Chapter 27

After kong makapagbihis ay dumiretso na agad ako sa sala kung nasaan ang kambal. Napangiti naman ako nang makitang tahimik pa rin sila habang nanonood.

Lumakad ako palapit sa puwesto nila at umupo sa pagitan nilang dalawa. Phineas and Ferb ang pinapanood nila kaya nakinood na rin ako.

"Mama, bakit po ganiyan ulo Phineas?" Tanong sa akin ni Ainsley habang naka-kunot ang kaniyang noo.

Tanging tawa na lamang ang naisagot ko dahil kahit ako ay hindi alam kung bakit ganiyan ang shape ng ulo niya.

"I-I don't know, anak eh," sagot ko.

Sumimangot na lang ang anak ko at itinuon na lang ulit ang atensyon sa panonood.

Nang magsawa ako sa panonood ay nagpunta na lamang ako sa kusina para tumulong doon.

"Naku ma'am, kami na po ang bahala rito," pigil sa akin ni Ate Flor nang akmang kukuha ako ng kutsilyo upang maghiwa ng mga gulay.

"Okay lang po, tsaka wala naman po akong ginagawa kaya tutulong na lang po ako sa inyo." Sabi ko.

"Pero ma'am—" inunahan ko na siya.

"Okay lang ho.." ani ko kaya wala na siyang nagawa kundi hayaan ako.

"Sige po, paki-bigay na lang po sa akin kapag natapos niyo nang hiwain." Tinanguan ko na lang siya.

Matapos kong hiwain lahat ay binigay ko na kay Ate Flor 'yong mga gulay. Pinanood ko na lang siyang magluto. Ako rin ang nag-aabot ng mga seasonings na ilalagay sa niluluto niya.

"Flor!" Pareho kaming napatingin sa taas nang marinig namin ang boses ng mommy ni Xzavier.

Natataranta niyang inalis ang apron at saka nag-aalangan pa siya kung ipapahawak sa akin 'yong hawak niyang sandok o ano.

"Ako na ho ang bahala sa niluluto niyo." Sabay kuha sa hawak niyang sandok.

"M-Marunong po ba kayo? Tatawagin ko na lamang po si Anna para siya na po ang magtapos nitong niluluto ko." Aniya.

Umiling naman ako. "May karinderya po ang mama ko kaya marunong po akong magluto."

"Flor! Where the hell are you?!" Galit na sigaw ng mommy ni Xzavier.

"Pumunta na po kayo roon at baka kung ano pa ang gawin no'n sa 'yo eh," mabilis niyang nilapag ang apron sa lamesa saka nagmamadali nang tumakbo paakyat.

Matapos kong maluto 'yon ay pinatay ko na ang kalan saka tinanggal ko na ang suot kong apron. At sakto rin namang bumalik na si Ate Flor.

"Ate, tapos na po 'yong niluluto." Sabi ko.

"Maraming salamat po talaga, ma'am,"

I smiled at her. "Walang anuman po,"

---

Mabilis lumipas ang isang linggo at napakaraming nangyari. Isa na roon 'yong isang araw na umalis ako at noong pag-uwi ko ay nakita kong mayroong pasa si Aislinn sa kaliwang braso niya, at ang sabi niya sa akin ay nasagi lamang siya sa pader kaya nagkaroon ng pasa. Pero kilala ko ang anak ko, hindi siya basta basta nagkakaroon ng pasa.

At habang tumatagal ay papangit nang papangit ang ugali ng mommy ni Xzavier. Minsan nahuhuli kong sinisigawan niya ang kambal. Pinagsasabihan niya rin ang mga ito ng mga masasama at masasakit na salita.

"Huwag na kayong lalabas ng kuwartong ito, okay? Dito na lang kayo manood at maglaro." Bilin ko sa kanila.

Simula noong pangyayari na iyon ay pinalipat ko na silang dalawa sa kuwarto namin ni Xzavier dahil mayroon namang TV doon na pwede nilang gamitin.

"Mama, alis na po tayo dito.." wika ni Ainsley habang nakayakap sa akin.

"Kaunting tiis na lang mga anak, makakaalis na rin tayo sa bahay na ito." Sabi ko pero hindi ko alam kung kailan.

"Mama, I'm hungry na po.." ani Aislinn.

Bumitaw muna ako sa kanila at bumaba na sa kama. "Wait me here, ikukuha ko kayo ng pagkain."

Habang pababa ako ng hagdan ay nakita kong may kausap sa phone ang mommy ni Xzavier. Hindi ko sana iyon papansinin kaso parang may nag-udyok sa akin na lapitan siya at makinig sa pinag-uusapan nila noong kausap niya.

"Oh c'mon! Wala naman talaga akong sakit. I used that for an excuse para mag-stay rito sa bahay si Xzavier but may project siya sa Italy kaya wala siya rito ngayon." Para akong naestatwa sa narinig ko.

Bakit niya nagawang magsinungaling sa anak niya para lang manatili ito kasama niya? Ano na lang ang magiging reaksiyon ni Xzavier kapag nalaman niyang niloloko lang siya ng sarili niyang ina?

"See you later, bye!" Saka lang ako nabalik sa ulirat nang marinig ko ang boses niya.

At nang pagharap niya ay kitang-kita ko kung paano dumaan ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako.

