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kaniya.
"Sali kami sa hug!" Kapwa kami napahiwalay nang marinig namin si Ainsley na sumigaw.
Nakangiti naman naming sinalubong ang kambal at parehas silang niyakap nang mahigpit.
"We love you, mama and papa." Sabay na wika nila.
"We love you too, twins." Sabi naman namin ni Xzavier saka parehong hinalikan ang kanilang noo.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top