Chapter 26
Kaninang alas nuebe pa ako narito sa sala habang hinihintay ang pag-uwi ng mommy ni Xzavier. Magti-twelve na pero wala pa rin siya.
Sa gitna ng paghihintay ko ay napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Si Xzavier.
["Bakit gising ka pa?"] Bungad na tanong nito.
"I can't sleep," I lied.
["Why?"]
"I don't know. How 'bout you, what are you doing right now?" Tanong ko rin.
["Going back to my suite. Katatapos lang kasi ng meeting namin."] Sagot naman niya. ["It's getting late, matulog ka na,"]
"Okay, sige. Ingat ka riyan, hmm? I love you." Ani ko.
["I will. I love you too."] Pagkaputol niya ng linya ay saktong bumukas ang pinto at pumasok doon ang mommy ni Xzavier.
"Ma, saan po kayo galing?" Halatang nagulat siya nang makita ako.
"It's none of your business. And please don't call me 'Ma'." Inirapan niya ako at saka umakyat na.
I sighed. "Okay, Elara. Calm down, mommy siya ni Xzavier." Pagpapakalma ko sa sarili ko.
Tumungo muna ako sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos ay umakyat na ako at tinungo na ang kwarto ng kambal. Sa kanila muna ako matutulog 'di bale at malawak naman ang kama nilang dalawa kaya kasya pa ako roon.
Sa tabi ako ni Ainsley pumwesto at hinalikan muna silang dalawa sa noo bago mahiga at natulog na.
Kinaumagahan ay nagising na lamang ako nang maramdaman ang mga halik ng kambal.
"Rise and shine, mama!" Ainsley said.
"Good morning, how's your sleep?" Tanong ko sa kanila.
"Maayos naman po," sabay nilang sagot.
Inaya ko na silang dalawa sa banyo upang makapaghilamos na. At pagkatapos noon ay sabay na kami bumaba upang makapag-almusal na. Masigla naman nilang binati ang mga maid na naroon.
"Kumain na po ba kayo?" Tanong ni Ainsley sa mga katulong.
Magsasalita na sana 'yong isa nang may magsalita sa likuran namin kaya naman sabay naming nilingon 'yon. It's Xzavier's mom.
"Sa bahay na ito, hindi ko pinapayagang sumabay kumain ang katulong sa kanilang amo." Walang emosyong sambit nito. Yumuko na lang ang mga ito saka naglakad paalis.
Tahimik ko na lang pinaghila ng upuan ang kambal at pinaupo na sila bago sandukan ng pagkain.
"Good morning po, lola," masiglang bati ni Ainsley sa kaniya ngunit tinaasan niya lamang ito ng isang kilay at inirapan.
Nagkunwari na lamang akong hindi nakita 'yon nang tumama ang tingin niya sa akin.
"Uhmm... Ainsley, eat your food na." Ani ko rito.
Si Aislinn ay wala nang problema dahil tahimik na itong kumakain.
"Elara," tawag sa akin ng mommy ni Xzavier.
"Y-Yes po?"
"Samahan mong mag-grocery mamaya si Anna para naman may ambag ka sa pamamahay na ito." Napakagat naman ako ng labi ko at tumango.
Mabilis ko na lang tinapos ang pagkain ko at nilagay na ito sa lababo. Naunang natapos kumain ang kambal kaya hayun at naroon na sila sa sala nanonood.
"Anna," tawag ko nang makasalubong ko siya.
"Bakit po, ma'am?" Magalang namang tanong niya.
"Anong oras ka aalis?" Tanong ko rito.
"Maya-maya po, bakit po?"
"Sasamahan na kita," nanlaki naman ang mata niya.
"Naku! Huwag na po," iling niya.
Ngumiti na lamang ako. "Iyon ang utos ni Ma'am Elena mo," ani ko.
"G-Ganoon po ba?" Tumango naman ako.
"Sabihan mo na lang ako kung aalis ka na, hmm?" Tumango na lang siya saka nagpaalam na may gagawin muna.
Umakyat na muna ako sa taas para maligo.
"Mama, saan ka po punta?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Aislinn sa harapan ko.
"Sasamahan ko lang saglit si Ate Anna na mag-grocery," sagot ko.
"Mabilis ka lang po ha?" Ginulo ko naman ang buhok niya saka nakangiting tumango.
"Anong gusto mong pasalubong?" Nakangiting tanong ko rito.
"Chocolate!" Masiglang sagot niya.
"Okay, noted. Basta behave lang kayo rito habang wala ako, okay?" Tumango-tango na lamang siya.
Matapos akong magbihis ay bumaba na ako ng hagdan at saktong nasalubong ko si Anna na nakabihis na rin.
"Anna!" Pareho kaming napatingin sa taas nang tawagin si Anna ng mommy ni Xzavier.
Nagpaalam muna siya sa akin kaya naman tumango na lang ako at pinuntahan muna ang kambal na naroon ngayon sa kusina.
"Paglaki ko po turuan mo po akong lutuin 'yan ha?" Natawa ako nang mahina nang marinig ang boses ni Ainsley. Kahit kailan talaga itong batang ito.
Nang tignan ko naman si Aislinn ay tahimik itong naka-upo habang pinapanood ang kaniyang kapatid na kinukulit si Manang Luisa. Sobrang tahimik niya unlike kay Ainsley na sobrang daldal.
"Kambal.." tawag ko sa kanila. Sabay naman silang napatingin sa akin.
"Aalis ka na po?" Tanong ni Aislinn.
"Saan ka po pupunta?" Tanong din ni Ainsley habang nakakunot ang noo.
