Chapter 28

Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.


Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa.


"Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita.


"Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya.


"Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.


Tipid naman akong napangiti.


"Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.


Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom.


"Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.


Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya.


"Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito.


"P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi na sinagot ang tanong ko.


"Saan siya pupunta?" Tanong ko naman.


"Hindi ko po alam eh," sagot naman niya.


"Okay, sige. Sumama na kayo ng kapatid mo." Niyakap naman niya ako.


"Thank you, mama!" Humiwalay na siya sa akin at tumakbo na palabas ng kusina.


Umiling na lang ako at tinuloy na lang ang paghuhugas ko.


"Calli, mag-usap nga tayo." Ani Lina nang makapasok sa kusina.


Tinapos ko muna ang pagpupunas sa plato at pagkatapos ay umupo ako sa katapat niyang upuan.


"Ano pag-uusapan?" I asked.


"Bakit hindi ka nagsasabi sa akin na iba ang trato sa inyo noong nanay ni Xzavier?" Seryosong tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin.


"Nasabi rin sa akin ng kambal na minsan na silang napagbuhatan ng kamay no'n." Mabilis ko naman siyang tinignan.


Sinasabi ko na nga ba at sa kaniya galing 'yong mga pasa ng kambal eh.


"Bakit mo hinahayaang gawin sa inyo 'yon?" Tanong pa niya.


"You mean, dapat gawin ko rin sa kaniya 'yong ginagawa niya sa amin?"


"Err... p-parang ganoon na nga?" Hindi siguradong sagot niya.


"Alam mo, minsan nang pumasok sa isip ko 'yan pero sa tuwing naiisip kong bawian siya, naalala ko 'yong sinabi sa akin ni mama na kahit na gaano pa kasama sa 'yo ang isang tao, piliin mo pa ring maging mabait sa kaniya." Natahimik naman siya sa sinabi ko.


"G-Ganoon?" Mahina akong natawa.


"Tara sa labas," anyaya ko.


Paglabas namin ay hindi pa ganoon karami 'yong tao.


"Sali tayong bingo!" Sabay hila sa akin palapit doon sa naglalaro ng bingo.


"Marunong ka bang maglaro?" Tanong ko sa kaniya.


"Hindi. Pero kasama naman kita kaya tuturuan mo ako." Malawak ang ngiti niya.


"Sira! Hindi rin ako marunong maglaro niyan," sabi ko.


"Edi sa kanila tayo magpaturo kung ganoon." Sabay na kaming umupo sa bakanteng upuan at saka kumuha na siya ng mga bingo cards.


"Ate, paano po maglaro nito?" Tanong nito sa kaharap namin.


"Hihintayin niyong may sabihin na numero tapos kung ano 'yong lumabas na numero, 'yon ang tatantusan niyo." Paliwanag niya.


"Eh paano ka naman po mananalo?" Tanong pa ni Lina.


"Kunwari itong numero 6, 17, 1, at 23, naging maliit na kahon, 'di ba?" Tumango si Lina. "Iyan na 'yong sinasabing bingo." Sagot noong babaeng kaharap namin.


Nakikinig lamang ako sa mga paliwanag niya hanggang sa mag-umpisa na kami sa paglalaro.


"Elara, look, malapit na akong bumingo!" Pasigaw na bulong niya sa akin.


Mahina akong natawa at napailing na lang. At sobrang saya naman niya noong banggitin na 'yong number na magsisilbing bingo niya.


"Ang galing! First time kong maglaro ta's nanalo agad ako!" Malawak ang ngiting usal niya.


Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ay natanaw ko na ang tricycle ni Arnold.


"Nandiyan na si laloves mo," pang-aasar ko kay Lina na agad namang pinamulahan ng pisngi.


"Elara, shut up ka nga." Saway niya sa akin pero halata namang gustong-gusto niya.


"Wait, 'yan na ba 'yong tita niyo na galing ibang bansa?" Tukoy niya kay Tita Maribeth.


"Yeah. Siya 'yong panganay na kapatid nila mama," sagot ko.


"Halo 'yong mukha nina Tita Mariella at Tita Marissa." Sabi niya habang nakatitig kay Tita Beth.


"Puntahan natin sila," sabi ko sabay hinila siya patayo.


"Hindi pa nga ako nag-i-enjoy eh," reklamo niya pero hindi ko ito pinansin.


"Mama! Kamukha po niya si mama-lola," salubong sa akin ni Ainsley. Nginitian ko na lamang ito at saka bumaling na kay Tita Beth.


"Tita, tulungan na po namin kayo," kukunin ko na sana 'yong hawak niyang bag nang bigla ako nitong yakapin.


Niyakap ko na rin siya pabalik nang marinig ko siyang sumisinghot. Hinagod-hagod ko naman ang likod niya. Ano ba 'yan, nakakahawa naman 'yong pag-iyak niya.


"Ang mama mo, Calli... iniwan niya na tayo, iniwan na ako ng kapatid ko.." hagulgol niya.


Nang mahimasmasan siya ay inaya ko na siyang pumasok sa loob. Pero noong pagpasok niya ay agad siyang tumakbo sa kabaong ni mama at muli na namang umiyak. Lalapitan ko na sana siya kaso naunahan ako ni Tita Marissa.


Tumungo na lamang ako sa kuwartong tutuluyan ni Tita at hinayaan na lang silang dalawa roon. Pagkatapos kong mailagay ang mga gamit ni Tita sa kuwarto ay tinungo ko naman ang kuwarto namin ng kambal at nadatnan ko sila roon habang kalaro sina Lina at Arnold.


"Alis muna kami ng Tito Arnold niyo ha?" Tumango na lamang ang kambal at saka sabay silang lumabas ni Arnold.