"Wala po kayong sakit?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "So, all this time pinepeke niyo lang 'yong sakit niyo?" Hindi ako makapaniwala sa kaniya.

"Wala kang pagsasabihan ng nalaman mo, lalong-lalo na kay Xzavier." Banta nito.

"Hindi naman po yata tama 'yon. Hindi lang po kami ang niloloko niyo eh, pati na rin po si Xzavier na anak ninyo." Sagot ko.

"Where are you going?" Hinawakan niya ang braso ko upang pigilan ako.

"Tatawagan ko po si Xzavier para malaman niyang nagsisinungaling po kayo." Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya.

"Elara! Come back here!" Sigaw niya at hinabol ako sa hagdan.

"Bitawan niyo po ako! Kailangang malaman ni Xzavier ang totoo." Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero bawat pagtanggal ko ay mabilis ulit niyang kinakapit sa akin.

"At sa tingin mo hahayaan kitang gawin 'yan? No! Never!" Sigaw niya. "Si Xzavier na lang ang mayroon sa akin tapos kukunin niyo pa?!" Ha?

"Anong kukunin? Hindi po namin kinukuha sa inyo si Xzavier." Mahinahong sabi ko. "Please po, bitawan niyo na po ako," paki-usap ko ngunit marahas siyang umiling.

"No!" Sabi niya at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa akin.

"Bitawan niyo na po ako, nasasaktan na po ako!" Buong puwersa kong tinanggal ang kamay niya na sana hindi ko na lang pala ginawa.

Kitang-kita ko kung paano siya gumulong pababa. Gusto kong humakbang para puntahan siya kaso hindi ko magawang maihakbang pababa ang mga paa ko.

"I'm home!" Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Xzavier. "Mom!" Mabilis niyang nilapitan ang mommy niyang walang malay.

"Elara, what did you do?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito sa akin.

"X-Xzav, h-hindi ko sinasadya..." umiiyak na sabi ko at sa wakas ay nagawa ko na ring ihakbang ang paa ko. "I-It was an accident, Xzav, please maniwala ka sa akin," inilihis niya ang braso niya nang akmang hahawakan ko siya.

"Hindi ko alam kung mapapatawad kita kapag may nangyaring masama kay mommy." Walang emosyong sabi niya saka binuhat na paalis ang mommy niya.

Nanlumo ako sa narinig ko at hinayaan na lang ang sariling umiyak. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko naman intensyon na gawin 'yon eh, aksidente lang 'yong nangyari. Pero bakit sa mata ni Xzavier kanina parang sinisisi niya ako sa nangyari sa mommy niya?

"Mama!" Mabilis kong pinahid ang luha ko at inayos muna ang sarili bago harapin si Ainsley.

"Anak, sorry hindi pa nakakakuha ng pagkain ang mama," sabi ko saka pilit na ngumiti.

"May tumatawag po sa 'yo," sabay abot sa akin ng cellphone ko.

["Ate.."] bungad agad ni Arnold.

"Hello? Bakit? Kumusta si mama?" Sunod-sunod na tanong ko.

["Wala na si tita, ate..."]

"Ha? A-Ano? Anong wala?" Nagsimula na namang nanubig ang mata ko.

["Inatake siya sa puso kanina,"] sagot nito.

"Mama, bakit ka po umiiyak?" Lumuhod ako atsaka niyakap si Ainsley.

["Ibaba ko na ito, ate. Tutulungan ko pa si mama mag-asikaso ng burol ni tita."] Hindi ko na nagawang sagutin pa si Arnold dahil sa aking pag-iyak.

Pagkaputol ng tawag ay ibinaba ko sa sahig ang cellphone ko at umiyak nang umiyak habang nakayakap ako kay Ainsley.

"Wala na ang mama-lola, 'nak..." hikbi ko.

"Nasaan na po siya?" Inosenteng tanong niya.

"She's with papa God na." Humiwalay na ako sa kaniya saka nag-ayos na ng sarili. "Mag-impake na kayo at uuwi tayo ngayon doon." Utos ko.

"Aislinn, tulungan mo ang kapatid mong mag-impake, uuwi tayong probinsya." Hindi naman na siya nagtanong kung bakit kaya kinuha ko na 'yong maliit kong maleta at sinimulan nang mag-impake.

Wala pang ilang minuto ay natapos na akong mag-impake at sakto rin ang pagpasok ng kambal sa kuwarto.

"Tapos na po kami, mama." Sabay na sabi nila.

"Let's go." Pag-aaya ko.

Pero bago muna kami umalis ay kumuha na lang ako ng tinapay at biscuit na kakainin ng kambal. Nasa kusina lahat ng katulong kaya naman hindi nila malalamang aalis kami.

"Ito na lang muna ang kakainin niyo ha?" Tumango naman sila.

Paglabas namin ng gate ay agad na akong nagpara ng taxi.

"Sa bus terminal po tayo." Sabi ko sa driver.

"Mama, naka-uwi na po ba si papa?" Maya-mayang tanong ni Ainsley.

"H-Hindi pa... bakit?" Pagsisinungaling ko.

"Parang narinig ko po kasi siya eh," aniya.

Patawad kung sa pangalawang pagkakataon ay ilalayo ko kayong muli sa papa niyo.

–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top