Chapter 29
Two years later
"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya.
"Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley.
"She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid.
Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars.
"Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi.
"Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley.
"Okay, okay. My angels na lang," ani ko.
"Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn.
"Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.
Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira.
"Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsalita sa likuran ko si Tita Beth.
Ngumiti ako nang pilit saka umiling. "Nothing, Tita."
"What do you like for dinner?" Tanong nito.
"It's up to you po," I answered.
"Okay, ako na ang bahala." Aniya bago ako talikuran at nagtungo na sa kusina.
Naiwan ako mag-isa sa sala kaya I decided na puntahan ang kuwarto ng kambal upang silipin sila.
Malawak ang ngiti ko nang makarating ako sa tapat ng kuwarto nila. Ngunit nang akmang bubuksan ko na ang pinto, napahinto ako nang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
"I miss papa so much," boses ni Ainsley.
"Me too, how's he na kaya? Is he misses us din kaya?" Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko iyon.
Sobrang sama ko na bang ina dahil nilayo ko sila sa papa nila? I thought mas makakabuti kung lalayo kami, hindi pala.
"Of course, he misses us!" Ika naman ni Ainsley.
Napatakip ako ng bibig ko at piniling lisanin na lang ang silid nila. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
Ma, tama pa ba itong ginagawa ko? Hindi ko kayang makitang ganito ang kambal. Masakit, sobrang sakit para sa akin.
---
Sa mga lumipas na araw ay madalas kong naririnig sa kambal kung gaano na nila ka-miss ang papa nila. Ngunit gustuhin ko mang umuwi kami ng Pilipinas ay hindi naman puwede dahil may pasok pa ang kambal tsaka walang kasamang mag-aasikaso si Tita Beth sa flower shop niya dahil wala pa siyang nahahanap na p'wedeng ipalit sa akin.
["Basta ha? Dapat nandito na kayo bago ang kasal ko."] Ani Lina mula sa kabilang linya.
Isa rin 'to, ang daming nangyari sa buhay niya noong wala ako. I thought sila na talaga ni Arnold pero hindi pala. Totoo pala 'yong sabi-sabi na gaano man katagal ang pagsasama niyo, kung hindi kayo ang nakatadhana para sa isa't-isa ay balewala lang ang lahat ng iyon.
["Hey, Calli? Are you still there?"] Natauhan naman ako nang marinig ko siyang magsalitang muli.
"Y-Yeah... kailan ba ang kasal mo?" Tanong ko.
["Hindi ba pa namin alam kung kailan eh,"] napatampal naman ako sa noo ko.
"Wala pa palang date tapos pinapauwi mo na agad kami?" Sabi ko.
["I'm just reminding you. And, ikaw nga pala ang bride's maid ko ha? You know naman na I don't have a sister kaya ikaw na lang,"] huminga muna ako nang malalim bago sumagot.
"Okay, fine. Just text or call me na lang kung kailan, hmm?" She said 'yes' kaya binaba ko na agad ang telepono.
"Mama, dinner is ready na po," rinig kong tawag sa akin ni Aislinn mula sa labas.
Nilagay ko muna 'yong cellphone ko sa side table at pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto.
"Your birthday is coming, what's your plan?" Napatingin ako kay tita.
Hmm... ano nga ba ang plano ko? Wala.
"Simple celebration lang po siguro," I said.
She just nod then kumain na lang ulit.
After we eat, si tita na ang nagprisintang maghuhugas. Gusto ko sanang tulungan siya kaso ang sabi niya ay kaya na niyang mag-isa 'yon.
Kaya naman lumakad na lang ako papuntang kuwarto ko at para makapag-half bath na.
Nagbibihis ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napa-awang naman ang bibig ko nang makita ko kung sino 'yong tumatawag. I was about to answer the call nang bigla itong namatay.
Bakit sa tinagal-tagal ng panahon ngayon lang niya naisipang magparamdam? At ano naman ang dahilan niya bakit siya napatawag?
At hanggang sa pagtulog ko ay iyon pa rin ang tanong sa utak ko.
---
"Happy birthday, mama!" Nagising ako nang sabay na lumundag ang kambal sa kama ko.
"Thank you, my beautiful angels." I said then I kissed their cheeks.
"Let's go outside na po," hila sa akin patayo ng kambal.
Maghihilamos pa sana ako kaso mabilis na akong hinila ng kambal palabas ng kuwarto.
"Happy birthday, iha!" Bati sa akin ni tita sabay yakap sa akin. "Here's my gift for you, I'm sorry kung iyan lang," ani tita sabay bigay sa akin ng parihabang box.