"Sasamahan kong mag-grocery si Ate Anna," sagot ko.
"Pwede pong sumama?" Tanong niya ulit. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Aislinn.
"Huwag ka na sumama, Ley. Hindi na tayo bibilhan ng pasalubong ni mama," wika niya sa kapatid.
"Okay," ngumiti ako at kasabay noon ay ang pagpisil ng pisngi nila.
Thank, God at binigyan mo ako ng ganito kababait na mga anghel.
Tinawag na ako ni Anna kaya humalik muna ako sa kambal bago umalis. Ilang oras lang naman ang biyahe papuntang mall kaya mabilis lang kaming nakarating.
Binigay niya sa akin 'yong listahan ng bibilhin at siya na mismo ang nagprisintang magtutulak ng push cart.
"Anna, pwede ba akong magtanong?" Ani ko habang nakasunod siya sa likuran ko.
"Ano po 'yon, ma'am?" Tanong naman niya.
"Matagal ka na bang nagtatrabaho roon sa mansion?" Tanong ko.
"Opo, dalawang taon na po ako roon." Sagot naman niya.
"Sa dalawang taon na 'yon, ganoon na ba ang trato sa inyo ng mommy ni Xzavier?" Tanong ko pa.
"Opo. Kung minsan nga po ay pinagmamalupitan niya kami kapag nakakagawa kami ng kaunting pagkakamali," napagsinghap naman ako.
"Bakit hindi niyo sabihin kay Xzavier? Hindi naman na po tama 'yon." Usal ko.
"Gustong-gusto po naming sabihin kay sir kaso ayaw po naming mawalan ng trabaho. Mahirap pong makahanap ng bagong trabaho ngayon eh." Sagot naman niya. Well, she has a point pero hindi dapat nila hinahayaan na sinasaktan sila ng amo nila.
Pilit na lang akong ngumiti at hindi na lamang nagsalita pa. Nang mabili na namin lahat ay pumunta na kami sa cashier upang bayaran ang pinamili namin.
"M-Ma'am, p'wede po bang kayo na lang muna ang magdala niyan lahat sa sasakyan? May pinapabili pa po pala sa akin si Ma'am Elena eh," hindi na ako nakasagot dahil nagmamadali na siyang umalis. Napatingin naman ako sa limang paper bag na naroon. I can't carry all of these.
Nang makapag-bayad na ako ay naki-usap ako sa isang bagger na ihatid ako papuntang parking lot.
"Thank you so much po." Sabi ko rito nang maipasok ko na sa loob ng sasakyan 'yong mga paper bags.
"Walang anuman po, ma'am." Aniya at tinulak na palayo ang push cart.
Habang hinihintay kong dumating si Anna ay bumali muna ako ng donut para may meryenda mamaya ang kambal.
Pagka-uwi namin ng bahay ay agad akong sinalubong ng kambal. Kumunot naman ang noo ko nang makitang namumula ang pisngi ni Ainsley.
"What happened to your cheek?" Tanong ko rito.
"Uhmm... mosquito bite po," mosquito bite? Eh bakit parang sampal?
"Ainsley, tell me the truth." Maotoridad na sabi ko.
"That's the truth, mama," hindi pa rin ako kumbinsido eh.
"Saan na po 'yong chocolate namin?" Nakangiting sambit ni Aislinn habang nakalahad ang kaniyang kamay.
Hinila ko na lamang sila patungong kusina para kunin doon ang chocolate na binili ko para sa kanila.
"Wow! Thank you, mama!" Nagtatalong sambit nila.
"Tara na sa sala at doon muna kayo habang nagbibihis ang mama," nang maka-upo sila sa sofa ay kinuha ko ang remote at binuksan ang TV.
Saglit ko ulit silang tinignan bago umakyat at pumunta na sa kuwarto para maka-bihis na. Habang kumukuha ako ng damit sa closet ay napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Itinigil ko muna ang ginagawa ko para tignan kung sino 'yong tumatawag.
"Hello, Arnold? Napatawag ka?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya nang masagot ko ang tawag.
["Si tita... dinala ulit namin sa hospital kanina lang kasi nawalan ulit siya ng malay habang nagsi-serve sa customer niya,"]
"Bakit niyo hinayaang magtrabaho siya? Kalalabas niya lang ah?" Ani ko. Gusto kong umuwi kaso hindi p'wede.
["Ilang beses na siyang pinagsabihan ni mama kaso mapilit siya eh, palagi niyang sinasabi na kaya na niya,"] I took a deep sigh. Si mama talaga napaka-pasaway.
"P'wede ko ba siyang maka-usap?" Gusto ko siyang pagalitan.
["Natutulog pa siya Ate, eh.."] sagot naman niya.
"Sige, tawag ka na lang ulit mamaya kapag gising na siya," sabi ko na lang.
["Sige, ate.."]
Matapos ang tawag na iyon ay muli na namang tumunog at si Xzavier naman na ang tumatawag.
"Hello?" Sagot ko.
["Next, next week na ang uwi ko,"]
"Huh? Bakit?" Tanong ko.
["May ilan pa kaming hindi nami-meet dahil may business trip sila sa ibang bansa,"] ibig sabihin matatagalan pa bago kami maka-uwi ng kambal sa probinsya?
"Ganoon?" Malungkot na saad ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
["I miss you too, hon. May utang kang five rounds pag-uwi ko, okay?"] Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa sinabi niya.
"Puro ka talaga kalokohan eh," ani ko.
["I got to go. I love you!"] Sasagot na sana ako nang bigla itong maputol. The heck? Hindi man lang niya hinintay 'yong response ko.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top