Chapter 23

"Xzav, I'm nervous.." ani ko habang nakatingin sa mataas na gusaling nasa harap namin.

Kanina pa kami nakarating pero narito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Buong buhay ko, never ko pang na-meet ang mommy ni Xzavier. Ngayon pa lang talaga.

Napatingin naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Pangpalubag-loob niya.

Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata na kinakabahan pa rin ako.

"Let's go?" Huminga muna ako nang malalim bago tumango.

Nakasunod lang ako sa likod ng tatlo habang papunta kami sa lobby nitong hospital.

"Anong room number ni Elena Ventorina?" Rinig ko tanong niya sa nurse.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong naman noong nurse.

"She's my mother." Sagot naman ni Xzavier

"Nasa room 307 po siya, third floor po," nag-thank you na lang kami roon sa nurse bago puntahan ang room ng mommy niya.

Sumakay na kami ng elevator para mas mapabilis ang papunta namin sa third floor. Kung ano-ano ang ginagawa ko sa loob ng elevator para lang mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa kamay ko nang maramdaman kong hinawakan iyon ni Xzavier.

"I told you na huwag kang kakabahan hangga't kasama mo ako." Aniya. Eh paano ba? Hindi ko maiwasang kabahan eh.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami sa floor na pupuntahan namin.

Dahil hawak ni Xzavier ang kamay ko ay nagpatianod na lamang ako sa kaniya palakad. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kuwarto ng mommy niya.

Pagpasok namin sa loob ay nakita naming hinahanda na ng mga nurse ang gamit niya habang naka-upo naman siya sa hospital bed.

"Mom, we're here," pang-agaw atensyon ni Xzavier sa mommy niya.

"I'm glad that you're here na," ani nito saka nalipat sa amin ang tingin nito. "Oh, hi..." Baling nito sa amin.

"Hello po!" Bati ng kambal sa kaniya.

"Sila na ba 'yong mga apo ko?" Tanong nito kay Xzavier.

"Yes, mom. This is Ainsley and Aislinn," pakilala nito sa kambal. "Twins, go hug your lola," mabilis naman sumunod ang kambal sa sinabi ni Xzavier.

"Aww, they're so lovely!" Natutuwang sambit ng mommy ni Xzavier.

"Lapitan mo na rin siya," bulong sa akin ni Xzavier.

Dahan-dahan naman akong lumakad palapit sa kanila.

"Mom," pagtawag ulit niya sa ina. "This is Elara, the mother of my twins." Ani Xzav.

"Nice to meet you, Elara." Inabot niya ang kamay ko at hinila upang mayakap ako.

Bigla namang gumaan ang loob ko dahil sa yakap niya. Phew! Akala ko talaga susungitan niya ako.

"Uhmm, o-okay na po ba pakiramdam niyo?" Utal na tanong ko.

"Yes, I'm totally fine!" Aniya.

"M-Mabuti naman po kung ganoon." Mahina naman siya tumawa.

"Why do you stutter?" Tanong nito.

Bakit nga ba? Mabait naman siya sa akin ah.

"Baka natatakot sa 'yo, mom," sabat ni Xzavier saka tumawa, tinignan ko naman siya nang masama.

"Why? Hindi naman ako nangangain eh," ika ng mommy niya dahilan upang mas matawa si Xzavier.

"Ah... ang akala ko po kasi masungit kayo eh," sagot ko.

"What? Sinong nagsabi niyan?" Natatawang tanong niya. "Yes, I'm strict pero hindi naman ako masungit." Dagdag pa niya.

Ngumiti na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.

---

Tinatahak na namin ngayon ang daan pauwi sa bahay ng mommy ni Xzavier. Nasa passenger seat pa rin ako samantalang nasa backseat naman siya kasama ang kambal.

"We're here." Agad nang nagpark si Xzavier sa harap ng malaki ang magandang bahay.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mamangha. Mas malaki ito kumpara sa bahay ni Xzavier.

Ako na ang umalalay sa mommy niya samantalang siya naman ang nagdala ng mga gamit ng mommy niya.

"Dito na lang muna ako sa sala dahil gusto ko pang makipag-kulitan sa mga magaganda kong apo." Aniya at tinawag ang kambal.

Iniwan ko muna sila roon at pinuntahan si Xzavier sa kusina.

"Ang laki po ng bahay niyo, lola!" Dinig ko pang sambit ni Ainsley bago ako tuluyang makapasok sa kusina.

