Chapter 24
Simula noong maka-uwi kami ng bahay ay hindi pa rin maalis sa utak ko 'yong kanina. Bakit siya ganoon? Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin kanina ah? Pero bakit noong umalis si Xzavier ay bigla na lang naging iba 'yong trato niya sa akin?
"Hey, are you okay?" Nabalik ako sa huwisyo nang hawakan ni Xzavier ang magkabilang balikat ko.
Peke akong ngumiti at tumango. "Yeah, I'm okay." I answered.
"You sure? Kanina ka pa kasi tahimik eh," ani pa nito.
"Ano ka ba, okay lang ako 'no!" Ani ko at pilit na tumawa.
"Okay, let's sleep na." Saad niya sabay halik sa labi at noo ko.
---
Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman kong wala na si Xzavier sa tabi ko. Inayos ko muna ang higaan bago magtungo sa banyo.
Bago ako bumaba ay dumaan muna ako sa kuwarto ng kambal upang i-check sila. Napangiti ako nang makitang himbing na himbing pa rin sila sa pagtulog.
"Good morning, hon," hinalikan ko sa pisngi si Xzavier.
"Good morning too, hon," he greeted back.
"Nga pala, hon, doon muna kayo pansamantala sa bahay ni mommy," maya-mayang sabi niya.
"H-Huh? Bakit?" Tanong ko.
"Sa Thursday pupunta kami ng Italy para sa malaking project namin. Don't worry, one week lang naman kami roon," saad niya. One week? Lang? Ang tagal na noon para sa akin.
"S-So, kailan kami pupunta roon?" Utal na tanong ko.
"Bukas, ihahatid ko kayo roon." Sagot niya. "At sana 'pag balik ko ay close niyo na ang isa't-isa," pilit na lang akong ngumiti. That won't gonna happen, Xzav.
"Gisingin ko muna 'yong kambal," tumayo na ako hindi na hinintay 'yong response niya.
Pagpasok ko sa kuwarto ng kambal ay naupo ako sa kama ni Ainsley. Nakatulala lamang ako sa kawalan nanb maramdaman kong may yumayakap sa akin.
"Good morning, mama! Bakit ka po sad?" Tanong nito.
Ngumiti naman ako. "Good morning, my angel. No, hindi sad ang mama," saad ko.
"Are you sure po?" Tumango naman ako.
"Let's wake up your sister para makapag-almusal na tayo." Dali-dali naman siyang bumaba sa kama niya at lumundag sa kama ni Aislinn.
"Linn, wake up! Breakfast is ready," paggising nito sa kapatid.
"Ley naman eh, I want to sleep pa eh," she said while pouting. Aww, such a cutie!
"Mama's here, wake up na," ani Ainsley.
Dahan-dahan namang bumangon si Aislinn.
"Good morning, mama," nakapikit pang bati niya sabay hikab.
Lumipat ako sa puwesto nila at saka parehas silang niyakap.
"Nasabi sa akin ng papa niyo na pupunta raw tayo bukas sa bahay ng lola niyo," sabi ko sa dalawa.
"Talaga po?" Tila nagningning ang mga mata nila.
"Yes," nakangiting sagot ko.
Siguro isasawalang-bahala ko na lamang 'yong nangyari kahapon, baka pagod lang siya kaya ganoon.
Sabay na kaming tatlong bumaba ng hagdan at tumungo ng kusina.
"Wala ka bang pupuntahan?" Tanong ko kay Xzavier.
Nilunok niya muna 'yong basa bunganga niya bago magsalita.
"Kailangan ulit ako sa office para nga roon sa project namin sa Italy," sagot niya, tumango-tango naman ako.
Nang matapos kaming kumain ay ako na mismo ang nagprisintang maghuhugas ng mga pinagkainan namin.
"Ako na, maligo ka na roon at 'di ba ang mo aalis ka?" Sabi ko kay Xzavier.
He sighed. "Okay, fine. I love you," saka pinatakan ako ng halik ang aking labi.
---
["So, kumusta naman ang pagkikita niyo ng nanay niya?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya.
Kausap ko siya ngayon at nasabi ko na rin sa kaniya 'yong pagkikita namin ng mommy ni Xzavier, but except doon sa isa.
"Maayos naman... mabait naman siya," sagot ko.
["Close na kayo? Naks naman!"] How I wish, lol.
"Hmm... medyo," ani ko saka mahinang tumawa.
["Awie! Eh anong tawag mo sa kaniya?"] Tanong pa niya.
"Wala, nahihiya akong tawagin siyang mommy or mama," sagot ko.
["You know what, kung katabi lang siguro kita baka nabatukan na kita."] Natawa naman ako.