"Nako si tita nag-abala ka pa talaga, thank you po!" Sabi ko saka niyakap ulit siya.
"Halina kayo sa kusina at baka lumamig na 'yong niluto ko." Ani tita.
Nang makapuwesto na kami ay nagdasal muna kami bago kumain. At nang matapos ay nagsalita ulit si tita.
"Mamasyal muna kayong tatlo at mamayang gabi na lang tayo maghanda, okay?" Wika ni tita. "Kayong mag-iina muna ang mag celebrate ng birthday mo," she added.
Tanging tango na lang ang sinagot ko bago sandukan ng makakain ang kambal.
"Pupunta po tayong mall?" Tumango naman ako na labis naman nilang ikinatuwa.
"Kaya bilisan niyo na nang makaalis na tayo," ani ko.
---
Kanina pa kami libot nang libot dito sa loob ng mall at parang walang kapaguran itong dalawang kasama ko.
"Twins, can we rest for a while? Masakit na ang pa ng mama kalalakad eh," hindi ko na kinaya at naupo na ako sa bench.
"Mama, p'wede po kami bumili no'n?" Turo ni Ainsley sa stall na gumagawa ng cotton candy na may Iba't-ibang klase ng design.
Tumango naman ako saka nilabas ang wallet ko at binigyan sila ng pera.
"Yey! Thank you, mama!" Sabi nila saka kumaripas na ng takbo palapit doon sa stall.
Hindi ko inalis ang tingin sa dalawa hanggang sa makabalik na sila sa puwesto ko. Tuwang-tuwa naman sila habang kinakain 'yong cotton candy nila na may design na Finn and Jake. Kaya wala na akong pinalampas na oras at agad nang kinuha ang cellphone ko upang kuhanan sila ng litrato.
Habang pinapanood kong kumain ang kambal, isang pigura ng lalaki ang biglang sumulpot sa gilid namin.
"Yes? What can I help you?" Magalang na tanong ko. Pero imbis na sumagot ay nginitian lamang ako nito. He's weird.
"Uhmm... hello? I'm asking you," para naman siyang natauhan.
Tumikhim siya at saka nagtaka ako nang ilahad niya ang kamay niya.
"I'm Chris Stuart... and you are?" Sasagot na sana ako nang Tumikhim din si Ainsley.
"Why are you asking for our mom's name?" Tanong ni Ainsley sa lalaking nasa harap namin.
Natawa naman 'yong lalaki. "Why not?" Sagot nito kaya naman kita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Ainsley.
I was shocked of what she did. How did she do that? At saka saan niya natutunan 'yon?
"We're sorry but she's not available." Muntik na akong matawa sa sagot ng anak ko.
"Why?" Tanong naman noong lalaki. Ang kulit din kasi ng isang 'to eh.
"Because she's taken." Sabat naman ni Aislinn.
Muli na namang natawa 'yong lalaki. "Taken? With whom?" Aba't nakikipagtalo pa sa bata!
"Our dad, duh!" Sabay sa sagot nila. Hindi naman na nakasalita 'yong lalaki at parang nahiya pa itong ngumiti sa akin bago umalis.
"Kambal." Tawag ko sa dalawa.
"Mama, he's so makulit po kasi eh..." kinabig ko naman sila upang yakapin.
"Hindi maganda 'yong ginawa niyo kanina, but you did a great job." Sabi ko saka humiwalay sa yakap.
"You're not mad at us po?" Ani Aislinn.
"Of course not! Ang galing niyo nga kasi napaalis niyo eh, pero next time 'wag niyo nang gagawin 'yon ha?" Sabay naman silang tumango.
Bago kami umuwi ay bumili muna kami ng cake at pizza para idagdag sa niluto ni tita.
"Happy birthday po ulit, mama, here's our gift po for you." Sabay na binigay sa akin ng kambal ang isang bracelet.
"We made that for you po kaya sana po magustuhan mo," nakatungong usal ni Aislinn.
"Of course! Sobrang nagustuhan ko ito lalo na't galing sa inyo na baby ng mama." Agad namang bumusangot si Ainsley. "Kidding. Thank you ulit dito, kambal, hindi niyo alam kung gaano kasaya ngayon ang mama." Ani ko.
"We love you po." Anila saka niyakap ako.
Napangiti naman ako. "Mahal na mahal na mahal ko rin kayo." Sabi ko sa gitna ng yakapan namin.
Wait niyo lang, kambal. Babawi ang mama sa inyo, pangako 'yan.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top