"Kahit kailan talaga napaka-daldal ng anak mo," tinabihan ko si Xzavier na nagbabalat ng mansanas.

"Sino sa kanila?" Tanong niya.

"Si Ainsley, alam naman nating pareho na sobrang mahiyain si Aislinn eh." Sagot ko.

Kumuha na rin ako ng kutsilyo para ako na ang maghiwa ng mga mansanas na nabalatan niya na.

"Ako na ang magdadala nito roon," prisinta ko.

Hinintay ko muna 'yong isang mansanas na hinihiwa ni Xzavier bago ko tuluyang dalhin sa sala.

Pagpalapag ko sa lamesa sa harap nila ay bumalik agad ako sa kusina.

"Bakit ka bumalik dito? Don't tell me natatakot ka pa rin kay mommy?" Hinampas ko naman ang dibdib niya.

"Hindi na 'no! Hinahayaan ko munang makapag-bonding silang tatlo." Sabi ko.

"Is that so?" Nakangising sambit niya.

"Oo nga!" Ani ko.

"Gusto mong maglibot?" Tanong niya, tumango naman ako.

Una naming pinuntahan ay 'yong garden ng mommy niya. Mahilig pala siya sa mga bulaklak?

"Ano 'yong favorite flower niya?" Tanong ko kay Xzavier.

"Why?" Tanong niya rin pabalik.

"Basta! Ano nga?" Hindi na lang kasi sagutin agad eh.

"Pink rose." Sagot niya. "Bakit mo natanong?" Tanong niya pa.

"Secret!" Ang totoo niyan, gusto ko siyang bigyan ng paborito niyang bulaklak kapag may pera ako. Wala lang, gusto ko lang magpa-impress.

Sunod naman naming pupuntahan ay ang dati niyang kuwarto kaya naman dadaan kami sa sala at naroon pa rin ang kambal kasama ang kanilang lola.

"Hi mama, hi papa!" Bati sa amin ni Ainsley ang makita kami.

"Hello sweetie," bati rin pabalik ni Xzavier.

Pagpasok namin sa kuwarto niya ay bumungad agad sa akin ang malaking litrato ko. Wait...

"Iyan 'yong picture ko noong foundation ah?" Hindi ko pa siya kilala that time.

"You caught my attention kaya kinuhanan kita ng pictures that time." Sagot niya.

"Pictures? So marami?" Tanong ko.

"Uhm..." umiwas siya ng tingin.

"Umamin ka na, Xzav, bistong-bisto ka na nga eh," ani ko.

"Okay, okay, marami ka pang pictures sa akin pero naroon sila sa safe place." Sagot niya. "And, I used to be your secret admirer." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam ko naman na sa kaniya galing 'yong mga chocolates at flowers na nakukuha ko tuwing Valentine's.

"Grabe ka pala mabaliw sa akin dati ah," pang-aasar ko.

"Pero ngayon, ikaw na 'yong baliw na baliw sa akin?" Nawala naman ang ngiti ko.

"Panira talaga kahit kailan," bulong ko.

Naglilibot lang ako sa kuwarto niya nang may biglang tumawag sa kaniya.

"Papunta na ako." Dinig kong sabi niya bago lumapit sa akin.

"Saan punta mo?" Tanong ko.

"Kailangan ako sa site." Sagot niya saka pinatakan ako ng halik sa labi.

Sabay kaming bumaba ng hagdan at pagdating namin sa sala ay agad niyang nilapitan ang kambal.

"Aalis muna ang papa, okay? Mag behave lang kayo kay mama, hmm?" Bilin nito sa kambal.

"Noted po, papa!" Sabay na wika ng kambal.

"Good girls." Ginulo niya ang buhok ng dalawa at saka bumaling siya sa mommy niya.

"Mom, huwag kang magpapagod, okay?" Aniya. Tumango lang ito.

Hinatid ko palabas si Xzavier. "Take care." Ani ko.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako bumalik sa loob.

"Uhm, samahan ko na po kayo sa kuwarto niyo," alok ko.

"No thanks." Walang emosyong sambit niya. "Rose!" Tawag niya sa isa yata niyang katulong.

"Po, ma'am?" Hingal na tanong nito.

"Samahan mo ako sa kuwarto ko." Utos nito.

At bago pa man sila umalis ay tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Labis akong nagulat sa trato niya sa akin ngayon.

Akala ko hindi siya tulad noong iniisip ko sa kaniya kanina. So, ibig sabihin hindi totoo 'yong pinapakita niya sa akin kanina?

–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top