Chapter 30
Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.
Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa.
"I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley.
"Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn.
Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila.
"Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.
Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.
Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay nakita kong may tumatawag. Kaya naman dali-dali ko ng kinuha 'yong cellphone ko at agad na itong sinagot.
"Yes, Lina?" Hulaan ko, ipapaalala na naman niya 'yong kasal niya.
["Hindi kayo puwedeng mawala sa kasal ko, okay?"] See? Eh 'di sana lahat ikakasal na.
"Oo na, oo na. Tumawag ka lang ba sa akin para ipaalala 'yan?" Prangkang tanong ko.
["Nah. May kailangan kang malaman but 'wag kang mabibigla,"] usal niya.
"What is it? Tell me right away." Sabi ko.
["Wait lang, putcha! Atat na atat eh."] Natawa naman ako. High blood masyado, eh.
["So 'yon na nga, invited si Xzav sa kasal namin ni Evan,"] nalaglag ang panga ko nang marinig ko iyon.
"P-Parang ayoko nang tumuloy," sabi ko.
["Aba! Subukan mo lang at baka gusto mong sundan kita kung saan ka man naroroon?"]
"Paanong invited?" Naguguluhang tanong ko.
["Isa sa friend ni Evan si Xzavier. Hindi ko pa alam noong una, ha. Nalaman ko lang noong chineck ko 'yong mga invitation letters at nagulat ako nang makita 'yong pangalan doon ni Xzavier."] Mahabang litanya niya.
"Hindi naman siya 'yong groom's men, right?" Paniniguro ko.
["Of course not! Iba 'yong groom's men ni Evan, 'no."] Sagot naman niya.
"Okay, sige." Sagot ko.
["Pumunta kayo ha?"]
"Oo na." I answered.
["You know what, Calli, I think tama na 'yang pagtatagong ginagawa mo kasi hindi lang kayong dalawa ni Xzavier ang nahihirapan eh. Stop being selfish, Elara, mga anak niyo ang naaapektuhan sa ginagawa mo."] Napatahimik naman ako. ["Try to talk to him, makipag-ayos ka alang-alang sa mga anak niyo. And please, stop hurting each other kasi hindi lang kayo ang nasasaktan, pati na rin ang mga anak niyo."] Parang isang malakas na sampal ang salitang binitawan sa akin ni Lina dahilan upang matauhan ako.
Siguro nga ay tama siya. As I said, ayokong nakikitang nasasaktan ang kambal kaya tama na siguro itong ginagawa ko. Tama na itong kaduwagan at pagiging makasarili ko.
"Thanks, Lina. Gagawin ko iyang sinasabi mo... I promise." Sabi ko saka binaba na ang tawag.
---
Nilubos na namin ang araw na natitira habang narito pa kami sa Australia. Isinama na rin namin si Tita Beth para naman makapag-bonding kami bago kami umalis.
"Ganiyan ba talaga 'yang dalawa 'yan? Kanina pa tayo lakad nang lakad pero hindi pa rin sila napapagod?" Hinihingal na sabi ni Tita. "Oh baka naman sign na ito na tumatanda na ako?" Dagdag pa niya.
I chuckled. "Hay nako, tita. Ganiyan talaga 'yang kambal. Punong-puno ng energy kapag nasa labas pero tignan mo mamayang pag-uwi natin bagsak 'yang mga iyan." Sagot ko naman.
"Mama, lola! Tara po doon oh," lumulundag-lundag na wika ni Ainsley.
"Hang on, twins. Magpapahinga muna kami ng lola niyo." Natatawang sabi ko.
"But we badly want to go there," nakangusong wika ni Ainsley. Asus! Napaka-arte naman ng batang 'to.
"Pupunta rin tayo doon but hayaan niyo muna kaming magpahinga." Wala nang nagawa ang kambal kun'di ang ngumuso at ma-upo sa tabi ko.
At nang matapos ang ilang minuto ay si tita na mismo ang nag-aya sa kambal. Lahat ng ituro ng kambal ay binibili ni tita kaya naman sobrang dami naming dala noong umuwi kami.
"You're right." ani tita saka natawa nang makitang tulog na tulog ang kambal sa backseat.
Ako ang bumuhat kay Ainsley papasok at si tita naman ang bumuhat kay Aislinn. At nang mailapag ko na si Ainsley sa kama ay lumabas akong muli upang kunin 'yong mga binili nilang mga laruan. Kaya kaya naming iuwi lahat ito?