"Mama, okay ka lang po?" Lumapit sa akin si Ainsley at nag-aalala akong tinignan.


Lumuhod naman ako at saka hinaplos ang pisngi niya. "Oo naman, okay na okay lang si mama." Sabi ko saka pilit na ngumiti.


"Are you sure po?" Nakangiti akong tumango.


"Mama, 'wag ka po masiyado magpagod ng sarili mo ha? Look at your eyes po, ang laki na ng eye bags mo," si Aislinn habang hinahaplos ang pisngi ko.


"Noted po. I love you, kambal." Ani ko at kinabig silang dalawa upang mayakap.


Sobrang suwerte ko talaga sa dalawang ito. Hindi lang sila masunurin at mabait, mapagmahal din sila at sobrang maalalahanin.


"Love ka rin po namin, mama.." sabay na wika nila.


Humiwalay na ako sa kanila saka inaya na silang lumabas.


"Maglaro na muna kayo sa labas at doon na muna ako kay Lola Beth niyo." Sabi ko sa kanila.


Tumango na lang sila kaya lumakad na ako palapit sa puwesto ni Tita at umupo na sa tabi niya.


"Alam mo ba kung saan galing ang pangalan mo?" Pambabasag ni tita ng katahimikan.


Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi nagbitaw kahit isang salita.


"Iyong Elara ay galing sa pangalan ng mama mo," usal niya.


"Paano po, eh Mariella po ang pangalan niya?" Takang tanong ko.


"Iyong 'Ela' mo nakuha sa huling pangalan niya, at 'yong 'ra' mo naman ay nakuha sa 'Mari' pinagbaligtad niya 'yong 'a' at 'r' para maging 'ra'," paliwanag niya.


"Saan naman po nakuha 'yong Calliope?" Tanong ko.


"Iyong meaning kasi ng Calliope mo ay beautiful voiced, at nakuha iyon ng mama mo dahil sa papa mo. Magaling kasing kumanta ang papa mo at iyon ang dahilan kung bakit nagustuhan ng mama mo ang papa mo." Kuwento ni tita. Napatingin naman ako sa kabaong ni mama.


"Kapag natapos ang babang luksa ng mama mo, gusto niyo bang sumama sa akin sa Australia?" Natigilan naman ako sa sinabi niya at saka mabilis siyang nilingon. "It's okay kung ayaw mo, I understand naman eh." Tuloy niya.


"P-Pag-iisipan ko pa po," sagot ko.


"Okay, pero kung ano man ang magiging desisyon mo, ayos lang sa akin." Nginitian ko na lang siya at tumingin ulit sa kabaong ni mama.


---


Matapos ang dalawang araw ay dumating na ang araw kung saan ihahatid na namin si mama sa huling hantungan niya. Si Lina muna ang umalalay sa kambal dahil inaalalayan ko si Tita Beth samantalang si Arnold ay kay Tita Marissa.


Pareho kami ni Tita Beth na halos hindi na makahinga dahil sa kaka-iyak namin. Wala na... tuluyan na kaming iniwan ni mama. Masakit man pero kailangan naming tanggapin.


Nang makauwi na kami ay may kaunting kainan at pagkatapos ay nagpadasal na muna kami.


"Tita Beth," tawag ko sa kaniya. Mabilis naman niya akong nilingon. "Nakapag-desisyon na po ako," ani ko.


"What is it?"


"Sasama na po kami ng kambal sa inyo," sabi ko.


"I'm glad to hear that! Teka at tatawagan ko na muna 'yong assistant ko para asikasuhin na ang passport niyong mag-iina." Sagot naman niya.


Tama naman siguro itong desisyon ko, 'di ba? Mamaya ko na lang siguro ito sasabihin sa kambal.


"Sasama rin po ba sa atin si papa?" Halata sa boses ni Ainsley ang lungkot kaya may kung anong kumurot sa puso ko.


"Hindi eh, walang kasama ang Lola Elena niyo kung sasama sa atin ang papa niyo." Palusot ko.


"Matagal po ba tayo doon?" Tanong naman ni Aislinn.


"Hindi ko pa masasabi 'yan, anak eh.." sagot ko.


Hindi na sila nagtanong pa kaya sigurado akong payag na sila kahit pa labag ito sa kalooban nila.


---


Gaya nga ng sabi ni tita ay pagkatapos ng babang luksa ni mama ay isasama niya na kami sa Australia. Maayos na ang passport naming tatlo kaya wala na kaming poproblemahin.


"Huwag mong kalilimutang tumawag ha?" Bilin sa akin ni Lina. Tumango na lamang ako.


"Wala kang ibang pagsasabihan nito ha?" Ani ko. Hindi dapat malaman ni Xzavier na aalis kami ng bansa.


"Promise! Wala akong pagsasabihan." Aniya sabay taas ng kaniyang kanang kamay.


Niyakap pa muna namin siya nang isang beses bago kami pumasok sa loob.


"Have a safe flight! I love you!" Sabi niya sabay flying kiss.


"Kambal, say goodbye to your ninang na," pagkasabi ko noon ay mabilis nilang kinawayan si Lina.


Matapos iyon ay tuluyan na kaming pumasok sa loob at kanina pa pala kami hinihintay ni tita.


"Let's go?" Ani tita.


"Let's go na po! Excited na po ako sumakay sa airplane eh," ani Ainsley. Pasaway.


Nang makasakay kami sa loob ng eroplano ay mabilis na pumwesto si Ainsley malapit sa bintana at katabi naman niya si Aislinn. Tumabi na ako kay Aislinn samantalang si tita naman ay nasa bandang gilid ko.


Isinandal ko ang sarili ko sa upuan nang magsimula nang umandar ang sinasakyan naming eroplano.


Hanggang sa muli, Philippines.


–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top