"Bye na nga, tatawagan ko pa si mama eh," paalam ko.
["Okay, sige. Ikumusta mo ako sa kaniya, ha?"]
"Oo na, sige na," nag-bye na siya kaya pinutol ko na ang linya at saka dinial na ang number ni mama.
Matagal pa muna bago niya ito sagutin.
"Hello, ma? Bakit ang tagal mong sagutin?" Tanong ko agad nang masagot niya ito.
["Hello, ate?"] Nagtaka naman ako nang si Arnold nang sumagot.
"Arnold? Bakit nasa iyo ang cellphone ni mama?" Tanong ko.
["Nandito siya sa hospital ngayon, ate eh,"]
"Ano?! B-Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" Sunod-sunod na tanong ko.
["Dadalhan ko sana siya ng niluto ni mama na palabok kaso naabutan ko siya na nakahiga sa sahig kaya nagmamadali akong kinuha ang tricycle para madala siya sa hospital."] Mahabang litanya niya.
"A-Anong balita? Bakit daw siya nag-collapse?" Naiiyak na tanong ko.
["May tubig sa baga ni tita, ate,"] bigla akong nanlumo sa narinig ko.
"P-Papaano?" Naguguluhang tanong ko.
["Ang sabi ng doctor baka nakuha niya raw ito dahil sa pawis kasi nabanggit ko na may karinderya si tita,"] sagot niya.
"Okay na ba siya?" Tanong ko.
["Opo ate, nagpapahinga na lang siya ngayon,"] sagot naman niya.
"Sige, salamat. Kakausapin ko si Xzavier mamaya para maka-uwi kami diyan." Sabi ko sabay putol sa linya.
"Mama? Bakit ka po umiiyak?" Mabilis kong niyakap si Aislinn at doon umiyak. Mas lalo naman akong naiyak nang maramdaman kong tinatapik niya ang likod ko.
At saka lang ako humiwalay sa kaniya nang mahimasmasan ako.
"Sino po umaway sa 'yo?" Halata sa tono niyang galit siya.
Natawa naman ako. "Walang umaway sa mama, anak,"
"Then, why are you crying?" Tanong niya.
I shook my head. "Wala ito, 'nak, may nabasa lang si mama na nakaka-iyak." Palusot ko.
"Bakit ka nga pala narito? Akala ko ba maliligo kayo?" Tanong ko.
"Sasabihin ko po sana sa 'yo na gawan mo po kami ng meryenda," she giggled.
Ginulo ko naman ang buhok niya. "Okay, isusunod ko na lang doon," tumango na lang siya at tumakbo na papunta sa likod ng bahay.
Inayos ko muna ang sarili ko bago tumungo ng kusina para magawan na ng pagkain 'yong dalawa.
"Twins, here's your food na," tawag ko sa dalawa.
Napa-wow na lang ako nang makita pareho silang naka-swim suit.
"Grabe naman itong mga anak ko, nasa bahay lang naman pero naka ganiyan pa," humagikgik na lang sila pareho.
Pinanood ko na lamang silang kumain hanggang sa maubos nila lahat ng sandwich na ginawa ko. Nilagay ko muna sa lababo 'yong platong ginamit bago bumalik ulit sa puwesto ko.
"Ligo kayo nang ligo sa pool, iitim na kayo niyan," sabi ko habang pinapatuyo ang buhok ni Aislinn.
"Okay lang po, masaya naman pong maligo eh." Sagot naman ni Ainsley.
"Oo nga po, tsaka babalik din lang naman po 'yong kulay namin kapag umitim kami eh," pag sang-ayon ni Aislinn.
"Kayo talaga," mahina kong kinurot ang pisngi nila.
---
"Xzavier, may sasabihin sana ako..." panimula ko.
"Ako rin, pero ikaw muna," saad niya.
"Sabay na kaya tayo?" Ani ko, tumango na lang siya.
"May cancer si mommy."
"May tubig ang baga ni mama." Pareho kaming nabigla sa sinabi ng isa't-isa.
"What?" Sabay na tanong namin.
Kung may sakit din ang mommy niya, ibig sabihin kailangan kong i-risk si mama para bantayan ang mommy niya at para matuloy siya sa Italy?
"A-Ako na ang bahala sa mommy mo," ani ko.
"How about your mother? Sinong mag-aalaga sa kaniya?" Tanong niya.
"Huwag kang mag-alala, naroon naman sina Arnold eh sila na muna ang bahala kay mama," sagot ko.
"Sigurado ka?" Pilit naman akong ngumiti saka tumango.
"Oo naman!" Sabi ko.
Sorry, ma. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top