"What do you want to eat? Magpa-deliver na lang tayo para hindi na tayo magluluto pa." Ani tita nang makapasok ako sa loob.
"Kayo na lang po ang bahala, tita. Taas po muna ako," paalam ko.
Nang maipasok ko lahat ng laruan ng kambal ay bumaba na ako at sakto namang kararating noong pagkain na pinadeliver ni tita.
"Kain na muna tayo," sabay na kaming nagtungo sa kusina at pinagsaluhan 'yong pagkaing binili niya.
At nang matapos kaming kumain ay kapwa na kami nagpaalam na matutulog na. Katulad ng ginagawa ko ay naghalf-bath muna ako bago matulog.
---
Next week na ang flight namin kaya naman bago kami umalis ay ipapasyal daw muna kami ni Tita Beth sa Sydney. Mahaba-haba ang biyahe namin dahil malayu-layo ang Melbourne sa Sydney. At dahil mahaba pa ang ibabiyahe namin ay umiglip na muna ako.
Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin ni tita.
"Eat up. May isang oras pa tayong magbi-biyahe." Sabi ni tita sabay abot sa akin ng take out na pagkain.
"Eh ikaw po?" Tanong ko.
"Tapos na, and also the twins." Sagot naman niya.
Pagkatapos kong kumain ay nakipag-kwentuhan na lang ako kay tita hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.
"Ang creepy naman po no'n," turo ni Ainsley sa bungad ng amusement park.
Well, totoo naman eh. Parang 'yong sa Attack on Titan.
"Tara." Magka-hawak ang kamay namin ng kambal habang nakasunod kay tita.
Humigpit ang hawak sa akin ng kambal nang makita nila 'yong tatlong clown sa papasok ng gate. Winelcome lang kami nito saka tuluyan na kaming pumasok sa loob. Ang masasabi ko lang ay sobrang ganda rito. Yes, creepy 'yong bungad sa labas pero sobrang ganda naman sa loob nito.
"Mama, carousel!" Hinila ako ng kambal palapit doon sa carousel kaya hindi ko na nagawang tumanggi pa.
Sinamahan kong sumakay 'yong kambal samantalang si tita naman ay naroon sa labas at pinapanood kami. At nang matapos 'yon ay naglakad-lakad kami hanggang may makitang ice skating rink ang kambal.
"Mama, let's go there!" Katulad kanina ay hinila akong muli ng kambal papunta roon.
"Marunong bang mag-skate ang kambal?" Tanong sa akin ni tita habang nagbabayad doon sa nagbabantay.
"Yes, tita. Tinuruan po sila ng papa nila eh." Sagot ko.
Nang makapasok ang kambal sa rink ay naroon lang kami sa labas ni tita habang pinapanood sila. Tawa kami nang tawa ni tita dahil naka-ilang beses nang nadulas si Ainsley.
"Careful, anak... look, basang-basa ka na." Sabi ko sa kambal.
Nang matapos ang oras nila ay sunod naman naming pinuntahan ay 'yong kainan dahil nagugutom na raw itong dalawang kasama namin.
At nang matapos kaming kumain ay nagpababa muna kami ng kinain bago maglakad-lakad ulit.
"Lola, I want cotton candy," rinig kong bulong ni Ainsley kay tita.
Napa-iling na lang ako sa katakawan nitong anak kong ito.
"How about you, Aislinn? You want cotton candy too?" Tanong naman niya sa kapatid. Umiling naman si Aislinn.
Hanggang 4 lang kami rito dahil malayo pa ang uuwian namin.
"Super thank you po sa pagpasyal sa amin, Lola Beth." Ani Ainsley.
"Anything for my beautiful granddaughters." Sabi naman ni tita sabay haplos sa pisngi ng kambal.
---
"Bye, bye po Lola! We will miss you po." Paalam ng kambal kay tita at saka hinalikan nila ito sa pisngi.
"Mamimiss ko rin kayo mga apo." Aniya at pagkatapos ay bumaling sa akin.
"Mag-iingat kayo ha? Mag-text ka kapag nakalapag na ang eroplano niyo," tumango naman ako saka niyakap siya.
"Mag-iingat din po kayo rito, Tita. Thank you nga po pala sa lahat-lahat." Ani ko.
"Sus! Don't mention it." Humiwalay na siya sa akin. "Lumakad na kayo at baka maiwan kayo ng eroplano niyo." Nginitian ko na lamang siya bago kami tumalikod at pumasok sa loob.
This is it. Wala nang atrasan ito, Elara. Oras na para harapin ang tatay ng mga anak mo.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top